Uploaded by Felipe Sullera Jr

Republic Of The Philippines

advertisement
Republic Of The Philippines
UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM
Rodriguez, Campus
“ PAGSUSURI SA MGA TEKNIK NA GINAMIT NI RUFINO
ALEJANDRO SA PAGSASALIN NG MAIKLING KUWENTONG “GIFT
OF THE MAGI” NI O. HENRY (WILLIAM SYDNEY PORTER) “
Mga mag-aaral:
Galicia, Christiana Jane
Mota, Paulo
Siason, Marry Ann B.
BSE-3C
Kabanata 1
ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO
Sa
kabanatang
ito
nakapaloob
ang
panimula,saligan
ng
pag-
aaral,batayang konseptuwal,paglalahad ng suliranin,haypotesis,kahalagahan ng
pag-aaral, saklaw at hangganan ng pag-aaral at katuturan ng mga katawagan.
Panimula
Ang pagsasaling wika ang isa sa mga naging tulay upang malaman at
maunawaan ang kultura, saloobin at literatura ng ibang lahi sa mundo. Malaki
ang ginagampanan ng pagsasaling wika upang mapalaganap ang mga
kaalaman at kaisipan mula sa mga bansang nangunguna sa larangan ng paguunlad.
Sa pamamagitan nito, higit na nauunawaan ng mga mamamayan ng isang
bansa ang nilalaman ng dayuhang literatura. Sa kadahilanang ito, ang
pagsasalin ay isang napapanahong paraan upang maipaunawa sa mga magaaral ang saling akda mula sa Ingles patungo sa Filipino.
Ayon kay Santiago (1976:42) “ang alin mang salin ay huwad lamang ng
orihinal, at sapagkat huwad ay di maaaring hindi ito maiba kahit papaano sa
orihinal.” Samakatuwid, kinakailangan ang ebalwasyon upang malaman ang
iba’t-ibang maaaring kahinaan ng salin.
Ang pagsusuri ng mga saling-akda ay isang paraan upang malaman ang
mga kalakasan at kahinaan ng isinasagawang pagsasalin . Sa pamamagitan nito
ay mababatid kung ang akdang isinalin ay nauunawaan at umaayon sa mga
simulain at kalikasan ng wikang pinagsalinan.
Saligan ng Pag-aaral
Pangunahing tungkulin ng isang tagapagsalin ang lubos na unawain ang
tunay na tiyak na kahulugan ng mga salita sa orihinal patunay lamang na
kailangang mag-ingat sa anumang akdang isasalin upang maging epektibo at
kawili-wili itong basahin.
Ayon kay Newmark “ang pagsasalin ay nakatuon sa kamalayang moral at
katotohanan. At ang katotohanang ito ay epektibong maipamamahagi kung ito ay
naaabot ng mga mambabasa, kung gayon ay iyan ang layunin at katapusan ng
pagsasalin.”
Ang wikang ito ni Newmark ang nagpapatotoo kung gaano kahalaga ang
ginagampanan ng pagsasalin sa paglaganap ng mga impormasyon. At sa
kadahilanang ito kaya nangangailangan ng mga dalubwika na may kakayahang
magsalin ng mga babasahin mula sa ibang lahi. At sa pagsasagawa ng mga
pagsasaling ito ay nararapat na ang nilalaman at diwa ng orihinal na teksto ay
dapat taglayin ng isinaling teksto.
Ayon kay Dr. Alfonso Santiago sa kanyang aklat na “Ang Sining ng
Pagsasalin”, ang isang matapat na pagsasalin ay magagawa lamang ng isang
taong ang kabatiran sa wika ng orihinal ay parang isang sa katutubong
nagsasalita niyon, at ang kabatiran sa wikang pagsasalinan ay parang sa isang
datihang sumusulat sa wikang iyon. Anupa’t ang isang tagapagsalin ay dapat na
maging isang mahusay na manunulat.
Mapanganib ang pagsasaling wika kung ang tagapagsalin ay walang
lubos na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sapagkat maaaring hindi niya
lubos na maililipat ang diwang ipinahahayag sa orohinal na manuskrito o
akda.Nararapat din na ang tagapagsalin ay may lubos na kaalaman sa kultura ng
dalawang bansang kasangkot sa pagsasaling-wika.
Sinabi ni Dr. Alfonso Santiago sa kanyang aklat na “Ikalawang edisyon sa
sining ng pagsasaling-wika, sa Filipino mula sa Ingles,” dapat na may sapat na
kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Kung ang isasalin sa
Filipino ay isang materyales na nasusulat sa Ingles, isang gawaing lagi nating
nasusumpungan kahit sa labas ng paaralan, natural lamang na asahan na ang
magsasagawa ng pagsasalin ay may sapat na kaalaman sa nasabing dalawang
wika, lalo na sa Filipino, sapagkat ito ang wikang pagsasalinan.
Batayang Teoretikal
A. Teknik ng Pagsasalin
Ang labing-walong teknik ng pagsasalin na inilahad ni Newmark
(1998a:81-93 at 1988b:30-31) sa kanyang dalawang aklat ay ginamit na batayan
sa pagsusuri. Ito ay ang mga sumusunod :
1.
Transference
(Adapsyon)-ang
ibang
katumbas
nito
ay
adoption,transcription o loan words (salitang hiram) na ang ibig sabihin ay ang
paglilipat o panghihiram ng mga kultural na salita mula sa PW patungo sa TW
nang walang pagababago sa ispeling. Mahalaga ito lalo na sa mga salitang
pekulyar o tanging sa kultura lamang ng PW makikita o ginagamit.
2. One-to-one Translation (Isahang Pagtutumbas)- o literal na salin na
may isa-sa-isang pagtutumbasan ng salita sa salita, parirala sa parirala, sugnay
sa sugnay, o pangungusap sa pangungusap. Ipinalalagay na akpag humahaba
ang yunit ay mas hindi angkop ang pamaraang ito.
3. Through Translation (Saling Hiram) Katumbas- katumbas ng salinghiram o loan translation na ginagamit sa pagsasalin ng mga karaniwang
collocations (i.e. dalawa o higit pang salita na ‘masaya’ o natural na nagsasama),
pangalan ng organisasyon, o kaya’y institusyunal na salita.
4.
Naturalisation
(Naturalisasyon)-
may
pagkakahawig
sa
transferencengunit ditto ay inaadap muna ang normal na pagbigkas at
pagkatapos ang normal na morpolohiya sa target na wika. Sa madaling salita,
inaayon sa ortograpiya ng TW.
5. Lexical Synonym (Leksikal na Sinonim)- pagsasalin na ibinibigay
ang malapit na katumbas o angkop na kasingkahulugan sa target na wika ng
pinagmulang wika.
6. Transposition (Transposisyon)- tinatawag ding shiftna ang ibig
sabihin ay ang pagkakaroon ng pagbabago sa gramatika ng pinagmulang wika
kapag isinalin na sa target na wika.
7. Modulation (Modulasyon)- pagsasalin na may pag-iiba ng punto de
bista o pananaw sa pagbibigay-kahulugan dahilan sa iba’t-ibang konteksto.
8. Cultural Equivalent (Kultural na Katumbas)- ito ang malapit o halos
wastong salin (approximate translation) na kung saan ang isang kultural na salita
sa TW ay isinasalin sa katimbang ding kultural na salita sa TW.
9. Functional Equivalent (Panksyunal na Katumbas)- pagsasalin na
ibinibigay ang higit na gamitin at tinatanggap na katumbas o kahulugan.
Tinatawag din itong pagdede-kulturalisa ng wika (deculturalizing the language).
10. Descriptive Equivalent (Amplipikasyon)- tinatawag din itong
amplification, na ang ibig sabihin ay pagbibigay ng katumbas na kahulugan sa
pamamagitan ng depinisyong naglalarawan, gaya ng paggamit ng noun-phrase o
adjectival clause.
11. Recognized Translation (Kinikilalang Salin)- pagsasalin sa opisyal
at tinatanggap ng marami na salin ng ano mang institusyunal na termino.
12. Addition/Expansion (Pagdaragdag)- gramatikal na pagdaragdag ng
salita sa salin upang maging malinaw ang kahulugan.
13. Reduction/Contraction (Pagpapaikli)- gramatikal na pagpapaikli o
pagbabawas ng mga salita na hindi nababago o nasisira ang kahulugan ng
orihinal.
14. Componential Analysis (Komponensyal na Analisis)- paghahatihati ng mga leksikal na yunit sa mga makabuluhang component o segment.
15. Paraphrase (Hawig)- ito ang tawag sa malayang pagpapaliwanag sa
kahulugan ng isang segment, pangungusap o talata. Tinatawagdin itong
recasting of sentences at sinasabing pinakahuling dapat gamitin ng tagasalin,
sapagkat malimit na mas mahaba pa ito kaysa orihinal.
16. Comprehension (Kompensasyon)- ginagamit kapag ang pagkawala
ng kahulugan ng isang bahagi ng parirala, pangungusap, o talata ay
natutumbasan
o
nababayaran
sa
ibang
bahagi.
Nangyayari
ito
kung
ipaghalimbawang may kinaltas na salita sa isang pangungusap sapagkat ang
kahulugan nito ay nabanggit na sa naunang pangungusap.
17. Improvements (Pagpapabuti)- pagwawasto sa mga gramatikal o
taypograpikal na pagkakamali sa OT, kaya’t walang mali sa ST.
18. Couplets (Kuplets)- pagsasalin na pinagsasama ang paggamit ng
dalawa, tatlo, o higit pa sa mga pamamaraang nabanggit.
B. Kahinaan ng Salin
Ang pagsusuri sa kahinaan ng salin ay hinati sa tatlong pangkalahatang
kategorya o klasipikasyon na siyang ginamit na batayan.
1. Wika o W- ito ang paglalarawan sa salin kung may maling pili ng salita,
maling posisyon ng salita, hindi angkop na katumbas, kawalan ng konsistensi sa
gamit ng salita at pagtutumbas ng salita-sa-salita na nagresulta sa ‘barok’ o
‘telegrapik’ (i.e. hindi madulas at natural ang pagbasa) na daloy kapag binasa.
2. Labis na Salin o LaS- ito ang paglalarawan sa salin kung may
nadagdag na diwa o kahulugan na wala naman sa orihinal, at dagdag na mga
salita sa salin na hindi kailangan o mahalaga.
3. Kulang sa Salin o KuS- ito ang paglalarawan sa salin kapag may
nakaltas na salita o segment na nagresulta sa kulang na diwa o kahulugan. Ang
pagkawala (ommission) ng katumbas na salin ay nagdudulot din ng kulang na
salin.
Batayang Konseptwal
Ang konseptong “walang ganap na salin” ang pinaniniwalaang
katotohanan ng maraming dalubhasa sa pagsasalin. Tunay
may
ngang ang ano
mang orihinal na likha na isinalin lamang sa ibang wika ay nababahiran ng kahit
kaunting pagbabago kapag naisalin na.
Hindi man pagbabago sa salin ay maaring kaibahan sa orihinal ngunit
tama ring salin. Ipinaghahalimbawang isalin ng dalawampung iba’t ibang
tagasalin ang isang akda, maasahang dalawampung iba’t ibang salin din ang
malilikha. Kung alin sa dalampung ang pinakamaganda, pinakamaayos,
pinakamalapit, o pinakamatapat at may kahirapang sagutin. Subalit ano man
ang larawan ng salin, ang isang kritikal na pagsusuri o ebalwasyon ay
makakatulong nang malaki sa pagtataya ng kahusayan ng salin. Ang proseso ng
pagsasalin ay masalimuot at nag-iiba ayon sa hinihingi ng orohinal at
pagsasalinang teksto. Maraming modelo o sistema ang magagamit sa pagsusuri
bata,y sa iab’t ibang kalagayan o kahingian ng sinusuri.
Ang bahagi ng Orihinal na teksto ay naglalaman ng Ingles na teksto. Ito
ang isasaling salita,parirala, pangungusap, at talata na nasa wikang Ingles.
Ang bahagi ng Saling Teksto ay naglalaman ng katumbas na salin sa
Filipino ng salita, parirala, pangungusap at talata.
Ang bahagi ng Komentaryo ay inilalahad ang mga puna, paliwanag, o
kaya’y mungkahi tungkol sa segment na sinuri.
Ang bahagi naman ng Teknik ay naglalahad ngmga daglat na
kumakatawan sa teknik na ginamit sa bawat sinuring segment, at sa kahinaang
nakita.
Ang pag-alam sa mga teknik na ginamit sa pagsasalin, mga paraan ng
panghihiram, at mga kahinaan ng salin kung mayroon man ay nangangailangan
ng isang maayos at sistematikong proseso. Ang segmentasyon bilang isang
metodo ay nagamit sa malinaw na pagsusuri ng kinakailangang datos. Sa
pamamarang ito,
Paglalahad ng Suliranin
1. Anu-ano ang mga teknik na ginamit ni Rufino O. Alejandro sa pagsasalin ng
akdang “The Gift of the Magi” ni William O. Henry?
2. Anu-ano ang teknik ng panghihiram na ginamit ni Rufino Alejandro sa
pagsasalin ng akda?
3. Anu-ano ang mga kahinaang taglay ng pagsasalin na isinagawa ni Rufino
Alejandro?
Haypotesis
Sa pag-aaral na ito, ipinapalagay ng mga mag-aaral na ang pagsusuri ng akdang
isinalin ay nangangailangan ng ibayong pag-aaral, pananaliksik at kaalaman sa
larangan ng pagsasalin.
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa pagsusuri sa mga teknik
na ginamit ni Rufino Alejandro sa akdang “Gift of the Magi” ni O. Henry (William
Sydney Porter). Ang mapaghambing at masuri ang saling akda ang pangunahing
layunin ng pag-aaral. Ang pagbibigay ng komentaryo at puna ng mga
mananaliksik ay aayon batay sa pagsusuri.
Binalangkas ang mga sumusunod na layunin
tunguhin ng pag-aaral.
upang higit na malinaw ang
1. matukoy ang mga teknik ni NewMark na ginamit ng tagasalin;
2. mailahad ang mga teknik na ginamit ng tagasalin na wala sa/kay NewMark.
3. maisa-isa ang mga paraan ng panghihiram na ginamit ng tagasalin; at
4. matukoy ang mga kahinaan ng salin kung mayroon man.
Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay isa lamang sa kalipunan ng mga akda mula
sa antolohiyang “The Four Million” ang aklat na binubuo ng mga akda ni O.
Henry na inilimbag noong abril, 1906. Ang maikling kuwento ito na orihinal na
isinulat sa wikang Ingles ay isinalin ni Rufino Alejandro sa pamagat na “Aginaldo
ng mga Mago” mula sa aklat na Panitikang Pandaigdig ng Grade 10.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa mga Mag-aaral. Maibahagi at maipabatid sa mga mag-aaral ang
kinalabasang pagsusuri ng akda. Makikilala ng mga estudyante o mag-aaral ang
pagkakaiba ng dalawang wika, sa bokabularyo at estruktura gayon din sa
kulturang nakabuhol sa bawat wika.
Sa mga Guro. Mahikayat ang mga guro na pag-aralan at linangin ang larangan
ng pagsusuri ng mga akdang salin upang makapagbigay ng mga puna at
komento na makapagpataas ng kalidad ng pagsasalin ng akda.
Paradima ng pag-aaral
Orihinal na teksto
Kinapapalooban
Saling teksto
Komentaryo/Puna
Teknik
teknik
at
orihinal na akdang sa Filipino ng akda sa sinuring segment.
pamamaraan
na
Ingles ng “Gift of the na
nasuring ginamit ni
magi” ni O. Henry
ng Ang sipi ng Isinalin Puna at komentaryo Mga
pinamagatang
“Aginaldo
Mago”
Alejandro
Pigura 1
ng
ni
mga
Rufino
Rufino Alejandro .
Kabanata 2
PAMAMARAAN AT KAGAMITAN SA PAG-AARAL
Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa disenyo , pook at instrumento ng
pag-aaral sa pangangalap ng mga datos.
Disenyo ng Pag-aaral
Ang disenyong ginamit sa pag-aaral na ito ay pamamaraang palarawan
(descriptive method). Ang pamamarang ito ang ginamit ng mga mananaliksik
upang suriin at maipakita ang mga teknik, pamamaraan na ginamit ni Rufino
Alejandro sa pagsasalin ng akda.
Ang pamaraang palarawan (descriptive method) ang gagamitin ng mga
mananaliksik sa pagsusuri. Ayon kay Gay (1976) isa itong disenyo para sa
mananaliksik upang makakalap ng mga impormasyon tungkol sa kasalukuyang
kalagayan.
Ang pagsusuri ng akdang isinalin ay nangangailangan ng ibayong pagaaral at pangangalap ng impormasyon upang lubos na maipakita at
maipaliwanag ang ginawang paraan ng pagsasalin.
Ayon naman kay Best (1963) “Isang imbestigasyon ang pananaliksik na
paglalarawan at pagbibigay kahulugan sa kung ano. May kinalaman ito sa mga
kundisyon ng mga ugnayang nagaganap, mga epektong nararamdaman o mga
kalakarang nadedebelop upang mapalawak at mapalalim ang pagsusuri.
Bukod sa pangangalap ng datos ay nangangailangan din ng maayos at
masusing segmentasyon ng mga parirala at pangungusap upang maipakita ang
pagkakatabi-tabi nito batay sa orihinal na akda.
Pook ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay walang tiyak na pag-aaral. Ang silid-aklatan na
pinupuntahan at pinangagalingan ng mga kinakailang impormasyon ang isa sa
maituturing na pangunahing pook ng pag-aaral. Sumunod ay sa mga internet
café kung saan nananaliksik ang mga mag-aaral ng mga impormasyon na
makiikita sa mga website. Ang iba pang mga lugar kung saan malayang
makakapag-isip at nakakakuha ng mga impormasyonanng mga mananaliksik ay
maituturing din na pook ng pag-aaral.
Instrumento ng Pag-aaral
Ang instrumento na ginamit sa pag-aaral na ito ay mga aklat na
pinagkunan ng impormasyon ng mga mananaliksik. Ang aklat sa Filipino ng mga
mag-aaral
sa
Grade
10
na
pinamagatang
Panitikang
Pandaigdigang
pinagkuhanan ng sipi ng akdang “Aginaldo ng mga Mago” na isinalin ni Rufino
Alejandro. Pangalawa, ang sipi ng isinagawang pagsusuri ni Gng. Wilfreda P.
Jorge, Legazpi ng Unibersidad ng Pilipinas. Sa kadahilanang walang makalap na
sipi ng aklat ni Peter Newmark ang mga mananaliksik ang pagsusuri ni Gng.
Legazpiang pinagbatayan at pinakunan ng mga teknik ni New Mark sa
pagsasalin. At ang internet na kinapapalooban ng mga website na kinaroroonan
ng mga kinakailangang impormasyon na gagamitin sa pagsusuri.
Katuturan ng mga salitang Ginamit
-Pagsusuri.
Ang ebalwasyon , pagsusuri,
o paglilitis ay
ang
proseso
ng
paghihimaymay ng isang paksa o sustansiya upang maging mas maliliit na mga
bahagi, upang makatanggap ng isang mas mainam na pagkaunawa rito
-Teknik. Isang pamamaraan upang makumpleto ang isang gawain.
-Pagsasaling-wika. Paglilipat sa pinagsasaling wika pinakamalapit na katumbas
ng diwa o mensaheng isinasaad sa wikang isinasalin.
- Segmentasyon. ang proseso ng paghahati ng isang bagay sa mga bahagi o
mga segment
Download