4 Araling Panlipunan Unang Markahan-Modyul 4: Lokasyon at Heograpiya ng Pilipinas Araling Panlipunan – Ikaapat Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Ang Pilipinas ay Bansang Tropikal Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Mga Bumuo ng Modyul Manunulat Patnugot Tagasuri Tagaguhit Tagalapat : Imelda S. Ramos : Rebecca K. Sotto, PhD : Helen G. Laus, EdD : Marie Ann C. Ligsay, PhD : Lily Beth B. Mallari : Angelica M. Burayag, PhD : Gizelle R. Libed : Jenn Eicel S. Lopez Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD Ma. Editha R. Caparas, EdD Angelica M. Burayag, PhD Nestor P. Nuesca, EdD Robert E. Osongco, EdD Lily Beth B. Mallari Rebecca K. Sotto, PhD Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando Telefax: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: region3@deped.gov.ph 4 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 4: Lokasyon at Heograpiya ng Pilipinas Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan Baitang 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Lokasyon at Heograpiya ng Pilipinas. Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang magaaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Tala para sa Guro Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa Lokasyon at Heograpiya ng Pilipinas. Mainam na gabayan ang mga magaaral sa pagtalakay ng aralin sa pamamagitan ng paggamit ng modyul na ito. Maaaring ipaliwanag sa mga magulang kung pano matutulungan ang kanilang mga anak sa paggamit ng modyul na ito. ii Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang magaaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Baitang 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Lokasyon at Heograpiya ng Pilipinas. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balikaral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. iii Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o reyalidad ng buhay. Iv Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Gawain Susi sa Pagwawasto Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. v 5. tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pangunawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! vi Alamin Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling Panlipunan Baitang 4. Ang Pilipinas ay may natatanging katangiang pisikal o heograpiya. Bilang isang mag-aaral na Pilipino, dapat ay may alam ka sa iyong bansang tinitirhan. Ating alamin ang kaugnayan ng klima at panahon sa lokasyon ng Pilipinas sa mundo (AP4AAB-Ie-f-8). Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. 2. Natutukoy ang pisikal na anyo ng Pilipinas o heograpiya nito. Naiuugnay ang lokasyon sa heograpiya ng Pilipinas. 1 Subukin Panuto: Sa loob ng lima hanggang sampung pangungusap, ilarawan mo ang lugar na iyong pinanggalingan o pinaninirahan. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 2 Balikan Sa nakaraang aralin tinalakay natin ang panlabas o pisikal na katangian ng isang bansa. Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong. Piilin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno. Timog Silangang Asya Himpapawirin Kalapagang Insular Tubig Heograpiya Arkipelago Teritoryo Timog Asya Kalupaan Land Mass Karagatang Pasipiko International Waters ________1. Saang bahagi ng Asya matatagpuan ang Pilipinas? ________2. Ang Pilipinas ay kapuluang napaliligiran ng _____. ________3. Ito ang panlabas o pisikal na katangian ng isang bansa. ________4. Ito ay tumutukoy sa itaas na bahagi ng pinagsamang teritoryong kalupaan at katubigan. ________5. Ano ang tawag sa mga dagat na hindi teritoryal? ________6. Ito ay isang buong lupa na walang pulo-pulo. ________7. Ang tawag sa mga pulong nakalubog sa kailaliman ng Dagat. ________8. Ito ay binubuo ng mga isla. ________9. Ito tumutukoy sa sukat ng lupaing sakop ng isang lugar. ________10. Ito ang anyong tubig na nasa Timog na bahagi ng Pilipinas. 3 Tuklasin Ang Pilipinas ay mayroong isang uri ng klima at ito ay tropikal. Ang isang bansang tropikal tulad ng Pilipinas ay nakatatanggap ng direktang sikat ng araw. Bigyang pansin ang lokasyon ng Pilipinas. POLONG HILAGA KABILUGANG ARTIKO TROPIKONG KANSER EKWADOR TROPIKO NG KAPRIKORN KABILUGANG ANTARTIKO POLONG TIMOG Ano ang klima at panahon na nararanasan sa Pilipinas? Ano kaya ang kinalaman ng lokasyon sa klima at panahon ng isang bansa? 4 Suriin Ang Lokasyon ng Pilipinas Ang Pilipinas ay malapit sa ekwador at nasa mababang latitude. Direkta itong nakatatanggap ng sikat ng araw kung kaya’t maalinsangan at mainit sa ating bansa. Ang lokasyon ng Pilipinas ang dahilan kung bakit may klima itong tropikal. Ito rin ang dahilan kung bakit ang pisikal na anyo ng mga lupain ay masaganang lupain ng bulubundukin at kapatagan. Walang niyebe sa Pilipinas sapagkat malayo ito sa Hilaga at Timog Polo kung saan napakalamig dahil hindi direktang sinisikatan ng araw. Tinatawag din ang mga itong Rehiyong Polar. Heograpiya o Anyong Pisikal ng Pilipinas Dahil na rin sa klimang tropikal na may dalawang panahon, tag-araw at tag-ulan, mayroon ang Pilipinas ng malalawak at saganang kapatagan kung saan nagtatanim ang mga magsasaka ng sari-saring halaman, pangunahin dito ang palay. Sa gitnang Luzon 5 matatagpuan ang pinakamalawak na kapatagan na tinataniman ng palay. Ito ang lalawigan ng Nueva Ecija, kung saan nagmumula ang malaking suplay ng palay ng buong bansa. 5 Mayaman din ang bansa sa mga gubat. Karamihan dito ay matatagpuan sa Mindanao. Sa mga kagubatan matatagpuan ang mayamang biodiversity kung saan naninirahan ang iba’t ibang uri ng mga hayop at tumutubo ang maraming uri ng halaman at mga puno. Ang mga luntiang kapatagan at kagubatan ay bunga ng mga pag-ulan sa panahon ng tag-ulan o monsoon season kung kailan dumadaan ang mga bagyo at panahon ng Habagat sa bansa. Ang ulan na dala nito ay dumidilig sa malawak na lupain. Dahil sa mayaman nitong lupain, matatagpuan sa bansa ang iba’t ibang mineral tulad ng nikel, metal, at tanso. Dahil ang Pilipinas ay isang arkipelago, inaasahang malawak ang mga anyong tubig nito, sa loob man o sa labas ng teritoryong lupain. Mayaman ang bansa sa mga yamang tubig tulad ng mga isda, corals at perlas. Ito ang pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga mangingisda. Tandaan Sa kabuuan, ang lokasyon ng Pilipinas ay nagtatakda ng heograpiya nito o pisikal na anyo ng bansa. 6 Pagyamanin A.Panuto: Isulat ang T sa patlang kung ito ay naglalarawan ng mga katangian ng Pilipinas at M kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel. ______1. Ang lokasyon ng Pilipinas ay direktang tinatamaan ng sikat ng araw. ______2. Umuulan ng yelo sa Pilipinas. ______3. Nakararanas ng apat na uri ng panahon ang ating bansa. ______4. Ang Pilipinas ay nasa itaas ng ekwador. ______5. Ang Monsoon Season ay tag-ulan. ______6. Kaunti lamang ang kapatagan sa bansa dahil nababalutan ng niyebe. ______7. Nakararanas ng tagsibol at taglagas ang Pilipinas. ______8. Mainit at maalisangan ang pakiramdam ng mga naninirahan sa Pilipinas ______9. Dahil sa madalas na pag-ulan, ang mga kabukiran ay nadidiligan at umuusbong ang mga tanim na palay. ______10. Dahil arkipelago ang Pilipinas, maraming anyong tubigsa loob at labas ng lupang teritoryo nito. 7 B. Panuto: Masdang mabuti ang mapa. Punan ng sagot ang mga sumusunod na pahayag: Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ang Pilipinas ay nasa itaas ng __________________. 2. Ang guhit na pinakamalapit sa taas ng Pilipinas ay _____________________. 3. Ito ay guhit sa pagitan ng dalawang tropiko, ito ang _____________________. 4. Sa gawing itaas, ito ang pinakamalamig na lugar. _____________________. 5-6.Sa itaas at ibaba ng ekwador ay lokasyon na direktang tinatamaan ng sinag ng araw. Ito ang ___________________ at ___________________. 7. Ang Hilagang Polo at Timog Polo ay tinatawag din _______. 8. Ang lokasyon ng Pilipinas ay ___________. 9-10. Ang dalawang panahon ng Pilipinas ay ___________ at _____________. 8 C.Panuto: Basahin at punan ng tamang sagot ang patlang. Isulat ang sagot sa sagutang papel. ____________1. Dito matatagpuan ang pinakamalawak na kapatagan na tinataniman ng palay. ____________2. Karamihan ng gubat sa Pilipinas ay matatagpuan dito. ____________3. Ito rin ang tawag sa panahon ng tag-ulan. ____________4. Ano ang tawag sa mga rehiyong hindi direktang sinisinagan ng araw? ____________5. Ito ang uri ng klima ng Pilipinas. ____________6. Ang ______ na anyo ng Pilipinas ay masaganang lupain ng bulubundukin at kapatagan. ____________7. Ito ang dumidilig sa malawak na lupain. ____________8. Pinaninirahan ng iba’t ibang uri ng mga hayop at maraming uri ng halaman at mga puno na tumutubo rito. ____________9. Ang Pilipinas ang tinatawag na ____________ dahil malawak ang mga anyong tubig nito, sa loob man o sa labas ng teritoryong lupain. ____________10. Walang nito sa Pilipinas sapagkat malayo ito sa Hilaga at Timog Polo kung saan napakalamig dahil hindi direktang sinisikatan ng araw. 9 D.Panuto: Kumpletuhin sa loob ng kahon ang salitang tinutukoy sa bawat bilang. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Nasasabi mong ganito ang klima kung ikaw ay pinapawisan at naiinitan. a M n t 2. Ganito ang klima sa lugar kapag kailangan mong magsuot ng makapal na damit. M a g a 3. Kadalasang nagagamit mo ang damit na panlamig, kapote, at payong kapag ganito ang panahon. T n a 4. Nararanasan ang panahong ito tuwing bakasyon at walang pasok sa paaralan. Marami ang nagpupunta sa beach sa panahong ito. a g i t 5. Direktang nakatatanggap ng sikat ng araw ang bansa kaya’t maalinsangan dito. M i n t Tukuyin ang klima kung kailan nangyayari ang mga sumusunod. Isulat kung Tag-init o Tag-ulan. __________6. Binabaha ang mga kalye sa aming lugar. __________7. Masayang naglalaro ang mga mag-aaral sa palaruan. __________8. Maraming natumbang puno sa lakas ng hangin. __________9.Nakakapoteng pumasok sa paaralan ang mga bata. __________10. Bumibili ng ice cream ang mga kabataan. 10 E. Panuto: Magtala ng gawain sa panahon ng tag-init at panahon ng tag-ulan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Klimang Tropikal Mga Gawain 1. 2. 3. TAG-INIT 4. 5. 1. 2. 3. TAG-ULAN 4. 5. F. Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Kung ito ay naglalarawan ng mga katangian ng isang bansang tropikal, isulat ang bilang nito sa loob ng araw. Kung hindi, isulat sa loob ng ulap. Kopyahin ang mga drowing sa sagutang papel at dito isulat ang sagot. 11 1. Ang mga naninirahan dito ay nakakaranas ng matinding sikat ng araw. 2. Umuulan ng yelo sa lugar na ito. 3. Nakararanas ng apat na uri ng panahon ang mga bansang may ganitong klima. 4. Nasa mababag latitude ang mga lugar na nakararanas ng klimang ito. 5. Direktang nakatatanggap ng sikat ng araw ang mga bansa. 6. Mararanasan ang sobrang lamig sa lugar na ito sa buong taon. 7. Nakararanas ng tagsibol at taglagas ang mga naninirahan sa lugar. 8. Mainit at maalisangan ang pakiramdam ng mga naninirahan sa lugar. 9. Direktang tinatamaan ng sikat ng araw ang mga lugar na ito. 10.Kaunting sikat ng araw lamang ang nararanasan sa mga lugar na ito. Isaisip Panuto: Masasabi mo ba ang kahalagahan ng lokasyon at heograpiya ng ating bansang Pilipinas? Gawin mo ang Concept Map sa iyong sagutang papel. Kahalagahan ng Lokasyon at ng Heograpya ng Pilipinas 12 Isagawa: Panuto: Gumuhit ng larawan na nagpapahiwatig ng gawain ng tag-init at tag-ulan. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 13 Rubric Pamantayan 1 Hindi Mahusay 2 Katamtamang Mahusay Nilalaman Kaangkupan ng konsepto Pagkamapanlikha (Originality & Creativity) 14 3 Mahusay 4 Napakahusay Kabuuang Presentasyon (Malinis at maayos ang kabuuang presentasyon) Kabuuan Tayahin Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang sagot. 1. Saan matatagpuan ang Pilipinas? a. sa pagitan ng ekwador at Tropiko ng Kanser b. sa pagitan ng ekwador at Tropiko ng Kaprikorn c. sa pagitan ng Tropiko ng Kanser at Tropiko ng Kaprikorn d. sa pagitan ng mababang latitud at mataas na latitud 2. Anong klima mayroon ang Pilipinas? ______ 1. mainit ______ 2. malamig ______ 3. maulan ______ 4. katamtaman a. 1 at 2 b. 2 at 3 c. 3 at 4 d. 1 at 3 3. Ilarawan ang Pilipinas. 1) Malapit ito sa ekwador. 2) Nasa mababang latitud ito. 3) Nasa pagitan ito ng ekwador at Tropiko ng Kanser. 4) Direktang nasisikatan ng araw. a. b c. d. 1, 2, 3 1 at 2 2, 3, 4 1, 3 at 4 15 4. Ito ang pinakatimog na latitud kung saan maaring tuwirang lumitaw ang araw sa dagat o sa lupa. a. tropiko ng kanser b. tropiko ng kaprikorn c. hilagang polo d. ekwadoR 5. Ito naman ay ang gitnang latitud o rehiyong katamtaman ang lamig sa timog a. tropiko ng kanser b. tropiko ng kaprikorn c. Kabilugang Antartiko d. Kabilugang Artiko 6. Ano ang pinakamalamig na buwan sa Pilipinas? a. Enero b. Pebrero c. Marso d. Abril 7. Ito ay napaliligiran ng yelo na hindi natutunaw sapagkat kakaunting sikat na araw lang ang nakakarating ditto. a. tropiko ng kanser b. rehiyong polar c. Tropiko ng kaprikorn d. Ekwador 8. Nakararanas ang mga naninirahan sa bahaging ito ng higit na init at sikat ng araw. a. Polong Hilaga b. Rehiyong Polar c. Rehiyong Tropikal d. Rehiyong Kaprikorn 9. Ang bansang ito ay malapit sa ekwador at nasa mababang latitud kaya't tropikal ang klimang nararanasan dito. a. Amerika b. Canada c. Pilipinas d. Russia 10.Ano ang pinakamainit na buwan sa Pilipinas? a. Marso b. Abril c. Mayo d. Hunyo 16 Karagdagang Gawain: Panuto: Gamit ang mapa ng daigdig o globo, magtala ng mga bansang nakararanas ng klimang tropikal. Gawin ito sa sagutang papel. 17 D 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. Mainit Malamig Tag-ulan Tag-init Mainit Tag-ulan Tag-init Tag-ulan Tag-ulan Tag-init. E Posibleng sagot: TAG-INIT ~mamasyal sa ibang lugar ~magswimming ~maglaro ~mag ehersisyo gaya ng paglalakad, pagtakbo, pagbibisekleta ~magtinda o kumain ng palamig gaya ng halo-halo, ice candy, shake, ice cream 18 F Araw: 1,4,5,8,9 Isaisip Maaring isagot: .Makatutulong upang malaman ang mga lugar, mga yaman ng bansa,at uri ng klima ng ating bansa. .Sentro ng iba’t ibang produkto at kalakalan .Sentro ng komunikasyon, transportasyon, at pangkabuhayan sa Timog Silangang Asya .Maganda para sa internasunal na ruta ng mga sasakyang panghimpapawid at pandagat patungo sa iba’t ibang bansa. Ulap: 2,3,6,7,10 TAG-ULAN ~manatili sa loob ng bahay ~magluto ~mag-aral ~manuod ng telebisyon Balikan A 1.Timog Siangang Asya 2. Tubig 3. Heograpiya 4. Himpapawirin 5. International Waters 6. landmass 7. Kalapagan insular 8. Arkipelago 9. Teritoryo 10. Karagatang Pasipiko 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. B T M M T T M M T T T Tayahin 1. a 2. d 3. d 4. b 5. c 6. b 7. b 8. c 9. c 10. b Karagdagang Gawain Posibleng sagot: Thailand, Cambodia, Singapore, Brunei, Malaysia, Indonesia, Peru, Brazil C 1. Ekwador 2. Tropiko ng Kanser 3. Ekwador 4. Hilagang Polo 5-6. Tropiko ng Kanser at Tropikong Capricorn 7. Rehiyong Polar 8. Tropical 9-10. Tag-init at Tag-ulan 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. Nueva Ecija Mindanao Moonsoon Season Rehiyong Polar Tropikal pisikal ulan Biodiversity Arkipelago niyebe Susi sa Pagwawasto Sanggunian Adriano, Ma. Corazon V., Caampued, Marian A., Capunitan, Charity A., Galarosa, Walter F., Miranda, Noel P., Quintos, Emily R., “Mga Salik na May Kinalaman sa Klima ng Bansa, Pangunahing Anyong Lupa at Tubig sa Bansa” Araling Panlipunan 4(Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat(DepEd-IMCS), Unang Edisyon, 2015 19 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph