Uploaded by CHARMAY GABIANA

Presentation1

advertisement
Panuto:
Basahin ang sumusunod na pangungusap.
Buksan ang dalawang kamay. “Put a finger
down” kung natalakay ang pangungusap, at
panatilihing nakataas ang daliri kung hindi.
1. Pangangailangan sa mga hilaw na sangkap.
2. Pagsunod sa sistemang kapitalismo.
3. Paniniwalang karapatan at tungkulin ng mga
kanluranin na magpalawak ng teritoryo.
4. Ipalaganap ang karahasan.
5. May nagtayo ng kolonya, protectorate,
concession, at sphere of influence.
6. Malawak na kaalaman tungkol sa
pangangalakal, industriyal at pananalapi.
7. Pagkakaroon ng romantikong ugnayan ng mga
bansa.
8. Pagsilang ng nasyonalismo.
9. Pagpapakasal sa mga Kanluranin.
10. Pamanang edukasyon bilang
pagpapayamang pang-intelektwal.
NASYONALISMO
MAKABAYAN
1. Ano ang inyong masasabi sa
pagbuo ng mga salita?
2. Ano ang mga salitang inyong
nabuo?
3. Ano ang kaugnayan ng mga
salitang ito sa ating aralin ngayon?
TIYAK NA LAYUNIN:
Natatalakay ang mga pagpapahalaga
sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa
Europa at ibat ibang bahagi ng
daigdig.
Pagpapahalaga Sa Pagusbong Ng Nasyonalismo Sa
Europa At Ibat Ibang Bahagi
Ng Daigdig.
Panuto:
Basahin ang maikling pahayag sa ibaba
at unawain.
“Ang nasyonalismo ay nangangahulugan ng
pagmamahal sa bayan. Ito ay ang
pagkakatanto ng isang nilalang o lahi na
mahalagang ipagtanggol ang kanyang bansa
laban sa panlulupig ng mga banyaga.
Nangangahulugan din ito ng kamalayan ng
isang lahi na sila ay may iisang kasaysayan,
wika, at pagpapahalaga. Ito ay nagsisilbing
matibay na reaksyon laban sa imperyalismo
at kolonyalismong dumating sa ibat’ ibang
panig ng rehiyon nito.”
Base sa iyong nabasa, paano
mo bibigyang kahulugan ang
salitang Nasyonalismo?
Gawain: PANATA-KAHULUGAN
Panuto:
Bigkasin ang Panatang Makabayan at
unawain ang mensaheng nakapaloob rito.
Panatang Makabayan
(Bagong Bersyon)
Iniibig ko ang Pilipinas,
aking lupang sinilangan
tahanan ng aking lahi;
kinukupkop ako at tinutulungang
maging malakas, masipag at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo
ng aking mga magulang,
susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
tutuparin ko ang tungkulin
ng mamamayang makabayan;
naglilingkod, nag-aaral, at nananalangin
nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay,
pangarap, pagsisikap
sa bansang Pilipinas.
1. Tungkol saan ang Panatang Makabayan?
2. Sino-sino ang nararapat na manumpa
nito?
3. Anong linya sa panatang ito ang
nagpapakita ng nasyonalismo?
4. Bilang isang Pilipino, nararapat
bang sundin at panindigan ang
panatang ito? Bakit?
KAHULUGAN NG NASYONALISMO
• Ito ay ang pagmamahal sa bayan o bansa.
• Pagkilos upang maipahayag ang
pagmamahal sa bayan.
• Kolektibong pagkilos upang
mapabuti ang kalagayan ng isang
bansa.
DALAWANG URI NG NASYONALISMO
Passive Nationalism
Mapayapang paraan ng
nasyonalismo.
Active Nationalism
Mapusok na
nasyonalismo.
MANIPESTASYON NG NASYONALISMO
• Pagkakaisa
• Pagmamahal at
pagtangkilik sa sariling
bayan
• Kahandaang magtanggol
at mamatay para sa
sariling bayan
1. Ano ang Nasyonalismo?
2. Ano ang dalawang uri ng
nasyonalismo? Paano ito nagkakaiba?
3. Sa paanong mga paraan
naipapakita ang pagpapahalaga sa
nasyonalismo?
4. Ano ang konsepto ng
nasyonalismo sa panahon ng
kolonyalismo at imperyalismo?
Gawain: PAHALAGAHAN MO!
Panuto: Basahin ang pahayag na “Nasyonalismo:
Kailangan ng Lahat” at tukuyin ang mga paraan na
nagpapakita ng kahalagahan at pagmamahal sa
bayan. Ihayag ito sa klase sa malikhaing pamamaraan:
Dula-dulaan
Poster
Tula
Tableau
Balitaan
Gawain: PAHALAGAHAN MO!
Rubric ng Presentasyon
Kaangkupan ng Konsepto –
5 pts.
Pagpapakita ng Nasyonalismo - 10 pts.
Pagkakaisa 5 pts.
Kabuuang Puntos -
20 pts.
Ipagpalagay nating ikaw ay
nabuhay sa panahon kung saan
ang pananakop ay laganap pa rin
sa buong mundo. Bilang isang
mamamayan, paano mo
maipapakita ang iyong
pagmamahal sa bayan?
Panuto: Sa pamamagitan ng hindi bababa sa
dalawang pangungusap, sagutin ang tanong na nasa
ibaba sa ¼ na papel.
Paano mo maipapakita ang
iyong pagpapahalaga at
pagmamahal sa bayan sa iyong
pang-araw-araw na
pamumuhay?
Panuto: Bilang paghahanda sa susunod na aralin, sagutan
ang katanungang nasa ibaba sa ½ na papel.
Ano-ano ang mga pangyayaring naging
salik sa pag-usbong ng nasyonalismo sa
iba’t ibang bahagi ng mundo, partikular
na sa:
a. Soviet Union
b. Latin America
c. Africa
Download