WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEETS Araling Panlipunan 9 Ikaapat na Markahan, Unang Linggo KONSEPTO AT PALATANDAAN NG PAMBANSANG KAUNLARAN Pangunahing Konsepto: Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan (Pahina 343-345) Batay sa diksiyonaryong Merriam-Webster, ang pag-unlad ay pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay. Isa itong kaisipang maaaring may kaugnayan din sa salitang pagsulong. Sa aklat ni Feliciano R. Fajardo na Economic Development (1994), malinaw niyang inilahad ang pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad. Ayon sa kanya, ang pag-unlad ay isang progresibo at aktibong proseso. Ang pagsulong ay ang bunga ng prosesong ito. Kung gayon, ang pagsulong ay produkto ng pag-unlad. Halimbawa, ang makabagong pamamaraan ng pagtatanim ng palay ay kinapapalooban ng isang proseso, at ito ang pag-unlad. Ang resulta nito ay mas maraming ani, at ito ang pagsulong. Ayon pa rin kay Fajardo, ang pagsulong ay nakikita at nasusukat. Ang mga halimbawa nito ay mga daan, sasakyan, kabahayan, gusali, pagamutan, bangko, paaralan, at marami pang iba. Ang mga ito ang resulta ng pag-unlad. Subalit hindi doon nagtatapos ang pag-unlad. Dapat itong makalikha ng mas marami at lalong mabuting produkto at serbisyo. Dagdag pa niya, ang pag-unlad ay isang progresibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao, gaya ng pagpapababa ng antas ng kahirapan, kawalan ng trabaho, kamangmangan, di-pagkakapantay-pantay, at pananamantala. Inilahad nina Michael P. Todaro at Stephen C. Smith sa kanilang aklat na Economic Development (2012) ang dalawang magkaibang konsepto ng pag-unlad: ang tradisyonal na pananaw at makabagong pananaw ukol dito. Sa tradisyonal na pananaw, binigyang-diin ang pag-unlad bilang pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng antas ng income per capita nang sa gayon ay mas mabilis na maparami ng bansa ang kaniyang output kaysa sa bilis ng paglaki ng populasyon nito.Sa makabagong pananaw naman, isinasaad na ang pag-unlad ay dapat na kumatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan. Dapat na ituon ang pansin sa iba’t ibang pangangailangan at nagbabagong hangarin ng mga tao at grupo sa nasabing Sistema upang masiguro rin ang paglayo mula sa di-kaaya-ayang kondisyon ng pamumuhay tungo sa kondisyon na mas kasiya-siya. Sa akdang “Development as Freedom” (2008) ni Amartya Sen, kanyang ipinaliwanag na ang kaunlaran ay matatamo lamang kung “mapauunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya nito”. Upang matamo ito, mahalagang bigyang pansin ang pagtanggal sa mga ugat ng kawalang kalayaan tulad ng kahirapan, diskriminasyon at hindi pagkakapantay-pantay at ng iba pang salik na naglilimita sa kakayahan ng mga mamamayan. MGA PALATANDAAN NG PAG-UNLAD Pagsulong Maaari kayang magkaroon ng pagsulong kahit walang pag-unlad? Maraming bansa sa kasalukuyan, tulad ng China at Malaysia, ang sinasabing progresibo. Maraming modernong gusali ang naitatayo sa mga nasabing bansa. Maraming mga korporasyon ang kumikita nang malaki subalit karamihan sa mga ito ay pagmamayari at pinamamahalaan ng mga dayuhang mamumuhunan. Sa katunayan, sa kaunaunahang pagkakataon ay naiulat ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD) na noong 2012 ay mas malaki ang bilang ng mga dayuhang mamumuhunan (FDI) sa mga papaunlad na bansa kompara sa mauunlad na bansa. Ang pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunang ito ay nakapagtataguyod ng mas mabilis na paglago at pagsulong ng kanilang ekonomiya. Subalit, laganap pa rin ang kahirapan, kawalan ng sapat na edukasyon, at patuloy na pagbaba ng antas ng kalusugan sa mga nasabing papaunlad na bansa. Maliban sa mga mamumuhunan, malaki rin ang naitulong ng mga likas na yaman tulad ng langis sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa. Karamihan ng mga bansa sa Gitnang Silangan tulad ng UAE, Qatar, at Saudi Arabia ay nagtamo ng mabilis na paglago ng ekonomiya dala ng kanilang kita mula sa langis ayon na rin sa ulat ng International Monetary Fund noong 2013. Nakapagpatayo sila ng maraming gusali at imprastraktura na talaga namang nakatulong sa pagunlad ng mga nasabing bansa. Bunga nito, nakapag-angkat sila ng mga makabagong teknolohiya, magagaling na manggagawa, at mga dekalidad na hilaw na materyales mula sa ibang bansa. Bukod pa sa mga likas na yaman, may iba pang mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa. Sa librong Economics Concepts and Choices (2008) nina Sally Meek, John Morton at Mark Schug, inisa -isa nila ang mga ito. Mga ‘pangkalahatang obserbasyon’ tungkol sa usaping migrasyon. 1. Likas na Yaman. Malaki ang naitutulong ng mga likas na yaman sa pagsulong ng ekonomiya lalong-lalo na ang mga yamang-lupa, tubig, kagubatan, at mineral. Subalit hindi kasiguraduhan ang mga likas na yaman sa mabilis na pagsulong ng isang bansa. 2. Yamang-Tao. Isa ring mahalagang salik na tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya ang lakaspaggawa. Mas maraming output ang nalilikha sa isang bansa kung maalam at may kakayahan ng mga manggagawa nito. 3. Kapital. Sinasabing lubhang mahalaga ang kapital sa pagpapalago ng ekonomiya ng isang bansa. Sa tulong ng mga kapital tulad ng mga makina sa mga pagawaan ay nakalilikha ng mas maraming produkto at serbisyo. 4. Teknolohiya at Inobasyon. Sa pamamagitan ng mga salik na ito, nagagamit nang mas episyente ang iba pang pinagkukunang-yaman upang mas maparami pa ang mga nalilikhang produkto at serbisyo. Pag-unlad Masasabing ang pagsulong ay isa lamang aspekto ng pag-unlad. Sa pagsulong, sinusukat ang halaga ng mga produkto at serbisyong nalikha sa loob ng isang panahon. Sa pagsukat nito, ginagamit ang Gross Domestic Product (GDP), Gross National Product (GNP), GDP/ GNP per capita at real GDP/ GNP. Sa kabilang banda, hindi sapat na panukat ang kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo dahil hindi nito naipakikita kung paano naipamamahagi ang kita at yaman ng bansa sa mga mamamayan nito. Samakatuwid, hindi sapat ang mga numero, makabagong teknolohiya, at nagtataasang gusali upang masabing ganap na maunlad ang isang bansa. Higit pa rito ang kahulugan ng pag-unlad. Higit pa ito sa mga modernong kagamitan at mga makabagong teknolohiya sapagkat kasama rito ang mga pagbabago sa lipunan at paraan ng pamumuhay ng mga tao. Ayon kay Fajardo, ang pagsulong ng isang ekonomiya dulot ng mga dayuhang mamumuhunan at ang pag-unlad na inangkat ay walang kahulugan sa masa kung ang mga ito ay hindi nararamdaman ng mga pangkaraniwang tao. Ayon pa kina Todaro at Smith sa kanilang aklat na Economic Development, ang pag-unlad ay isang multidimensiyonal na prosesong kinapapalooban ng malaking pagbabago sa istruktura ng lipunan, gawi ng mga tao at mga pambansang institusyon, gayundin ang pagpapabilis ng pagsulong ng ekonomiya, pagbawas sa di pagkakapantay- pantay at pag-alis ng kahirapan. MGA PALATANDAAN NG PAG-UNLAD Pangunahing Konsepto: Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan (Pahina 348-350) Maliban sa paggamit ng GDP at GNP, ginagamit ang Human DevelopmentIndex bilang isa sa mga panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa. Ang Human Development Index (HDI) ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao: kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay. Sa pagsukat ng aspektong pangkalusugan, ginagamit na pananda ang haba ng buhay at kapanganakan. Ipinapahiwatig dito ang bilang ng taon na inaasahang itatagal ng isang sanggol kung ang mga umiiiral na dahilan o sanhi ng kamatayan sa panahon ng kaniyang kapanganakan ay mananatili habang siya ay nabubuhay. Sa aspekto naman ng edukasyon, ang mean years of schooling at expected years of schooling ang mga ginagamit na pananda. Ang mean ears of schooling ay tinataya ng United Nation Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) batay sa mga datos mula sa mga sarbey at sensus ukol sa antas ng pinag- aralan ng mga mamamayan na may 25 taong gulang. Samantala, ang expected years of schooling naman ay natataya base sa bilang ng mga nag-aaral sa lahat ng antas ng edukasyon. Itinakda ang 18 taon bilang expected years of schooling ng UNESCO. Ang aspekto ng antas ng pamumuhay ay nasusukat gamit ang gross national income per capita. Ang HDI ay nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat na pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa, hindi lang ang pagsulong ng ekonomiya nito. Tinatangka ng HDI na ihanay ang mga bansa mula 0 (pinakamababang antas ng kaunlarang pang- tao) at 1 (pinakamataas na antas ng kaunlarang pantao). Maaari itong gamitin upang suriin at busisiin ang mga patakarang pambansa ng dalawang bansang may parehong antas ng GNI per capita ngunit magkaibang resulta hinggil sa kaunlarang pantao. Bawat taon, ang United Nations Development Programme (UNDP) ay naglalabas ng Human Development Report ukol sa estado ng kaunlarang pantao sa mga kasaping bansa nito. Sa pinakaunang Human Development Report na inilabas ng UNDP noong 1990, inilahad ang pangunahing saligan ng sumunod pang mga ulat na nagsasabing “Ang mga tao ang tunay na kayamanan ng isang bansa.” Sa pamamagitan ng mga pahayag na ito, na kinatigan pa ng maraming empirikal na datos at makabagong pananaw ukol sa pagsukat ng kaunlaran, ang Human Development Report ay nagkaroon ng mahalagang implikasyon sa pagbuo ng mga polisiya ng mga bansa sa buong mundo. Ang Human Development Report ay pinasimulan ni Mahbub ul Haq noong 1990. Ayon sa kaniya, ang pangunahing hangarin ng pag-unlad ay palawakin ang pamimilian (choices) ng mga tao sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan. Ang mga pamimiliang ito ay maaaring walang katapusan at maaaring magbago. Madalas na pinahahalagahan ng mga tao ang mga bagay na nakamit na hindi kayang ipakita ng mga datos at impormasyon tungkol sa kita at pagbabago. Ilan sa mga ito ang mas malawak na akses sa edukasyon, maayos na serbisyong pangkalusugan, mas matatag na kabuhayan, kawalan ng karahasan at krimen, kasiya-siyang mga libangan, kalayaang pampolitika at pangkultura, at pakikilahok sa mga gawaing panlipunan. Ang layunin ng pag-unlad ay makalikha ng kapaligirang nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao na magtamasa ng matagal, malusog, at maayos na pamumuhay. Ang Human Development Report Office (HRDO) ng United Nations Development Programme (UNDP) ay gumagamit ng mga karagdagang palatandaan upang masukat ang hindi pagkakapantaypantay (Inequality-adjusted HDI), kahirapan (Multidimensional Poverty Index) at gender disparity (Gender Inequality Index). Ang Inequality-adjusted HDI ay ginagamit upang matukoy kung paano ipinamamahagi ang kita, kalusugan, at edukasyon sa mga mamamayan ng isang bansa. Ang Multidimensional Poverty Index naman ay ginagamit upang matukoy ang paulit-ulit na pagkakait sa mga sambahayan at indibidwal ng kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay samantalang ang Gender Development Index ang sumusukat sa puwang o gap sa pagitan ng mga lalaki at babae. Ang pagbibigay pansin sa kaunlarang pantao ay lubhang mahalaga sa paghahanap ng pamamaraan upang mas mapabuti pa ang kalagayan ng mga tao. Ang human development ay hindi nakapako sa iisang konsepto lamang. Bagkus, habang nagbabago ang mundo ay patuloy ring nagbabago ang pamamaraan at konseptong nakapaloob dito. Tanging ang katotohanang ang pagunlad ay tunay na nasusukat lamang sa pamamagitan ng epekto nito sa pamumuhay ng mga tao. WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEETS Araling Panlipunan 10 Ikaapat na Markahan, Ikalawang Linggo GAMPANIN NG MAMAMAYANG PILIPINO SA PAMBANSANG KAUNLARAN Pangunahing Konsepto: Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan (Pahina 353-355) Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kaniyang mga mamamayan. Bawat isa ay may gampanin sa pag-unlad ng bansa. Maaaring ang pagbibigay ng kontribusyon sa pag-unlad ng bansa ay sa pamamagitan ng pansariling pagsisikap o sama-samang pagtutulungan. Ang paglaya sa kakapusan ng bawat isa ay isang paraan na maaaring gawin ng isang indibidwal sa pamamagitan ng matalinong pamamahala ng pananalapi. Kailangan ng sama-samang pagkilos ng lahat ng mamamayan. Maaaring gawin ang sumusunod bilang ilan sa mga estratehiya na makatutulong sa pag-unlad ng bansa: 1. 2. 1. 2. MAPANAGUTAN Tamang pagbabayad ng buwis. Ang pagkakaroon ng kultura ng tamang pagbabayad ng buwis ay makakatulong upang magkaroon ang pamahalaan ng sapat na halagang magagamit sa mga serbisyong panlipunan tulad ng libreng edukasyon, murang programang pangkalusugan, at iba pa. Makialam. Ang mali ay labanan, ang tama ay ipaglaban. Paglaban sa anomalya at korapsyon maliit man o malaki sa lahat ng aspekto ng lipunan at pamamahala. Mahalagang itaguyod ng mga mamamayan ang kultura ng pagiging tapat sa pribado at publikong buhay. Hindi katanggap-tanggap ang pananahimik at pagsasawalang-kibo ng mamamayan sa mga maling nagaganap sa loob ng bahay, sa komunidad, sa paaralan, pamahalaan, at sa trabaho. MAABILIDAD Bumuo o sumali sa kooperatiba. Ang pagiging kasapi ng kooperatiba ay isang paraan upang magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa. Ang kooperatiba ay ang pagsasama-sama ng puhunan ng mga kasapi upang magtayo ng Negosyo na ang makikinabang at tatangkilik ay mga kasapi rin. Ang kanilang kita ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dibidendo o hati sa kita batay sa bahagi sa kooperatiba. Ang nagpapatakbo ng kooperatiba ay mga kasapi ring naniniwala sa sama-samang pagunlad. Pagnenegosyo. Hindi dapat manatiling manggagawa lamang ang Pilipino. Dapat nating sikapin na maging negosyante upang tunay na kontrolado ng Pilipino ang kabuhayan ng bansa at hindi ng mga dayuhan. MAKABANSA 1. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa. Ang aktibong pakikilahok sa pamamahala ng barangay, gobyernong lokal, at pambansang pamahalaan upang maisulong ang mga adhikain at pangangailangan ng mga Pilipino ay kailangang gawin ng bawat mamamayan upang umunlad ang bansa. 2. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino. Ang yaman ng bansa ay nawawala tuwing tinatangkilik natin ang dayuhang produkto. Dapat nating tangkilikin ang mga produktong Pilipino. MAALAM 1. Tamang pagboto. Ugaliing pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga kandidato bago pumili ng iboboto. Dapat din nating suriin ang mga isyung pangkaunlaran ng ating bansa upang masuri kung sinong kandidato ang may malalim na kabatiran sa mga ito. 2. Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad. Ang pagunlad ay hindi magaganap kung ang pamahalaan lamang ang kikilos. Maaaring manguna ang mga mamamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran. Dapat ay magkaroon tayo ng malasakit sa ating komunidad upang makabuo at makapagpatupad ng mga proyektong magpapaunlad sa ating komunidad. Pangunahing Konsepto: Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan (Pahina 357-358) EDITORYAL - Umangat ang ekonomiya, dumami ang jobless Pilipino Star Ngayon) | Updated February 13, 2014 Hindi tugma ang nangyayari sa bansa kung ang kalagayan ng buhay ng mga Pilipino ang paguusapan. Noong nakaraang taon, umangat daw ng 7.2 percent ang ekonomiya ng Pilipinas at pumangalawa sa China. Maraming nasiyahan nang marinig ang balitang ito. Napakagandang balita dahil pangalawa sa magandang ekonomiya.Pero nang lumabas ang survey ng Social Weather Stations (SWS) kamakailan na 12.1 milyong Pilipino ang walang trabaho, maraming nadismaya at hindi makapaniwala. Nasaan na ang sinasabing magandang ekonomiya. Hindi ito tugma sa laging sinasabi ng pamahalaan, gumanda ang ekonomiya ng bansa. Noong 2012, umangat daw ng 6.6% ang ekonomiya. Tuwang-tuwa ang pamahalaan sapagk at ngayon lamang umigpaw nang malaki ang ekonomiya ng bansa. Sabi, ang pag-angat ng ekonomiya ay dahil sa maayos at mabuting pamamahala. Maaaring tama na kaya gumaganda ang ekonomiya ay dahil sa maayos na pamumuno pero ano naman kaya ang dahilan at marami ang walang trabaho sa kasalukuyan. Noong Martes na magdaos ng meeting sa Malacañang, maski si President Noynoy Aquino ay nagtaka kung bakit tumaas ang unemployment rate. Hiningan niya ng paliwanag ang mga miyembro ng Cabinet kung bakit maraming Pinoy ang jobless. Katwiran ng isang miyembro ng Cabinet, ang sunud-sunod na kalamidad na tumama sa bansa ang dahilan kaya tumaas ang bilang ng mga walang trabaho. Binanggit ang pananalasa ng Yolanda sa Visayas at pagtama ng lindol sa Bohol. Ang problema sa unemployment ang nagbubunga ng iba pang problema. Tiyak na tataas ang krimen at marami ang magugutom. Sa nangyayaring ito, dapat nang tutukan ng pamahalaan ang pagpapaunlad sa agricultural sector para makalikha ng mga trabaho. Sa sector na ito maraming makikinabang. Nararapat din namang rebisahin o ibasura ang contractualization. Maraming kompanya ang hanggang anim na buwan lamang ang kontrata sa manggagawa kaya pagkatapos nito wala na silang trabaho. Lalo lang pinarami ng contractualization ang mga walang trabaho. Pangunahing Konsepto: Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan (Pahina 359-361) Maraming mamamayang Pilipino ay patuloy na umaasang matatamo ng bansa ang hinahangad nitong kaunlaran. Patuloy tayong nangangarap na minsan ay makaahon ang karamihan sa atin sa kahirapan at magkaroon ng maayos na pamumuhay. Ngunit bago ito mangyari, kinakailangang magising tayo sa katotohanang may obligasyon o responsibilidad tayong dapat gawin. Upang matamo ang pambansang kaunlaran, napakahalaga na magtulungan tayo at magbahagi ng ating panahon at kakayahan tungo sa pag-abot nito. Sa gawaing ito, susuriin mo ang isang awiting pinasikat ni Noel Cabangon. Inilahad sa awitin ang mga simpleng pamamaran upang matawag tayong “Mabuting Pilipino”. Ang mga simpleng bagay na ginagawa natin sa araw-araw ay maaaring makatulong sa unti-unti nating pag-abot sa pinapangarap nating kaunlaran. Bawat isa sa atin, kahit ano pa man ang papel mo sa lipunan, ay may magagawa upang maabot ang mithiing ito. WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEETS Araling Panlipunan 9 Ikaapat na Markahan, Ikatlong Linggo SEKTOR NG AGRIKULTURA Pangunahing Konsepto: Ekonomiks (Pahina 365-366) Humigit kumulang na 7,100 isla ang bumubuo sa Pilipinas. Dahil sa lawak at dami ng mga lupain, napabilang ang Pilipinas sa mga bansang agrikultural dahil malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing pang-agrikultura. Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon. Nahahati ang sektor ng agrikultura sa sumusunod: Paghahalaman - Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka. Ang mga pananim na ito ay karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa. Kasama rin dito ang produksiyon ng gulay, halamanggubat, at halamang mayaman sa hibla (fiber). Gayundin ang mani, kamoteng kahoy, kamote, bawang, sibuyas, kamatis, repolyo, talong, at kalamansi. Paghahayupan - Ito ay binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, pato at iba pa. Ang paghahayupan ay nakatutulong sa pag-supply ng ating mga pangangailangan sa karne at iba pang pagkain. Ang paghahayupan ay gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng hayop. Mayroon ding mga pribadong korporasyon na nasa ganitong hanapbuhay. Pangingisda - Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo. Ito ay nauuri sa tatlo: - komersiyal, munisipal at aquaculture. Komersyal - tumutukoy sa uri ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo. Sakop ng operasyon ay 15 kilometro sa labas ng nasasakupan ng pamahalaang bayan. Munisipal - nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng mga fishing vessel. Aquaculture - tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan - fresh (tabang), brackish (maalat-alat) at marine (maalat). Paggugubat - Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura. Patuloy na nililinang ang ating mga kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman nito. Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at veneer. Bukod sa mga nabanggit na produkto, pinagkakakitaan din ang rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng almaciga. KAHALAGAHAN NG AGRIKULTURA Pangunahing Konsepto: Ekonomiks (Pahina 367-368) Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita ng mga sektor ng ekonomiya. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang lahat ng sektor, partikular ang agrikultura sapagkat dito nagmumula ang mga pagkain na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan. Dahil dito, ang agrikulura ay nararapat na bigyang-pansin upang mapalakas at maging katuwang ng pamahalaan sa pagkakamit ng kaunlaran ayon sa sumusunod na kahalagahan: 1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain 2. 3. 4. 5. Ang lupain ng Pilipinas ay akma na tamnan ng mga produktong tulad ng palay, mais, tubo, patatas, at iba pa. Mayroon ding inaaning mga prutas tulad ng mangga, pinya, kopra, at saging. Mainam din ang temperatura dito bilang lokasyon sa pag aalaga ng mga hayop na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mga tao. Ang agrikultura ay isang napakahalagang sektor sa bansa dahil ito ang pinagmumulan ng mga pagkain ng mamamayan. Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto. Nagmumula sa sektor na ito ang mga hilaw na sangkap mula sa kagubatan, kabukiran, at karagatan na maaaring gamitin sa produksiyon. Halimbawa, ang puno na pinagmumulan ng goma ay gamit para sa paggawa ng gulong; bulak at halamang mayaman sa hibla para sa tela at sinulid; kahoy para sa mga muwebles; at dahon at ugat para sa pagkain, kemikal, o gamot. Pinagkukunan ng Kitang Panlabas. Isang mahalagang pinagkukunan ng dolyar ng Pilipinas ay mula sa mga produktong agrikultural na naibebenta sa pandaigdigang pamilihan. Kabilang sa mga iniluluwas ng bansa na pinagmumulan ng kitang dolyar ang kopra, hipon, prutas, abaka, at iba pang mga hilaw na sangkap na ginagamit sa pagbuo ng iba’t ibang produkto. Pangunahing nagbibigay trabaho sa mga Pilipino. Ayon sa National Statistics Office (NSO) para sa taong 2012, 32% ng mga Pilipinong may trabaho ay nabibilang sa sektor ng agrikultura. Karaniwan silang nagtatrabaho bilang mga magsasaka, mangingisda, minero, o tagapag-alaga sa paghahayupan. Pinagkukunan ng sobrang manggagawa mula sa Sektor Agrikultural patungo sa Sektor ng Industriya at Paglilingkod. Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya na ginagamit sa agrikultura at ang patuloy na pagliit ng lupa para sa pagtatanim dahil sa paglaki ng populasyon, ang mga sobrang manggagawa ay pinakikinabangan ng sektor ng industriya at paglilingkod batay sa laki ng demand sa mga ito. WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEETS Araling Panlipunan 9 Ikaapat na Markahan, Ikaapat na Linggo SULIRANIN SA SEKTOR NG AGRIKULTURA Pangunahing Konsepto: Ekonomiks (Pahina 371-373) Malaki ang kontribusyon ng agrikultura sa ating pambansang ekonomiya. Gayumpaman, kapuna-puna mula rito ang mabagal na pag-unlad kung ikokompara sa sektor ng paglilingkod. Ilan sa kadahilanan ay ang sumusunod: A. Pagsasaka 1. Pagliit ng lupang pansakahan. Ang patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng panirahan, komersiyo, at industriya ay nagdudulot ng pagliit ng mga takdang lupain para sa pagsasaka. Kaakibat ng suliraning ito ang conversion o pagpapalit ng mga kagubatan at kabundukan upang maging pansakahan na nagiging dahilan sa pagkasira ng natural na tahanan (natural habitat) ng mga hayop at halaman (Adler, 2002). Ang ganitong sistema ay nakapagdudulot ng higit pang mga suliranin kung hindi magkakaisa ang mamamayan at pamahalaan na mapabuti ang kalagayan ng ating kapaligiran. 2. Paggamit ng teknolohiya. Ang kakayahang mapataas ang produksiyon ng lupa ay higit na makakamit sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya. Ang makabagong kaalaman sa paggamit ng mga pataba, pamuksa ng peste, at makabagong teknolohiya sa pagtatanim ay magiging kapakipakinabang lalo sa hamon ng lumalaking populasyon. Dahil dito, ang pagpapatatag sa antas ng teknolohiya sa sektor ng agrikultura ay nangangailangan ng agarang atensiyon ng pamahalaan. 3. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran. Isa rin sa mga dapat na mabigyan ng atensiyon ay ang kakulangan sa mga imprastrukturang magagamit ng ating mga magsasaka. Ang Batas Republika 8435 (Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997) ay naghahangad ng modernisasyon sa maraming aspekto ng sektor upang masiguro ang pagpapaunlad dito. Inaasahang sa wastong pagpapatupad ay matutugunan ang ilang suliranin sa irigasyon, farm-tomarket-road, at iba pa. 4. Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor. Ang pagtutulungan sa loob at labas ng sektor ay magtutulak upang higit na maging matatag ang agrikultura. Ayon sa Batas Republika 8435, ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ay binigyang-diin bilang suporta sa implementasyon ng modernisasyon sa agrikultura. Ang pagsusulong sa batas na ito ay isang pagkilala sa napakaraming pangangailangang maaaring hindi kayanin ng departamento nang mag-isa. Halimbawa, ang Land Bank of the Philippines ay partikular na makatutulong upang makapagpautang sa mga magsasaka upang tugunan ang mga pangunahing pangangailangan sa pagtatanim tulad ng gastusin sa abono, butil, at iba pa. 5. Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng industriya. Isa sa mga nagpahina sa kalagayan ng agrikultura ayon kina Habito at Briones (2005) ay ang naging prayoridad ng pamahalaan sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga favored import sa pandaigdigang pamilihan. Mas binibigyan ng pamahalaan ng maraming proteksiyon at pangangalaga ang industriya. Dahil dito, nawawalan ng mga manggagawa at mamumuhunan sa sektor ng agrikultura. Mas pipiliin pa nila ang pumunta sa industriya dahil sa mga insentibo rito na nagbunga sa pagbaba ng produksiyon at kita sa agrikultura. 6. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal Isang malaking kompetisyon ang kasalukuyang hinaharap ng bansa dulot ng pagdagsa ng mga dayuhang kalakal. Maraming magsasaka ang nahihirapang makipaglaban sa presyo ng mga murang produkto mula sa ibang bansa. Bunga ito ng pagpasok ng pamahalaan sa World Trade Organization (WTO) kung saan madaling makapasok ang mga produktong mula sa mga miyembro nito. Dahil dito, maraming magsasaka ang naapektuhan, huminto, at sa kalaunan ay ipinagbili na lamang ang kanilang mga lupa upang maging bahagi ng mga subdibisyon. 7. Climate Change. Ang patuloy na epekto ng Climate Change ay lubhang nakaaapekto sa bansa tulad ng pagdating ng bagyong Yolanda na may pambihirang lakas noong 2013. Milyon – milyong piso ang halaga ng mga nasirang kabuhayan at personal na mga gamit. Maaaring mabawasan ang epekto ng pagbabagong ito sa klima ng mundo kung magkakaisa ang mga bansang iwasan ang mga dahilang nagpapalala at nagpapabago sa klima ng mundo. Mga Suliranin sa Subsektor ng Pangingisda at Paggugubat Pangunahing Konsepto: Ekonomiks (Pahina 373-374) A. Pangisdaan 1. Mapanirang operasyon ng malalaking komersiyal na mangingisda. Mula sa aklat nina Balitao et al (2012), ang malalaki at komersiyal na barko na ginagamit sa paghuli ng mga isda ay nakaaapekto at nakasisira sa mga korales. Thrawl Fishing- ang mga mangingisda ay gumagamit ng malalaking lambat na may pabigat. Dahil dito, pati ang mga korales na nagsisilbing itlugan at bahay ng mga isda ay nasisira. Kung hindi magbabago at mapipigilan ang mga mangingisdang ito, darating ang panahong mauubos ang mga isda na isa sa mga pangunahing pagkain ng mamamayan. 1. Epekto ng polusyon sa pangisdaan. Binanggit din sa aklat nina Balitao et al (2012) ang patuloy na pagkasira ng Laguna de Bay at Manila Bay dahil sa mga polusyon na nagmumula sa mga tahanan, agrikultura, at industriya. Ang mga dumi ng tao, mga kemikal na sangkap sa mga abono o pataba na gamit sa pagtatanim, at mga kemikal na mula sa mga pabrika ay pumapatay sa mga anyong-tubig ng bansa. Dahil sa polusyon, ang mga yamang-tubig ay naaapektuhan at maaaring makaapekto rin sa mga mamamayan sa pagdating ng panahon. 2. Lumalaking populasyon sa bansa. Kung hindi magkakaroon ng patuloy na pag-unlad, halimbawa sa teknolohiya, mahihirapang makaagapay ang bansa sa lumalaking pangangailangan ng mamamayan dulot ng pagdami ng tao. Ipinaliwanag ni Thomas Malthus na ang patuloy na paglaki ng populasyon ay maaaring magdulot ng kahirapan na sa kalaunan ay kakulangan sa pagkain. Dahil habang lumalaki ang bilang ng populasyon, unti-unti rin ang pagbaba sa bilang ng mga yamangdagat at lahat ng likas na yaman dahil sa dami ng kumokonsumo. 3. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda. Ang mga magsasaka at mangingisda ay isa sa may pinakamababang sahod na natatanggap. Dahil dito, sila ay nabibilang sa mga pangkat na hikahos sa buhay. ng mababang kita sa uri na ito ng hanapbuhay ay hindi naghihikayat sa mga batang miyembro ng kanilang pamilya na manatili sa sektor. Dahil dito, karaniwan ng makikita ang kanilang pagpunta sa mga kalunsuran upang makipagsapalaran. B. Paggugubat 1. Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo na ng kagubatan. Malawakan ang paggamit sa ating mga likas na yaman. Mabilis na nauubos ito dahil sa mga pangangailangan sa mga hilaw na sangkap sa produksiyon tulad ng mga troso at mineral. a. Dahil dito, nababawasan ang suplay ng mga hilaw na sangkap na ginagamit ng mga industriya. b. Sa pagkawala ng mga kagubatan, nawawalan ng tirahan ang mga hayop kaya hindi sila makapagparami. c. Nagiging sanhi rin ito ng pagbaha na sumisira sa libo-libong ektaryang pananim taon-taon. d. Naapektuhan din ng pagkaubos ng mga watershed ang suplay ng tubig na ginagamit sa irigasyon ng mga sakahan. e. Ang pagkaubos ng kagubatan ay nagdudulot din ng pagguho ng lupa. Dahil sa kawalan ng mga puno, natatangay ng agos ng tubig ang lupa sa ibabaw, kasama ang sustansiya nito. Hindi nagiging produktibo ang mga pananim na itinatanim dito. WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEETS Araling Panlipunan 9 Ikaapat na Markahan, Ikalimang Linggo Mga Patakaran at Programa upang Mapaunlad ang Sektor ng Agrikultura Pangunahing Konsepto: Ekonomiks (Pahina 376-381) Maraming batas at programa ang pamahalaan na ginawa upang mapalakas ang sektor ng agrikultura. Hindi maitatanggi ang kasalukuyang kalagayan ng agrikultura at ng mga mamamayang dito umaasa. Ang mga suliraning kinakaharap nito ay bunga ng mga nakaraan at kasalukuyang desisyon na ginawa ng mga mamumuno ng bayan, gayundin ng mga mamamayan na naging mapangabuso sa likas na yaman ng bansa. Dahil dito, dapat nang mapag-ibayo ang implementasyon ng mga batas at programa upang masiguro ang kaayusan sa sektor ng agrikultura. MGA BATAS TUNGKOL SA SEKTOR NG AGRIKULTURA MGA BATAS TUNGKOL SA LUPA 1. Land Registration Act ng 1902 Ito ay sistemang Torrens sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano na kung saan ang mga titulo ng lupa ay ipinatalang lahat. 2. Public Land Act ng 1902 Nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga lupaing pampublilko sa mga pamilya na nagbubungkal ng lupa. Ang bawat pamilya ay maaaring magmay-ari ng hindi hihigit sa 16 na ektarya ng lupain. 3. Batas Republika Bilang 1160 Nakapaloob dito ang pagtatatag sa National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA) na pangunahing nangangasiwa sa pamamahagi ng mga lupain para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan. Kasama rin sa mga binibigyan nila ay ang mga pamilyang walang lupa. 4. Batas Republika Blg. 1190 ng 1954 Ito ay batas na nagbibigay-proteksiyon laban sa pangaabuso, pagsasamantala, 5. Agricultural Land Reform Code 6. Atas ng Pangulo Blng 2 ng 1972 7. Atas ng Pangulo Blg. 27 8. Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 at pandaraya ng mga may-ari ng lupa sa mga manggagawa. Ito ay simula ng isang malawakang reporma sa lupa na nilagdaan ng dating Pangulong Diosdado Macapagal noong ika-8 ng Agosto 1963. Ayon sa batas na ito, ang mga nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na tunay na may-ari nito. Kabilang din sa inalis ng batas ang sistemang kasama. Ang pagbili ng pamahalaan sa mga lupang tinatamnan ng mga magsasaka ay sinimulan. Ang mga lupang ito ay muling ipinagbili sa mga magsasaka sa paraang hulugan at katulad ng presyong ibinayad ng pamahalaan sa may-ari ng lupa. Itinadhana ng kautusan na isailalim sa reporma sa lupa ang buong Pilipinas noong panahon ni dating Pangulong Marcos. Kaalinsabay ng Atas ng Pangulo Blg. 2 ay ipinatutupad ang batas na ito na sinasabing magpapalaya sa mga magsasaka sa tanikala ng kahirapan at paglilipat sa kanila ng pagmamay-ari ng lupang sinasaka. Sinakop nito ang lahat ng lupa na tinatamnan ng palay at mais. Hindi kasama rito ang malalawak na lupain na tinatamnan ng niyog, tubo, pinya, at iba pang pananim. Ang mga magsasaka ay binigyan ng pagkakataong magmay-ari ng limang ektarya ng lupa kung walang patubig at tatlong ektaryang lupa kapag may patubig. Ito ay kanilang bubungkalin. Kilala sa tawag na Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) na inaprobahan ni dating Pangulong Corazon Aquino noong ika-10 ng Hunyo, 1988. Ipinasailalim ng batas na ito ang lahat ng publiko at pribadong lupang agrikultural. Ito ay nakapaloob sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Pangunahing Konsepto: Ekonomiks (Pahina 378-381) Mga Patakaran at Programang Pangkaunlaran sa Sektor ng Agrikultura PAGSASAKA/PAGTATANIM Batay sa CARP 2003, patuloy na isinasagawa ang sumusunod upang maikatuparan ang nais ng pamahalaan na maiangat ang kalagayang pangkabuhayan ng mga magsasaka: ✔ Pagtatayo ng bahay-ugnayan para sa mga magsasaka upang masigurong mayroon suportang maibibigay sa kanila ✔ Pagtatayo ng gulayan para sa mga magsasaka; ✔ Pagsisiguro na ang mga anak ng mga magsasaka ay makapag-aaral kaya itinayo ang Pangulong Diosdado Macapagal Agrarian Reform Scholarship Program; ✔ KALAHI Agrarian Reform Zones Ang lahat ng mga programa/gawain ay isinaisip at isinulong upang matiyak ang kaayusan ng mga magsasakang tumanggap ng mga lupa sa pamamagitan ng reporma sa lupa. Pagtatayo ng mga daungan. Upang higit na mapadali ang pagdadala sa PANGINGISDA Philippine Fisheries Code of 1998. Ito ang itinadhana ng pamahalaan na Fishery research. Ang pananaliksik at pagtingin sa potensiyal ng mga huling isda sa pamilihan o tahanan, nagsisilbing sentro o bagsakan ng mga ito ang mga daungan. Dahil dito, nagiging mas madali para sa mga mamamayang maabot ang mga produkto mula sa mga ito. Community Livelihood Assistance Program (CLASP) – paglilipat teknolohiya o pagtuturo sa mga mamamayan ng wastong paglinang sa mga likas na yaman ng bansa. Halimbawa, ang mangrove farming sa Bohol, plantasyon ng kawayan sa La Union, at plantasyon ng mga halamang medisinal sa Penablanca, Cagayan. naglilimita at naglalayon ng wastong paggamit sa yamang pangisdaan ng Pilipinas. PAGTOTROSO National Integrated Protected Areas System (NIPAS) ito ay programa na ang pangunahing layunin ay maingatan at protektahan ang kagubatan. Ito ay paraan upang mailigtas ang mga hayop at pananim dito teknolohiya tulad ng aquaculture marine resources development, at post-harvest technology ay patuloy na ginagawa upang masiguro ang pagpaparami at pagpapayaman sa mga yamang-tubig. Sustainable Forest Management Strategy – ito ay pamaraan upang matakdaan ang permanente at sukat ng kagubatan. Ito ay estratehiya ng pamahalaan upang maiwasan ang suliranin ng squatting, huwad at ilegal na pagpapatitulo ng lupa at pagpapalit ng gamit sa lupa. Sa pagdaan ng mga taon, mapupuna ang unti - unting pagbaba sa kita ng sektor bunsod ng mga suliraning kinakaharap nito. Nagkaroon lamang ng pag-angat kamakailan dahil na rin sa pagsusumikap na makamit ang progreso (tingnan ang talahanayan sa susunod na pahina). Sa isang banda, ang papel ng pamahalaan ay napakahalaga dahil malaki ang magagawa nito upang mapabuti ang kalagayan ng bansa. Ang mga polisiya at mga programa na maaari nitong maging prayoridad ay isa sa makapagpapatatag sa isang sektor. Ang maling desisyon at prayoridad ng pamahalaan ay makapagdudulot ng epekto sa takdang kakayahan nito. Pangunahing Konsepto: Ekonomiks (Pahina 378-381) Sa pagdaan ng mga taon, mapupuna ang unti - unting pagbaba sa kita ng sektor bunsod ng mga suliraning kinakaharap nito. Nagkaroon lamang ng pag-angat kamakailan dahil na rin sa pagsusumikap na makamit ang progreso (tingnan ang talahanayan sa susunod na pahina). Sa isang banda, ang papel ng pamahalaan ay napakahalaga dahil malaki ang magagawa nito upang mapabuti ang kalagayan ng bansa. Ang mga polisiya at mga programa na maaari nitong maging prayoridad ay isa sa makapagpapatatag sa isang sektor. Ang maling desisyon at prayoridad ng pamahalaan ay makapagdudulot ng epekto sa takdang kakayahan nito. Table 12: Share of Agriculture to Economy (% of GDP) 1985-2011 WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEETS Araling Panlipunan 9 Ikaapat na Markahan, Ikaanim Linggo ANG SEKTOR NG INDUSTRIYA Pangunahing Konsepto: Ekonomiks (Pahina 395-397) Ang Pilipinas, ayon kay Norio Usui ng Asian Development Bank (ADB), ay may malusog na sektor ng paglilingkod na sandigan ng ating ekonomiya. Subalit kailangan ng bansa na magkaroon ng ganoon ding kalakas na sektor ng industriya upang makapagbukas ng mas maraming pagkakataon na makahanap ng trabaho.ang mga mamamamayan. Ito ay isang pagpapatunay na ang sektor ng industriya ay isang mahalagang bahagi upang matamo ang kaunlaran. Pangunahing layunin nito ay maiproseso ang mga hilaw na materyal o sangkap na materyal upang makabuo ng mga produktong ginagamit ng tao. Karaniwang nagmumula sa agrikultura ang mga hilaw na materyal upang mabuo ang mga produktong maaaring ipagbili sa mga mamimili o gamitin bilang bahagi ng isang produkto tulad ng tornilyo sa kotse. Batay sa talahanayan, ikatlo ang industriya sa nakapagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan. Higit itong mababa kompara sa agrikultura at paglilingkod. Ang karagdagang dami rin na napapabilang dito ay mas maliit kaysa sa potensiyal na kaya nitong tanggapin. Sa kabila nito, kinakailangan pa ang ibayong pagtutok upang maging maayos at malusog ang sektor ng industriya. Kung magiging malakas ang sektor, higit na maraming tao ang magkakaroon ng hanapbuhay. Ang mataas na kita ng ekonomiya ay higit na mararamdaman kung ang halos lahat ng mamamayan ay mayroong pinagkakakitaan. Ang bansa na may mataas na pag-unlad sa kanilang kabuuang kita ay inaasahan na makapaghahatid ng mas maayos na buhay para sa mga mamamayan. Ang sektor ng industriya ay nahahati sa sumusunod na sekondaryang sektor: • Pagmimina. Ang sekondaryang sektor na kung saan ang mga metal, di-metal, at enerhiyang mineral ay kinukuha at dumadaan sa proseso upang gawing tapos na produkto (halimbawa ay hikaw na gawa sa ginto) o kabahagi ng isang yaring kalakal (halimbawa ay tornilyo para sa kotse). Ang mismong produkto, hilaw man o naproseso ang nagbibigay ng kita para sa bansa. • Pagmamanupaktura. Ayon sa diksiyonaryong Macquarie, ang pagmamanupaktura ay tumutukoy sa paggawa ng mga produkto sa pamamagitan ng manual labor o ng mga makina. Dagdag dito, inilarawan din ng Australian and New Zealand Standard Industrial Classification (ANZSIC) na nagkakaroon ng pisikal o kemikal na transpormasyon ang mga materyal o bahagi nito sa pagbuo ng mga bagong produkto. • Konstruksiyon. Kabilang dito ang mga gawaing tulad ng pagtatayo ng mga gusali, estruktura at iba pang land improvements halimbawa ay tulay, kalsada at iba pa bilang bahagi ng serbisyo publiko ng pamahalaan sa mga mamamayan. Kasama rin sa sekondaryang sektor na ito ang probisyon sa pagbibigay ng serbisyong teknikal at konstruksiyon tulad ng pagsasaayos at pagmimintina kasama na rin ang ang personal na konstruksiyon ng mga tirahan • Utilities (koryente, gas, at tubig). Ito ay binubuo ng mga kompanyang ang pangunahing layunin ay matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa tubig, koryente, at gas. Sa sekondaryang sektor na ito, malaki ang papel ng pamahalaan upang masiguro ang maayos na serbisyo. Kasama sa mga tungkuling ito ang paglalatag ng mga imprastruktura at angkop na teknolohiya upang maihatid ang nararapat na serbisyo sa lahat ng tao. Ito ay bilang paninigurong ang bawat mamamayan ay maaabot ng mga nasabing serbisyo. Mga Patakaran at Programa upang Mapaunlad ang Sektor ng Industriya at Pangangalakal Pangunahing Konsepto: Ekonomiks (Pahina 401-403) Mula sa mga talahanayan tungkol sa investment, makabubuo tayo ng kongklusyon na ang Pilipinas ay nakapagtala ng mas mababa sa maaaring asahan dito. Sa pagdaan ng mga panahon, matitiyak ang unti-unting pagbaba sa kontribusyon ng sekondaryang sektor ng pagmamanupaktura sa ekonomiya, gayundin ang pagbaba sa pangkalahatang pamumuhunan. Gayundin naman, ilan sa mga naging impresyon ng mundo sa Pilipinas ay hindi maikakailang hindi kaaya-aya. Ilan sa mga impresyong ito ang sumusunod: Batay sa mga impormasyong ito, ang pamahalaan ay bumuo ng Philippine Development Plan 2011-2016 bilang pagpapalakas sa ekonomiya ng bansa. Sa nasabing plano, ang sumusunod na aspekto ay tututukan: (a) mas maayos at akmang kondisyon sa pagnenegosyo, (b) mataas na produktibidad at maayos na paggawa; at (c) mas mabuting kalagayan para sa mga mamimili. Ang nasabing plano ng pamahalaan ay isang pagsisikap upang mapaunlad ang sektor ng industriya. Malinaw ang layuning nakasaad sa nasabing plano. Subalit tulad sa mga nakaraang panahon, ang katatagang maipatupad ang mga plano ang pinakamalaki pa ring balakid upang masiguro ang pangmatagalang benepisyo mula rito. Ilan sa direksyon ng pamahalaan ay pagsasaayos ng ilang mga polisiya upang masigurong ang mga ito ay magpapatatag ng industriya. Inaasahan ding ang mga pagbabagong ito ay magbibigay ng isang maayos at kaaya-ayang kondisyon sa pagnenegosyo para sa lokal at dayuhang mamumuhunan. Ilan sa mga inaasahang may pagbabago sa mga patakaran ang sumusunod: ● ● Pagsusog (amendments) sa Executive Order (EO) No. 226 o ang Omnibus Investment Code of 1987 upang mapalakas ang pagtataguyod sa pamumuhunan at paglinang ng mga bagong industriya ng Board of Investment (BOI) Pagpapatibay sa anti-trust/competition law upang malabanan ang mga gawaing hindi patas pagdating sa kalakalan, maiwasan ang kartel at monopolyo, at maparusahan ang mga opisyal ng mga kompanyang hindi sumusunod sa patas na pagnenegosyo. ● ● ● ● ● Pagsusog sa Tariff and Customs Code ng Pilipinas. Ito ay bilang suporta sa patas na pakikipagkalakan at mapigilan ang patuloy na paglaganap ng smuggling sa bansa. Pagsisiguro din ito na ang Pilipinas ay makasusunod sa pandaigdigang pamantayan pagdating sa panuntunan ng custom batay sa naging komitment ng bansa sa Kyoto Convention. Pagsusog sa Local Government Code upang masiguro na ang kapaligiran sa bansa ay magiging kaaya-aya sa pagnenegosyo. Reporma sa buwis bilang insentibo sa pribadong sektor kaugnay sa kanilang mga R and D na isinasagawa batay sa RA 8424. Ito ay may layuning mahikayat ang mga pribadong sektor na magkaroon ng inobasyon at pagtutulungan upang mapagbuti at mapalakas ang pagsasagawa ng R and D para sa kapakinabangan ng lahat Pagsusog sa Intellectual Property Code bilang proteksiyon sa mga negosyante na ang produkto ay mga sariling likha tulad ng muwebles at iba pang gawang kamay Pagsusog sa Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) Act bilang suporta sa pagpapalawig at pagpapalakas sa maliliit na negosyo na katuwang ng pamahalaan sa pagbibigay ng trabaho. MGA PATAKARANG PANG-EKONOMIYA NAKATUTULONG SA BANSA Pangunahing Konsepto: Ekonomiks (Pahina 401-404) Partikular ding tinitingnan sa loob ng Philipine Development Plan ang pagtataguyod sa industriya. Bilang suporta, nakikita ng pamahalaan ang pangangailangan sa pagkaroon ng kalidad sa lakas paggawa na naaayon sa demand ng pamilihan. Kinakailangan din na malinang ang impraestraktura at ang mga regulasyong ipinatutupad upang ganap na mapabuti ang sosyo-ekonomikong kapaligiran. Nakatakdang isakatuparan ng pamahalaan ang sumusunod upang matamo ang nasabing mga adhikain: • Mapaghusay ang promosyon sa pamumuhunan at estratehiya sa paglinang ng industriya sa pamamagitan ng mga inisyatibo at programa ng pamahalaan kasama ang pribadong sektor, upang magamit nang husto ang mga likas na yaman. • Masiguro na ang mga magsisitapos sa mga paaralan ay kinakailangan ng industriya. • Maitaguyod ang paglinang sa mga manggagawa upang masiguro ang kalidad sa pamamagitan ng training at opportunity building. • Mapanatili ng pamahalaan ang pagbibigay ng insentibo (fiscal and nonfiscal) at manguna sa paglulunsad ng promosyon ng mga produktong industriyal sa ibang bansa. • Mapabuti ang persepsiyon ng mga mamumuhunan sa bansa bunga ng katanggaptanggap na kapaligiran sa pagnenegosyo. • Mapalawak ang kaunlaran sa iba pang mga lungsod, katuwang ang pribadong sektor, upang mapalawak pa ang pagbibigay ng pagkakataon sa maraming Pilipino sa iba’t ibang dako ng Makikita rin ang layunin ng pamahalaan na maisaayos ang kalagayan sa mga sekondaryang sektor ng industriya: Ang sekondaryang sektor na electronics ay kinikilala bilang pangunahing tagapagpakilos ng ekonomiya. Upang masiguro ang pagkilala sa mga produktong ito na mula sa Pilipinas, ang pagkakaroon ng brand. Dapat ding makaakit ng mga negosyanteng maaaring ang pokus ay iba pang larawan na malaki ang demand tulad ng paggawa ng mga gadyet na patuloy na lumalaki ang pangangailangan sa buong mundo. ● Sa tantiya ng Mines and Geosciences Bureau (MGB), maaaring nasa siyam (9) na milyong ektarya sa bansa ang posibleng may metallic na mineral. Dahil sa malaking potensiyal nito, ang pamahalaan ay naglalayong mapabuti pa ang sekondaryang sektor na ito ng industriya. Nais na mapalakas ang kakayahan nito na makabuo ng mga tapos na produkto mula sa mga hilaw na sangkap at maipagbili sa dayuhang pamilihan. Habang nagnanais ang pamahalaan na mapabuti ang kontribusyon ng pagmimina, hinahangad ding mapasunod ang lahat sa polisiya tungkol sa matalinong paggamit ng ating likas na yaman. Ito ay pagsisiguro na magiging responsable ang bawat isa sa paggamit ng mga yamang mayroon ang bansa habang nagkakamit ng kaunlaran. ● Ang patuloy na pagsasaayos ng impraestrektura ng bansa ay inaasahang magiging isa sa mga prayoridad ng pamahalaan. Ang pagsasaayos ng mga kalsada, tulay, pagtatayo ng mga bagong paliparan at daungan, at iba pa ay isang patunay kung gaano kaseryoso ang pamahalaan sa pagpapatatag ng ekonomiya. Ang patuloy na pagsuporta at pagbibigay ng mga insentibo ay magsisiguro upang ang iba pang mga nakapaloob na gawain sa sektor ng industriya tulad ng homestyle products; pag-aalahas; motor vehicle parts and components; tela; konstruksiyon at kaakibat na materyales, at iba pa ay magiging matibay na sandigan ng ekonomiya. Ang mga polisiya ng bansa at pagbuo ng pangalan at kalidad sa mga produktong mula sa bansa ay isang malaking hamon upang masiguro ang kakayahan ng industriyang makipagkompetensiya sa mga bansang nangunguna sa kalakalang panlabas. ● WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEETS Araling Panlipunan 9 Ika-apat na Markahan, Ika-pitong Linggo ANG IMPORMAL NA SEKTOR: ISANG PAGPAPALIWANAG Pamagat at pahina ng aklat EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Pahina 431-436 Pangunahing Konsepto/Nilalaman Sa inilahad na economic development model ni W. Arthur Lewis sinasabing nagmula ang paggamit ng konsepto ng impormal na sektor. Inilarawan niya ito bilang uri ng hanapbuhay na kabilang sa mga bansang papaunlad pa lamang (developing countries). Partikular sa mga ito ang uri ng trabahong hindi bahagi ng makabagong sektor ng industriya. Subalit, ang pormal na pagsisimula ng mga ekonomista at iskolar sa paggamit ng konseptong ito ay nagsimula noong 1970’s dahil sa isinagawang pag-aaral ni Keith Hart, isang antropolohistang Ingles na nagsuri ng mga gawaing pangekonomiya ng mga taong naninirahan sa Acrra, Ghana. Ginamit ni Hart ang konseptong ito upang ilarawan ang uri ng hanapbuhay ng mga tao rito. Ito ay sinang-ayunan ng International Labour Organization (ILO) batay sa kanilang isinagawang First ILO World Employment Mission sa Kenya, Africa noong 1972. Batay sa resulta ng kanilang misyon, nalaman nilang marami ang mga may hanapbuhay na nasa labas ng regular na industriya o ng itinatakda ng batas. Kaugnay nito, ang International Labor Organization (ILO) ay gumawa ng resolusyon upang magkaroon ng pandaigdigang batayan sa paglalarawan ng impormal na sektor. Sa isinagawang 15th International Conference of Labor Statisticians noong Enero 19-28, 1993 sa Geneva, Switzerland, ayon sa ILO, ang impormal na sektor ay nagtataglay ng malawak na katangian. Ito ay binubuo ng mga yunit na nagsasagawa ng pagbuo ng produkto at serbisyo na may layuning makalikha ng empleyo o trabaho at magdulot ng kita sa taong lumalahok dito. Ang mga gawain dito ay naisasagawa dulot ng mababang antas ng organisasyon, hindi pagsunod sa itinatakdang kapital at pamantayan, at napakaliit na antas ng produksiyon. Ang mga kasapi sa pagsasagawa ng mga gawain sa produksiyon sa ilalim nito ay kadalasang mga kamag-anak o malalapit na kaibigan. Ito ay walang pormal na paraan ng pagsunod sa mga patakaran ng pamahalaan. Kaugnay nito, noong Abril 2008, nagsagawa ang National Statistics Office (NSO) ng Informal Sector Survey (ISS). Ito ang kauna-unahang pambansang sarbey tungkol sa impormal na sektor sa Pilipinas. Batay rito, lumabas na mayroong halos 10.5 milyong tao ang kabilang sa impormal na sektor. Ang tinatawag na self-employed ay humigit-kumulang 9.1 milyong katao at ang mga employers ay nasa 1.3 milyong katao. Maliban pa rito, sa isinagawang Labor Force Survey (LFS) ng taong ding iyon (Abril 2008), lumabas na mayroong 36.4 milyong tao ang kabilang sa lakas-paggawa at 30% nito ay kabilang sa mga informal sector operator. Sa kabuuang bilang na ito, 2/3 ay mga kalalakihan at, kung ibabatay naman sa edad o gulang, ¾ o 75% ay nasa 35 gulang pataas. Sa kabilang dako, ayon sa papel ni Cleofe S. Pastrana, isang kawani ng National Economic and Development Authority (NEDA), na pinamagatang “The Informal Sector and Non-Regular Employment in the Philippines”, sa isang kumperensiya sa Tokyo, Japan noong Disyembre 15-17, 2009, kaniyang binigyang-diing ang impormal na sektor ay nakatutulong sapagkat nakapagbibigay ito ng empleyo o trabaho sa mga mamamayan. Ito ay nagdudulot din ng pagkakalikha ng mga produkto at serbisyong tutugon sa ating mga pangangailangan. Samantala, ayon naman sa IBON Foundation, isang non-government organization (NGO), na nagsasaliksik tungkol sa mga usaping sosyal, politikal, at ekonomiko ng bansa, ang impormal na sektor ay paraan ng mga mamamayan lalo na ang kabilang sa tinatawag na “isang kahig, isang tuka” upang magkaroon ng kabuhayan lalo na sa tuwing panahon ng pangangailangan at kagipitan. Maliban pa dito, inilalarawan din nito ang pag-iral ng kawalan ng hanapbuhay at ang kahirapan ang siyang nagtutulak sa tao na pumasok sa ganitong uri ng sitwasyon. Maliban pa rito, ayon sa artikulo ni Cielito Habito sa Philippine Daily Inquirer (PDI) noong Enero 21, 2013, kaniyang sinabi na ang tinatayang kabuuang bahagdan ng impormal na sektor sa GDP ay 40%. Tinawag niya rin ang impormal na sektor bilang underground economy o hidden economy. mamamayan. Ito ay nagdudulot din ng pagkakalikha ng mga produkto at serbisyong tutugon sa ating mga pangangailangan. Ang kita ng impormal na sektor ay hindi naisasama sa kabuuang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa subalit tinataya na ang halaga ng produkto at serbisyo mula rito ay nasa 30%. Ito ay mabisang maipapaliwanag gamit ang talahanayan sa ibaba na mula sa ulat ng Congressional Planning and Budget Department (House of Representatives) noong Nobyembre 2008. Ito ay nagsasaad ng Informal Sectors Share in Selected Asian Countries sa loob ng mga taong 2001-2006 ayon sa datos ng BLES NSO 2007. Countries (years) Philippines (1995) Philippines (2001-2006) Korea (1995) Indonesia (1998) Pakistan (1997) India (1990-91) Percent of Total GDP Percent of NonAgricultural GDP 25.4 20-30 15.9 25.2 21.2 32.4 32.5 16.9 31.4 28.7 48.1 Ilan sa mga taong kabilang sa sektor na ito ay ang mga nagtitinda sa kalsada (sidewalk vendor), pedicab driver, karpintero at mga hindi rehistradong operasyon ng mga pampublikong sasakyan (colorum). Kabilang din sa sektor na ito ang mga gawaing ipinagbabawal ng batas tulad ng prostitusyon, ilegal na pasugalan, pamimirata (piracy) ng mga optical media gaya ng compact disc (CD) at digital video disc (DVD). Kaugnay nito, ang sumusunod ay mga karaniwang katangian ng impormal na sektor: Hindi nakarehistro sa pamahalaan; Hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita; Hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo. Sa pangkalahatan, hindi lamang sa ating bansa mayroong impormal na sektor. Ito ay nagaganap kahit sa iba pang bansa sa daigdig. Ayon nga kay Hedayet Ullah Chowdhury, Assistant Professor, Kazakhstan Institute of Management, Economics, and Strategic Research, sa kaniyang papel na nailathala sa Philippine Journal of Development, ang paglaganap ng impormal na sektor ay isang global phenomenon. Ang pag-iral nito sa iba’t ibang bansa ay kakikitaan lamang ng pagkakaibaiba nito ayon sa lawak, dami, at pangkalahatang sistema ng operasyon. Gayumpaman, hindi maikakaila ang kontribusyon nito sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa, partikular na sa pagbibigay ng empleyo o hanapbuhay sa mga mamamayan. DAHILAN AT EPEKTO NG IMPORMAL NA SEKTOR SA EKONOMIYA Layunin: (Ikalawang Araw) Nakapagsusuri sa halaga ng mga ginagampanan ng impormal na sektor at mga patakarang pang-ekonomiyang nakakatulong dito. (BOW-2) Pamagat at pahina ng aklat EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Pahina 436-438 Pangunahing Konsepto/Nilalaman Maraming mga magkakaugnay na salik ang itinuturong dahilan kung bakit patuloy na lumalaganap ang impormal na sektor sa iba’t ibang bansa. Sa pangkalahatan, sinasalamin ng pagiral ng impormal na sektor ang hindi pantay na pag-unlad ng mga sektor ng ekonomiya. Maliban pa rito, ang kakulangan ng sapat na hanapbuhay o kung hindi naman ay ang tamang pagpapatupad ng batas tungkol sa paggawa ay ilan sa dahilan sa pag-iral ng impormal na sektor. Samantala, ayon sa aklat na “Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon” (2012) nina Balitao et al., ang sumusunod ay ilan sa pinaniniwalaang kadahilanan kung bakit pumapasok ang mga mamamayaan sa impormal na sektor: Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan; Makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan o ang tinatawag na bureaucratic red tape. Sa aspektong ito ay pumapasok ang labis na regulasyon ng pamahalaan; Kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan na kung saan ang mga batas at programa ay hindi naipapatupad nang maayos; Makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan ng malaking kapital o puhunan; Mapangibabawan ang matinding kahirapan. Maliban pa rito, ang migrasyon ng mga tao mula sa kanayunan patungo sa Metro Manila at iba pang malalaking lungsod ay isa ding dahilan kung bakit patuloy na lumalaki ang impormal na sektor. Gayumpaman, masasabi rin nating ang paglaganap ng impormal na sektor ay nagpapakita ng pagkakaroon ng ugaling mapamaraan ng mga Pilipino upang mapaglabanan ang hamon ng kahirapan. Ipinapakita rin nito ang pagiging matatag laban sa mga suliraning pangkabuhayan, gaya ng mataas na presyo ng bilihin, kawalan ng trabaho, maliit na pasahod, at mababang antas ng edukasyon. Sa kabilang dako, ang pag-iral ng impormal na sektor ay nagdudulot ng sumusunod na epekto sa ekonomiya: Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis – Dahil ang mga kabilang sa impormal na sektor ay hindi nakarehistro, hindi rin sila nagbabayad ng buwis mula sa kanilang kinikita o operasyon. Ito ay nangangahulugan ng malaking pagbawas sa kabuuang koleksiyon o maaaring kitain ng pamahalaan sa pangongolekta ng buwis. Banta sa kapakanan ng mga mamimili – Dahil ang mga bumubuo sa impormal na sektor ay hindi rehistrado at hindi sumusunod ayon sa itinatalaga ng batas tungkol sa kanilang operasyon, maaaring ang mga produkto o serbisyo ay hindi pasado sa quality control o standards ayon sa itinakda ng Consumer Act of the Philippines, kung kaya’t ang mga mamimiling tumatangkilik dito ay maaaring mapahamak, maabuso, o mapagsamantalahan. Paglaganap ng mga ilegal na gawain – Dahil sa kagustuhan na kumita nang mabilisan, ang mga tao ay nauudyok na pumasok sa impormal na sektor na kung minsan ay mga gawaing ilegal o labag sa batas. Halimbawa ng mga gawaing labag sa batas ay ang prostitusyon, pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot, at ang pagkakaroon ng mga ilegal na pasugalan. Isa sa pinakamaiinit na isyu ngayon ay ang pamimirata partikular na ang software piracy. Ayon sa Microsoft Corporation, ang software piracy ay tumutukoy sa ilegal o walang permisong pangongopya ng mga computer software na kung saan nilalabag ng isang tao ang karapatang pagmamay-ari ng lumikha o orihinal na nagmamay-ari nito (Intellectual Property Rights---IPR). MGA BATAS, PROGRAMA, AT PATAKARANG PANG-EKONOMIYA KAUGNAY SA IMPORMAL NA SEKTOR Layunin: (Ikatlong Araw) Nakapagbibigay-halaga sa mga ginagampanan ng impormal na sektor at mga patakarang pang-ekonomiyang nakakatulong dito. (BOW-3) Pamagat at pahina ng aklat EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Pahina 439-442 Pangunahing Konsepto/Nilalaman Ang ilan sa mga batas, programa, at mga patakarang pang-ekonomiya na may kaugnayan sa impormal na sektor ay ang sumusunod: 1. REPUBLIC ACT 8425 Ang batas na ito ay kilala din bilang Social Reform and Poverty Alleviation Act of 1997. Ito ay nilagdaan noong Disyembre 11, 1997 at pormal na ipinatupad noong Hunyo 3, 1998. Itinatadhana ng batas na ito ang pagkilala sa impormal na sektor bilang isa sa mga disadvantaged sector ng lipunang Pilipino na nangangailangan ng tulong sa pamahalaan sa aspektong panlipunan, pang-ekonomiko, pamamahala, at maging ekolohikal. Isinulong ng batas na ito ang tinatawag na Social Reform Agenda (SRA) na naglalayong iahon sa kahirapan ang mga Pilipinong kabilang sa impormal na sektor. Upang maisakatuparan ang mga probisyon ng batas na ito ay itinatag ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) bilang ahensiyang tagapag-ugnay at tagapayo tungkol sa mga usaping may kinalaman sa mga bumubuo sa impormal na sektor. Isa sa mga kasapi ng NAPC ay mula sa sektor ng mga kababaihan bilang pagkilala sa kanilang ambag sa ekonomiya ng bansa. Maliban pa rito, ayon sa Seksyon 3 ng R.A. 842,5 ang mga bumubuo sa basic at disadvantaged sectors ng lipunang Pilipino ay ang sumusunod; magsasaka, mangingisda, manggagawa sa pormal na sektor, migrant workers (OFW), kababaihan, senior citizens, kabataan at mga mag-aaral (15-30 taong gulang), mga bata (minors - 18 taong gulang pababa), urban poor (mga taong naninirahan sa mga lungsod na ang kita ay lubhang mababa), mga manggagawa sa impormal na sektor, mga katutubo, mga may kapansanan (differently-abled persons), nongovernmental organizations (NGO’s), at mga kooperatiba. 2. REPUBLIC ACT 9710 Ang batas na ito ay nilagdaan noong Agosto 14, 2009 at kinilala bilang Magna Carta of Women. Ayon sa batas na ito, ang National Commission on the Role of Filipino Women (NCRFW) ay naging Philippine Commission on Women (PCW). Ito ay isinabatas bilang pandaigdigang pakikiisa ng ating bansa para sa layunin ng United Nations (UN) para sa Convention on the Elimination of all Forms of Discrimination Against Women’s (CEDAW). Kumikilala ito sa ambag at kakayahan ng kababaihan para itaguyod ang pambansang kaunlaran. Sa ilalim ng batas na ito ay inaalis ang lahat o anumang uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan, kinikilala at pinangangalagaan ang kanilang karapatang sibil, politikal, at pang-ekonomiko gaya na lamang ng karapatan para makapaghanapbuhay at maging bahagi ng lakas-paggawa, katiyakan para sa kasapatan ng pagkain at mga pinagkukunang-yaman, abot-kayang pabahay, pagpapanatili ng kaugalian at pagkakakilanlang kultural (cultural identity) at iba pang panlipunang aspekto. Ang batas na ito ay malaking tulong sa impormal na sektor sapagkat ayon sa datos na inilabas ng National Statistics Office (NSO), halos kalahati ng mga bumubuo sa sektor na ito ay kababaihan. 3. PRESIDENTIAL DECREE 442 Ito ay mas kilala bilang Philippine Labor Code na naisabatas noong Mayo 1, 1974. Itinuturing ito bilang pangunahing batas ng bansa para sa mga manggagawa. Ito ay naglalaman ng mga probisyon para sa “espesyal na manggagawa”---kabilang ang mga industrial homeworker, kasambahay, batang manggagawa, at kababaihan---na kabilang sa impormal na sektor. Batay sa Book 2, Title II of the Labor Code, ito ay may probisyon tungkol sa pagsasanay na dapat ipagkaloob sa mga manggagawa upang mapaghusay pa ang kanilang mga kasanayan. 4. REPUBLIC ACT 7796 Ito ay ang Technical Education and Skills Development Act of 1994 na nilagdaan bilang batas noong Agosto 25, 1994. Layunin ng batas na ito na hikayatin ang kabuuang partisipasyon at pakikiisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan gaya ng industriya, paggawa, lokal na pamahalaan, teknikal, at bokasyonal na mga institusyon upang mapaghusay ang mga kasanayan para sa pagpapataas o pagpapaibayo ng kalidad ng yamang tao ng ating bansa. Sa ilalim din nito ay itinalaga ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) bilang ahensiya ng pamahalaang itinatag upang makapagbigay ng edukasyong teknikal. 5. REPUBLIC ACT 8822 Ito ay tinatawag din bilang Social Security Act of 1997. Itinatadhana ng batas na ito na tungkulin ng estado na paunlarin, pangalagaan, at itaguyod ang kagalingang panlipunan at seguridad ng mga manggagawa. Higit sa lahat kung sila ay dumanas ng pagkakasakit, kapansanan, panganganak, pagsapit sa katandaan (old age), at kamatayan. Upang maisakatuparan ito ipinag-utos na lahat ng mga manggagawa sa pribadong sektor maging ang kabilang sa impormal na sektor ay maging bahagi ng Social Security System (SSS) bilang ahensiya ng pamahalaan na may tungkulin para itaguyod ang Panseguruhan ng Kapanatagang Panlipunan ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng mga personal na kontribusyon ng mga manggagawa ito ay magsisilbi nilang pondo at maaaring magamit sa oras ng kanilang pangangailangan. 6. REPUBLIC ACT 7875 Ito ay naging batas noong Pebrero 7, 1995 at kinilala bilang National Heath Insurance Act of 1995. Sa pamamagitan nito ay naitatag ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) na naglalayong mapagkalooban ang lahat ng mga mamamayang Pilipino ng isang maayos at sistematikong kaseguruhang pangkalusugan. Nakapaloob sa programang ito na ang pamahalaan ay magkakaloob ng subsidy sa mga mamamayan na walang sapat na kakayahang pinansiyal sa oras na sila ay magkaroon ng pangangailangang medikal at pangkalusugan gaya na lamang ng operasyon at hospitalization program. Maliban pa sa mga nabanggit na batas, may iba pang ipinatutupad para sa mga partikular na sektor ng manggagawang Pilipino tulad ng Magna Carta for Small Farmers (R.A. 7607), Magna Carta for Small Enterprises (R.A. 6977), at Barangay Microbusiness Enterprises Act (R.A. 9178). Samantala, ang sumusunod ay ilan sa mga programa at proyekto ng pamahalaan para sa mga mamamayan na bumubuo sa impormal na sektor: 1. DOLE INTEGRATED LIVELIHOOD PROGRAM (DILP) Ang programang ito ay ipinatutupad ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nauukol sa pangkabuhayang pangkaunlaran sa pamamagitan ng mga pagsasanay ng mga mamamayan partikular na para sa mga self-employed at mga walang sapat na hanapbuhay. 2. SELF-EMPLOYMENT ASSISTANCE KAUNLARAN PROGRAM (SEA-K) Isa sa mga pangkabuhayang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagbibigay ng mga gawain at pagsasanay upang mapaunlad ng mga mahihirap na pamilya ang kanilang mga kasanayan at makapagsimula ng sariling negosyong pangkabuhayan at pagtatayo ng mga samahang panlipunan na maaaring magpautang sa mga kasapi gaya ng Self-Employment Kaunlaran Associations (SKA’s). 3. INTEGRATED SERVICES FOR LIVELIHOOD ADVANCEMENT OF THE FISHERFOLKS (ISLA) Ang proyektong ito ay para sa mga munisipalidad o bayan na ang pangunahing ikinabubuhay ay pangingisda. Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mangingisda sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga pagsasanay upang mas mapaghusay pa nila ang kanilang hanapbuhay. Maliban pa rito, nagtatayo ng mga training center para sa mga mangingisda at kanilang pamilya upang sanayin sa iba pang alternatibong mga gawaing pangkabuhayan na maaari nilang pagkunan ng karagdagang kita. 4. CASH-FOR-WORK PROGRAM (CWP) Ito ay programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na kung saan sa ilalim nito, ang mga biktima ng kalamidad o mga evacuee ay bibigyan ng kabayaran kapalit ng serbisyong kanilang isasagawa o pagtulong sa panahon ng rehabilitasyon at rekonstruksiyon ng mga nasalantang lugar. Ang programang ito ay ipinatutupad ng pamahalaan bilang pansamantala o alternatibong mapagkukunan ng kabuhayan o kita ng mga taong nawalan ng hanapbuhay dulot ng mga nabanggit na sitwasyon. Tunay ngang maganda ang mga batas, programa, at proyekto ng pamahalaan para sa impormal na sektor. Ngunit, ang kaukulang implementasyon nito para sa kapakanan ng mga mamamayan at kabuuan ng ekonomiya ng bansa ang kinakailangang mabigyan ng kasiguraduhan. Kinakailangan ang pagtutulungan ng pamahalaan at mga mamamayan upang makamit natin ang minimithing pambansang kaunlaran. Gayumpaman, hindi rin natin masisi ang mga tao kung sila ay maging bahagi ng impormal na sektor sapagkat ayon nga kay Bernardo Villegas, isang kilalang ekonomistang Pilipino, “Gugustuhin pa ng mga tao ang lumabag sa batas kaysa magutom o mamamatay”. Kung kaya’t, upang maiwasan ito, marapat lamang na ang mga mamamayan at pamahalaan ay magkaisa para sa implementasyon ng mga magagandang batas, programa, at patakarang pang-ekonomiya para sa kabutihan ng lahat. WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEETS Araling Panlipunan 9 Ika-apat na Markahan, Ika-walong Linggo Pamagat at pahina ng aklat EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Pahina 457-463 ANG KALAKALANG PANLABAS NG PILIPINAS Pangunahing Konsepto/Nilalaman Upang maunawaan ang takbo ng kalakalang panlabas ng isang bansa ay sinusuri ang tinatawag nating balance of payment (BOP), na siyang nagsisilbing sukatan ng pandaigdigang gawaing pang-ekonomiya ng isang bansa. Ito rin ang nagpapakita ng talaan ng transaksiyon ng isang bansa sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Samantala, ang balance of trade (BOT) naman ay makukuha sa pamamagitan ng pagbabawas ng halaga ng kalakal na inaangkat (import) sa halaga ng kalakal na iniluluwas (export). Kaugnay nito, sa paglipas ng panahon, patuloy na lumalawak ang pakikipag-ugnayan ng ating bansa sa larangan ng kalakalan. Ayon sa June 2014 na ulat na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) o dating kilala bilang National Statistics Office (NSO), tumaas ng 21.3% ang kabuuang kita ng Pilipinas mula sa pagluluwas (export) ng mga produkto. Batay sa June 2014 tayo ay kumita ng $5.444 bilyong dolyar kumpara sa $4.490 bilyong dolyar na kinita ng bansa noong June 2013. Ang talahanayan sa ibaba ay nagpapakita ng kabuuang datos tungkol sa ating pagluluwas (export). Merchandise Exports Performance of the Philippines as of June 2014 TOTAL EXPORTS FOB Value in Million US Dollars Year-on-Year Growth (Percent) Electronic Products FOB Value in Million US Dollars Year-on-Year Growth (Percent) 2014 p 2013 r 5,444.41 4,490.20 21.3 4.1 2,220.56 2,006.19 10.7 - 2.2 Ayon sa PSA, ang itinuturong kadahilanan ng pagtaas na ito ay dulot ng paglaki at pagbuti ng kita ng bansa saw along uri ng produktong iniluluwas. Ang mga produktong nagrehistro ng malaking antas ng paglago ng kita sa pagluluwas ay ang machinery and transport equipment, bananas (fresh), other mineral products, other manufactures, articles of apparel and clothing accessories, ignition wiring set and other wiring sets used in vehicles, aircrafts and ships, at electronic products and chemicals. Tanging ang cathodes and sections of cathodes at refined copper ang bumuo sa sampung nangungunang produktong panluwas ng Pilipinas (Top 10 Exporting Products of the Philippines). Subalit, ang dalawang huling nabanggit na produkto ay walang naitalang ulat noong Hunyo 2013 kung kaya’t hindi malaman ang naging growth rate nito. Ang talahanayan sa ibaba ang magpapakita ng kompletong Top 10 Exporting Products of the Philippines as of June 2014. Top 1p Pjilippine Export to All Countries: June 2014p (Year-on-Year Growth in Percent Gainers Losers Machinery and Transport 120.4 Woodcrafts Equipment Bananas (Fresh) 98.9 Other Mineral Products 74.2 Other Manufactures 67.8 Articles of Apparel and 44.5 Clothing Accessories Ignition Wiring Sets Used in 32.5 Vehicles, Aircrafts and Ships Electronic Products Chemicals Cathodes & Sections of Cathodes, of Refined Copper -9.9 10.7 0.1 a/ p-preliminary, r-revised, a/-growth rate not computed, with zero value in June 2013 pinagkunan: http://www.census.gov.ph/content/merchandise-exports-performace-june-2014 Retrieved on November 7, 2014 Batay sa talahanayan, ayon sa PSA, ang electronics products ang siyang nangungunang produktong panluwas ng Pilipinas na nagrehistro ng $2.221 bilyon. Ito ay bumuo sa 40.8% ng kabuuang kita ng Pilipinas mula sa pagluluwas (export). Ito ay nagtala ng 10.7% na bahagdan mula sa kabuuang $2.006 bilyon noong June 2013. Samantala, ang other manufactures ang pumangalawa na may pinakalamalaking kita noong June 2014. Ito ay may kabuuang halagang $537.67 milyon na may pagtaas ng 67.8% mula sa dating $321.00 milyon noong June 2013. Ang machinery and transport equipment, naman ang pumangatlo na nagtala ng 7.2% sa kabuuang kita ng bansa. Ito ay may kabuuang halaga na $390.83 milyong dolyar at nakapagtala ng 120.4% kung ihahambing sa $177.37 milyong dolyar noong June 2013. Pumang-apat naman ang other mineral products na may kitang $321.31 milyon. Ito ay nag-ambag ng 5.9% sa kabuuang kita ng bansa at nagtala ng 74.2% ng pagtaas mula sa $184.47 milyong dolyar noong June 2013. At ang woodcrafts and furnitures ang siyang panglima na may kinita na $253.41 milyon o kabuuang ambag na 4.7% sa kita ng pagluluwas ng bansa. Subalit, ito ay nagtala ng kabuuang -9.9% ng pagbaba kung ihahambing sa nakaraang June 2013 na $281.12 milyon. Ang pigura sa susunod na pahina ay inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagpapakita ng Philippine Top Five Exports at paghahambing ng datos nito sa pagitan ng taong June 2013 at June 2014. Sa kabilang dako, sa larangan naman ng mga commodity group, ang manufactured goods ang siyang nanguna sa kabuuang kita. Ito ay nagtala ng $4.301 bilyon at bumuo sa 79% ng kabuaang kita sa pagluluwas. Ito ay tumaas ng 15.7% batay sa $3.716 bilyon na kita nito noong June 2013. Ang mineral products naman ay mayroong 8.9% na bahagi at may pagtaas na 85.1% batay sa kinita nitong $468.03 milyong dolyar. Ang total agro-based products naman ay may 8.5% na bahagi at may kabuuang kita na $464.21 milyon. Ito ay tumaas ng 44% mula sa $322.46 milyon na kita noong June 2013. Maliban pa dito, ang special transactions ay bumuo sa 3.4% at tumaas ng 98.0% batay sa kinita na $186.10 milyon kung ihahambing sa $93.99 milyon na kita noong June 2013. Ang forest products naman ay nagbahagi ng 0.1% sa kabuuang kita ng bansa at tumaas ng 24% batay sa $6.70 milyon na kinita nito ngayong June 2014 kumpara sa $5.40 milyon noong June 2013. At ang petroleum product ay nagtala ng 0.001% at bumaba ng 99.9% mula sa $89.37 milyon noong June 2013 sa $61 ngayong June 2014. Ang pigura sa ibaba ay naglalarawan ng Philippine Exports by Commodity Groups ayon sa ulat ng PSA. Pinagkunan: http://www.census.gov.ph/content/commoditygroups-exports-performance-june-2014 Retrieved on November 7, 2014 Kaugnay nito, kung pagbabatayan naman ang mga bansa kung saan tayo ay pagluluwas, batay sa June 2014 ulat na inilabas ng PSA, na ang Japan partikular na ang Okinawa ang siyang pinaka-nangungunang destinasyon ng mga produktong Pilipino. Ito ay mayroong kabuuang $955.58 milyon na kabilang sa 17.6% ng kabuuang kita ng ating bansa sa export ngayong June 2014. Pangalawa, ang People’s Republic of China (PROC) na mayroong 15.8%. Ito ay katumbas na halagang $859.38 milyon. Pangatlo ang United States of America na mayroong 13.8% o kabuuang $751.68 milyon sa kabuuang kita ng bansa. Pang-apat ay ang Hongkong na mayroong 9% o katumbas na $487.74 milyon at panlima ang Singapore na may nairehistrong 6.9% o $377.97 milyon sa kabuuang kita ng bansa sa pagluluwas. Para sa kompletong listahan ng Philippine Top Ten Exports by Country, tunghayan ang pigurang nasa ibaba. Pinagkunan: http://www.census.gov.ph/content/philippine top ten imports-by country-june-2014 Retrieved on November 7, 2014 Samanatala, kung pagababatayan naman ang economic bloc, an gating bansa ay may pinakamalaking pagluluwas ng mga produkto at serbisyo sa mga bansa sa East Asia. Ito ay may katumbas na 49.9%o 2.714 bilyong dolyar; pangalawa ay sa mga bansang miyembro ng ASEAN na nakapagtala ng 14.2.% o may katumbas na halaga na $770.46 milyong dolyar; pangatlo ay sa mga bansang kasapi ng European Union na mayroong 10.2% o kabuuang $556.51 milyong dolyar. Sa kabilang banda, ang import ng ating bansa ayon sa Philippine Statistical Authority, kung ihahambing sa nakaraang June 2013 ay bumaba ng 3.6% batay sa naitalang $4.716 bilyon. Ito rin ay mas mababa kumpara sa $4.890 bilyon ng nakaraang June 2013. Ayon sa ahensiyang nabanggit, ang pagbaba na ito ay dulot ng pagbaba ng tatlong pangunahing produkto. Ito ay ang industrial machinery & equipments, electronics products, at other food and live animals. Maliban pa rito, ang balance of trade in goods (BOT-G) ng ating bansa para sa June 2014 ay nagtala ng surplus na $731 milyon kompara sa $399 milyon na deficit noong June 2013. Ito ay mabisang maipapaliwanag gamit ang pigurang nasa ibaba. Retrieved on November7, 2017 Kung pagbabatayan naman ang Philippine Top Five Imports, ang mineral fuels at lubricants and related materials ang siyang nanguna. Ito ay nakapag-ambag ng kabuuang 24.7% o may katumbas na halagang $1.167 bilyon. Ito ay nagtala ng pagtaas na 9.4% kung ikukumpara sa $1.066 bilyon noong June 2013. Pumapangalawa rito ay ang electronic products na mayroong 18.1% at may halagang $1.097 bilyon ngayong June 2014. Ito ay bumaba ng 22% mula sa $1.097 bilyon noong June 2013. Pangatlo naman ang transport equipments, na nagrehistro ng 10.2% sa kabuuang imports ng bansa sa halagang $479.28 milyon. Ito ay may pagtaas ng 13.9% mula sa dating $420.92 milyong dolyar. Pang-apat naman ay ang industrial machinery and equipments na nakapagtala ng 4.5% bahagi na may kabuuang halaga na $211.97 milyon. Ito ay bumaba ng 32.9% mula sa dating $315.81.74 milyon noong June 2013. Panlima ay ang other food and live animals na may 3.3% na bahagi sa kabuuang imports ng ating bansa sa halagang $156.23 milyon. Ito ay bumaba ng 3.3% mula sa dating $161.64 milyon noong June 2013. Ang pigura sa ibaba ay nagpapakita ng Philippine Top Five Imports. Pinagkunan: http://www.census.gov.ph/content/philippine top five imports-june-2014 Retrieved on November7, 2017 Samantala, sa larangan naman ng ating ugnayan hinggil sa import ang bansang nagkakaroon tayo ng pangunahing pag-aangkat ay ang People’s Republic of China. Ito ay nakapagtala ng 17.2% o kabuuang $809.64 milyon ngayong June 2014. Nakapagtala ito ng pagtaas na 17.9% kung ihahambing sa $686.79 milyon noong June 2013. Ang Republic of Korea naman ang pumangalawa na nakapagtala ng 6.8% ng kabuuang import o may halagang $461.33 milyon. Ang Japan partikular na ang lungsod ng Okinawa ang pumangatlo na mayroong 9.6% o katumbas na $451.71 milyong dolyar sa kabuuang import ng Pilipinas. Pang-apat ay ang United States of America na mayroong 7.6% o kabuuang $445.44 milyon at ang panlima ay ang Singapore na nakapagtala ng 6.8% o katumbas na $319.54 milyong dolyar ngayong June 2014. Ang kabuuang datos ng Philippine Top Ten Imports by Country ay makikita sa pigura sa ibaba ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA). Pinagkunan: http://www.census.gov.ph/content/philippine top ten imports-by country-june-2014 Retrieved on November7, 2017 ANG UGNAYAN NG PILIPINAS SA MGA SAMAHANG PANDAIGDIG: WTO, APEC, ASEAN Layunin: (Ikalawang Araw) Nakapagtatalakay sa pang-ekonomikong ugnayan at patakarang panlabas na nakatutulong sa Pilipinas. (BOW-2) Pamagat at pahina ng aklat EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Pahina 464-469 Pangunahing Konsepto/Nilalaman Ang pagkakaroon ng ugnayan ng mga bansa sa daigdig ay mas higit na pinagbubuti sa pamamagitan ng kalakalang panlabas. Ito ay nagsisilbing pamamaraan upang ang bawat bansa ay magkaroon ng ugnayang internasyonal kasabay ng mabilisang pagbabago sa lahat ng aspekto ng pamumuhay ng tao, maging ito ay sa sistema ng edukasyon, komunikasyon, transportasyon, teknolohiya, at maging sa industriyalisasyon. Sa kasalukuyang panahon, higit na akma ang kasabihang “walang sinoman ang nabubuhay para sa sarili lamang” o sa wikang Ingles ang kasabihang “No Man is an Island”. Kaugnay nito, sa kasalukuyang panahon, ang pakikipagkalakalan ay higit na ginawang sistematiko. Ito ay naging ganap sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga samahang pandaigdig o international organization na naglalayong palawakin ang ugnayan ng mga bansa sa larangan ng kalakalang panlabas. Ilan sa mga samahang pandaigdigang pang-ekonomiko na kabilang ang ating bansa ay ang sumusunod: Ang pandaigdigang samahang ito ay pormal na pinasinayaan at nabuo noong Enero 1, 1995. Ito ang naging kapalit ng General Agreement of Tariffs and Trade (GATT). Ang pagkakatatag nito ay alinsunod sa naging resulta ng usapin sa Uruguay Round sa pamamagitan ng paglagda sa Marrakech Agreement sa Marrakech, Morroco noong Abril 15, 1944. Subalit, kaiba sa GATT, ang WTO ay may pormal na estrukturang institusyonal at ang pinakamataas na lupong nagpapasya sa WTO ay ang Ministerial Conference, samantalang ang GATT ay walang ganap na estruktura. Ang punong himpilan ng WTO ay matatagpuan sa Geneva, Switzerland. Ito ay kinikilala bilang samahang namamahala sa pandaigdigang patakaran ng sistema ng kalakalan o global trading system sa pagitan ng mga kasaping estado o member states. Maliban pa rito, ito rin ang siyang nagbibigay ng solusyon sa mga problema, usapin, sigalot, o pagtatalo ng mga kasaping estado. Sa kasalukuyan, ito ay binubuo ng 160 bansang kasapi. Bilang isang samahang internasyonal, ang pagsapi o pagpasok sa organisasyong ito ay sumusunod sa mahigpit na proseso. Ang isang bansang nagnais na maging kasapi ay kailangang magpasa ng aplikasyon sa Executive Council inilarawan ang kalagayan ng kanyang ekonomiya at mga patakarang pangkalakalan. Ang pagtanggap bilang kasapi ng samahang ito ay tumatagal ng halos ilang taon sapagkat masusing sinusuri ng samahan hindi lamang ang kalagayang pang-ekonomiko ng isang bansa kundi maging aspektong pampolitika at panlipunan. Kapag ito ay naaprubahan, ang isang bansa ay lalagda sa isang kasunduan o protocol na naglalaman ng mga alituntuning dapat sundin ng isang kasaping bansa. Ang mga pangunahing misyon ng World Trade Organization (WTO) ay ang sumusunod: Pagsusulong ng isang maayos at malayang kalakalan sa pamamagitan ng pagpapababa sa mga hadlang sa kalakalan (trade barriers); Pagkakaloob ng mga plataporma para sa negosasyon at nakahandang magbigay tulongteknikal at pagsasanay para sa mga papaunlad na bansa (developing countries); Mamagitan sa mga pagtatalo ng mga kasaping bansa kaugnay sa mga patakaran o magpataw ng trade sanction laban sa isang kasaping hindi umaayon sa desisyon o pasya ng samahan; Ang pagiging kasapi ng Pilipinas sa World Trade Organization (WTO) ay isang malaking bagay upang magkaroon ng maayos at mabilis na pakikipag-ugnayan ang ating bansa sa iba pang kasapi ng naturang samahan. Ito ay magdudulot sa ating bansa ng maayos na takbo ng sistema ng kalakalang panlabas at makatutulong upang magkaroon ng mababang taripa o buwis sa produktong ating iniluluwas sa mga bansang kasapi nito. Ayon sa aklat na “Ekonomiks: Konsepto at Aplikasyon “nina Balitao et. al. (2012) ang World Trade Organization upang maging maayos ang sistema ng pakikipagkalakalan ay ipinasusunod ang sumusunod na prinsipyo: Nararapat na ang sistemang pangkalakalan ay walang bahid ng diskriminasyon. Mas kaaya-aya kung magiging malaya ang sistemang pangkalakalan sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga hadlang-pangkalakalan; Nararapat na matiyak ang kalalabasan ng sistemang pangkalakalan, partikular kung tiyak ang mga dayuhang kompanya at pamahalaan na hindi daragdagan ang mga hadlang pangekonomiko at manatiling bukas ang pamilihan; Ang sistemang pangkalakalan ay nararapat maging mas kompetetibo; Ito ay nararapat na mas katanggap-tanggap sa mga bansang hindi gaanong maunlad. Ang larawan sa ibaba ay nagpapakita ng mapa ng mga bansang kabilang, hindi-kabilang, observer status, at mga bansang nasa representasyon ng European Union sa WTO. Ito ay isang samahang may layuning isulong ang kaunlarang pang-ekonomiya at katiwasayan sa rehiyong Asia-Pacific kaugnay na rin ng pagpapalakas sa mga bansa at pamayanan nito. Ang mga bansang nasa rehiyon ng Pasipiko ay nagkakaroon ng ugnayan sa mga usaping pang-ekonomiya at nagsusulong ng kaunlarang pangkabuhayan, kooperasyon, kalakalan, at pamumuhunan. Ito ay itinatag noong Nobyembre 1989 at ang punong himpilan nito ay matatagpuan sa Singapore. Ang ating bansa ay isa sa mga orihinal na kasapi nito kabilang ang Australia, Brunei, Canada, Indonesia, Japan, South Korea, Malaysia, New Zealand, Singapore, Thailand, at United States. Samantala, noong Nobyembre 1991 ay sumapi rin ang China, Hongkong, at Taiwan. Noong Nobyembre 1993, ang Mexico at Papua New Guinea ay nakabilang din. Ang bansang Chile ay sumali noong Nobyembre 1994 at ang Peru, Russia, at Vietnam naman ay noong Nobyembre 1998. Sa kasalukuyan, ito ay binubuo ng 21 bansa. Ang samahang ito ay nagsasagawa ng taunang pagpupulong o economic forum upang pag-usapan ang iba’t ibang isyu partikular na ang kalakalan at pamumuhunan. Ang APEC ay kaiba sa WTO sapagkat walang kasunduan itong pinipilit sa mga kasapi o sa mga member economy. Ang desisyon ng samahan sa mga isyu o usapin ay ibinabatay ayon sa consensus. Kaugnay nito, ang kauna-unahang APEC Leaders’ Meeting ay isinagawa noong 1993 sa Blake Island, Washington D.C. sa pangunguna ng dating Pangulo ng Estados Unidos na si Bill Clinton na kung saan ay nanawagan ang mga pinuno ng bansa upang bawasan ang mga hadlang sa kalakalan at pamumuhunan gaya ng taripa at quota. Ang taripa ay tumutukoy sa buwis na binayaran sa kalakal samantalang ang quota ay ang takdang dami ng mga kalakal na maaaring iluwas o ipasok sa isang bansa. Ayon sa aklat na “Ekonomiks; Konsepto at Aplikasyon” nina Balitao, et al, ang samahang ito ay mayroong tinatawag na Three Pillars na siyang sinusunod ng mga kasapi. Ang pinakatampok na programa nito ay ang sumusunod: Liberalisasyon ng pakikipagkalakalan at pamumuhunan - Ito ay nakapokus sa pagpapalawak ng pambansang pamilihan upang makahikayat at magkaroon ng karagdagang pamumuhunan at negosyo mula sa kasaping bansa. Pagpapabilis at pagpapadali ng pagnenegosyo - Sa pamamagitan ng itatayong imprastrukturang kailangan sa pagnenegosyo at mga kapital o puhunang ilalaan sa operasyon, ito ay nagpapabilis at nagiging episyente ang bawat gawaing pangkaunlaran. Ang mga nagluluwas at nag-aangkat ng mga produkto at serbisyo ay makikinabang dahil sa magiging epekto nito tulad ng mas mababang gastos pamproduksiyon, karagdagang trabaho, at pagkakaroon ng mas malawak na pamilihan. Pagtutulungang pang-ekonomiya at teknikal - Ito ay may layuning maglunsad ng mga pagsasanay upang malinang, mapahusay, at mapalawig ang kaalamang teknikal ng lahat ng kasaping bansa. Ang mga bansang kasapi ng APEC ay makikita sa larawan na nasa ibaba. Matapos mabigo ang pagkakatatag ng Association of Southeast Asia (ASA), ito ay nagbigay daan para magsimula ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) noong August 8, 1967. Ang samahang ito ay naglalayong paunlarin ang ugnayan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Ito ay binuo ng mga bansang Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore, at Thailand na kinilala bilang mga Founding Countries sa bisa ng dokumentong tinawag na Bangkok Declaration. Sa kasalukuyan ito ay binubuo ng 10 bansa kasama ang Brunei, Cambodia, Laos, Myanmar, at Vietnam. Ang pagkakatatag ng samahang ito ay naglayong pagbuklurin at magkaroon ng pagkakaisa ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Idagdag pa rito ang pagnanais na labanan ang pagkalat ng komunismo sa Asya at magkaroon ng kaunlarang pang-ekonomiko. Ang punong-himpilan nito ay matatagpuan sa Jakarta, Indonesia. Upang mas mapaghusay at tuluyang makamit ang layunin ng samahan ay napagkasunduan ng mga kasaping bansa ang pagtatag ng tatlong community na binubuo ng ASEAN Political-Security Community, ASEAN Economic Community at ASEAN SocioCultural Community. Sa aspektong pang-ekonomiko, ang samahang ito ay naglalayong paunlarin at isulong ang malayang kalakalan sa bawat kasapi ng ASEAN pati ang mga bansang dialogue partner nito. Kabilang sa dialogue partners nito ay ang Australia, China, Estados Unidos, European Union, Japan, New Zealand, Russia, at South Korea. Upang maging ganap ang pagnanais na ito, ay nagkaroon ng kasunduang tinawag na ASEAN Free Trade Area (AFTA) na nilagdaan noong January 28, 1992 sa Singapore. Ito ay nakabatay sa konsepto ng Common Effective Preferential Tariff (CEPT) o ang programang nagsusulong ng pag-aalis ng taripa at quota upang maging ganap ang pagdaloy ng produkto sa mga bansang kasapi ng ASEAN. Kung kaya’t sa larangan ng kalakalang panlabas ng Pilipinas sa economic bloc batay sa inilabas na datos ng Philippine Statistical Authority (PSA), ang ASEAN ay pangalawa sa may naitalang $770.46 milyon para sa June 2014. Ito ay isang pagpapatunay na mas pinaiigting ng mga bansang kasapi ng ASEAN ang kanilang ugnayan pagdating sa kalakalan. KALAKALANG PANLABAS NG PILIPINAS, KAHALAGAHAN, PATAKARAN AT MGA PROGRAMA Layunin: (Ikatlong Araw) Nakapagsasabi kung paano nakatutulong ang mga pang-ekonomikong ugnayan at patakarang panlabas ng Pilipinas. (BOW-3) Pamagat at pahina ng aklat EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Pahina 469-471 Pangunahing Konsepto/Nilalaman Ang kalakalan bilang isang mahalagang gawaing pang-ekonomiya ay nagdudulot ng iba’t ibang epekto sa isang bansa. Sa aspekto ng kabutihan sa mga gawaing ito: una, dumarami ang mga uri ng produkto o serbisyong maaaring pamilian o tangkilikin ng mga tao upang matugunan ang kanilang mga kagustuhan at pangangailangan; ikalawa, mas pinaghuhusay o pinaaangat nito ang antas ng produksiyon upang mas maging mahusay ang kalidad ng mga produkto; ikatlo, ang mga produkto ng mga bansa gaya na lamang ng Pilipinas ay nabibigyan ng pagkakataong makilala at tangkilin sa ibang bansa dulot sa husay at nagiging pagkakakilanlan din ng ating bansa; at ikaapat, ang kalakalang panlabas ay nakakatulong upang mas maging matibay ang ugnayan o relasyon ng mga bansa at maging episyente ang pamilihan para sa mga produkto at serbisyo. Sa kabilang dako, ang kalakalang panlabas ay nagdudulot din ng hindi magandang epekto. Ilan sa mga ito ay: una, nalilinang ang kaisipang kolonyal ng mga mamamayan sapagkat nagkakaroon sila ng pag-uugaling mas tinatangkilik ang mga produktong banyaga kaysa sa mga produktong lokal; ikalawa, nagiging palaasa ang mga mamamayan sa produkto ng ibang bansa kaysa lumikha o tumuklas ng paraan para makabuo ng sariling gawang produkto; at ikatlo, humihina ang ilang lokal na negosyo o industriya dahil sa mahigpit na kompetisyon laban sa mga dayuhang produkto at kompanya. Ang pangyayaring ito ay maaaring magdulot ng malaking epekto gaya na lamang ng pagkawala ng trabaho ng mga tao. Samantala, kung pagbabatayan naman ang mga programa at patakaran na ipinatutupad ng pamahalaan, ayon sa aklat na Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon nina Balitao, et.al. ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod: Liberalisasyon sa Sektor ng Pagbabangko (R.A. 7721)-Ito ay isinabatas upang mapalawak ang operasyon ng mga dayuhang bangko sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga sangay nito. Sa ilalim ng batas na ito, pinayagan ang pagpasok, pangangasiwa, at pamamahala ng kanilang mga sangay sa ating bansa. Foreign Trade Service Corps (FTSC) - Ito ay ahensiyang naglulunsad ng iba’t ibang estratehiyang pamilihan upang lubusang makilala at mapatanyag ang produktong gawa ng sariling bansa. Sumasabay sila sa kasalukuyang kalakaran sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng pagsali sa mga trade exposition o trade exhibit. Ang pangunahing layunin nito ay maglunsad ng kaalaman o impormasyon tungkol sa kalakarang pangnegosyo sa bansa at sa imprastruktura at pakinabang na dulot nito sa mga nais mamuhunan o investors. Trade and Industry Information Center (TIIC) - Ito ang nangangasiwa sa operasyon ng Bureau Research Center na nagpapalaganap ng mga datos, statistics, impormasyon tungkol sa ekonomiya, kalakalan, industriya, pamahalaan, at kapakanan ng mga mamimili. Center for Industrial Competitiveness - Naglulunsad ng mga programang magtataas sa antas o kalidad at produktibidad ng mga manggagawa upang sila ay maging kompetitibo sa pandaigdigang pamilihan ng manggagawa, produkto, at serbisyo. Sa tulong ng pamahalaan ay naglulunsad ng mga training center upang mas lalong mapaghusay ang kakayahan at pagiging produktibo ng mga manggagawa. Tunay nga na ang kalakalang panlabas ay isang gawaing nagdudulot ng iba’t ibang epekto sa ating bansa subalit sa kabilang banda hindi natin maikakaila na ang sistemang ito ay isang kaganapang hindi natin maiiwasan higit sa lahat sa kasalukuyang panahon na isinusulong ang pagkakaroon ng ugnayan ng mga bansa sa daigdig sa pamamagitan ng globalisasyon. Nawa’y sa ilalim ng kaganapang ito ang ating bansa ay makinabang sa positibong dulot nito at ang pamahalaan ay marapat na gampanan ang kanilang tungkulin upang masiguro na bagamat may isinusulong na liberalisasyon ayon sa konsepto ng globalisasyon ay napapangalagaan pa rin ang interes at kapakanan ng mga mamamayan partikular na ang mga negosyante.