Sinaunang Panitikang Pilipino katulad ng maraming mga banyagang kabihasnan, mayroon nang panitikan sa Pilipinas noong unang mga kapanahunan. Nagbuhat ang panitikan ng Pilipinas mula sa sari-saring mga lipon at pangkat ng mga taong dumating sa mga kapuluan nito. May pagkaka-agwat-agwat na dumating sa sinaunang Pilipinas ang mga Negrito, mga Indones, at mga Malay. Ang baybayin, ang isa sa mga pagpapatibay na mayroon nang sistema ng pagsulat at pasalita sa sinaunang Pilipinas bago pa man dumating ang mga pangkat ng mga dayuhan nagmula sa Kanlurang bahagi ng mundo. Subalit karamihan sa mga naisulat na panitikang katha ng sinaunang mga tao sa Pilipinas ang sinunog ng mga Kastila. Nangabulok at natunaw naman ang ibang naisatitik sa ibabaw lamang ng mga balat ng punong kahoy at mga dahon ng mga halaman. Ang Panitikan sa Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad. at namamayan ing uri at anyo ng katutubong panitikan sa bansang Pilipinas. Subalit nakakasama rin dito ang mga panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong naga labas ng sariling bansa, sapagkat inakdaan ang mga ito ng mga Pilipino, o ng may-lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa. Dahil dito. tinatawag ding Panitikang Pilipino ang Panitikan ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, tinatawag din itong panitikang Filipino. sapagkat kinabibilangan ng mga likhang pampanitikang nagmula sa at kinabibilangan ng iba' t ibang wika sa Pilipinas. Mayaman ang Pilipinas sa gari-saring anyo at hubog ng panitikan na naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino. Kabilang sa mga ito ang kuwentong-bayan, maikling kuwento o maikling katha, sanaysay. tula, dula, nobela. drama. balagtasan, parabula. bugtong, salawikain,. kasabihan, pabula. alamat, tanaga, bulong, awiting-bayan, epiko. pelikula. at mga iskrip na pangradyo. pangtelebisyon at pampelikula May kaakibat na kahalagan ang panitikan para ga mga Pilipino. lsa itong uri ng mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari-sariling mga buhay. upang matugunan ang kanilang mga suliranin, at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao. Maaaring mawala o maubos ang mga kayamanan ng isang tao, at maging ang kanyang pagiging makabayan, subalit hindi ang panitikan. Isang halimbawa nito ang pangdadayuhan ng ibang mga Pilipino. Bagaman nilisan nila ang kanilang bayang sinilangan, ang panitikan ang kanilang tulay sa naiwan nilang bansa. Sa panlipunan, pambansa. at pandaigdigang kaukulan, isa ang panitikan sa pinagbabatayan ng pagkakaroon ng tagumpay at kabiguan ng isang banga at ng ugnayan ng mga bansa. May ibat ibang mga manunulat at mga dalubahasang Pilipino ang nagbigay ng kahulugan ga panitikan ayon sa kanilang pananaw bilang mamamayan ng Pilipinas. Kabilang sa mga ito sina Joey Arrogante, Zeus Salazar, at Patrocinio V. Villafuerte, bukod pa sa iba. Noong 1983, para kay Arrogante., isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang igang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhain pamamaraan. Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaaring magpalaya sa igang ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya. isa rin itong kakaibang karanasang pantaong natatangi sa gangkatauhan. Bakit Dapat Pag-aralan ang Panitikang Pilipino Mga Dahilan Kung Bakit Dapat Pag-aralan ang Panitikang Pilipino 1.Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na katalinuhan ng lahing ating pinagmulan. 2.Upang matalos natin na tayo ay may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggagaling sa ibang mga bansa. 3.Upang mabatid natin ang mga kapintasan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang mga ito. 4.Upang malaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti at mapaunlad. 5.Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-aralan ang ating panitikan sapagkat tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga sa sariling atin.