Paaralan Baitang/Antas 6 Asignatura AP Markahan IKAAPAT Guro Petsa at Oras I. LAYUNIN : Lesson Plan in Classroom Observation Tool-4 A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang mas malalim na pang-unawa at pagpapahalaga sa patuloy na pagpupunyagi ng mga Pilipino tungo sa pagtugon ng mga hamon ng magsasarili at umuunlad na bansa B. Pamantayan sa Pagganap Nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok sa gawaing makatutulong sa pag-unlad ng bansa bilang pagtupad ng sariling tungkulin na siyang kaakibat na pananagutan sa pagtatamasa ng mga karapatan bilang isang malaya at maunlad na Pilipino C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang kontemporaneong isyu ng lipunan tungo sa pagtugon sa mga hamon ng malaya at maunlad na bansa- Panlipunan (hal. OFW, gender, drug at child abuse, at iba pa) ( AP6TDK-Ive f-6 ) Isulat ang code ng bawat kasanayan II. NILALAMAN Aralin 21 MGA KONTEMPORANEONG ISYUNG PANLIPUNAN (SULIRANING PANLIPUNAN ) III. Kagamitan sa Pagtuturo A. Sanggunian 1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro 2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang- Magaaral 3. Mga Pahina sa Teksbuk Bagong Lakbay ng LAHING PILIPINO: 381-407 4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource B. Iba pang Kagamitang Panturo Laptop, projector, PowerPoint presentation, answer/activity sheet IV. PAMAMARAAN A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin Ipabasa sa mga mag-aaral ang tula: Pagkakaisa Maraming sinulid na mumunti Mahihina kapag nag iisa, Ngunit matapos mahabi Naging pinaka mahusay na bandila. Marami ring mga tao Na ibat iba ang kalagayan, Pag nabigkis ng pag ibig at layunin na totoo Nagiging bayang makapangyarihan. Mga tanong: 1. Ano ang pamagat ng tula? 2. Bakit sinabi sa tula na mahina kapag nag-iisa? 3. Bakit mahalaga ang pagkakaisa? B. Paghahabi sa layunin ng aralin Alam mo ba ang mga suliranin o isyung kinahaharap ng bansa sa kasalukuyan? Pag-aralan mong mabuti ang sumusunod na larawan: Mga gabay na tanong: a. Ilan lahat ang ipinakitang larawan? Ano-anong tagpo ang makikita sa larawan. Isa-isahin? b. Sino-sino ang kabilang sa mga larawan at ano ang kanilang ginagawa? c. Nakikita o namamasdan nyo ba ang mga iyan sa inyong paligid? Sa iyong palagay, ang lahat ba ng nasa larawan ay nangyayari sa ating bansa? d. Ano ang naisip o naramdaman mo habang nakikita ang mga larawan at inaalala ang aktwal na nagaganap sa kapaligiran? e. Tama ba o mali ang ipinakikita ng mga nasa larawan? Maghatol at mangatwiran? Ipabasa at papag-aralan ang mga salita: droga – tawag sa mga gamot na nakapipinsala sa katawan at isipan ng tao kaya’t ipinagbabawal na bilhin at gamitin ng kahit sino decibel – instrumentong sumusukat sa ingay na nililikha ng tunog malnutrisyon – hindi tamang nutrisyon dahil sa kakulangan ng masustansiyang pagkain o sobrang pagkain ng mga pagkaing walang sustansiya poverty line – tinatawag na linya ng kahirapan sa Filipino; ito ay kalagayan ng taong hindi makaabot sa antas ng pamumuhay na pamantayan ng isang bansa o lugar C. Pag-uugnay ng mga Narito ang mga Suliraning Panlipunan: halimbawa sa bagong aralin 1. Problema sa kahirapan Ayon sa talang inilabas ng National Statistical Coordination Board (NSCB) ay may 27.9 bahagdan ng insidente ng poverty line sa bansa noong 2012. Itinuturing na nabubuhay sa “matinding kahirapan” ang isang pamilyang may limang miyembro na kumikita lamang ng ₱ 5, 458.00 kada buwan. 2. Suliranin sa ipinagbabawal na gamot Ayon sa Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan o DILG 60-70 porsiyento ng krimen sa bansa ay bunga ng ipinagbabawal na gamot. 3. Malaking bilang ng populasyon Itanong: Ilan lahat ang nabanggit na suliraning panlipunan? Isa-isahin ito. Paano nagiging hadlang sa kaunlaran ang mga nabanggit na suliranin? D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 May iba’t ibang uri ng katiwalian sa pamahalaan. Ito ay ang panunuhol (bribery)-pagtanggap ng halaga o anumang bagay kapalit ng di pagsumbong sa isang illegal na gawain; pangingikil (extortion)paghingi ng anumang bagay o halaga bago gawin ang isang proyekto o transaksiyon; nepotismo-pagbibigay ng higit na pabor, pagkiling o pagtangkilik sa mga kamag-anak o kaibigan lalo na sa pagbibigay ng mga tungkuling may mataas na suweldo; paglustay (embezzlement)paggamit nang persona lsa pondo o perang dapat gamitin para sa mamamayan; at kickbacks-pagpapasobra sa aktuwal na halaga ng isang bagay o proyekto. Ang katiwalaan sa pamahalaan ay maaaring ipagbigay-alam sa Tanggapan ng Ombudsman. Ang Ombudsman ay may kapangyarihang magsiyasat at magsampa ng kaso laban sa tiwaling kawani o pinuno ng pamahalaan ayon sa Saligang Batas. Sakop ng pagsisiyasat nito ang lahat ng naglilingkod sa publiko gaya ng pulis, guro, empleyado, at opisyal ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan. Itanong: a. May pananagutan ba ang pamahalaan sa mga suliraning panlipunang nabanggit? Bakit? b. Ang batang tulad mo ay nagbibigay suliraning panlipunan rin ba? Magbigay ng sitwasyon. c. Paano ka makakatulong upang mabawasan ang suliraning panlipunan ng bansa? E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 Pangkatang Gawain-Differentiated Strategy a. Pangkatin sa tatlo ang mga mag-aaral at ibigay ang sumusunod na gawain: PANGKAT Unang Pangkat Ikalawang Pangkat Ikatlong Pangkat PAKSA Ako, kapwa at Ipinagbabawal na gamot Ako, kapwa at malaking bilang ng populasyon Ako, kapwa at kahirapan GAWAIN Awit Slogan Sabayang Pagbigkas b. Talakayin ang mekaniks at ibigay ang iba pang mga direksyon tulad ng: 1. Magkaroon ng sama-samang pag-iisip (brainstorming) tungkol sa nabunot na konsepto/gawain na dapat malaman ng isang mag-aaral na bahagi ng isang bansa. 2. Nakabase sa nakaatang na gawain, ipakita/talakayin ang mga reyalidad ng buhay at kung ano ang ideyal o nararapat na isaisip at ikilos ng tao. c. Ipabatid ang rubriks para sa gawain. RUBRIKS PARA SA PANGKATANG GAWAIN KRAYTERYA Nilalaman NAPAKAHUSAY MAHUSAY (3 Puntos) (2 Puntos) Lahat ng konseptong nakapaloob sa output ay tumpak at may kinalaman sa paksa Kahusayan ng output Napakahusay at masining na nagampanan ang nakaatang na gawain na naipakita sa output Pagtutulungan Lahat ng ng Pangkat miyembro ay aktibong nakibahagi mula sa proseso hanggang sa matapos ang output Isa hanggang dalawang konseptong nakapaloob sa output ay di tumpak at walang kinalaman sa paksa Mahusay at masining na nagampanan ang nakaatang na gawain na naipakita sa output Isa hanggang tatlong miyembro ay hindi gaanong aktibong nakibahagi mula sa proseso hanggang sa matapos ang output KAILANGAN PANG PAUNLARIN (1 Puntos) Tatlo o higit pang konseptong nakapaloob sa output ay di tumpak at walang kinalaman sa paksa Hindi gaanong lumabas ang husay at sining sa pinakitang output/pagganap Apat o higit pang miyembro ay hindi gaanong aktibong nakibahagi mula sa proseso hanggang sa matapos ang output (Para sa guro) Tandaan na ang rubrics ay magmumula sa pagsang-ayon ng mga mag-aaral at guro sa pag-gagrado ng gawain. Maaari rin naming ito ay galing sa guro ngunit dapat ay may konsultasyon sa mag-aaral upang lalong mapaganda ang rubrics. F. Paglinang sa Kabihasnan Ayusin ang mga ginulong titik upang matukoy ang mga (Tungo sa Formative tamang salita. Gawing batayan sa pagsagot ang mga paliwanag sa Assessment) kanang bahagi. ( NOYSIRTUNLAM ) 1. Hindi tamang nutrisyon bunga ng hindi pagkain ng masustansiyang pagkain. ( BORLA CDHIL ) 2. Pagpapatrabaho sa mga batang na wala pa sa takdang gulang. ( GADOR ) 3. Tawag sa mga gamot na nakapipinsala sa katawan at isipan ng tao kaya’t ipinagbabawal na bilhin at gamitin ng kahit sino ( PANHIRAKA ) 4. Suliranin kung saan maraming bilang ng mga Pilipino ang walang hanapbuhay kaya maraming kabataan ang hindi nakapag-aaral G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- araw na buhay Habang naglalakad ka sa kalsada nakita mo ang mga batang tulad nito: Anong suliraning panlipunan ang ipinapakita nito? Ano ang naisip o naramdaman mo habang nakikita ang mga bata? Sa papaanong paraan ka makakatulong sa kanila? Mayroon ka bang naranasan sa mga suliraning nabanggit? Ano-ano ang mga ito? Bakit mo ito naranasan? H. Paglalahat ng Aralin Ano-ano ang mga suliraning panlipunan? Isa-isahin ito. Paano nagiging hadlang sa kaunlaran ang mga nabanggit na suliranin? I. Pagtataya ng Aralin Suriin kung saang aspekto nabibilang ang mga nakatalang suliraninn panlipunan. Isulat ang titik sa patlang. a. Problema sa kahirapan b. Suliranin sa ipinagbabawal na gamot c. Malaking bilang ng populasyon ________1. Pagdami ng bilang ng tao sa bansang hindi na matugunan ang mga pangangailangan ________2. Pagpupuslit ng mga ipinagbabawal na gamut ________3. Maraming bilang ng tao ang walang hanapbuhay ________4. Sa murang gulang ay pilit na nilang naghahanapbuhay ________5. Kakulangan sa tirahan Magbigay ng isang problemang kinahaharap ng bansa at saka magbigay ng J. Karagdagang Gawain para mga mungkahi kung paano ito mabibigyang-solusyon. sa takdang-aralin at remediation V. MGA TALA VI. PAGNINILAY A. Bilang ng mag-aaral na 40 nakakuha ng 80% sa pagtataya B. Bilang ng mga-aaral na 2 nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation C. Nakatulong ba ang remediation? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin. D. Bilang ng mga magaaral na magpapatuloy sa remediation Opo,2 0 E. Alin sa mga istratehiyang Mapanuring Pag-iisip o Critical Thinking Nabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mag-isip at kumuha ng pagtuturo ang nakatulong ideya sa mga karanasan at obserbasyon sa paligid. ng lubos? Paano ito nakatulong? F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng aking punungguro at superbisor? G. Anong kagamitan ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro? Inihanda ni: Tagapayo ng G-6 Binatid: Punongguro Pangalan: _______________________________________ Guro: ________________________________________ Baitang at Seksiyon: ______________________________ Petsa: _______________________________________ Iskor: __________________________________ ARALING PANLIPUNAN – 6 Suriin kung saang aspekto nabibilang ang mga nakatalang suliraninn panlipunan. Isulat ang titik sa patlang. a. Problema sa kahirapan b. Suliranin sa ipinagbabawal na gamot c. Malaking bilang ng populasyon ________1. Pagdami ng bilang ng tao sa bansang hindi na matugunan ang mga pangangailangan ________2. Pagpupuslit ng mga ipinagbabawal na gamot ________3. Maraming bilang ng tao ang walang hanapbuhay ________4. Sa murang gulang ay pilit na nilang naghahanapbuhay ________5. Kakulangan sa tirahan ______________________________________________________________________________ Pangalan: _______________________________________ Guro: ________________________________________ Baitang at Seksiyon: ______________________________ Petsa: _______________________________________ Iskor: __________________________________ ARALING PANLIPUNAN – 6 Suriin kung saang aspekto nabibilang ang mga nakatalang suliraninn panlipunan. Isulat ang titik sa patlang. a. Problema sa kahirapan b. Suliranin sa ipinagbabawal na gamot c. Malaking bilang ng populasyon ________1. Pagdami ng bilang ng tao sa bansang hindi na matugunan ang mga pangangailangan ________2. Pagpupuslit ng mga ipinagbabawal na gamot ________3. Maraming bilang ng tao ang walang hanapbuhay ________4. Sa murang gulang ay pilit na nilang naghahanapbuhay ________5. Kakulangan sa tirahan LAYUNIN: Nasusuri ang kontemporaneong isyu ng lipunan tungo sa pagtugon sa mga hamon ng malaya at maunlad na bansa- Panlipunan (hal. OFW, gender, drug at child abuse, at iba pa) ( AP6TDK-Ive f-6 ) Aralin 21 MGA KONTEMPORANEONG ISYUNG PANLIPUNAN (SULIRANING PANLIPUNAN ) COT-4 RUBRIKS PARA SA PANGKATANG GAWAIN KRAYTERYA NAPAKAHUSAY (3 Puntos) MAHUSAY (2 Puntos) Nilalaman Lahat ng konseptong nakapaloob sa output ay tumpak at may kinalaman sa paksa Isa hanggang dalawang konseptong nakapaloob sa output ay di tumpak at walang kinalaman sa paksa Tatlo o higit pang konseptong nakapaloob sa output ay di tumpak at walang kinalaman sa paksa Kahusayan ng output Napakahusay at masining na nagampanan ang nakaatang na gawain na naipakita sa output Lahat ng miyembro ay aktibong nakibahagi mula sa proseso hanggang sa matapos ang output Mahusay at masining na nagampanan ang nakaatang na gawain na naipakita sa output Isa hanggang tatlong miyembro ay hindi gaanong aktibong nakibahagi mula sa proseso hanggang sa matapos ang output Hindi gaanong lumabas ang husay at sining sa pinakitang output/pagganap Pagtutulungan ng Pangkat Unang Pangkat Ikalawang Pangkat Ako, kapwa at Ipinagbabawal na gamot Ako, kapwa at malaking bilang ng populasyon Awit Slogan Ako, kapwa at kahirapan Sabayang Pagbigkas Apat o higit pang miyembro ay hindi gaanong aktibong nakibahagi mula sa proseso hanggang sa matapos ang output Nilalaman Kahusayan ng output Pagtutulungan ng Pangkat 3 3 3 Kabuuang Puntos 9 3 2 3 Nilalaman Kahusayan ng output Pagtutulungan ng Pangkat Kabuuang Puntos Ikatlong Pangkat KAILANGAN PANG PAUNLARIN (1 Puntos) Nilalaman Kahusayan ng output Pagtutulungan ng Pangkat Kabuuang Puntos 8 3 3 3 9 Inihanda ni: Tagapayo ng G-6 Binatid: Punongguro