DUGONG GINTO TUESDAY, 13 JANUARY 2015 Ni Rafael Renz Gueriña Isang araw, sa kaharian ng Buahia, may dalawang magkapatid na prinsesa, sila ay sina Massa at Governadette. Si Massa ay mapagbigay at mapagkakatiwalaan. Samantalang si Governadette ay sakim at makasarili. Isang gabi, may isang prinsipeng dumalaw sa kaharian nila upang hingin ang kamay ni Massa. Ito ay si Prinsipe Feran. Noong hinahanap ni Prinsipe Feran si Massa ay wala ito at nagpunta sa bayan upang tulungan ang kanilang mga kababayan. Si Governadette ang humarap kay Feran. “Para kay Massa sana itong mga prutas na dala ko. Alay ko sa kanya ang mga iyan. Maari mo bang ibigay iyan sa kanya? Sa iyo na ang kalahati niyan.” ang pakiusap ni Feran kay Governadette. “Wag kang magalala. Nangangako akong makakarating sa kanya itong dapat na para sa kanya” sagot ni Governadette. Ngunit hindi iniabot ni Governadette kay Massa ang mga prutas na para kay Massa. Sinarili niya ito at kinain niya lahat. Kinabukasan, natagpuang patay si Governadette. Sa kaniyang kasakiman ay napahamak siya. Ang mga prutas na ibinigay ni Feran ay mayroong taglay na lason na nakamamatay.