Uploaded by humvex hen

Mga Uri ng Maling Pangangatwiran2

advertisement
GROUP
Mga Uri ng Maling
Pangangatwiran
5
Maling
Pangangatwiran:
Ang lihis o maling pangangatwiran ay pahayag na nagpapahina sa usapin
sa pagtatalo, maaring ang paggamit ng kaisipan/ideya ay mandaya,
manlilang o manligaw (misleading), at ito rin ay hindi katanggaptanggap na hinuha (invalid reference). Madalas rin ito gamitin kahit
hindi sinasadya ng isang nakikipag-argumento upang “makagulat” sa
kanyang katalo o kaya naman ay “makalusot” sa isang isyung mahirap
niyang pasinungalingan.
Mga Uri ng Maling Pangangatwiran
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
Argumentum ad hominem
Argumentum ad baculum
Argumentum ad misericordiam
Non sequitur
Ignoratio Elenchi
Maling Paglalahat
Maling Paghahambing
Maling Saligan
Maling Awtoridad
Dilemma
Argumentum ad hominem
- Isang nakahihiyang pag-atake sa personal na katangian o
katayuan ng katalo at hindi sa isyung tinatalakay o pinagtatalunan.
Hal. : Hindi magiging mabuting lider ng bayan si Jaime sapagkat
siya’y isang binabae.
Argumentum ad baculum
- Paggamit ng pwersa o awtoridad upang maiwasan ang isyu at
ito ay maipanalo ang argumento.
Hal. : Tumigil ka sa mga sinasabi mo, anak lang kita at wala kang
karapatang magsalita sa akin nang ganyan!
Argumentum ad misericordiam
- Upang makamit ang awa at pagkampi ng mga makikinig o
bumabasa, ginagamit ito sa paraang pumipili ng mga salitang
umaatake sa damdamin at hindi sa kaisipan.
Hal. : Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag-aaral
sapagkat lalo silang magiging kaawa-awa kung sila ay lalagpak.
Non sequitur
- Sa ingles, ang ibig sabihin nito ay “it doesn’t follow”, pagbibigay
ito ng konklusiyon sa kabila ng mga walang kaugnayang batayan.
Hal. : Ang mga babae ay higit na masisipag magtrabaho kaysa mga
lalaki, kung gayon, sila ay higit na karapatang magreklamo sa
trabaho.
Ignoratio Elenchi
- Gamitin ito ng mga Pilipino lalo na sa mga usapang barberya,
wika nga. Kilala ito sa ingles na “circular reasoning” o paliguy-ligoy.
Hal. : Hindi si Rey ang nanggahasa kay Reina dahil sa katunaya’y isa
siyang mabuti at maka-diyos na binata at mapapatunayan iyan ng
kanyang mga magulang, kapatid, kamag-anak at kaibigan.
Maling Paglalahat
- Dahil lamang sa ilang aytem/sitwasyon, nagbibigay na agad ng
isang konklusyong sumasaklaw sa pangkalahatan.
Hal. : Mahirap mabuhay sa Maynila kung kaya't masasabing mahirap
mabuhay sa buong Pilipinas.
Maling Paghahambing
- Karaniwan nang tinatawag na usapang lasing ang ganitong
uri sapagkat mayroon ngang hambingan ngunit sumasala naman
sa matinong konklusyon.
Hal. : (Sagot ng anak sa ina) Bakit ninyo ako patutulugin agad?
Kung kayo nga ay gising pa!
Maling Saligan
- Nagsimula sa maling akala na siya namang naging batayan.
Ipinagpatuloy ang gayon hanggang magkaroon ng maling
kongklusyon.
Hal. : Lahat ng kabataan ay pag-aasawa ang iniisip. Sa pag- aasawa,
kailangan ang katapatan at kasipagan upang magtagumpay. Dahil
dito, dapat lamang na maging tapat atmasipag ang mga kabataan.
Maling Awtoridad
- Naglalahad ng tao o sangguniang walang kinalaman sa isyung
kasangkot o paksa.
Hal. : Wika ni Aiza Seguerra, higit na kailganang natin ang wikang
Ingles kasya sa wikang Filipino.
Dilemma
- Naghahandog lamang ng dalawang opsyon/pagpipilian na para
bang iyon lamang at wala nang iba pang alternatibo
Hal. : Upang hindi ka mapahiya sa ating debate, ganito na lamang
ang gawinmo: huwag ka nang pumuta o kaya ay magsabmit ka ng
papel nanagsasaad ng iyong pag-urong.
Argumentum ad Ignorantiam
- Nagpapalagay na hindi totoo ang anumang hindi
napatutunayan o kaya’y totoo ang anumang hindi
napasisinungalingan.
Hal. : Ito ay isang ebidensiya at kailangan itong tanggapin dahil
wala namang tumututol dito.
Maling Analohiya
- Paggamit ng hambingang sumasala sa matinong kongklusyon.
Hal. : Magiging mabenta ang sorbetes kahit tag-ulan, kasi’y mabenta
naman ang kape kahit tag-init.
Mapanlinlang na Tanong
- Paggamit ng tanong na ano man ang maging sagot ay
maglalagay sa isang tao sa kahiya-hiyang sitwasyon.
Hal. : Hindi ka na ba nagtataksil sa iyong asawa?
Salamat
Sa Pakikinig!
Download