BIYAYA NANG DAKILANG LUMIKHA/ BIYAYA NANG MAYKAPAL Ang bawat araw na dumarating at lumilipas sa ating buhay ay mga napakalaking biyaya na dapat nating ipagbunyi. Dapat tayong magpasalamat sa Dakilang Lumikha para sa kanyang mga regalo. Binigyan ako ng Panginoon ng maraming pagpapala, kabilang ang kakayahang makamit ang maraming bagay na gusto ko sa panalangin. Ngunit hindi ko alam na ang pinakamalaking pagpapala na matatanggap ko mula sa Diyos ay nakamit ko na pala. Mga biyaya na kailanman ay hindi natin mapupulot sa kalsada. Kahit maglakad tayo buong araw, hindi natin sila mahahanap. Biyaya na minsan lang natin makamit at minsa’y wala nang kapalit. Ang aking pamilya at ang aking kaibigan ang siyang tinutukoy ko na malaking biyaya na ibinigay at ipinaranas sakin ng Panginoon. Sila ang nagsilbing malaking inspirasyon at regalo nang Maykapal mula sakin sapagkat ng dahil san kanila, nalalaman ko ang aking tunay na halaga at lagging pinapabatid sakin na ako’y isang nilalanag na nararapat pahalagahan at mahalin. Dahil sa aking ama, ina, kapatid, lolo at lola,pati na rin sa aking tiyahin at tiyuhin, pinakita at pinaramdam nila na anuman ang tahakin kong landas, sila at sila pa rin ang magsisilbing sandalan at kanlungan ko sa buhay. Isa sa pinagpapasalamat ko sa Maykapal bna binigyan niya ako nang pagpapala, yun ay ang magkaroon ng pamilya. Ako’y habang buhay na magpapasalamat dahil kayo’y kanyang ipinagkaloob. Dahil alam naman natin na nabubuhay tayo sa mundo na maraming mapanghusga, ang pagmamahal nila sa atin ay isang bagay na napakaespesyal. Ito ang nagpapatunay na kahit mahina ka, mayroon kang lakas na habang buhay mong panghahawakan, sila ang aking pamilya. Utang ko sa inyo lahat. Ako’y inyong minahal at hinubog ng inyong kalinga. Biyaya rin ng maykapal ang aking mga kaibigan. Kaibigan na siyang nagsisilbing balikat natin sa tuwing tayo ay may problema. Sabi nga ni William Shakespeare’ A friend is one that knows you as you are, understands where you have been, accepts what you have become, and still gently allows you to grow”. Laking pasasalamat ko sapagkat kasama ko sila palagi sa pagharap sa hamon at pagsubok sa buhay. Nagkaroon kayo nang malaking papel sa buhay ko. Nagging kasama ko kayo sa aking pagiisa, nagging Karamay sa lungkot at saya kaya’t masasabi kong isa kayo sa malaking biyaya na ipinagkaloob sa akin. Isang pagpapala ang magkaroon ng mga taong katulad ninyo. Pahahalagahan ko kayo tulad ng isang diyamanteng mamahalin. Kayo ang biyaya na kailanman hindi ko pagsisisihan.