Ang Filipino bilang Larang at Filipino sa Iba't ibang Larang A. PAGBASA AT PAGSULAT SA IBA'T IBANG DISIPLINA FILDIS| 2023 Cadsawan, Serene M. 1. HUMANIDADES Ang Humanidades ay hango sa salitang Humanus na ang ibig sabihin ay tumulong sa tao. Ang kalikasan ng humanidades sa Filipino ay ang pag-aaral at pag-unawa sa mga aspeto ng kultura, kasaysayan, panitikan, sining, at iba pang ekspresyon ng mga Pilipino. Ito ay naglalayon na malalim na maunawaan at maipahalaga ang mga pagkakakilanlan, paniniwala, at karanasan ng mga Pilipino. 1.1 KALIKASAN Sa larangang ito, ang Filipino ay ginagamit bilang midyum upang maipahayag at maunawaan ang mga karanasan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga akda, tula, kuwento, dula, at iba pang anyo ng panitikan. Ito ay nagbibigay-daan sa mga Pilipino na maipahayag ang kanilang saloobin, mga damdamin, at mga pangarap sa pamamagitan ng kanilang sariling wika. KAHULUGAN AT KALIKASAN NG WIKA ANG WIKA AY BUHAY NG TAO Ito ang pangunahin mong kasangkapan upang maipahayag ang iyong kaisipan at saloobin. Kung may impormasyon ka mang nais sabihin sa iba, o may anumang pagtutol o reklamong nais ipahayag, o may damdaming nais ipagtapat, o may pasalita o pasulat na pahayag na nais suriin, wika ang magsisilbi mong instrumento ANG WIKA ANG PANGUNAHING INTRUMENTO NG KOMUNIKASYONG PANLIPUNAN Ang wika ang pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan; sa pamamagitan nito ay maaaring matamo ng tao ang mga instrumental at sentimental niyang pangangailangan (Constantino, 1996) Ayon kay Salazar (1996), ang wika ang ekspresyon, ang imabakanhanguan at agusan ng kultura ng isang grupo ng tao, maliit man o Malaki, na may sarili at likas na katangian. GAMIT NG WIKA Wika ang ginamit ng mga naunang henerasyon sa kodipikasyon ng mga kaalamang natuklasan nila at sa pagsasalin ng mga ito sa kasunod na salinlahi. Wika ang gamit ng tao sa pagbuo ng mga batas na kokontrol sa kilos at titiyak ng kaayusan. Wika ang gamit sa pakikipagkalakalan upang maisara ang mga transaksyon; sa medisina, upang matukoy ng manggagamot ang sakit ng pasyente at maipaliwanag dito ang lunas; sa relihiyon, upang maipahayag ng mga sumasamba ang kanilang pananampalataya; at sa edukasyon, upang mabisang makapagtalastasan ang guro at estudyante. Wika ang nagtititik ng panitikan, kasaysayan, sining, at mga agham. Kung wala ang wika, masasabing marahil ay patay na rin ang daigdig dahil magsasarili lamang ang mga tao at mawawalan ng paraan upang makipagkomunikasyon sa kaniyang kapwa. Ito’y isang verbal, bayolohikal at basikong kagamitan para sa komunikasyon. Ipinahayag ng mga beheybyorist na ang wika ay natututunang beheybyor na nagagawa dahil sa mga istimulus at katugunan (Omrod, 1995) Mas madalas, ito ay isang verbal na beheybyor na naipamamalas sa pamamagitan ng gestura, pagkilos ng katawan at salitang binibigkas/ginagamit (Pierce at Eplin, 1999) Isang Italyano (Giambattista Vico) ang nagwikang “lumitaw ang wika bilang tugon ng tao sa mga naririnig sa kalikasan partikular ang mga malalakas at nakayayanig na mga pangyayari sa kapaligiran. Nalikha ang wika mula sa mga ekspresib na gestura kung saan ang mga basikong salita ay nabuo dahil ito’y nagging tugon ng mga tao sa mga natural na pangyayari sa kanyang kapaligiran. Katulad din ni Vico ang pananaw ni Johann Gottfield Herder na nagpapahayag na, “ang wika ng tao ay nakatali sa resonansa ng kalikasan.” Si David Abram, isang Pilosopo ay nagsabing, “may koneksyon ang wika sa kalikasan na kaakibat ang gestura, emosyon o damdamin ng tao. May malalim na pag-unawa sa koneksyon ng katawan sa pag-iisip ng tao.” Ayon kay Abram, natututunan daw ang wika hindi sa pamamagiyan ng mental kundi pisikal. Tinawag niya itong “kahulugang gestural.” ang tekstura at tono ng salita, ang nararamdaman habang nasa dulo pa lang ng dila ang salitang sasabihin at kung paanong naiimpluwensyahan nito ang katawan, ang nagbibigay ng mayamang depinisyon sa salita para sa taong gumagamit nito. Si Merleau-Ponty ay nagsabing, “ang wika ang pinakaboses ng mga puno, alon, at kagubatan” sa kanyang akdang, The Body as Expression and Speech. Para sa kanya, ang kahulugang komunikatibo ay agarang naihahayag ng gestura kaalinsabay ng pagkilos ng katawan ng tao na nagpapakita ng damdamin at tumutugon sa nagaganap sa kapaligiran. Si Jean Jacques Rousseau ay nagsabing ang gestura/kumpas at pagbulalas ng damdamin ang kauna-unahang wika. Para kina Steven Pinker, Noam Chomsky at Immanuel Kant may “language instinct” ang tao sa kanilang pagsilang, isang network sa utak na naglalaman ng unibersal grammar na nadebelop sa proseso ng pakikipagtalastasan ng tao. Ang linggwistang si Noam Chomsky ay nagdebelop ng teoryang “Unibersal Gramar” na nagsaad na ang tao ay nakaprograma para sa abilidad na magsalita ng wika at batid niya kung anong gramar ang katanggap-tanggap. Ayon kay Chomsky, ang pundamental na pagkakaiba ng lenggwahe ng tao sa vocalisasyon ng mga hayop ay ang pagiging kreeytib, maluwag na pagdaloy at ang hindi limitadong pagpapahayag ng ideya; samantalang, ang komunikasyon ng mga hayop ay binubuo ng mga “fixed” na signal na tugon para sa eksternal na istimulus. Sa aklat ni Werner Girt na “The Wonder of Man” sinabi niya ang ganito, “tanging ang tao ang may taglay na regalo – ang wika ang naghihiwalay sa atin sa iba pang hayop. Bukod pa sa kinakailangang “software” para sa wika, binigyan pa rin tayo ng “hardware” para rito. Ganito rin halos ang paniwala ni Sternberg (1999) na nagwikang, “dahil sa ispesipikong pag-aari ng wika, ito ang ikinaiba ng tao sa hayop at iba pang “specie.” ang “pag-aaring” ito ay kinabibilangan ng : komunikasyon, arbitraryong simbolo, regular na istruktura, istruktura sa mas maraming lebel, pag-usbong ng salita at pagiging dinamiko. Noong 1930, si Benjamin Lee Whorf ay nagdebelop ng isang haypotesis kasama ng kanyang guro na si Edward Sapir, ang kanyang ideya: ang lenggwahe/wika ng tao ay nakaiimpluwensya sa kanyang pag-iisip, hinuhulma ang kanyang iniisip at nagdedetermina kung ano pa ang maaaring maisip. Si Charlemagne, isang kilalang tao sa kasaysayan ay nagwikang, “ang pagkatuto ng ibang wika ay pagkakaroon ng pangalawang kaluluwa.” Samantala, sinabi ni Ludwig Wittgenstein and ganito, “kung tayo ay nag-uusap sa ibang lenggwahe, magkakaroon tayo ng iba’t ibang persepsyon/pananaw sa mundo.” Idinugtong pa niya ang pagsasabing, “ang limitasyon ko sa wika ay limitasyon ng aking mundo.” Sabi naman nina Sampson et al., “ang wika ay isang obra maestra ni Picasso, isang komposisyon ni Beethoven o di kaya’y ang kahangahangang pagtatanghal ng mga gymnast sa Olympic. Ito ay isang sining. Lumilikha ito ng kagandahan, pasalita o pasulat man.” Para sa Pilipinohistang si Zeus Salazar, “naipahahayag sa wika ang mga kaugalian, isipan at damdamin ng bawat grupo ng mga tao at maging sa larangan ng kaisipan, ang wika rin ang impukan – kuhanan ng isang kultura.” Tinuran ni Dr. Virgilio S. Almario sa kanyang sinulat na Nasyonalisasyon ng Filipino (2003) na “ang wika mismo ang patunay na tayo’y may katutubong kultura. Isang wika itong patuloy na nabuhay sa kabila ng mahabang pananakop na nagbigay kaalaman at karunungan tungkol sa ating lahi. Ayon kay Webster (1974), ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng pasulat at pasalitang simbulo. Ang wika ay maaaring tumutukoy sa ispesipikong kapasidad ng tao sa pagkakamit at paggamit ng mga komplikadong sistema ng komunikasyon, o sa ispesipikong pagkakataon ng komplikadong sistema ng komunikasyon (Wikipedia). • Ayon naman kay Hill (sa Tumangan, et al., 2000) sa kanyang papel na What is Language?, wika ang pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na istraktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryo at kontrolado ng lipunan. Halos gayon din ang kahulugang ibinigay ni Gleason (sa Tumangan, et al., 2000) sa wika. Ayon sa kanya, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. PAGLALAGOM Ang kalikasan, katuturan, at gamit ng wika ay maaaring lagumin sa mga sumusunod: 1.SISTEMA NG KOMUNIKASYON ANG WIKA. Batay sa pangangailangang mailagay sa ayos ang ugnayan ng komunidad, may napaunlad na sistema ng pakikipag-ugnayan na makatutugon sa pangangailangang ito. Sistemang tinatawag ang wika dahil binubuo ito ng serye ng mga pananagisag at pagpapakahulugan na nilikha ng mga gumagamit nito upang mapadaloy ang pag-unawa nila sa mga ideya at karanasan. 2.KULTURAL ANG WIKA. Dahil ang wika ay sistema ng pananagisag at pagpapakahulugan, mahigpit na nakabatay ito sa sistema ng pagpapakahulugang nililinang sa loob ng isang pamayanan o grupo ng mamamayan. Halimbawa, may mga kilos na ikinatutuwa ng ilang komunidad ngunit maaaring hindi inaayunan ng ilan. 3. LIKHA ANG WIKA. Napauunlad ang sistema ng wika bunga ng pangangailangang magkaunawaan. Nalilinang ito sa iba’t ibang antas ng buhay sa kalikasan. May sistema ng pagkakaunawan ang kalikasan tulad ng mga hayop, halaman, at kalupaan. Ang mga tao, bilang pinakamatas na uri ng hayop sa mundo, ay nakalilikha rin ng kanikanilang sariling wika upang mapadaloy ang komunikasyon. Dahil sa likha ang wika, arbitraryo ito at maaring magbago ayon sa daloy ng panahon., pangyayari, at mga taong gumagamit ng wikang ito THANK YOU