Uploaded by Jenmuel Arlos

modyul9-180519002005

advertisement
Aralin 9
KATARUNGANG PANLIPUNAN
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos.
Balik-aral:
• Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang
isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at
pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
• Ang bolunterismo ay isang paraan ng paglilingkod
at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa
lipunan na hindi naghahangad ng anumang kapalit.
• Hindi lahat ng pakikilahok ay may aspekto ng
bolunterismo pero lahat ng bolunterismo ay may
aspekto ng pakikilahok.
Panimula
• Bilang panlipunang nilalang,
tayo ay may likas na
pangangailangan sa kapwa
lalo na sa panahon ng
kagipitan.
• Ito ay dahil ang tao ay umiiral
na kasama ang ibang tao;
isang ugnayan na dapat na
pinagyayaman ng
katarungan.
Ano ang katarungan?
• Ito ang pagbibigay sa kapwa ng nararapat
sa kanya.
• Ang tuon ng katarungan ay ang labas ng
sarili. Ito ay ang pagpapahalaga sa kaniyang
dignidad bilang tao.
• Ang pagkatao ay isang katotohanang
nangangailangan ng ating pagkilala at
paggalang. (Dr. Manuel B. Dy Jr.)
Ano ang katarungan?
• Ang katarungan ay batay sa pagkatao ng
tao.
• Ang pagiging makatarungan ay pagpapakita
ng pagmamahal bilang tao na namumuhay
kasama ang iba.
• Ang paninira sa ibang tao ay isa ring
paglapastangan sa iyong sariling pagkatao.
Ano ang katarungan?
• Ang katarungan ay isang
gawi na gumagamit lagi ng
kilos-loob sa pagbibigay
ng nararapat sa isang
idibidwal.
• Ang kilos-loob ay
magpapatatag sa iyong
pagiging makatarungang
tao. (Sto. Tomas de Aquino)
Makatarungang Tao
• Makatarungan ang isang tao kung ginagamit
nito ang kanyang lakas sa paggalang sa
batas at sa karapatan ng kapwa.
• Isinasaalang-alang din nito ang pagiging
patas sa lahat ng tao.
• Kailangan mong salungatin ang iyong
mismong sarili, ang ibang tao at ang mundo
sa hindi pagiging patas ng mga ito. (Andre
Comte-Sponville, 2003)
Pangunahing Prinsipyo ng Katarungan
• Ang makatarungang ugnayan ay umiiral
kung walang nang-aagrabyado sa isa’t isa.
• Bilang tao, karapatan ng bawat isa na
mamuhay nang hindi hinahadlangan ng iba.
Kung nilalabag ang karapatang ito,
mawawalan ng katarungan. Maari itong
magbunga ng gulo sa buhay ng mga
nasasangkot.
Nagsisimula sa Pamilya ang
Katarungan
• Ang pamilya ang unang
nagbibigay sa iyo ng kamalayan
tungkol sa katarungan.
• Dahan-dahang nahuhubog ang
iyong pagkatao sa paggabay ng
iyong mga mahal sa buhay.
• Nauunawaan mo na kapag
iginagalang mo ang mga
karapatan ng iba isinasaalangalang mo ang kabutihang
panlahat.
Katarungang Panlipunan
• Ito ang namamahala sa
kaayusan ng ugnayan ng
tao sa kaniyang kapwa at
sa ugnayan ng tao sa
lipunan.
• Inilalagay nito sa ayos
ang panlipunang ugnayan
ayon sa kraytirya ng
pagsunod sa batas
Katangian ng Katarungang Panlipunan
• Paggalang sa karapatan ng bawat tao
• Pagpapaliban sa pansariling interest
• Pagsusuri sa kabuuang sitwasyon
• Pagsasaalang sa kabutihang panlahat
Katarungang Panlipunan at Dignidad
ng tao
• Ang katarungang panlipunan ay kumikilala
sa dignidad ng tao.
• Ang bawat tao ay may dignidad dahil sa
kanyang pagkatao.
• May dignidad ang tao dahil mahalaga siya.
• Dahil mahalaga ang tao, makatarungan na
ibigay ang nararapat sa kanya.
TAKDA:
PAGPAPAHALAGA
• Paano magiging makatarungan ang
tao? Ipaliwanag
• Paano nagsisimula sa pamilya ang
pagiging makatarungan?
References:
• Edukasyon sa Pagpapakatao 9– Modyul para sa
Mag-aaral Unang Edisyon 2015 , DepEd
• https://s-media-cacheak0.pinimg.com/736x/4e/a2/3a/4ea23a120515a88b0
4aa82d531e6a49e.jpg
• https://thecord.ca/wpcontent/uploads/2014/08/Volunteerism-LenaYang.jpg
Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap.
NO ERASURES. Wrong Spelling Wrong.
1. Ito ang pagbibigay sa kapwa ng
nararapat sa kanya.
2. Ang pagkatao ay isang katotohanang
nangangailangan ng ating pagkilala at
paggalang ayon kay ________.
3. Ayon kay Santo Tomas de Aquino,
ang ______ ay magpapatatag sa
iyong pagiging makatarungang tao.
Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap.
NO ERASURES. Wrong Spelling Wrong.
4. Ang ______ ang unang nagbibigay
sa iyo ng kamalayan tungkol sa
katarungan.
5. Ito ang namamahala sa kaayusan ng
ugnayan ng tao sa kaniyang kapwa
at sa ugnayan ng tao sa lipunan.
SAGOT:
1.Katarungan
2.Dr. Manuel B. Dy Jr.
3.Sto. Tomas de Aquino
4.Pamilya
5.Katarungang Panlipunan
Download