Ang mga bahaging ito ng pananaliksik, ang nagbibigay linaw sa mga hakbangin o prosesong dapat sundin sa gawaing pananaliksik. RASYUNAL Dito tinatalakay ang mga sagot sa tanong na Ano at Bakit. Ano ba ang tungkol sa iyong pinagaaralang paksa at bakit kailangan pa itong pagaralan. PAGLALAHAD NG SULIRANIN Dito babanggitin ang sanhi o layunin ng pananaliksik na maaring saanyong patanong o simpling paglalahad ng layunin. Iaanyo itongnangunguna ang pangkalahatang layunin na susundan ng 3 o higitpang mga tiyak na layunin. • KAHALAGAHAN NG TALAKAY Dito bibigyang kahulugan ang mga salitang mahahalaga o pili naginagamit sa pananaliksik. Bibigyang linaw ang mga ito sa paraang kungpaano ito ginamit sa loob ng pangungusap. Sa maikling sabi operationalmeaning ng salitang bibigyang katuturan sa paalfabetong anyo. • BATAYANG KONSEPTWAL ilalantad ang teoryang pagbabatayan ng pag-aaral. Sa teorya ring itoiaangkala ng mananaliksik ang sariling pagtingin sa paksang pinag-aaaralan gayundin ang mga ideyang dapat palitawin sa ginawangpananaliksik. • SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL ipinakikita sa bahaging ito ang lawak ng sangkop ng ginagawang pag-aaral. Ipinaaalam din dito ang mismong paksa ng pag-aaral gayundin angkatatagpuan ng mga datos na kakailanganin sampu ng populasyon o bilangng mga respondente na sasagot sa inihandang mga tanong.