Pangalan: Bianado, Trisha Mae A. Petsa: January 11, 2022 Seksiyon: STEM 11-Hyperion RTPM Dumaguete Science High School Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Hapon Ang wika ay may kaugnayan sa lahat ng aspekto ng ating lipunan - politikal, sosyal, kultural at ekonomikal. Hindi uusbong ang isang bansa kung hindi dulot ng mga iba’t ibang penomena na nag-iimpluwensya sa ating wika. Sa ganitong pananaw ay mahihinuha natin na lahat ng kaganapan sa ating bansa mabuti man o hindi ay nag-uugat sa wika. Ang Panahon ng Hapon sa Pilipinas ay nagsimula sa taong 1942 hanggang taong 1945. Ang kanilang pananakop ay sumunod pagkatapos ng mga Amerikano na kung saan ay sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas at pinagbawalan nila ang mga Pilipino sa paggamit ng wikang banyaga partikular na Ingles sapagkat nais ng mga Hapones na mawala at makalimutan ng tuluyan ng mga Pilipino ang impluwensiyang iniwan ng mga Amerikano at Europeo. Kaya sa panahong ito ay naging layunin na ng mga hapon na burahin sa mga Pilipino ang anumang kaisipang pangAmerikano at mawala ang impluwensiya ng mga ito. Mula rito ay nagdulot ito ng pagkahinto ng literaturang Ingles at pagbalik ng mga Pilipino sa pagsusulat ng mga panitikan na nasa wikang Filipino. Isinabatas din ng mga Hapones na gawing opisyal na wika ang Tagalog at Nihonggo sa Pilipinas na kung saan ay nakapaloob ito sa Ordinansang Militar Blg. 13. Gayundin ang pagkatatag ng Philippine Executive Commission na kung saan ay pinamumunuan ito ni Jorge Vargas. Sa panahon din na ito, muling napagbigyan ng pagkakataong mabigyang edukasyon ang mga Pilipino at binuksan ang paaralang bayan sa lahat ng antas. Itinuro din ang wika ng mga Hapon na kung saan ang Gobyerno-Militar mismo ang nagtuturo sa mga guro, ngunit mas pinagtutuunan parin ng pansin ang paggamit ng wikang Tagalog. Kahit na sapilitang itinuro ang wikang Hapon sa ating mga ninuno noon ay hindi ito gaano niyakap ng mga Pilipino, kung kaya’y mas pinatuloy ang pagsusulat gamit ang wikang sariling atin. Dahil dito, umunlad ang panitikang rehiyunal at mga lokal na publikasyon sa bansa. Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang “GINTONG PANAHAON NG PANITIKANG TAGALOG” dahil higit na malaya ang mga Pilipino sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito. Ang mga akdang pampanitikan na umiiral sa panahong ito ay ang mga haiku at tanaga at mga akda tulad ng Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes at lungsod Nayon at Dagat-Dagatan ni NVM Gonzales. Ang mga pinapaksa ng mga akda nito ay ang buhay ng mga Fiipino noong panahon ng mga hapon at mga buhay probinsya. Kaya sa kabuuan, kung ang pag-unlad ng sariling wika ang pag-uusapan, ang panahon ng pananakop ng mga Hapon ay ang nagbigay daan sa mga Pilipino upang higit nilang mayakap at gamitin ang sariling wika. Ito ay sa kadahilanang tutol ang mga hapon sa pagtuturo sa wikang Ingles at naging mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng wikang ito at maging ang paggamit ng mga aklat o anumang peryodikong may kaugnayan sa Amerika. Sa panahong ito ay ipinagamit ng mga Hapones ang mga katutubong wika sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan na kung saan ay namayagpag ang panitikang Tagalog. Kaya ang panahon ng pananakop ng mga Hapon ay tinaguriang “Gintong Panahon ng Panitikang Tagalog” ito ay sa kadahilanang ang panahon ng Hapon ay ang panahon na kung saan sumibol nang lubusan ang panitikang Pilipino ng bansa. Ito ay kung saan ipinagbawal ng mga Hapon ang pagsalita at pagsulat ng wikang banyaga partikular na ang Ingles kaya naging malaya ang mga Pilipino sa pagsulat ng kanilang panitikan kasama na ang kanilang mga kultural, kaugalian, at mga paniniwala. Dahil dito ay nahasa ng mga Pilipinong manunulat noong ang katutubong wika ng bansa at nabigyang siglang muli ang wikang Pambansa.