Uploaded by LUCES, Jan Manwell P.

Etimolohiya-at-buod

advertisement
Etimolohiya o Pinagmulan ng Salita
- Sa paglipas ng maraming taon, maraming pagbabago na ang kinakaharap ng tao,
partikular na sa pamamaraan sa buhay- ang kultura. Sa patuloy na pag laganap ng
modernisasyon, patuloy din ang paglaganap ng mga ibat’ ibang teknolohiya at kaagapay na
rito ang pag usbong ng iba’t ibang salita at isa narito ang salitang “ Marites”. Ang salitang
“ Marites” ay kilala bilang isang “ tsimosang” at sumisimbolo sa likas na tsimisan’ na kultura
ng mga Pilipino. Ngunit saan nga ba nagmula ang salitang ito? Ang etimolohiya at
paglaganap ng salitang “ Marites” sa Pilipinas ay nakaagkla sa mga nakalatag at sumusunod
na bersyon o artikulo:
(1) Batay sa artikulo ng The Philippine Star Lifestyle, anng salitang Marites ay
karaniwang tumutukoy sa “ tsismis ni tita sa tabi”. Ito ang makabagong tawag ng mga
Pilipino sa mga taong mahilig magpalaganap ng mga tsismis sa kanilang mga kapitbahay at
kapwa. Ito naman ay pinagtibay din ng artikulong sinulat ni Angie Chui (2021), na
nagsasabing ang salitang Marites ay galing sa pariralang “ mare anong latest?”. Ang
pariralang ito ay madalas gamitin ng mga tsismosa sa pag tsismis sa mga nasagap na mainitinit na mga balita at kwento.
(2) Sinasabi rin na ang salitang “ Marites” ay mula sa pangalang Maria Teresa, na
isang pangkaraniwang pangalang sa Pilipinas. Noong pinamumunuan noon ng Espanya ang
kapuluan, dinala ang kanilang sistema ng pagpapangalan upang ito ay gamitin ng mga
katutubo. Sa katunayan, naglabas si Gobernador - Heneral Narciso Claveria ng isang batas
noong 1849 na nag-standardize ng mga pangalan at apelyido ng Filipino. Ang isa sa
pinakasikat na pangalan ay Maria Teresa, na siyang pangalan ng reyna ng Espanya na si
Maria Teresa (1660-1683), ang asawa ng haring Pranses na si Louis XIV. Kasama rin sa iba
panng monarko ng Espanya si Maria Teresa Rafaela (1726-1746), asawa ni Louis, Dauphine
ng France.
Bagama't ang pangalang Maria Teresa sa kalaunan ay nawalan ng pabor
dahil mas maraming Pilipino ang nagpanggap ng mga pangalang Ingles sa oras na
dumating ang mga Amerikano, medyo nagkaroon ito ng muling pagkabuhay noong
1930s dahil ang pangalang Teresa at Teresita ay naging isang tanyag na pangalan ng
batang babae pagkatapos ng debosyon ni St. Therese ng Ang Lisieux ay ipinakilala ng
mga Carmelite. Kapansin-pansin, ang pangalan ay kinontrata din bilang “Marite"
bilang termino ng pagmamahal sa ibang mga bansang nagsasalita ng Espanyol.Naging
isang karaniwang kasanayanang pagdaragdag ng Maria, na madaling pinaikli bilang
"Ma.", bilang pangunahing pangalan na sinusundan ng napiling pangalan. Kaya
naman maraming babae ang nabinyagan bilang "Ma. Teresa" at ang kanilang mga
palayaw ay naging Maritess o Marites.
(3) Ayon naman kay Ki (2020), ang salitang Filipino na ito ay maihahalintulad
sa salitang “Karen” na nagmula sa bansang America. Ang ibig sabihin nito ay “a
pejorative slang term for an obnoxious, angry, entitled, and often racist middle- aged
white woman who uses her privilege to get her way or police other people’s
behaviors." Walang gaanong pinagkaiba ang katangian at ugali ng mga Marites at
Karen. Kaya naman binansagan ang salitang Marites bilang lokal na bersyon ng
Karen.
Ang salitang “ Marites” ay unang sumikat noong taong 2020, dahil nang nag
post si Mayor Isko Moreno, ang kasalukuyang Mayor ng Maynila, sa kaniyang
opisyal na Facebook page upang ianunsiyo na aalisin na ang liquor ban sa naturang
lugar. Subalit, may isang babaeng nagngangalang "Marites" ang nagkomento at
sinaad niya na, “dapat may liquor ban Mayor. Hindi naman po yan essential needs.”
Ito ay nag ani ng kabi-kabilang negatibong reaksyon sa mga netizens na nagsasabing
"Manahimik ka, Marites" na nag trending online. Gayunpaman, ayon sa mga
pananaliksik, hindi mawari ang eksaktong pinagmulan ng salita. Ang tiyak lamang ay
nagsimulang kumalat ito sa unang bahagi ng pandemya noong 2020. Ngunit, dahil sa
kabi-kabilang mga balita at kaganapan sa bansa mas namayani ang salitang Marites
noong 2021, lalo na sa social media at mga kabataan.
Karagdagan, noong buwan ng Enero 2021, pinasikat ng isang Tiktok
influencer na si Justine Luzares ang isa pang karakter ng Marites sa kanyang mga
vidyo kung saan ipinakita niya ang isang stereotypical na ‘tsismosa" na kapitbahay na
nakasuot ng robe at magkatugmang tuwalya sa ulo habang nagbabahagi ng mga
tsismis at tattle-tale sa isang pekeng British accent. Sa kanyang mga sumunod na
video, inilarawan niya si Marites bilang reyna ng mga tsismis,' ina ng lahat ng tambay
at usisera, at mga mata at tainga ng bagong mundo.
Kung ibubuod, sa patuloy na paglaganap ng salitang “ Marites”, isa ang
teknolohiya kasama na rin rito ang iba’t ibang plataporma ng social media ang dahilan
kung bakit ito patuloy na lumalaganap at kung bakit patuloy na umuusbong ang mga
salita na nagkaroon ng mga iba’t-ibang kahulugan. Napapabilis din ang pagkalat ng
mga impormasyon at nabibigyan ng pagkakataon ang tao upang magbigay ng iba'tibang opinyon o mga komento tungkol sa iba't-ibang mga usapin. Samakatuwid,
nakakulong man sa kani-kanilang mga tahanan ay hindi pa rin nawala ang tsismis.
Kaakibat nito, dulot ng kulturang dala ng moderisasyon at teknolohiya ay umusbong
ang salitang “Marites.” Ang mga namamayaning mga salitang ito ay magsisilbing
indikasyon napatuloy naumuusbong at umuunlad angating wikang pambansa. Magiiwan ito ng bakas nasa bawathenerasyon,may mga salita na mabubuo at maaraming
maging salamin sa realidad.
Buod
Sa paglipas ng panahon, kasabay nito ay ang mga paglitaw ng mga makabagong
salita o mga salitang kung saan nabuo dahil sa pagsasama ng dalawa o higit pang
salita o kung minsan ay ito ay karaniwang salita lamang ngunit binibigyan ng ibang
kahulugan. Ang salitang ‘ Marites’ ay isang magandang halimbawa at napapanahon sa
kasalukuyan
Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa salitang “ Marites” at naglalayon na
alamin kung ang salitang “ Marites” ay kapakipakinabang, nakakatulong mapaunlad o
maitaguyod ang wikang Filipino, nakatutulong sa lipunang Pilipino bilang bahagi ng
komunikayson sa pang araw-araw na pamumuhay at kung naging bahagi nga ba ito ng
politika. Sa sektor ng mga tumugon sa elementarya, sa murang edad ay alam na agad
nila o may ideya na sila kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang “ Marites”ayon sa
kanila ang salitang “ Marites” ay na ngangahulugang Tsismosa at Mosang. Batay sa
surbey na ginawa, para sa kanila ay hindi kapakipakinabang ang salitang “ Marites.
Para sa iilang tumugon sa surbey ay hindi makakatulong ang salitang ito sa
pagpapaunlad ng wikang Filipino dahil ayun sa kanila ay mali mali naman ang tsimis
nguit may ilang nagsasabi rin na depende sa tsismis dahil minsan tama at minsan mali
ang tsismis. Karagdagan pa dito, ayon sa mga elementarya may ilang nag sasabing
hindi nakakatulong sa lipunang Pilipino bilang bahagi ng komunikasyon sa pang
araw-araw na pamumuhay ang salitang “ Marites” dahil ayon sa kanila, mali ang
ipinalalaganap nito na haka haka na wala naman ebidensya at madalas, kundi kulang
ay may dagdag na ang kwento ng mga taong marites. Ngunit may iilan ding
nagsasabing nakakatulong ito dahil ito ang salitang kanilang ginagamit upang sabihin
na ang isang tao ay tsismosa. Para naman sa huling katanungan mula sa surbey, may
iilang nagsasabing hindi naging bahagi ng politika ang salitang ito dahil ayon sa mga
tumugon ang salitang “ Marites” ay para lamag sa barangay at ginagamit lang ito para
sa tsismis at may iilan din namang nag sasabi na naging bahagi ng politika ang
salitang ito dahil ayon sa kanila, sa pamamagitan ng tsismis mula sa iba ay
nagkakaroon ka ng ideya patungkol sa mga buhay o kung sino nga ba ang mga
kandidatong natakbo.
Mula naman sa sektor ng mga sekondaryang mag-aaral, kagaya ng mga
elementaryang tumugon ay alam din nila ang salitang “ Marites” para sa kanila ang
salitang “ Marites” ay Nagkakalat ng maling balita, Tsismosa at Magulo. Batay sa
surbey na isinagawa, para sa mga tumugon ang salitang “ Marites” ay hindi
kapakipakinabang dahil ayon sa kanila hindi sa lahat ng oras ay tama ang kanilang
sinasabi, nakakasira sila ng buhay ng iba at naghahanap ng away o gulo, at sinasabi
ding hindi ito kapakipakinabang dahil tawag lang ito sa mga taong nagpapalaganap ng
“fake news” ngunit may iilan ding nagsasabi na ito ay kapakipakinabang dahil ayon
sa kanila, ginagamit nila itong “ code name” o bansag kapag may kinaiinisan silang
tsismosa at mag nag sasabi ding kapakipakinabang ito depende sa sitwasyon. Sa
ikalamwang katanungan naman mula sa surbey, ayon sa iilan ay hindi ito
nakakatulong mapaunlad o maitaguyod ang wikang Filipino dahil sinasabi nila na
tsismis lang ang binibigay at nag kakaroon lang nang haka haka ang mga tao at ito
raw ay masama at gulo lamang ang kanilang binibigay o hanap. May iilan din namang
nag sasabing oo, depende sa sitwasyon at oo, dahil ang salitang ito ay maaaring may
ibang bansang pinanggalingan at gayunpaman, ang pagkakaiba ng pag gamit nito sa
atin ay magpapakita ng “distinction” sa iba pang mga bansa. Para naman sa ikatlong
katanungan, batay sa surbey ay hati parin ang kanilang opinyon. May iilang nagsasabi
sa kanila na hindi ito nakatutulong sa lipunang Pilipino bilang bahagi ng
komunikayson sa pang araw-araw na pamumuhay dahil para sa kanila dito
nagsisimula ang mga maling impormasyon na kumakalat. May iilan din namang
nagsasabi na nakatutulong ito sa lipunang Pilipino bilang bahagi ng komunikayson sa
pang araw-araw na pamumuhay dahil ayon sa kanila hindi naman raw palaging mali
ang sinasabi nilang mga salita at may iilan ding nag sasabing depende dahil ang
salitang ito ay karaniwang pinagmumulan ng epektibong komunikasyon, gayunpaman,
sa kabila ng pagiging epektibo nito ay ang nakakapagdulot ng hindi
pagkakaintindihan sa ilan at nagreresulta pa sa pagkakaroon ng awayan. Para naman
sa huling katanungan, para sa kanila hindi naging bahagi ng politika ang salitang
“ Marites” May iilan namang para sa kanila ay depende sa sitwasyon at may iilan din
nag sasabing naging bahagi ito ng politika dahil ayon sa kanila ang salitang ito ay
karaniwang bansag sa mga taong nagpapakalat ng mga maling propaganda ng
sinusuportahan nilang pulitiko.
Para naman sa huling sektor mula sa mga Propesyonal,
Eto ay isang salitang maaaring iugnay sa kilos at pananalita ng isang Pilipino. Ang salitang
Marites ay pagsspread ng isang balita o chismis na maiuugnay sa isang tao o pangyayare.
Ang aking pagkakaunawa sa salitang MARITES ay ang mga taong nagbibigay o naghahatid ng
impormasyon about sa mga nasasaksihan nila sa kanilang paligid, maaari itong tama at
maaari din namang kathang isip lamang.
It's a slang word for gossip.
Base saking pagkakaunawa ang Marites ay isang pangalan, ngunit sa panahon ngayon nauuso
ang salitang Marites na ibig sabihin ay chismis, chismosa o chismoso.
MARITES, sa pagkakaunawa ko ito ay salitang tumutukoy sa mga taong mahilig makipag-usap
sa ibang tao tungkol sa mga bagay na hindi naman nauugnay sa kanilang buhay. Sa mas
simpleng kahulugan, ang mga "marites" ay tumutukoy sa mga taong nakikipag-tsismisan na
pawang di mga makatotohanan o usap usapan lang.
Mga chismosa at mabibilis magbalita ng mga bagay
Mga matatabil ang dila na chismosa
Hindi. Magdudulot lamang ito ng hindi pagkakaunawaan sa ibang tao.
Maaring kapakipakinabang at maaari din namang hindi, dalawa ang maaaring maidulot sa
pagiging MARITES maaaring makatulong sa kapwa at maaari ding magdulot ng kapahamakan
kung mali na ang impormasyong binibigay nito sa tao.
It depends on how people used it. If they're going to use it in spreading fake news then it's
wrong. In other side, if they're going to use it as way of spreading educational information
then it's right.
Hindi.
Depende siguro sa gamit. Kung tutuusin di naman sya ganun kahalaga since ibang tawag lang
sa mga tsismosa/tsismoso yun.
Sa ibang bagay kapaki pakinabang pero mas maraming beses na nakakasira ng buhay ang
mga marites dahil sa chismis
Oo , nadadagdagan mga alam kong salita eh
Hindi lubos na kapakipakinabang sa aking trabaho. At hindi ko naman ito ginagamit sa aking
every day life.
Oo. Mas naging mabilis ang pakikipagusap ng mga Pilipino sa kapwa nya.
Malaki ang naitutulong nito sa pagpapaunlad o pagtataguyod ng wikang Pilipino, dahil dito
nahahasa ang ating isipan sa mga bawat salitang ating naririnig mabuti man ito o masama.
Dito natin natututunan ang mga salitang kapakipakinabang na syang makakatulong sa ating
pang araw araw na pamumuhay.
It would be helpful as long as people will use it in a right way such as spreading of right
information and knowledge.
Hindi.
Maaaring nakakatulong ito dahil mas kumakalat pa ang wikang Filipino. Lalo na sa panahon
ngayon na mas tinatangkilik ng ating bansa ang mga ibang wika tulad ng Ingles,
nakakalimutan na ang orihinal na wika ng ating bansa.
Oo dahil nadadagdagan ang mga bagong salita tanda yan na nagpapatuloy ang progreso sa
wika ng mga Pilipino
Oo , dumadagdag siya sa mga salita nating mga pinoy eh napapakita pagkamalikhain .
Nakakatulong sa pagpapaunlad ng wika. Nagiging mayaman ang atng vocabulary.
Oo
Malaki ang naitutulong nito sa lipunang Pilipino bilang bahagi ng komunikasyon natin sa
pang araw-araw na pamumuhay dahil sa bawat pakikipag usap o pakikipag MARITES natin sa
ating kapwa ay marami tayong impormasyong mapupulot na maaaring makatulong sa bawat
isa sa atin tulad nalang sa paghahanap buhay at pag aaral, kinakailangan din nating
makukuha ng impormasyon na makatutulong sa atin upang makakilos tayo ng tama at
naaayon sa ating gagawin
Yes but if you will spread wrong knowledge and information it will affect the society
Hindi
Oo. pero sa moderasyon na pamamaraan lamang. Hindi sa lahat ng pagkakataon magandang
bagay ang pagiging "marites", ayos lang mamahagi ng impormasyon pero dapat pawang
katotohanan lamang at may pahintulot ng totoong pinagmulan ng impormasyon. Pero kung
gagamitin lamang
Oo dahil mas nagiging mababaw ang mga termino at naiiwasan ang away . Dati nasasaktan
sila pag tinatawag na chismosa pero ngayon mas okay sa kanika tawaging marites araw araw
hindi raw mas masakit pakinggan .
Oo , nung pandemic ang bilis naiibalita mga balita lalo na tungkol sa mga ayuda . Hanggang
ngayon napapakinabangan naman.
Nagiging masaya/interesting ang usapan kapag gumagamit tayo ng new terms.
Oo
Malaki ang naging bahagi ng politika sa salitang MARITES dahil dito may ilan sa mga politiko
ang nabigyan pansin kung anu ang kakayahan nila upang mamuno sa bayan. Marami dito ang
totoo at ang ilan naman ay pawang gawa gawa lamang upang mapaburan ang kandidatong
kanilang dinadala.
Yes because it could be the way of spreading information from one person to another
Oo
Oo. pero sa moderasyon na pamamaraan lamang. Hindi sa lahat ng pagkakataon magandang
bagay ang pagiging "marites", ayos lang mamahagi ng impormasyon pero dapat pawang
katotohanan lamang at may pahintulot ng totoong pinagmulan ng impormasyon. Pero kung
gagamitin lamang
Naging bahagi ba ng politika ang salitang MARITES? Oo, si isko moreno nga isa sa nagpasikat
ng salitang marites eh politiko siya .
Naging bahagi ba ng politika ang salitang MARITES? Oo , madalas ko na rin marinig na gamit
nila yan sa senado kapag may mga diskusyon
Not sure. Hindi pa
Download