ANG SULATING PANANALIKSIK Ang sulating pananaliksik ay malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa. Hindi lang ito basta pagsasama-sama ng mga datos na nasaliksik mula sa iba’t ibang primarya at sekundaryang mapagkukunan ng impormasyon kundi taglay nito ang obhetibong interpretasyon ng manunulat sa mga impormasyong kanyang nakalap. Ang interpretasyong ito ang pinakamahalagang elemento ng isang tunay na sulating pananaliksik (Spalding, 2005). 01:54 Ayon kina Constantino at Zafra (2010), ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu, at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan, o pasubalian. Ayon naman kay Galero-Tejero (2011), ang pananaliksik ay may tatlong mahahalagang layunin: una, isinasagawa ito upang makahanap ng isang teorya; pangalawa, mula sa pananaliksik ay malalaman’o mababatid ang katotohanan sa teoryang ito; pangatlo, isinasagawa ang pananaliksik upang makuha ang kasagutan sa mga makaagham na problema o suliranin. Ang pananaliksik ay isang sistematikong proseso ng pangangalap, pag-aanalisa, at pagbibigay-kahulugan sa mga datos mula sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon upang masagot ang isang tanong, upang makadagdag sa umiiral na kaalaman, o pareho. Ang resulta ng isang pananaliksik ay maaaring maghatid sa atin sa isang bagong teorya o konsepto, tumaliwas o sumuporta sa isang teorya o konsepto, rekomendasyon, o isa pang tanong na nangangailangan nang mas malalim na pananaliksik. PAGKAKAIBA NG SULATING PANANALIKSIK SA ORDINARYONG ULAT SULATING PANANALIKSIK Ang pokus ng sulating pananaliksik ay mas limitado. Inaasahan susuriin, hihimayin, palalalimin, at bibigyanginterpretasyon ng mananaliksik ang pagsasagawa ng kaalamang ilalahad patungkol sa paksa. Sa sulating pananaliksik ay maaaring kailanganin mong lumabas, magsagawa ng obserbasyon, makipanayam o mag-sarbey at pumunta sa palengke, sa mga paradahan ng traysikel, mga museo, makasaysayang pook. Sa mga lugar kasing ito maaari mong matagpuan ang mga tao, bagay, o mapagkukunan ng impormasyong tutugon sa mga katanungan o suliraning gusto mong ihanap ng kasagutan. Ang mga kabatiran, datos, o impormasyong makakalap mo mula sa mga tao, kagamitan, o lugar na ito ay iyong pag-aaralan, hihimayin, at ORDINARYONG ULAT Ang manunulat ay mangangalap din ng impormasyon patungkol sa paksang isusulat at saka ilalahad ang tungkol sa mga nakalap na impormasyon. Higit na malawak ang pokus ng ulat. Limitado sa mga nasa aklatan ng iyong paaralan o kaya’y sa Internet uunawain para sa mahusay at angkop na kongklusyon ng iyong susulatin. MGA KATANGIAN NG SULATING PANANALIKSIK Obhetibo- Naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyon o kurokurong pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya, at sinuri. Sistematiko- Ito ay sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa pagpapatunay ng isang katanggap-tanggap na kongklusyon. Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan- Nakabatay sa kasalukuyang panahon (tukoy nito ang petsa at taon), nakasasagot sa suliraning kaugnay ng kasalukuyan, at ang kalalabasan ay maaaring maging basehan sa desisyong pangkasalukuyan Empirikal- Ang kongklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na naranasan at na-obserbahan ng mananaliksik. Kritikal- Maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang proseso at kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito ang maingat at tamang paghahabi at paghahatol ng mananaliksik. Masinop, Malinis, at Tumutugon sa Pamantayan- Nararapat itong sumunod sa mga pamantayang inilahad at kakikitaan ng pagiging masinop at malinis sa kabuoan. Dokumentado- Nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos. Binigyan ng karampatang pagkilala ang pinagmulan ng mga ito. Ayon sa mga propesor na sina Constantino at Zafra (2010), ang isang mananaliksik ay dapat magtaglay ng sumusunod na inga katangian: 1. Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa ibang mapagkukunan ng sandigan. 2. Mapamaraan sa pagkuha ng mga datos na mahirap kunin. 3. Maingat sa pagpili ng mga datos batay sa katotohanan at sa kredibilidad ng pinagkukunan; sa pagsisiguro sa lahat ng panig ng pagsisiyasat; at sa pagbibigay ng mga kongklusyon, interpretasyon, komento, at rekomendasyon. 4. Analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba tungkol sa paksa at mga kaugnay nito. 5. Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, kongklusyon, at rekomendasyon sa paksa. 6. Matapat sa pagsasabing may nagawa nang pag-aaral ukol sa paksang pinag-aralan; sa pagkuha ng mga datos nang walang itinatago, iniiwasan, ipinagkakaila, nang walang pagkilala at permiso kaninuman; at sa pagtanggap sa limitasyon ng pananaliksik. 7. Responsable sa paggamit ng mga nakuhang datos, sa mga tao o institusyong pinagkunan ng mga ito at pagtiyak na maayos at mahusay ang mabubuong pananaliksik mula sa format hanggang sa nilalaman at sa prosesong pagdadaanan. Gayundin naman, ang isang mananaliksik ay dapat maging mapagmasid o mapag obserba, curious, at sensitibo sa mga isyung panlipunang maaaring mahagip ng pagsasaliksik na ginagawa, maingat sa mga terminong ginagamit sa pananaliksik, at sinisigurong tama ang paggamit sa mga ito. MGA URI NG PANANALIKSIK 1. Basic Research. Ang resulta ng tinatawag na basic research ay agarang nagagamit para sa layunin nito. Makatutulong din ang resulta nito para makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral na sa kasalukuyan. Ang sumusunod ay halimbawa ng basic research: pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na inilalaan ng mga kabataan sa paggamit ng Facebook sa kanilang pakikitungo sa mga tao sa kanilang paligid pananaliksik tungkol sa font na ginagamit ng mga vandals sa Metro Manila pananaliksik tungkol sa katangian ng mga boy band na hinahangaan- ng mga kabataan sa isang barangay 2. Action Research. Ang action research ay ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espesipikong problema o masagot ang mga espesipikong mga tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan. Ang resulta nito ay ginagamit ding batayan sa pagpapabuti ng bagay na siyang paksa ng pananaliksik. Ang mga halimbawa nito ay ang sumusunod: pananaliksik sa pinaka-epektibong bilang ng mga miyembro tuwing may pangkatang gawain ang inyong klase sa Filipino upang masigurong ang lahat ay tumutulong o nakikibahagi at natututo sa mga Gawain pananaliksik tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng mga ekstra-kurikular na mga gawain ng mga estudyante sa inyong paaralan sa kanilang academic performance pananaliksik kung may epekto ba ang pagkakaroon ng part time job sa pagkatuto ng mga estudyante sa ikalabing-isang baitang sa inyong paaralan. 3. Applied Research. Ang resulta naman ng applied research ay ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon. Ang mga halimbawa nito ay ang sumusunod: pananaliksik kung paano nagaganap ang bullying sa isang paaralan pananaliksile kung ano ang sanhi ng malaking achievement gap ng mga mag-aaral sa isang baitang sa isang paaralan pananaliksik kung bakit sumasali sa mga gang ang mga kabataan sa isang komunidad. MGA TIP O PAALALA SA PAGPILI NG PAKSA PARA SA PANANALIKSIK Ang paksa ay ang pangkalahatan o sentral na ideyang tinatalakay sa isang sulating pananaliksik. 1. Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo. Mahaba at mabusisi ang proseso ng pagbuo ng sulating pananaliksik. Kakain ito ng maraming oras mo at magiging mahalagang bahagi ng sumusunod na mga araw, linggo, at buwan sa iyong bUhay. Kaya naman, mahalagang gusto mo o malapit, sa iyong puso ang paksang pipiliin mo upang mapanatili ang interes at pagpupunyagi mong matapos ang sinimulan mo gaano man ito kabusising gawin. Kapag siriabing malapit sa puso mo o gusto mo, maaaring mapabilang ito sa alinman sa sumusunod: Paksang marami ka nang nalalaman—May mga kabutihan ang pagpili ng paksang may malawak ka nang kaalaman sapagkat batid mo na kung saan ka kukuha ng mga gamit na kakailanganin mo sa pagbuo nito tulad ng mga aklat, datos, o mga taong eksperto sa nasabing paksa bago mo pa man simulan ang pagsasaliksik. Maaari mong tingnan ang mga hilig o interes mo tulad halimbawa ng pagsasayaw, isports na nilalaro mo, musikang bahagi ng maghapon mo, social, media na kathma mo sa halos bawat araw ng bUhay mo, at iba pa. Paksang gusto mo pang higit na makilala o malalaman—Madalas, may mga tao kang higit na gusto pang makilala o mga bagay na hindi gaanong alam at gustong-gusto mo sanang higit pang maUman o makilala. Magiging makabuluhan ang pananaliksik mo sa mga ito sapagkat higit mong mapalalawak ang iyong kaalaman at interes batay sa mga matutuklasan mo sa iyong pananaliksik. Tiyak na marami rin ang mababago sa iyong pananaw o paniniwala habang lumalawak ang iyong nalalaman ukol sa mga bagong paksang ito. Paksang napapanahon—Maraming kabutihang maidudulot ang pagpili ng mga paksang napapanahon. Magiging makabuluhan ang anumang magiging resulta ng iyong pananaliksik sapagkat magagamit ito ng nakararami dahil angkop o tumutugma ito sa kasalukuyang pangangailangan. 2. Mahalagang maging bago o naiiba (unique) at hindi kapareho ng mapipiling paksa ng mga kaibigan mo. Malaking bagay kung bago o naiiba ang mapipili mong paksa para maging kapaki-pakinabang ang mga bagong kaalamang ilalahad mo mula sa iyong mga bagong matutuklasan sa halip na pag-uulit lang sa kung anuman ang natuklasan na ng ibang mananaliksik. Isapa, kung may limampung mag-aaral sa inyong antas at ang bubuoin mo ay katulad lang ng bubuoin din ng sampu o higit pa sa kanila, hindi maiiwasang maikompara ang iyong papel sa papel na binuo nila. Magiging mas mahirap din ang paghahanap ng mga kagamitan kung mas maraming mag-aaral ang mag-uunahan sa paghiram ng magkakaparehong aklat. Kung mangangailangan ka naman ng taong makakapanayam ay magiging mas madaling mapapayag ang taong ito kung isang beses lang siyang kakapanayamin kaysa kung may sampung mag-aaral na hihiling din sa kanya ng panayam para sa magkakaparehong paksa. 3. May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon. Tulad ng naunang nabanggit, sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay hindi dapat sa aklatan at sa Internet lang mangalap ng kagamitan at impormasyon. Habang pumipili pa lang ng paksa ay pag-isipan na kaagad kung saan-saan o kung sino-sino ang panggagalingan ng mga impormasyong isasama sa bubuoin. Makabubtiting matiyak na ang resources (tao man o bagay) ay nariyan at maaaring magamit sa oras o panahong kakailanganin mo para sa gawain. 4. Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan. Gaano man kaganda ang paksang napili mo kung hindi naman ito matatapos sa takdang panahon ay mawawalan din ng kabuluhan. Nararapat na alam ng mananaliksik ang haba ng panahong nakalaan para sa kabuoan ng gawain at saka niya ito hati-hatiin sa bawat bahagi upang matagumpay na matapos at maisumite ang gawain sa takdang araw ng pagpasa. Dito rin papasok ang paalalang ang paksa ay dapat angkop sa kakayahan ng mananaliksik. Tandaang habang binubuo mo ang sulating pananaIiksik sa isang asignatura ay may iba ka pang asignaturang mangangailangan din ng iyong panahon at atensiyon kay’a mahalagang umiwas sa masyadong malalawak na paksang aabutin ng taon bago matapos. MGA HAKBANG SA PAGPILI NG PAKSA PARA SA PANANALIKSIK 1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin Bago pa man simulan ang pagpili ng iyong paksa ay mahalagang malaman mo muna ang layunin sa pagbuo ng sulating pananaliksik para maihanay o maiugnay mo sa mga layuning ito ang iyong mga gagawin. Halimbawa’y ito ang layuning sasabihin ng inyong guro: Ang layunin ng gawaing ito ay maipamalas mo ang kasanayan sa pananaliksik sa Filipino batay sa kaalaman sa oryentasyon, layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik sa pamamagitan ng pagbuo ng sulating pananaliksik patungkol sa mga paksang napapanahong magagamit ng mga guro at administrador ng ating paaralan sa. pagpaplano at pagpapabuti ng mga programa at serbisyo ng paaralan para sa mga mag-aaral. Mula sa layuning ito ay mag-isip ka ng paksang tutugma rito. Hindi dapat lumayo ang iyong paksa sapagkat may dahilan ang guro sa pagpili ng layuning pagmumulan ng sulating pananaliksik ng kanyang mga mag-aaral. 2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik May mga gurong nagbibigay ng mga paksang maaaring pagpilian ng mga mag-aaral. Ang mga paksang ito ay nakaugnay sa mga layunin. Kung sakaling wala kang magustuhan sa mga paksang ibinigay upang pagpilian ay maaari mong kausapin ang iyong guro upang mabigyan ka ng pagkakataong pumili ng ibang paksang malapit sa iyong puso at interes. Mahalagang lagi kang makipag-ugnayan sa iyong guro para makuha ang pananaw niya sa mungkahi mong paksa bago pa man ito simulan upang maiwasang mathyang ang oras mo kung sakaling may ibang suhestiyon pa ang iyong guro kaugnay nito. Kung sakaling walang ibibigay na paksang pagpipilian ang guro at ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong pumili ng sarili mong paksa, isa itong maganda subalit mapanghamong gawain. Maaari kang maupo at mag-isip ng lahat ng mga posibleng paksa. Pag-isipan ang paksang malapit sa puso mo na tutugma sa Iayuning ibinigay ng guro. Isulat mo ang lahat ng ideyang papasok sa isipan mo para mas marami kang mapagpilian. Huwag mong limitahan ang mga isusulat at iwasang i-edit ang sarili mo. Pagkatapos mong maisulat ang mga posibleng pagmulan ng iyong paksa ay iwan mo muna ito upang higit kang maging handa sa susunod na hakbang. 3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya Muling balikan at isa-isang basahin ang mga isinulat mong ideya. Suriing mabuti ang bawat isa gamit ang sumusunod na mga tanong: Alin-alin sa mga ito ang magiging kawili-wiling gawin o saliksikin para sa iyo? Bakit ka interesado rito? Alin ang posibleng makatulong sa iba kapag naihanap ito ng kasagutan? Alin ang alam na alam mo na? Alin ang gusto mo pang lalong makilala o mapalawak ang iyong kaalaman? Alin ang maaaring mahirap ihanap ng kagamitang pagkukunan ng impormasyon? Alin ang masyadong malawak at mahirap gawan ng pananaliksik? Alin naman ang masyadong limitado o maliit ang sakop? Alin ang angkop sa iyong antas at kakayanin mong tapusin sa itinakdang panahon? 4. Pagbuo ng tentatibong paksa Mula sa mga sagot mo sa mga tanong na ito ay matutukoy mo kung alin sa mga nakatala sa iyong papel ang maaari mong ipursige bilang paksa ng iyong sulating pananaliksik. Lagyan ng tsek (✓) ang mga ito gamit ang mga naunang tanong bilang gabay. Muli, suriing mabuti ang mga napili mo. Magdesisyon ka at itanong sa sarili: Alin kaya sa mga ito ang pinakagusto ko o pinakamalapit sa aking puso, pinakamadali kong maihahanap ng kasagutan, pinakamadaling maiugnay sa layunin, at tiyak na matatapos ko sa limitadong oras na ibinigay sa akin para tapusin ang gawain? Batay sa sagot na ibibigay mo sa tanong na ito ay mapipili mo na ang iyong tentatibong paksa. 5. Paglilimita sa paksa Maaaring sa una’y malawak ang paksang mabubuo mo kaya’t kakailanganin mong limitahan ito upang ma. gkaroon ng pokus ang gagawin mong pananaliksik. Tandaang hindi dapat maging masyadong malawak o masaklaw ang paksa na sa dami ng impormasyong gusto nitong patunayan ay hindi na matatapos sa, takdang panahon at hindi maihahanap ng angkop na kasagutan. Makikita sa ibaba ang ilang halimbawa ng paglilimita sa isang malawak o pangkalahatang paksa: Malawak o Pangkalahatang Paksa: Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral Nilimitahang Paksa: Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral at ang Epekto nito sa Kanilang Gawaing Pang-akademiko Lalo Pang Nilimitahang Paksa: Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral sa Ikasampung Baitang ng Heneral Gregorio Del Pilar High School at ang Epekto Nito sa Kanilang Gawaing Pangakademiko Malawak o Pangkalahatang Paksa: Persepsiyon sa mga taong may tattoo sa katawan Nilimitahang Paksa: Persepsiyon ng kabataan sa mga taong may tattoo sa katawan Lalo Pang Nilimitahang Paksa: Persepsiyon ng kabataang nasa edad 13-19 sa mga taong may tattoo sa katawan Sa paglilimita sa iyong paksa, iwasang maging lubha naman itong limitado na halos wala ka nang pagkakataon upang mabuo ito bilang isang sulating pananaliksik. Kung masyadong limitado ang paksa ay maaaring magkulang ang mga gamit na kakailanganin mo para dito. Dito mangangailangan ka ng modipikasyon o bahagyang pagpapalawak sa iyong paksa upang maging mas makabuluhan ang kalalabasan ng iyong pag-aaral. https://www.elcomblus.com/mga-katangian-ng-sulating-pananaliksik/