Depinisyon ng mga Terminolohiya: Ito ay mga salitang ginamit sa pananaliksik at magbibigay kahulugan sa punong ideya ng pag-aaral. Dito matutugunan ang katanungan ukol sa kahulugan ng mga mahahalagang salitang ginamit. Wika - isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. (2017) Pananaliksik- ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala (teoriya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. (2017) Mag-aaral - siyang taong nag-aaral at maaring bihasa sa talino. (2017) Pormal na Wika - mga salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng karamihang nakapag-aaral sa wika - gumagamit ng bokabularyo mas komplikado kaysa sa ginagamit sa araw-araw na usapan - kalimitang ginagamit sa mga paaralan at sa iba pang may pangkapaligirang intelekwal. (2011) Teknolohiya - mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.(2017) Salita - yunit ng wika na nagdadala ng kahulugan at binubuo ng isa o higit pang morpema, na higit-kumulang mahigpit na sama-samang magkakaugnay, at may halagang ponetika. (2017) Wkiang Filipino - ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas—ang Ingles ang isa pa—ayon sa Saligang Batas ng 1987. Isa itong wikang Awstronesyo at ang de facto ("sa katotohanan") na pamantayang bersiyon ng wikang Tagalog, bagaman de jure ("sa prinsipyo") itong iba rito. (2017)