Filipino sa Humanidades, Agham Panlipunan, at Iba Pang Kaugnay na Larangan Nilalaman Panimula Estados Unidos hindi ipinagkait ang pagpapagamit ng kanilang wikang Ingles sa mga Pilipino ginamit nila itong (wikang Ingles) estratehiya upang ipakita ang kanilang pagmamalasakit sa mga Pilipino, sa bansa. Puspusan ang ginawa nilang pagtuturo, pagpapatanggap at pagpapagamit ng wikang Ingles sa mga Pilipino noong panahong nasa ilalim ng kanilang pamumuno ang bansa taliwas sa ginawa ng Espansya na tahasang ipinagdamot ang kanilang wika sa mga Pilipino. Ito ay isa sa mga dahilan kung bakit naging napakatanyag ng Ingles sa sistema ng edukasyon lalo na sa mga kolehiyo at mga unibersidad. Batay sa probisyon ng patakaran ng bilinggwalsa antas tersiyarya gagamitin ang Ingles bilang wikang panturo sa mga kurso sa agham, matematika at teknolohiya. Filipino naman ang gagamiting wikang panturo sa mga kursong nasa agham panlipunan at humanidades. Batay sa probisyon ng patakaran ng bilinggwalsa antas tersiyarya gagamitin ang Ingles bilang wikang panturo sa mga kurso sa agham, matematika at teknolohiya. Filipino naman ang gagamiting wikang panturo sa mga kursong nasa agham panlipunan at humanidades. Mga Layunin Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa, pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran; Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring diskurso at pananaliksik na nakaugat sa mga realidad ng lipunang Pilipino; at Makapagpabasa at makapagbuod ng mga impormasyon mula sa ilang artikulo sa humanidades at agham panlipunan. Panimula Pagtalakay: Ano ang nais ipabatid sa atin ng bidyo? Gaano kahaaga ang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang larangan katulad ng Humanidades, Agham Panlipunan, at iba pang Kaugnay na Larangan? Saan mo higit na nais maituro ang mga nasabing larangan, sa Ingles o sa Filipino? Bakit? Sitwasyong Pangwika sa Humanidades at Agam Panlipunan San Juan et al., (2019), (mula kay Ferguson, 2006) ang katanyagang taglay ng wikang Ingles sa sistema ng edukasyon lalo na sa mga kolehiyo at mga unibersidad ay may kakambal na sosyo-ekonomiko. Sitwasyong Pangwika sa Humanidades at Agham Panlipunan Paliliwanag sa Patuloy na Pagkahumaling sa Wikang Ingles (Ferguson) ang kawalan ng ideolohikal na pagsalag sa promosyon sa Ingles bilang pangunahing wika, diumano, ng mundo ang paniniwala sa laganap na pananaw na may personal na bentahe sa pagtatamo ng kahusayan sa Ingles dahil ito ang wika ng intelektwalisadong mga larangan at gayundin ang wikang pasaporte sa paglagong ekonomiko Sitwasyong Pangwika sa Humanidades at Agham Panlipunan De La Salle, Ateneo, Unibersidad ng Sto. Tomas, UP ilan lamang sa malalaking pamantasan at unibersidad na patuloy na gumagamit ng Filipino bilang wikang panturo sa mga kurso sa pilosopiya, agham pampolitika, lohika, ekonomiks, batas, kasaysayan at pantikan. Sitwasyong Pangwika sa Humanidades at Agham Panlipunan Mga Scholarly Journal Malay, Daluyan, Lagda, Hasaan, Kritika at iba pang bago at umuusbong na journal sa kasalukuyan patuloy na nagsasagawa ng mga pananaliksik na tumatalakay sa iba’t ibang paksa sa larangan ng pilosopiya, agham pampolitika, lohika, ekonomiks, batas, kasaysayan at pantikan Sitwasyong Pangwika sa Humanidades at Agham Panlipunan Register tiyak na set ng mga teminong ginagamit sa bawat larangan kung saan ang mga salitang ito ay maaaring magkaroon ng: isang kahulugan lamang dahil ekslusibo itong ginagamit sa isang tiyak na disiplina. dalawa o mahigit pang kahulugan dahil ginagamit sa dalawa o mahigit pang disiplina. isang kahulugan lamang sa dalawang magkaibang disiplina gawa ng pagkakaroon ng ugnayan ng mga disiplinang ito. Sitwasyong Pangwika sa Humanidades at Agham Panlipunan Filipino bilang wika ng pagtuturo at diskurso sa agham panlipunan, sining, at humanidades Kabilang sa mga naidokumentong kaso ng ganitong tunguhin sa malalaking pamantasan tulad ng La Salle, Ateneo, Santo Tomas, UP, at iba pa ang paggamit ng Filipino sa mga kurso ng pilosopiya, agham pampolitika, lohika, ekonomiks, batas, kasaysayan, at panitikan. mga nakilala rito sina Tereso Tullao (Ekonomiks), Generoso Benter (Lohika), Manuel Dy Jr. (Pilosopiya), at Malaya Ronas (Agham Panlipunan). Sitwasyong Pangwika sa Humanidades at Agham Panlipunan Mga Aklat na Nalathala sa Filipino sa Pamamagitan ng UP Press, Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at ng Sentro ng Wikang Filipino Mga Teorya ng Batas: Ang Pananaw ng Klasikong Etika at Agham Panlipunan ni Emmanuel Fernando salin sa Filipino ng Kodigo Sibil ng Pilipinas Ang Binagong Kodigo Penal Ang Kodigo ng Pamilya ng Pilipinas Ang Kodigo ng Pamahalaang Lokal 1991 Pamamaraan sa Paglilitis ng Krimenat Ang Alituntunin sa Katibayan (Peralejo, 1997) Filipino sa Humanidades Pangunahing Layunin ng Humanidades “hindi kung ano ang gagawin ng tao, kundi kung paano maging tao” binibigyang-tuon sa pag-aaral ang kaisipan, kalagayan at kultura ng tao Filipino sa Humanidades Pangunahing Layunin ng Humanidades sinusugan ni J. Irwin Miller “ang layon ng Humanidades ay ang gawin tayong tunay na tao sa pinakamataas na kahulugan nito” Filipino sa Humanidades Pangunahing Layunin ng Humanidades Newton Lee sa pagsasabi na “sana’y mapagtanto natin na ang edukasyon at ang Humanidades ay dapat pahalagahan sa pagpapaunlad ng ating mga isipan at ng lipunan sa kalahatan, at di lamang para magkaroon ng karera sa hinaharap” Filipino sa Humanidades Larangan ng Humanidades Panitikan (Wika teatro) Pilosopiya (Relihiyon) Sining (Biswal; pelikula, teatro at sayaw, Applied; graphics, Industriya (fashion, Interior) at Malayang Sining (calligraphy, studio arts, art history, print making at mied media). Filipino sa Humanidades Larangan ng Humanidades umusbong bilang reaksiyon sa iskolastisismo sa panahon ng mga Griyego at Romano kung saan inihahanda ang tao na maging doktor, abogado at sa mga kursong praktikal, propesyonal at siyentipiko. inilunsad upang bumuo ng mamamayang mahusay sa pakikipag-ugnayan sa kapwa at makabuluhan at aktibong miyembro ng lipunan. Filipino sa Humanidades Metodolohiya at Estratehiya sa Larangan ng Humanidades lapit analitikal lapit kritikal at lapit ispekulatibo Filipino sa Humanidades Metodolohiya at Estratehiya sa Larangan ng Humanidades Ang analitikal na lapit ay ginagamit sa pag-oorganisa ng mga impormasyon sa mga kategorya, bahagi, grupo, uri at mga pag-uugnay-ugnay ng mga ito sa isa’t isa. Filipino sa Humanidades Metodolohiya at Estratehiya sa Larangan ng Humanidades Ang kritikal na lapit ang ginagamit kung ginagawan ng interpretasyon, argumento, ebalwasyon at sa pagbibigay ng sariling opinyon sa ideya. Filipino sa Humanidades Metodolohiya at Estratehiya sa Larangan ng Humanidades Ang ispekulatibong lapit ay kadalasang ginagamit sa pagkilala ng mga senaryo, mga estratehiya o pamamaraan ng pagsusuri, pag-iisip at pagsulat. Filipino sa Humanidades Mga Halimbawa ng Pamamaraan at Estratehiya sa Larangan ng Humanidades (na ginagamit sa mga nabanggit na lapit) deskripsiyon o paglalarawan paglilista kronolohiya o pagkakasunod-sunod ng pangyayari sanhi at bunga pagkokompara at epekto Filipino sa Humanidades Tatlong Anyo ng Pagsulat sa Larangan ng Humanidades Batay sa Layunin [Quinn at Irvings (1991)] Impormasyonal Imahinatibo Pangungumbinse Filipino sa Humanidades Tatlong Anyo ng Pagsulat sa Larangan ng Humanidades Batay sa Layunin [Quinn at Irvings (1991)] Impormasyonal - maaaring isagawa batay sa sumusunod: paktwal ang mga impormasyon bilang background gaya ng talambuhay o maikling bionote, artikulo sa kasaysayan at iba pa paglalarawan - nagbibigay ng detalye, mga imahe na dinedetalye sa isipan ng mambabasa, sinasabayan ng kritikal na pagsusuri na karaniwan ay isinasagawa sa mga akdang pampanitikan gaya ng kritisismo, tula, kuwento, nobela at iba pa proseso - binubuo ng paliwanag kaugnay ng teknik, paano isinagawa at ang naging result na kadalasan ay ginagawa sa sining at musika Filipino sa Humanidades Tatlong Anyo ng Pagsulat sa Larangan ng Humanidades Batay sa Layunin [Quinn at Irvings (1991)] Imahinatibo - binubuo ng mga malikhaing akda gaya ng piksyon (nobela, dula, maikling kwento) sa larangan ng panitikan, gayundin ang pagsusuri ditto Filipino sa Humanidades Tatlong Anyo ng Pagsulat sa Larangan ng Humanidades Batay sa Layunin [Quinn at Irvings (1991)] Pangungumbinse - pangganyak upang mapaniwala o di-mapaniwala ang bumabasa, nakikinig at nanonood sa teksto o akda. Subhetibo ito kaya’t ang mahalagang opinion ay kaakibat ng ebidensya at katuwiran o argumento. Filipino sa Humanidades Panoorin ang maikling video clip tungkol sa Humanidades sa link na ito: https://www.youtube.com/watch? v=aOnNyj5Gx64 Filipino sa Agham Panlipunan Filipino sa Agham Panlipunan Agham Panlipunan isang larangang akademiko na pumapaksa sa tao - kalikasan, mga gawain at pamumuhay nito, kasama ang mga implikasyon at bunga ng mga pagkilos nito bilang miyembro ng lipunan tao at kultura ang sakop nito subalit itinuturing itong isang uri ng siyensiya o agham Filipino sa Agham Panlipunan Agham Panlipunan lapit siyentipiko ang gamit bagamat iba-iba ito depende sa disiplina. Ito ay gumagamit ng sarbey, obserbasyon, pananaliksik sa larangan, at mga datos na sekondarya dayakroniko (historikal) at sinkroniko (deskriptibo) ang pagsusuri o metodolohiya dito malaki ang naging impluwensya ng Rebolusyong Pranses (1789-1799) at Rebolusyong Industriya (1760-1840) sa pagkabuo ng larangan sa Agham Panlipunan. Filipino sa Agham Panlipunan Mga Nakilala sa Larangan ng Agham Panlipunan Diderot Rousseau Francis Bacon Rene Descartes John Locke David Hume Isaac Newton Benjamin Franklin Thomas Jefferson Karl Marx Max Weber Emilie Durkheim marami pang iba Filipino sa Agham Panlipunan Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan Sosyolohiya Sikolohiya Lingguwistika Antropolohiya Kasaysayan Heograpiya Agham Pampolitika Ekonomiks Area Studies Arkeolohiya Relihiyon Filipino sa Agham Panlipunan Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan Sosyolohiya pag-aaral ng kilos, pag-iisip at gawi ng tao sa lipunan at gumagamit ng emperikal na obserbasyon, kuwalitatibo at kuwantitatibong metodo Filipino sa Agham Panlipunan Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan Sikolohiya pag-aaral mga kilos, pag-iisip at gawi ng tao, gumagamit ng empirikal na obserbasyon Filipino sa Agham Panlipunan Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan Lingguwistika pag-aaral ng wika bilang sistema kaugnay ng kalikasan, anyo, estruktura at baryasyon nito bahagi ng pag-aaral ang ponetika, ponolohiya, morpolohiya, sintaks at gramatika at gumagamit ng lapit na deskriptibo o pagpapaliwanag sa pag-aaral ng katangian ng wika, gayundin ng historikal na lapit o pinagdaanang pagbabago ng wika Filipino sa Agham Panlipunan Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan Antropolohiya pag-aaral ng mga tao sa iba’t ibang panahong ng pag-iral upang maunawaan ang kompleksidad ng mga kultura at gumagamit ng participant-observation o ekspiryensiyal na imersyon sa pananaliksik Filipino sa Agham Panlipunan Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan Kasaysayan pag-aaral ng nakaraan o pinagdaanang pag-iral ng mga grupo, komunidad, lipunan at ng mga pangyayari upang maiugnay ito sa kasalukuyan, ginagamit ang lapitnaratibo upang mailahad ang mga pangyayaring ito Filipino sa Agham Panlipunan Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan Heograpiya pag-aaral sa mga lipunang sakop ng mundo upang maunawaan ang masalimuot na mga bagay kaugnay ng katangian, kalikasan at pagbabago rito kasama na ang epekto nito sa tao, metodong kuwantitatibo at kuwalitatibo ang ginagamit sa mga pananaliksik dito. Filipino sa Agham Panlipunan Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan Agham Pampolitika pag-aaral sa bansa, gobyerno, politika at mga patakaran, proseso at sistema ng mga gobyerno, gayundin ang kilos-politikal ng mga institusyon, gumagamit ito ng analisis at empirikal na pag-aaral. Filipino sa Agham Panlipunan Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan Ekonomiks pag-aaral sa mga gawaing kaugnay ng mga proseso ng produksyon, distribusyon at paggamit ng mga serbisyo at produkto sa ekonomiya ng isang bansa Pinaniniwalaang ang mga kalagayang pang-ekonomiya ng isang bansa ay may epekto sa krimen, edukasyon, pamilya, batas, relihiyon, kaguluhan at mga institusyong panlipunan, empirikal na imbestigasyon ang lapit sa pagaaral dito. Filipino sa Agham Panlipunan Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan Area Studies interdisiplinaryong pag-aaral, kaugnay ng isang bansa, rehiyon, at heyograpikong lugar, kuwalitatibo, kuwalitatibo, at empirikal na obserbasyon at imbestigasyon ang lapit sa pananaliksik dito Filipino sa Agham Panlipunan Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan Arkeolohiya pag-aaral ng mga relikya, labi, artifact at monument kaugnay ng nakaraang pamumuhay at gawain ng tao Filipino sa Agham Panlipunan Mga Disiplina sa Larangan ng Agham Panlipunan Relihiyon pag-aaral ng organisadong koleksiyon ng mga paniniwala, sistemang kultural at mga pananaw sa mundo kaugnay ng sangkatauhan at sangkamunduhan (uniberdo) bilang nilikha ng isang superyor at superhuman na kaayusan Filipino sa Agham Panlipunan Agham Panlipunan Pagsulat sa Agham Panlipunan Mga Anyo ng Sulatin Proseso Filipino sa Agham Panlipunan Agham Panlipunan Pagsulat sa Agham Panlipunan simple, impersoal, direkta, tiyak ang tinutukoy, argumentatibo, nanghihikayat at naglalahad di-piksyon ang anyo ng mga sulatin sa larangang ito na madalas ay mahaba dahil sa presentasyon ng mga ebidensya ngunit sapat upang mapangatuwiranan ang katuwiran o tesis. Filipino sa Agham Panlipunan Agham Panlipunan Mga Anyo ng Sulatin report, sanaysay, papel ng pananaliksik, abstrak, artikulo rebyu ng libro o artikulo, bayograpiya, balita, editorial talumpati, adbertisment, proposal sa pananaliksik komersiyal sa telebisyon, testimonyal Filipino sa Agham Panlipunan Agham Panlipunan Proseso Pagtukoy sa genre o anyo ng sulatin gaya ng binanggit sa itaas. Pagtukoy at pagtiyak sa paksa. Wala pa bang nakapagtatalakay nito? Kung mayroon na, ano ang bagong perspektibang dala ng pagtalakay sa paksa? Paano ito maiiba? Filipino sa Agham Panlipunan Agham Panlipunan Proseso Paglilinaw at pagtiyak sa paksang pangungusap. Karaniwang sa simula inilalagay ito ngunit maaari ding sa gitna o sa hulihan. Sa ibang pagkakataon, hindi ito isinusulat ngunit nalilinaw sa takbo ng pagtalakay. Filipino sa Agham Panlipunan Agham Panlipunan Proseso Pagtiyak sa paraan ng pagkuha ng datos. Maaaring gamitin ang interbyu, mass media, internet, social media at new media, aklatan, sarbey, focus-group discussion, obserbasyon at iba pa. Filipino sa Agham Panlipunan Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin (Mula sa aklat nina A. Batnag at J. Petras (2009) Translation consists in producing in the receptor language the closest, natural equivalent of the message of the source language, first in meaning and secondary in style (Nida, 1964). Ang pagsasalin ay pagbuo sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit at likas na katumbas ng mensahe ng simulaang wika, una ay sa kahulugan at ikalawa ay sa estilo. Agham Panlipunan Proseso Pagkalap ng datos bilang ebidensya at suporta sa tesis. Analisis ng ebidensya gamit ang lapit sa pagsusuring kuwantatibo, kuwalitatibo, argumentatibo, deskriptibo, at etnograpiko. Pagsulat ng sulatin gamit ang lohikal, malinaw, organisado (simula, gitna at wakas), angkop, sapat at wastong paraan ng pagsulat. Pagsasaayos ng sanggunian at talababa sa mga ginamit na sulatin ng ibang may-akda. Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin nagmula sa salitang Latin na translatio na translation naman sa wikang Ingles. Metafora o metaphrasis sa wikang Griyego na pinagmulan ng salitang Ingles na metaphrase o salitang-sasalitang pagsalin (Kasparek 1983 hango kay Batnag 2009) ang dahilan ng palaging pag-aakala na ang pagsasalin ay isang simpleng pagtatapatan lamang ng mga salita ng dalawang wika o rehiyong na wika isang sining at agham na nangangailangan ng malawak at malalim na kaalaman sa larangan ng lingguwistika at gramtika Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin (Mula sa aklat nina A. Batnag at J. Petras (2009) Translation is made possible by an equivalent of though that lies behind its verbal epressions (Savory, 1968). Ang pagsasalin ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa ideyang nasa likod ng pananalita. Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin (Mula sa aklat nina A. Batnag at J. Petras (2009) Translation is reproducing in the receptor language a text which communicates the same message as the source language but using the natural grammatical and lexical choices of the receptor language (Larson, 1984). Ang pagsasalin ay muling pagbubuo sa tumatanggap na wika ng tekstong naghahatid ng kahalintulad na mensahe sa simulaing wika subalit gumagamit ng mga piling tuntuning gramatikal at leksikal ng tumatanggap na wika. Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin (Mula sa aklat nina A. Batnag at J. Petras (2009) Translation is an exercise which consists in the attempt to replace a written message in one language by the same message in another language (Newmark, 1988). Ang pagsasalin ay isang pagsasanay na binubuo ng pagtatangkang palitan ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa ibang wika. Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin (Santos, 1996 sa aklat nina A. Batnag at J. Petras (2009) ang malikhain at mahabang proseso ng pagkilala at pag-unawa ng mga kahulugan sa isang wika at ang malikhain at mahabang proseso ng paglilipat ng mga ito sa kinilala at inunawang mga kahulugan ng isa pang wika Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin Layunin Uri Maikling Kasaysayan Mga Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsusulong sa Filipino Ilang Halimbawa ng Artikulo sa Humanidades at Agham Panlipunan Gamit ang Wikang Filipino Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin Layunin Magdagdag ng mga impormasyon at kaalaman mula sa pag-aangkat ng mga kaisipan mula sa ibang wika. Mailahok sa pambansang kamalayan ang iba’t ibang katutubong kalinangan mula sa iba’t ibang wikang rehiyonal at pangkating etniko sa bansa. Mapagyaman ang kamalayan sa iba’t ibang kultura mula sa pagbubukas ng bagong mundo mula sa mga salin. Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin Uri Pagsasaling Pampanitikan nilalayon na makalikha g obra maestra batay sa orihinal na akdang nakasulat sa ibang wika Pagsasaling siyentipiko-teknikal komunikasyon ang pangunahing layon Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin Maikling Kasaysayan nagsimula ang kasaysayan ng pagsasalin sa bansa noong dumating ang mga Español at ipayakap ang Kristiyanismo sa mga Pilipino. Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin Maikling Kasaysayan Bilang tugon sa suliraning ito, nagsagawa ng pagsasalin ang mga Español ng mga aklat, karamihan ay aklat ukol sa katesismo, na orihinal na nasusulat sa kanilang wika kakambal nito ang layuning mabilis na pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa kapuluan. Maraming aklat pampanitikan na nasulat ang mga paring misyonero na kadalasang tungkol sa moralidad at wastong pagkilos lalo na sa kababaihan ang paksa bukod sa katesismo. Sumulat din sila ng ilang aklat sa gramtika at bokabularyo gamit ang wikang katutubo na malaki ang naitulong sa pag-aaral ng wika sa bansa. Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin Maikling Kasaysayan Ayon kay Tanawan et al., (2007) malaking tulong din sa mabilis na paglaganap ng Kristiyanismo at pagaaral sa gramatika at bokabularyo ang pagpangkat sa mga prayle sa apat na orden na naitalaga sa iba’t ibang bahagi sa bansa. Ang mga Dominican ay naitalaga sa Pangasinan at Cagayan ang mga Franciscan ay sa Camarines ang mga Heswita ay sa kalahati ng Bisaya Ang mga Agustinian naman ay sa isa pang kalahati ng Bisya, Ilocos at Pampanga. Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin Maikling Kasaysayan Nagkaroon ng sariling imprentahan ang mga lugar na ito upang higit na maging mabilis ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo at pagsulat ng mga aklat at babasahin tungkol sa pagaaral ng wika at gramatika. Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin Maikling Kasaysayan naging hudyat ng pagsisimula ng kasaysayan ng imperyalismong Amerikano sa bansa noong pumirma ang Estados Unidos at Espanya sa Kasunduan sa Paris noong ika-10 ng Disyembre 1898 na simula naman ng pagwawakas ng kasaysayan ng pananakop ng España. Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin Maikling Kasaysayan Batay sa kasunduan, ang pagsakop ng Estados Unidos sa Pilipinas ay may layuning: ekspansyong ekonomiko; pagtatayo ng depensang militar at pandagat sa Asya-pasipiko; at pagpapalaganap ng protestantismo (San Juan et al., 2019). Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin Maikling Kasaysayan nabigyan ng halaga ang edukasyon sa bansa noong panahon ng mga Amerikano. Kapwa nabigyan ng pagkakataong makapag-aral ang mahihirap atnmayayaman kung saan mga sundalong Amerikano ang nagsilbing mga guro na higit na kilala sa tawag na Thomasites. Buong-laya nilang itinuro ang wikang Ingles sa mga Pilipino na naging daan upang yumabong at yumaman ang panitikang Filipino sa wikang Ingles. Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin Maikling Kasaysayan Kasabay nito ang pag-usbong ng pagsasalin upang higit na maunawaan ng mga Pilipino ang mga panitikang ito. Hindi mabilang ang mga tula, dula, maikling kwento, nobela at sanaysay na naisalin sa Filipino. Kadalasang pag-ibig, kabiguan, pag-asa, nasyonalismo at iba pa ang paksa ng mga akdangpampanitikan lalo na ang mga tula. Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin Maikling Kasaysayan Kasabay nito ang pag-usbong ng pagsasalin upang higit na maunawaan ng mga Pilipino ang mga panitikang ito. Ang mga maikling kwento at nobela ang higit na nagpayabong sa edukasyong hatid ng Estados Unidos sa bansa sapagkat sumasalamin ito sa mga pangyayari sa buhay ng mga bansang pinagmulan nito. Naghatid ito ng iba’t ibang kaalaman, kultura, karanasan at kasaysayan ng iba’t ibang lahi sa mundo. Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin Maikling Kasaysayan Iba naman ang estratehiyang ginamit ng mga Hapon Ayon pa rin kina San Juan et al., ang Greater East CoProsperity Sphere na may slogang Asyano para sa mga Asyano ang propagandang inilahad ng mga Hapon sa mga Pilipino. Ang panahong ito ang itinuring na Gintong Panahon ng Panitikan dahil sa paggamit ng wikang Tagalog o Pilipino (Filipino ngayon) sa pagsulat at pilit na pag-aalis sa sistema ng mga Pilipino ng wikang Ingles. Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin Maikling Kasaysayan Iba naman ang estratehiyang ginamit ng mga Hapon Ilang mga akdang pampanitikan din ang naisalin noong panahong ito. Kadalasang may paksang politikal at panlipunan ang mga dula noon samantalang ang mga maiikling kwento naman ay nasa anyong panitikang pambata. Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin Maikling Kasaysayan Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagsasalin, hindi lamang ng iba’t ibang akdang pampanitikan kung hindi maging mga teknikal na akda. kailangan sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ng kompyuter at komunikasyon Pagsasalin Mga Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsusulong sa Filipino (San Juan et al., 2019) Sa naipamamalas na hindi hanggang sa ordinaryong talakayan lamang magagamit ang Filipino kundi kaya nitong magamit sa pagpapahayag ng mga intelektuwal na diskurso na makikita sa mga naisaling akda sa agham, teknolohiya, agham panlipunan, panitikan at marami pang iba. Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin Mga Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsusulong sa Filipino (San Juan et al., 2019) Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin Maikling Kasaysayan along lumakas ang pagkakakapit ng wikang Ingles sa mga Pilipino kailangan ang puspusang pagpapayabong at pagtataguyod sa gawaing ito nakilala sina Rufino Alejandro, Belvez Paz, Virgilio Almario, Buenvinido Lumbera at marami pang iba Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Napapaunlad ang korpus ng Filipino habang patuloy ang mga gawaing pagsasalin. Sa mga katulad na inisyatiba, nabibigyang katumbas sa ating wika ang mga konsepto na tanging sa Ingles o ibang wika natin nababasa. Maaaring ang pagtutumbas na ito ay dumaan sa pagsakatutubo, adaptasyon, o lumikha man, ang mahalaga ay magkakaroon ang mga konsepto ng mga tiyak na katumbas sa Filipino. Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin Mga Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsusulong sa Filipino (San Juan et al., 2019) Naiimbak ang mahahalagang kaalaman sa iba’t ibang larangan sa pamamagitan ng Filipino. Dahil dito, mas naitatampok ng Filipino ang kakayahan nitong maging imbakan ng karunungan na tinatayang mahalaga sa pag-unlad at lalong pagpapabuti sa buhay ng mga Pilipino. Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin Mga Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsusulong sa Filipino (San Juan et al., 2019) Nagtutulay ang pagsasalin, gamit ang mga naisaling akda, upang puspusang magamit ang Filipino sa akademya partikular sa mga kolehiyo at unibersidad. Kung mga aklat at materyales na panturo o sanggunian ang mga naisalin magiging mas madali na ang pagtuturo at hindi na magiging dahilan ang kawalan ng kagamitan kaya hindi ginagamit ang Filipino sa mga kursong wala pang nalilimbag na aklat sa Filipino. Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin Mga Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsusulong sa Filipino (San Juan et al., 2019) Napauunlad nito ang pedagogical idiom sa isang larangan. Bagamat pagpapaunlad din ito sa korpus ng Filipino, partikular na tinutukoy nito ang mga salita na magagamit para maituro nang mabilis at episyente ang isang kurso gamit ang Filipino. Dahil sa mga naisaling akda, unti-unti itong mabubuo ng mga gagamit ng Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang larangan. Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin Ilang Halimbawa ng Artikulo sa Humanidades at Agham Panlipunan Gamit ang Wikang Filipino Intelektwalisasyon at Wika ni Renato Constantino Ang Batayan ng Sikolohiyang Pilipino sa Kultura at Kasaysayan ni Virgilio G. Enriquez Sikolohiyang Pilipino, Sikolohiyang Maka-Pilipino: Ang mbag ni Virgilo G. Enriquez sa Pagsulong ng Wikang Filipino sa Sikolohiya ni Jayson Petras Kasaysayan at Tungkulin ng Pagsasalin sa Pagsulong ng Filipino Pagsasalin Ilang Halimbawa ng Artikulo sa Humanidades at Agham Panlipunan Gamit ang Wikang Filipino Hagkis ng Halakhak: Ang Nagpapatuloy na Kabuluhan ng Kritika ni Hernandez sa Pulitika sa Magkabilang Mukha ng Isang Bagol ni Rosario Torres-Yu Ideyolohiya at Utopia sa mga Liham sa Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran ni Jennifer M. Casabuena