PANANALIKSIK TUNGKOL SA KARAPATANG PANTAO ANO ANG KARAPATANG PANTAO? Ang mga karapatang pantao ay tumutukoy sa "payak na mga karapatan at mga kalayaang nararapat na matanggap ng lahat ng mga tao." Kabilang sa mga halimbawa ng mga karapatan at mga kalayaan, na karaniwang iniisip bilang mga karapatang pantao, ang mga karapatang sibil at pampulitika, tulad ng karapatang mamuhay at kalayaan, kalayaan sa pagsasalita, at ang pagkakapantay-pantay sa harap ng batas; at mga panlipunan, pangkalinangan at pangkabuhayang karapatan, kasama ang mga karapatang makilahok sa kalinangan, karapatan sa pagkain, karapatang makapaghanapbuhay, at karapatan sa edukasyon. Panukalang Batas ng mga Karapatan Ang Panukalang Batas ng mga Karapatan (Ingles: Bill of Rights) ay ang kalipunan, talaan, o buod ng mga karapatang naaayon sa batas.Maaari itong isang pahayag ng mga karapatan ng isang klase o uri ng mga tao. KARAPATANG PANTAO AYON SA MGA AKDANG TULUYAN. “DUGUANG LUPA” NG KM64 POETRY (KOLEKSYON NG MGA TULA) Pagkakataon ng Pagpapakatao ni Maryjane Alejo Pagkakataon ng pagpapakatao ang pagyakap sa kawangis na sinawimpalad at pagpalis sa mga sapot ng bagabag na bumabalot sa mga pusong naghihingalo: Libu-libong katawang kasiping ang gutom Libu-libong lalamunang lumalagok ng tubig-lason Libu-libong sikmurang walang patid sa pamimilipit Libu-libong bibig na langaw na ang humahalik Libu-libong kamay na nagkakalkal ng pantawid-buhay Libu-libong mukhang binubura ng panahon at karahasan... Kapwa man naghihimutok ang mga dibdib na hila ng hilahil, ang liyab ng kanilang ginipit na pag-ibig ay walang kasing igting,walang kasing giting. Pagkakataon ng pagpapakatao ang pagyakap sa kawangis na sinawimpalad at pagpapabagsak sa naghaharing nagpapalawak ng agwat. Ang Paghahanap sa Kalinaw ni Kislap Alitaptap (para sa lahat ng biktima ng Ampatuan Massacre) 28 Nobyembre 2009) Maguindanao, O Maguindanao! Ang halimaw sa’yong katawan Ay nag-aanak ng karahasan. Pinapaslang nito ang buhay sa’yong kapaligiran, Nilulunod nito ng dugo ang mga katihan. Maguindanao, O Maguindanao! Gamitin mo ang talim ng ‘yong balaraw Upang gapiin ang umaalipin sa’yong halimaw. Gamitin mo ang kinang nitong taglay Upang patahanin ang palahaw sa’yong mga palayan. Maguindanao, O Maguindanao! ‘Wag mong hayaang tuluyang mangibabaw Ang bantayog ng itim na buwan. Maguindanao, O Maguindanao! Muli mong hanapin ang ‘yong kalinaw. Lupang Hinirang ni Angelo Ancheta Sumabog, kumalat, nagpira pira-piraso Gunita, pangarap, prinsipyo Ibinaon sa lupa ng paglimot Subalit may tainga ang lupa At lumipad ang balita Ng kasakimang lutang na lutang Pilit ibinabalot ng kinang Bulaklaking salita, mapormang alindog Makapal pa sa semento, makunat na goma Huwag kaligtaan Himig ng pinagmulan Taglay mong kapangyarihan Hiram sa lupang dinuguan 27 Disyembre 2009 IKATLONG SUNDANG :SIPAT Sinisikap nating maya’t maya ay sipatin kung gaano pa katuwid, pantay at pasulong ang talim at gulugod ng ating mga sundang. Itinutok ko ito sa langit isang araw at tulad ng manunudla ng kalaw o pipit akin ngang ipinikit ang kaliwa kong mata. At sa aking asinta ay mayroong tumawid: mandi’y tutubi— dambuhala at de-makina. Milyong sundang ang tinunaw nang ito’y hinulma, sabi ng tao, at ang tae nito ay apoy. [Tula] Patula ng Pandaigdigang Pahayag ng Karapatang Pantao ni Greg Bituin (Lahat ng tao’y may karapatan) tayo’y hindi dapat magpaapi na lamang sa sinumang taong pawang mga gahaman dapat matuto ngang sa kanila’y lumaban pagkat mga tulad nila’y pawang iilan lahat ng tao sa mundo’y may karapatan na mabuhay sa mundo ng may kalayaan ‘di niya karapatang maapi ninuman at ‘di rin karapatang mapagsamantalahan ngunit karapatan niyang makipaglaban at huwag mabuhay sa takot kaninuman kaya nga maraming bayaning nagsulputan para sa paglaya’y nakikipagpatayan sa sama-sama’y may lakas tayo, kabayan ipakita natin ang ating kalakasan ating babaguhin ang bulok na lipunan at ating dudurugin ang ating kalaban MGA KARAPATANG NILABAG AYON SA NOBELANG EL FILIBUSTERISMO MULA KAY RIZAL. Maling Pagkakabilanggo Hindi puwedeng makulong nang walang dahilan ang isang tao. Maling pagkakabilanggo Hindi puwedeng makulong nang walang dahilan ang isang tao. Karapatang tumanggap ng paglilitis. Kailangan munang dumaan sa paglilitis bago puwedeng mahusgahan. Mabigyan ng sapat na edukasyon. Lahat ay may karapatang makapag-aral. Kung ano kami ay kayo din ang may gawa. -isagani Karapatan sa Ari-arian. Walang sino man ang pwedeng umangkin ng ating ari-arian. Wastong impormasyon. Karapatang mabigyan ng tamang impormasyon. Magbigay ng halimbawa ng karapatang pantao dito sa lungsod ng SURIGAO CITY?