PAGSULAT NG MGA AKDANG PANG-AGHAMAT TEKNOLOHIYA Pagsulat ng Balitang Pang-agham at Teknolohiya Katulad ng anumang balita, taglay rin ng balitang pang-agham at teknolohiya ang kawastuhan, katimbangan, makatarungan, makatotohanan, kaiklian, at kapanahunang katangian nito. Sinusunod nito ang kaayusang piramide kung saan ang mga mahahalagang datos ay nasa unang o pangalawang talata at ang di- gaano ay mahahalagang detalye ay nasa hulihang mga talata na. Tuwirang balita ang balitang pang-agham. Sumasagot sa tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan, Bakit at Paano. Isinaalang-alang din dito ang tamang pag-aangulo upang mapukaw ang interes ng mambabasana basahin ang kabuuan ng istorya. Tubig, bakterya,pinagkunan ng lakas-enerhiya Ang tubig ay isa sa mga pangunahing pangngailangan ng tao, samantalang kasalungat naman nito ang bakteryang nakakapinsala. Pero paano kapag pinagsamaang dalawang ito, ano kaya ang kalalabasan? Ito ang sinagot ng mga eksperto matapos matuklasan sa unang pagkakataon ang eneherhiyang hydrogen gas gamit lamang ang tubig at bakterya na nakapagpaandar ng sasakyan at iba pang makinarya na walang masamang epekto sa kapaligiran. Sa ipinalabas na ulat nina State Environmental Engineer Bruce Logan at Penn Youngy Kim sa National Academy of Sciences, matagumpay nilang naisanib ang dalawang bagay o Prototype device at nakalikha ng hydrogen na walang panlabas na suplay ng enerhiya at iba pa. Ang device na ito’y may dalawang maliit na hawakan. Ang isa ay humahawak sa bakterya at nutrisyon nito, samantalang ang isa nama’y siyang humahawak sa maalat na tubig kung saan nabubuo ang hydrogen gas na may 0.5 at 0.6 volts. Sa bawat 30 mililitrong Sodium Acetate solution na inisuplay ng bakterya, nakalikha ng mahigit 21 at 26 mililitrong hydrogen gas sa iang araw. Pero ito’y hindi pa sapat at maliit lamang upang makapatakbo ng sasakyan. Ayon kay Logan, ang hydrogen ang pinakamainam na pagkukunan ng malinis na langis dahil kapag sinunog, ito’y magreresulta lamang sa water vapor. Sa ngayon, problema pa rin kung papaano makakakuha ng ganitong kalaking supply ng hydrogen gas at patuloy pa ring pinag-aralan ng mga eksperto ang alternatibong solusyon ukol dito. Pagsulat ng Editoryal na Pang-agham at Teknolohiya Wala namang ikinaiba ang pagsulat ng editoryal pag-agham at teknolohiya sa karaniwang pangulong tudling, maliban sa nilalaman nito. Ang tinatalakay at binigyan ng opinyon dito ay tungkol sa mga napapanahung isyu, problema o kaganapang may kinalaman sa agham at teknolohiya. Sa pagsulat ng editoryal pang-agham at teknolohiya, lagging tandaan ng manunulat na simulant kaagad ito sa pagbibigay ng reaksyon o pangkalahatang pinapanigan ng may akda o ng patnugutan tungkol sa isyu. Ang hindi pagbibigay ng reaksyon o pangkalahatang posisyon tungkol sa paksa ay nangangahulugang ang akda ay sanaysay lamang hindi editoryal. Simulan sa pinakamahalaga hanggang sa di gaanong mahalagang argumento. Ang paghusga tungkol sa isyu ay hindi sapat kung ang manunulat ay hindi nagbibigay ng konkretong solusyon. Hindi puro reklamo lamang ang isulat na walang binibigay ng anumang alternatibong lunas o • Wakasan ang editoryal sa pamamagitan ng pagbibigay ng katanggap-tanggap at kongkretong solusyon sa problema. • Maaaring tapusin ang akda sa mapanghamong tanong, paghuhula sa maaaring kahinatnan, pakiusap, paguutos o simpleng pabuod lamang. Kaayusan ng editoryal na Pang-agham at Teknolohiya 1. Pamagat- Maaaring gamitan ng simbolismo ang pamagat. Hal.Buwaya sa Senado, kung tinatalakay sa diumano’y korapsyong ginagawa ng ilang senador. 2. Panimula- Pwedeng isa o dalawang pangungusap lamang na nagtataglay ng isyu, problema o pangyayari na may kalakip na reaksyon. Hal. Ang babalang label sa kahon ng sigarilyo na nagsaaad na ang panigarilyo ay nagging sanhi ng pagkakaroon ng kanser sa baga, sakit sa puso, kulang sa araw ng panganganak at mag sugat sa mga sanggol na isinisilang ng mga maninigarilyo. Pero kahit na sa gitna ng mga nabanggit na mga panganib, madali pa ring makabili ng mga sigarilyo sa mga tindahan. kahit gaanong depensa pa ang gagawin ng mga kompanya ng tabako sa kanilang produkto, maraming pag-aaral ang ipinagbawalna droga at mapanganib na sa lasing na drayber.