Phil-IRI Form 1 – Pretest Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: ___________ Pagganyak: Nagmamano ka ba sa matatanda? Paano mo tinatawag ang kapatid mong nakatatanda sa iyo? Paggalang, Mabuting Katangian Kahanga-hanga ang isang taong magalang. Sa ating mga Pilipino ang pagiging magalang lalo na sa matatanda ay katumbas ng isang utos na naging kaugalian. Maganda nating katangian ito na kinahahangaan ng mga dayuhan. Paggalang ang pagmamano o paghalik sa kamay ng nakatatanda. Wala itong pinipiling oras o lugar. Ginagawa ito ng mga bata matapos magdasal, pagkagaling sa simbahan, bago umalis at pagdating ng bahay, kapag may bumibisita o binibisitang kamaganak, kapag nakita o nasalubong ang nakatatandang kakilala saan man. Paggalang rin ang paggamit ng po at opo sa pananalita at pagbati gaya ng “salamat po” at “magandang hapon po.” Gayundin ang pagpipitagan sa nakatatandang kapatid- ate, kuya, manang at manong. Binati mo na ba ang iyong katabi ngayon? Gr. IV Bilang ng mga Salita: 115 Mga Tanong: Literal 1. Sino ang kahanga-hanga? Sagot: ang isang taong magalang 2. Sa ating mga Pilipino, ano ang katumbas ng isang utos na naging kaugalian? Sagot: pagmamano 3. Kailan ginagawa ng mga bata ang pagmamano o paghalik sa kamay ng nakatatanda? Mga sagot: Matapos magdasal. Pagkagaling sa simbahan. SY 2012-2013 ________ ________ ________ Bago umalis o pagdating sa bahay. Kapag may bumisita o binisitang kamag-anak. Kapag nakita o nasalubong sila saan man. (Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.) Pagpapakahulugan 4. Bakit sinasabing katumbas ng isang utos na naging kaugalian ang pagiging magalang? Maaaring Sagot: Dahil natutuhan natin ito sa ating mga magulang. Dahil tinuturuan tayo ng magandang asal. Dahil itinuturo ito sa mga paaralan. Dahil nakikita natin ito sa ating kapwa-Pilipino. (Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.) 5. Ano kaya ang nararamdaman ng mga matatanda kapag sila ay iginagalang ng mga nakababata? Maaaring Sagot: Natutuwa/Nasisiyahan/ Naliligayahan Nagmamalaki sa paggalang na ibinibigay sa kanila. Nagkakaroon ng pagpapahalaga sa sarili. Nagkakaroon ka ng tiwala sa iyong sarili. (Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.) Paglalapat 6. Bukod sa mga nabanggit, paano mo pa ipinapakita ang paggalang sa kapwa? Maaaring sagot: Sa pakikinig po habang may nagsasalita. Hindi po pag-iingay habang may natutulog. Pagtayo po ng tuwid habang inaawit ang Lupang Hinirang. Pananahimik po habang nasa loob ng simbahan. Sa maayos na pagtanggap po ng panauhin. Paggamit po ng mga salitang “paki” o “maaari po ba?” kung may iniuutos. (Tanggapin ang iba pang katulad na sagot.) 7. Nasalubong mo ang iyong guro sa daan, paano mo ipakikita ang paggalang? Maaaring sagot: Magmamano po ako sa kanya. Yuyuko po ako at magsasabi ng magandang umaga/tanghali/hapon po. Tutulungan ko po siya kung mayroon siyang mabigat na dala. (Tanggapin ang iba pang katulad na sagot.) SY 2012-2013 ________ ________ ________ ________ 8. Pinangangaralan ka ng iyong ama dahil may nagawa kang di niya nagustuhan. Paano mo ipakikita ang paggalang sa kanya habang ikaw ay kanyang kinakausap? Maaaring sagot: Makikinig po ako sa kanyang sinasabi. Titingin po ako sa kanya habang ako ay kanyang kinakausap. Hindi po ako sasagot nang pabalang o di tama kung ako po ay kanyang tatanungin. (Tanggapin ang iba pang katulad na sagot.) SY 2012-2013 ________ Phil-IRI Form 1 – Pretest Paggalang, Mabuting Katangian Kahanga-hanga ang isang taong magalang. Sa ating mga Pilipino ang pagiging magalang lalo na sa matatanda ay katumbas ng isang utos na naging kaugalian. Maganda nating katangian ito na kinahahangaan ng mga dayuhan. Paggalang ang pagmamano o paghalik sa kamay ng nakatatanda. Wala itong pinipiling oras o lugar. Ginagawa ito ng mga bata matapos magdasal, pagkagaling sa simbahan, bago umalis at pagdating ng bahay, kapag may bumibisita o binibisitang kamaganak, kapag nakita o nasalubong ang nakatatandang kakilala saan man. Paggalang rin ang paggamit ng po at opo sa pananalita at pagbati gaya ng “salamat po” at “magandang hapon po.” Gayundin ang pagpipitagan sa nakatatandang kapatid- ate, kuya, manang at manong. Binati mo na ba ang iyong katabi ngayon? SY 2012-2013