Uploaded by Heinrich Javines

REVIEWER-FILIPINO-7

advertisement
1. Uri ng akdang pampanitikan na nagpasalin-salin sa bibig ng mga taumbayan, kadalasang
kumakatawan ito sa uri ng tao sa lipunang pinagmulan ng kuwento.
a. Maikling Kuwento
c. Nobela
b. Kuwentong-bayan
d. Pahayagan
2. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng kuwentong bayan maliban sa:
a. Ito ay nasa anyong tuluyan
b. Ito ay isang tradisyong oral
c. Batay sa totoong kaganapan sa buhay ng tao.
d. Kadalasang pumapaksa sa mga paniniwala, tradisyon at paniniwala.
3. Uri ng akdang pampanitikan na nasa anyong patula, isinasalaysay at nagpapakita ng
kabayanihan ng pangunahing tauhan.
a. Karunungang-bayan
c. Kuwentong-bayan
b. Epiko
d. Pabula
4. Ito ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa kapuluan ng
Pilipinas. Ito ay isang panalangin na binuhay sa pagnanais na makamtan ang isang pangyayari
o pagbabago sa hinaharap na mga pangyayari sa kapalaran.
a. bulong
b. alamat
c. awiting bayan
d. kuwentong-bayan
Panuto: Bigyang-kahulugan ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin na nakasalungguhit
sa bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
5 . Nanamlay si Don Perdo nang umahon sa balon dahil sa pagod.
a. takot na takot
b. walang malay
c. walang sigla
6. Pinaglalaban ni Don Juan ang sindak na nararamdaman habang nasa dilim.
a. kaba
b. galit
c. takot
7. Ang ginawang paglililo ng mga kapatid ay higit na masakit kaysa sa kanyang mga sugat.
a. pagtataksil
b. pagsuway
c. pangungutang
C. Piliin sa kahon at isulat sa patlang ang tamang salitang pupuno sa diwa ng pangungusap.
/bu:HAY/, /BU:hay/
8. Ang wika ay ____________ kaya’t nagbabago sa pagdaan ng panahon.
Tama o Mali
______ 9. Ang di-pormal na sanaysay ay tumatalakay ng mga paksang magaan, karaniwan
pang-araw-araw at personal; binibigyang-diin ng manunulat ang mga bagay-bagay, mga
karanasan o isyung maaaring magpakilala ng personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya
sa mga mambabasa.
______ 10. Ang tugmang de gulong ay mga paalala na maaari nating matagpuan sa mga
pampublikong sasakyan tulad ng dyip. bus, traysikel.
Panuto: Basahin mabuti ang bawat pahayag at tukuyin ang kahulagn nito batay sa antala o hinto
nito.
______ 11. May nakitang mahiwagang balon sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan sa
bundok Tabor.
12. .“Hindi, totoo ang sinasabi niya.”
a. Hindi ka naniniwala sa sinasabi niya.
b. Naniniwala ka sa sinasabi niya.
c. Ginigiit ng nagsasalita na totoo ang sinasabi niya.
B. Panuto: Ang bawat bilang ay may dalawang pangungusap- X at Y. Suriin kung tama o mali
ang isinasaad ng mga ito. Gawing batayan ang sumusunod. Titik lamang ang isulat sa linya.
A- Ang X ay tama
B- Ang Y ay tama
C- Parehong tama ang X at Y
D- Parehong mali ang X at Y
______ 13. X- Mula sa Reyno Delos Cristales ay agad na humarap sina Don Juan at Donya
Maria kay Haring Fernando.
Y- Nais ni Don Juan na mabigyan ng marangal na pagtanggap si Donya Maria sa araw
na ihaharap niya ang dalaga sa kanyang magulang kaya nauna siyang umuwi ng Berbanya.
______14. X- Pitong taong nagtiis si Donya Leonora alang-alang sa kanyang wagas na pag-ibig
kay Don Juan.
Y- Sa huli ay itinanghal si Don Pedro bilang hari ng Berbanya at naikasal siya kay
Donya Leonora.
____ 5. X- Ang unang pagsubok ni Haring Salermo kay Don Juan ay itanim ang mga trigo at
gawin itong tinapay sa loob lamang ng isang gabi.
Y- Ang ikaanim na pagsubok ni Haring Salermo kay Don Juan ay hanapin ang nawawala
niyang singsing sa karagatan.
Answer Key
1.B
2. C
3. B
4. A
5. C
6. A/C
7. A
8. /bu:HAY/
9. TAMA
10.TAMA
11. MALI
12. C
13. B
14. C
15. A
Download