“Ano ang Panitikan?” ARALIN 1 slidesmania.com Ano ang Panitikan? Mga Layunin slidesmania.com Layunin 1 Layunin 2 Layunin 3 Naipaliwanag ang mga konseptong may kaugnayan sa kahulugan ng panitikang Filipino; Natukoy ang kahalagahan ng panitikang Filipino sa pamumuhay ng bawat Pilipino; Naihambing ang tradisyunal na panitikan at kontemporaryong panitikan; at Layunin 4 Patuloy na naipakita ang pagpapahalaga sa panitikang Filipino. Ano ang Panitikan? slidesmania.com Panitikan slidesmania.com Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. slidesmania.com ❑Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang “pang-titik-an” na kung saan ang unlaping “pang” ay ginamit at hulaping “an” ❑Ang salitang “titik” naman ay galing sa Latin na “literature” (literature) slidesmania.com ❑Sa pagbabago ng morponemikong asimilasyong ganap, ang pang “pan” at kinaltas ang unang letrang “ti” sa titik at ito ay naging “Panitikan” slidesmania.com Mga tanyag na manunulat na may kanya-kanyang pagkakahulugan sa Panitikan slidesmania.com Ayon kay Sonquit (1982) - Ang panitikan sa kumbensyonal na pagkaunawa ay sumasaklaw sa iba’t-ibang anyo o sangay tulad ng tula, dula, maikling kwento, nobela at sanaysay slidesmania.com Ayon kay San Diego (1980) - Salamin ng kaparaanan ng pamumuhay ng mga Pilipino, ang katauhang Pilipino, ritmo ng buhay at ang katutubong pambansang pagkakakilanlan ng mga Pilipino . slidesmania.com Ayon kay Campos (1997) - Ang panitikang Pilipino ay hinggil sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika at pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino. slidesmania.com Ayon kay Hontiveros (1982) ❑ Ang panitikang alam ng nakararami ay ang panitikang Tagalog. Ito’y dahil sa dala ng pangyayaring Tagalog ang naging batayan ng wikang Pambansa. Kaya madalas ang panitikang Tagalog ay ipanagmamalaking panitikang Pambansa. slidesmania.com ❑ Ang paniniwalang ito’y mali dahil ang wikang Tagalog ay wikain ng mga tao sa katagalugan samantalang ang wikang Pambansa ay Filipino ❑ Ang panitikang Tagalog ay isang bahagi lamang ng panitikang Filipino. Dalawang Anyo ng Panitikan Tuluyan o Prosa slidesmania.com Ito’y pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng malayang pagsamasama ng mga salita sa pangungusap. Patula Ito’y pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga maaanyong salita sa mga taludtod na may sukat o bilang ng pantig at pagtutugma ng bawat salita sa hulihan ng bawat taludtod. Kahulugan ng Panitikan slidesmania.com 1. Ang panitikan ay pagpapahayag ng damdamin ng mga tao hinggil sa mga bagay- bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan, sa pamahalaan, at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang Lumikha. slidesmania.com 2. Ang panitikan ay ulat na nagpapakilala ng pagkukuro at mga damdamin ng lahi nito. Sa panitikan ng isang bansa mababakas ang mga kaisipan at mga bagay na nilulunggati, kinahuhumalingan o kinasusuklaman ng lahi nito. Ang pagbabago sa kabuhayan ng isang bansa ay nakaiimpluwensiya sa panitikan nito slidesmania.com 3. Panitikan ang tawag natin sa lahat ng uri ng pahayag – nakasulat man ito, binibigkas o kahit ipinahihiwatig lang ng aksiyon ngunit may takdang anyo o porma katulad ng tula, maikling kwento, dula, nobela, at sanaysay. slidesmania.com 4. Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Ang Panitikang Filipino slidesmania.com ❑ Pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdaming Filipino tungkol sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika at pananampalatayang niyakap ng mga Filipino. Bakit Mahalagang Pag-aralan ang Panitikang Filipino slidesmania.com 1. Upang makikilala ang kalinangang Filipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na katalinuhan ng lahing ating pinagmulan. 2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig dapat nating mabatid na tayo'y may dakila at marangal na tradisyon na ating ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang kulturang nakarating sa ating bansa. slidesmania.com 3. Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan at makapagsanay upang maging matuwid at maayos. 4. Upang makilala at magamit natin ang mga kakayahan sa pagsulat at magsikap na ito'y malinang at mapaunlad pa lalo. slidesmania.com 5. Ang pag-aaral ng iba't ibang panitikan ay nakapagpapalawak ng imahinasyon at nakapagpapabuti sa paraan ng pagbabasa at pagsusulat. 6. Ang pag-aaral ng panitikan ay nakatutulong upang mararanasan na makita ang buong mundo. slidesmania.com 7. Sinasalamin din ng panitikan ang pagkakaiba at pagkakapareho ng pamumuhay ng mga tao sa iba't ibang lugar. Binibigyan tayo nito ng kaalaman tungkol sa iba't ibang kultura, pinahuhusay din nito ang kakayahan natin sa pakikipag-usap sa iba. 8. Ang pagkamulat ng kamalayan sa pag-aaral ng panitikan ay naglilikha ng sariling paniniwala, opinyon at pananaw ng isang tao. Ang mahuhusay na akda ay tumutulong upang mapalawak ang karanasan ng isang tao. slidesmania.com 9. Dahil sa panitikan, nakapag-iisang damdamin ang tao sa kapwa at nagbibigay daan sa pag-unawa sa kung anuman ang kanilang nararamdaman sa isang sitwasyon o pangyayari. Ang panitikan ay parang isang mahabang tulay na nagdudurugtong sa sangkatauhan. slidesmania.com 10. Higit sa lahat, bilang mga Filipinong nagmamahal sa sariling kultura ay kailangang maipamalas ang pagmamalasakit sa ating sariling panitikan . Kontemporaryong Panitikan slidesmania.com ❑ Ang kontemporaryong panitikan ay tumutukoy sa uri ng panitikang modern o makabago. Ilan sa mga kilalang kontemporaryong panitikan ay yaong nakikita, nababasa at naririnig sa kultura o panitikang popular, na pinapalawig ng makabagong teknolohiya. slidesmania.com ❑ Nakapapahayag ng mga tunay na saloobin nang walang takot o pangamba ang tagapagsalita. ❑ Naging malikhain ang palabas sa radio dahilan ng pagkakaroon ng napakaraming genre at programa kasama na rito ang mga reality programs, fantaserye, anime atbp . Dahil sa kontemporaryong Panitikan: 1. Marami ang sumubok sumulat gamit ang sariling bernakular. Namulat ang mga Filipino sa kahalagahan ng wikang pambansa; slidesmania.com 2. Mas mayaman ang pinagkukunan ng paksang sinulat. Malaki ang impluwensiya ng agham at teknolohiya. Nagbabago ang mga wikang ginagamit; 3. Ang mga panitikan sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos walang kakimiang pagpapahayag ng tunay na damdamin ng mga makata; tulad ng: slidesmania.com a. kanilang mga tuwirang panunuligsa sa mga panunungkulang may tiwaling gawain; b. pagpuri sa mga nakagagawa ng kabutihan; at c. makabagong damdamin/emosyon na nararamdam. Ano ang anyo, hugis at kulay ng kasalukuyang panitikan? slidesmania.com ❑Ang wika sa kasalukuyang panahon ay chat, facebook, tweet, Instagram, blog, jejemon, unli, website, usb, e-mail, download, wifi, connect, burn, scan, cd atbp. slidesmania.com ❑ Sa kasalukuyan umunti na ang bilang ng mga panitikang Filipino na tumatatak sa mga utak ng mga Filipino, lalo na sa mga kabataan. Kadalasan ay galling Amerika o ibang bansa ang panitikang ginagamit ngayon. slidesmania.com ❑Mapapansin din ang pagbilis na paglaki ng kabataan, kasama narin dito ang mabilis na paglimot sa likhang gawa ng Filipino atbp. Maraming Salamat slidesmania.com