Panitikan sa Matandang Panahon (Bago ang Kastila) Grp.1 : Kit Agad, Ed Barroga, CamilleCarreon, Criza Calabon, Rheena Dampil,Therese Gayagoy, Erika Juanson, Al’ya Sarmago 10 - Acacia Kapaligirang Pangkasaysayan Sinasabi na noong unang panahon, nagkaroon ng iba’t-ibang migrasyon sa Pilipinas na siyang pinagmulan ng ating mga ninuno. Negrito o Ita Sila ang mga unang nanirahan sa Pilipinas. Sinasabing nakarating sila sa lugar na ito sa pamamagitan ng tulay na lupa. Sila ay nangaso at namitas ng mga bunga para mabuhay. Ang kanilang panitikan ay binubuo ng mga awitin at pamahiin. Indonesyo Ang mga unang sapit na Indonesyo ay mapuputi at manilaw-nilaw ang balat dahil may lahing Mongol at Kaukau. Sila’y marunong nang mamahay ng sarili, magtanim ng halaman at mangisda. Makalipas ang 4000 taon ay dumating naman ang ikalawang sapit na Indonesyo. Naiiba ang kanilang hitsura sa nauna at mas nakahihigit sa kalinangan. Sila ay may sarili nang sistemang pamahalaan, may mga hanapbuhay, marunong magluto ng pagkain at may dalang panitikan gaya ng epiko, kuwentong bayan, alamat, pamahiin at pananampalatayang pagano. Sinasabing sila ang mga ninuno ng mga Ipugaw. Malay Tatlong pangkat ng mga Malay ang nakarating sa Pilipinas. Dumating ang unang pangkat ng mga 200 taon bago namatay si Kristo at 100 taon pagkamatay ni Kristo. Sila ay nagdala ng kanilang pananampalatayang pagano at awiting panrelihiyon. Tumira sila sa kabundukan ng Luzon at naging ninuno ng mga Igorot, Bontok at Tinguanes. Dumating naman ang ikalawang pangkat mula 100 hanggang 1300 taon pagkamatay ni Kristo. May dala silang wika, alpabeto, awiting bayan, kuwentong bayan, mga alamat at mga karunungang bayan. Sila rin ang nagdala ng barangay at naging ninuno ng mga Tagalog, Bisaya , Ilokano at iba pa. Ang ikatlong pangkat ay mga Malay na Muslim. Nagdala sila ng epiko, alamat, kuwentong bayan at pananampalatayang Islam. Sa panahong ito ay nagsimula nang makipagkalakalan ang Pilipinas sa mga karatig-bansa nito. Dahil nagkaroon rin ng palitan ng kultura sa kalakalan, nagdala ito ng mga impluwensya sa panitikan. Intsik Dahil sa dalang wika kaya mahigit 600 salitang Intsik ang naging bahagi ng wikang Pilipino. Ilan sa mga ito ay: susi, mangkok, talyasi, kawali, kawa, bakya, tingi, Ingkong, Impo, bayaw, kuya, diko at sangko. Bumbay Sila ay nagdala ng pananampalatayang Bramanistiko at panitikang epiko, awiting bayan at liriko. Marami ring salitang Bumbay ang naging bahagi ng wikang Pilipino tulad ng guro, bansa, mukha, likha, hukom at dukha. Arabo at Persiyano Nagdala sila ng mga epiko, kuwentong bayan, dula at alamat. Layunin ng Panitikan libangan pagpapahayag ng damdamin pagpapaliwanag ng mga bagay, pinagmulan, pangyayari at iba pa Mga Akdang Lumitaw Ang mga akda noon ay nahahati sa dalawang uri: kuwento at tula. Naipasa ang mga ito sa iba-ibang henerasyon sa pamamagitan ng oral na tradisyon at pag-awit. Mga Kuwento ♥Alamat- mga kuwento na nagsasalaysay sa pinagmulan ng mga bagay, pook o pangyayari. hal. Alamat ng Bigas Alamat ng Bundok Kanlaon Mito- tulad ng alamat na nagsasalaysay ng mga pinagmulan ngunit gumagamit ng mga diyos at diyosa bilang tauhan. hal. Si Malakas at si Maganda Buwan at Araw Kuwentong Bayan- mga kuwentong naglalarawan ng mga kaugalian, pananampalataya at suliraning panlipunan ng mga katutubo. hal. Juan Tamad (Tagalog) Abunawas (Muslim) Epiko- tulang pasalaysay na karaniwang tungkol sa pakikipagsapalaran, katapangan at kabayanihan ng isang bayani. hal. Biag ni Lam-Ang (Iloko) Ibalon (Bikol) Maragtas (Bisaya) Bantugan (Maranaw) Tuwaang (Bagobo) Pabula- kuwentong gumagamit ng mga hayop bilang tauhan at naglalaman ng leksyong moral. hal. “Ang Gamu-gamo” Mga Tula Awiting Bayan- nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya at gawain o hanapbuhay ng mga taong nakatira sa isang pook. Sapuso ito ng ating mga katutubo. Sa katunayan, sila ay umaawit habang naglalayag, nagsasaka, nagkakatuwaan at nagluluksa sa patay. hal. Dalit- awit panrelihiyon na tungkol sa debosyon, paghingi ng tawad, pagpapagaling sa maysakit, paghingi ng kasaganahan sa buhay, bukid at dagat. Pumanaog, pumanaog Si Mansilatan sana Si Badla ay bababa Mamimigay ng lakas Pasasayawin ang mga Baylan Paligiran ang mga Baylan Diona- awit sa kasal Umawit tayo at ipagdiwang Ang dalawang pusong ngayo’y ikakasal Ang daraanan niyang landas Sabuyan ng bigas Kumintang- awit pandigma Ang nuno nating lahat Sa kulog ay hindi nasisindak Sa labanan, di naaawat Pinuhunan buhay, hirap Upang tayong mga anak Mabuhay nang panatag Halina at usigin Ang alikatya, mga haling Ipagtatanggol ang bukirin Ang mga anak natin Tayo naman may patalim Dugo’t buhay punuanin Kundiman- awit ng pag-ibig Noong unang panahaong ako’y bata pa Natitisod mo na’y di mo alintana Nang ako’y lumaki at maging dalaga Tila sa wari ko’y may pagbabanta ka Pagsinta mo sakin ay di ko tatanggapin Pagkat akong ito’y alangan pa sa tingin Ako’y mahirap, pangit pa sa tingin Bakit naman ngayo’y iyong iibigan? Oyayi- hele o awit na pampatulog ng sanggol Ili-Ili Ili, ili, tulog anay Wala diri imong nanay Kadto tienda, bakal papay Ili, ili, tulog anay Suliranin- awit sa pamamangka Hala, gaud tayo; pagod ay tiisin Ang lahat ng hirap, pag-aralang bathin Kahit malayo man kung ating ibigin Daig ang malapit na ayaw lakbayin Mga Karunungang Bayan Madalas nagpapalitan ng kaisipang-bayan ang mga katutubo sa kasal, piyesta, binyagan at burol. Bugtong- maikling tula na nagpapahula ng isang bagay sa pamamagitan ng paglalarawan Isang butil palay, Laganap sa buong bahay. – ilaw Bahay ko sa gulod, Iisa ang tukod. - kabute Salawikain- isang patalinhagang pahayag na ginagamit ng matatanda noon upang mangaral at akayin ang mga kabataan sa mabuting asal. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, Hindi makakarating sa pinaroroonan. Anak na hindi paluhain, Ina ang patatangisin. Kawikaan- patulang panunukso o panunudyo. Malakas nga ang loob, Mahina naman ang tuhod Ika’y isang lalaking matapang Huni ng tuko ay kinatatakutan Palaisipan- nasa anyong patula na humihingi ng kalutasan sa isang suliranin Sa isang kulungan ay may 5 baboy na inaalagaan si Mang Juan pero lumundag ang isa. Ilan ang natira? - 5 parin dahil lumundag lang naman yung isa Alibata Ang alibata ay ang sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Pilipino na binubuo ng alpabeto na may 3 pantig at 14 na katinig. Isinusulat ito ng pababa at binabasa mula kaliwa, pakanan. Dahil sa kawalan ng gamit pang-imprinta, ang mga katutubo ay gumamit ng matulis na kahoy bilang panulat at sumulat sa biyas ng kawayan, talukap ng niyog o bunga at mga dahon ng kahoy o saging. Sa kabila nito, ang mga naisulat sa makinis na bato ay siyang tumagal ng mahabang panahon. Ang sistema ng pagsulat na ito ay naging mahalaga upang magkaintindihan ang mga Pilipino na noo’y walang iisang wika. Mga Kilalang Manunulat Ang mga sinaunang akda ay kinikilala bilang pagmamay-ari ng grupo dahil ang mga ito ay nilikha at inawit nila bilang isang grupo.