Uploaded by Adrian Reed Lagarde

Pambansang Kaunlaran

advertisement
Pambansang Kaunlaran
Antas ng Kaunlaran ng Bansa

Maunlad na Bansa (Developed Economies) – Ito ay mga bansang may mataas na Gross Domestic
Product (GDP), income per capita at mataas na HDI.

Umuunlad na Bansa (Developing Economies) – Ito ay mga bansang may mga industriyang
kasalukuyang pinauunlad ngunit wala pang mataas na antas ng industriyalisasyon. Hindi pantay
ang GDP at HDI.

Papaunlad na Bansa (Underdeveloped Economies) – Ito ay mga bansa na kung ihahambing sa iba ay
kulang sa industriyalisasyon, mababang antas ng agrikultura at mababang GDP, income per capita
at HDI.
Human Development Index
Ang HDI ay isang measure ng kalagayan ng pag-unlad ng isang bansa. Ito ay ginagamit upang
sukatin ang antas ng pamumuhay, kalusugan, at edukasyon ng mga mamamayan ng isang bansa. Ang HDI
ay nagbibigay ng numerical value sa isang bansa na tumutukoy sa kalidad ng buhay ng mga mamamayan
nito. Mas mataas na HDI ang nangangahulugan ng mas mataas na antas ng pag-unlad. Ang HDI ay isang
pangunahing sukatan na ginagamit sa paghahambing ng mga bansa at sa pagsusuri ng pagbabago sa
kalagayan ng pag-unlad sa loob ng panahon.
Ang Pilipinas ay nasa ika-50 puwesto (sa 125 bansa) pagdating sa Human Development Index (HDI) na
tinatawag na Medium Tier HDI.
Sama-Samang Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran

Mahalaga ang sama-samang pagkilos ng mamamayan upang umunlad ang isang bansa. Maaaring
ang pagbibigay ng kontribusyon sa pag-unlad ng bansa ay sa pamamagitan ng pansariling
pagsisikap o sama-samang pagtutulungan. Maaaring gawin ang sumusunod bilang ilan sa mga
estratehiya na makatutulong sa pag-unlad ng bansa:

Mapanagutan: Pinapakita dito ang kahalagahan ng tamang pagbabayad ng buwis upang magkaroon
ng sapat na pondo ang pamahalaan para sa mga serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon at
kalusugan. Mahalaga rin ang paglaban sa anomalya at korapsyon sa lahat ng aspekto ng lipunan at
pamamahala.

Maabilidad: Nakapaloob dito ang pagpapahalaga sa pagbuo o pagsali sa kooperatiba bilang isang
paraan upang makapaglikha ng yaman at magkaroon ng sama-samang pag-unlad. Ang negosyo at
pagnenegosyo ay binibigyang diin bilang isang paraan upang magkaroon ng kontrol ang mga
Pilipino sa ekonomiya ng bansa.

Makabansa: Hinahamon ang mga mamamayan na aktibong makilahok sa pamamahala ng bansa,
mula sa lokal na antas hanggang sa pambansa, upang maisulong ang mga adhikain at
pangangailangan ng mga Pilipino. Ang pagtangkilik sa mga produktong Pilipino ay isa ring paraan
upang mapalakas ang yaman ng bansa.

Maalam: Binibigyang-diin ang kahalagahan ng tamang pagboto sa mga kandidato na may malalim
na kaalaman at pang-unawa sa mga programang pangkaunlaran ng bansa. Ang pagpapatupad at
pakikilahok sa mga proyekto sa komunidad ay ipinapakita rin bilang isang paraan upang
magkaroon ng aktibong bahagi sa pag-unlad ng bansa.
Narito ang mga halimbawa na nagpapakita ng mga konkretong paraan kung paano maipamuhay ang mga
konsepto ng mapanagutan, maabilidad, makabansa, at maalam sa pang-araw-araw na buhay.

Mapanagutan:
o
Pagsunod sa mga traffic rules at pagbabayad ng tamang halaga ng multa para sa mga traffic
violations.
o
Pagbibigay ng tamang suweldo at benepisyo sa mga manggagawa upang masiguro ang
kanilang kasiyahan at produktibidad..
o
Pagbabayad ng utang o pagkakautang sa tamang oras at pagiging may pagsunod sa mga
kontrata at kasunduan.

Maabilidad:
o
Pagsali sa mga programa ng vocational training at pagsanay upang mapalawak ang
kasanayan at kakayahan sa isang partikular na larangan tulad ng teknolohiya,
pagkakarpintero, o pagkukumpuni ng mga aparato.
o
Paglikha o pagsali sa isang pangkat o samahan ng mga magsasaka upang magtanim at
magpalago ng organikong mga produktong pang-agrikultura.
o
Pagtatayo ng mga maliliit na negosyo o pagsali sa mga kooperatiba na naglalayong palakasin
ang lokal na ekonomiya at magkaroon ng oportunidad sa kabuhayan.

Makabansa:
o
Paglahok sa mga adbokasiya at kampanya para sa pangangalaga sa kalikasan tulad ng treeplanting activities, coastal clean-ups, at iba pang environmental conservation projects.
o
Pagsuporta sa mga lokal na industriya at mga produktong gawang Pilipino sa pamamagitan
ng pagbili at pagtangkilik sa mga lokal na tindahan at mga produktong gawa sa Pilipinas.
o
Pag-alam at pagpapalaganap ng kasaysayan, kultura, at tradisyon ng Pilipinas sa
pamamagitan ng pag-attend sa mga pambansang pagdiriwang at pagpopromote sa mga lokal
na turismo.
o

Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino.
Maalam:
o
Pagsusuri at pag-aaral ng mga pampublikong isyu at mga polisiya ng gobyerno upang
magkaroon ng mas malalim na pag-unawa at maipahayag ang mga saloobin sa pamamagitan
ng pagsusulat ng sulat sa mga opisyal o paglahok sa mga debate at talakayan.
o
Pagbasa at pag-aaral ng mga aklat, artikulo, o iba pang sanggunian tungkol sa personal
finance management upang makamit ang pangkalahatang kabutihan ng pamilya at maabot
ang mga pangarap sa buhay.
o
Pagsali sa mga civic organizations na naglalayong magbigay ng impormasyon at edukasyon
sa mga mamamayan tungkol sa mga isyung pangkaunlaran.
o
Pagsali sa mga pagsasanay at seminar upang mapalawak ang kaalaman sa mga aspeto ng
pamamahala at pambansang ekonomiya.
Basahin ang mga sumusunod na katanungan. Maghanda para sa isang talakayan at “recitation” patungkol
sa mga sumusunod na katanungan:
1. Datapwat seryoso ang pamahalaan na labanan ang korapsiyon, patuloy pa rin ang maling paggasta
ng kaban ng bayan. Bilang isang mapanagutang mag-aaral, paano ka makatutulong upang masugpo
ito?
2. Maraming tao na ang nagpatunay na hindi hadlang ang kahirapan upang magtagumpay sa kahit
anumang negosyo. Ilan sa mga ito sina Lucio Tan, Henry Sy, at Manny Villar. Bilang isang
maabilidad na mag-aaral, paano ka makapag-ambag sa ekonomiya ng bansa kahit sa maliit na
pamamaraan?
3. Maliban sa mga nabanggit na halimbawa, paano mo ipinakikita ang iyong pagiging makabansa?
Sanggunian:
World Population Review. (n.d.). Developing Countries 2023. https://worldpopulationreview.com/countryrankings/developing-countries
The World Bank - Philippines. (n.d.). The World Bank - IBRD - IDA. Retrieved May 9, 2023, from
https://data.worldbank.org/country/philippines?view=chart
Department of Education, Balitao, B., Buising, M., Garcia, E., De Guzman, A., Lumibao, J., Mateo, A., &
Mondejar, I. (2017). EKONOMIKS, ARALING PANLIPUNAN - Modyul para sa Mag-aaral (1st ed.). Vibal
Group, Inc. (Original work published 2012)
Download