BANGHAY ARALIN SA FILIPINO GRADO 10 IKAAPAT NA MARKAHAN ARALIN 4.8 Panitikan : El Filibusterismo Pangwakas na Gawain Presentasyon ng photo/video documentary Bilang ng Araw : 4 na Sesyon MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IVij-87) Nasusuri ang napakinggang paglalahad ng sariling damdamin kaugnay sa paksang may kinalaman sa suliraning panlipunan PAGSASALITA (PS) ( F10PS-IVij-90) Pangkatang Pagsasadula ng nobela na isinasaalang-alang ang mga sumusunod: Paggamit ng wikang nauunawan ng kabataan sa makabagong panahon Pag-uugnay ng mga isyung panlipunan nang panahon ni Jose Rizal na makatotohanan pa rin sa kasalukuyan. Paggamit ng iba’t ibang makabagong paraan ng pagsasadula. PANONOOD (PD) (F10PD-IIIa-74) Nabibigyang puna ang napanood na videoclip. ESTRATEHIYA SA PANANALIKSIK (EP) (F10EP-Iab-27) Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik sa iba’t ibang pagkukunan ng impormasyon (internet, silid aklatan at iba pa) PAGSULAT (PU) (F10PU-IIIf-g-82-78) Nakabubuo ng isang photo/video documentary na nagpapakita ng mga suliraning panlipunan. Ikaapat na Markahan| 139 TUKLASIN I. LAYUNIN PANONOOD (PD) (F10PD-IIIa-74) Nabibigyang puna ang napanood na videoclip. PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IVij-87) Nasusuri ang napakinggang paglalahad ng sariling damdamin kaugnay sa paksang may kinalaman sa suliraning panlipunan II. PAKSA Panitikan Kagamitan Bilang ng Araw : El Filibusterismo : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal : 1 Sesyon III. PROSESO NG PAGKATUTO Gawaing Rutinari Pagtatala ng Liban Pagtse-tsek ng Takdang Aralin Balik- Aral AKTIBITI 1. Motibasyon Pagpapanood ng isang maikling videoclip patungkol sa halimbawa ng ginawang photo documentary. http://pinoyweekly.org/new/2015/09/photos-pagbakwit-ng-lumad-sa-lianga-noon-at-ngayon/ Gabay na Tanong: Mungkahing Estratehiya: STOP THE MUSIC a. Ilahad ang pinapaksa sa napanood na videoclip. b. Paano naging malinaw at kapani-paniwala ang mga pahayag ng nagdodokumento? c.. Isa-isahin ang mga dapat isaalang-alang upang makabuo ng isang mahusay na dokumentaryo? Ikaapat na Markahan| 140 2. Pokus na Tanong a. Paano nakatutulong ang dokumentaryo sa masining na paglalarawan sa paglalahad ng napapanahong isyu? b. Paano naipakikita ang paglalarawan sa tauhan o pangyayari na aakit sa imahinasyon at pandama ng manonood? 3. Presentasyon Pagpapanood ng isang video documentary. SOBRE https://www.youtube.com/watch?v=q_eG9NRhFo4 ANALISIS 1. Ibahagi ang mga suliraning inilahad sa dokumentaryo? 2. Paano napalutang ang konsepto sa kabuuang presentasyon ng video? 3. Sa kabuuang presentasyon ng video, ano ang dapat na isinaalang-alang sa pagbuo ng istorya o dokumento? Pagbibigay ng Input ng Guro DAGDAG KAALAMAN-(FOR YOUR I N F O R M A T I O N) Dokumentaryo -isang likhang-sining na nababatay sa katotohanan -kwentong 'di pikeyom na inilalahad gamit ang mga aktwal na videos at larawan -layunin nito ang magbigay-impormasyon, manghikayat, at magpamulat ng mga kaisipan tungo sa kamalayang panlipunan -ekspresiyong visual na nagtatampok ng katotohanan sa buhay ng mga tao at sa lipunang ginagawalan Sequence Script Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa dokumentaryo at dito makikita ang tunay na layuning ng isang kwento Sinematograpiya Isinasaalang-alang dito ang wastong timpla ng ilaw at lente (lens) ng kamera upang makakuha ng wastong anggulo, nakakatulong ito sa mabisang pagpapakita ng mga tunay na pangyayari Ikaapat na Markahan| 141 Tunog at Musika Pinupukaw ng mga ito ang interes at damdamin ng manonood sa pamamagitan ng pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at mga dayalogo Pananaliksik Isa itong mahalagang sangkap sa pagbuo ng dokumentaryo dahil dito nagmumula ang mga makatotohanang detayle ng palabas Disensyong Pamproduksyon Pinapanatili nito ang kaangkupan ng kugar, eksena, pananamit, at situwasyon, upang matagumpay na mailahad ang visual na pagkukuwento Pagdidirehe Nabibilang dito ang mga pamamaraan at diskarte ng direktor sa pagpapatakbo ng dokumentaryo Pag-eedit Pinipili ang mga tagpong puputulin at pagdudugtungin nang hindi naapektuhan ang kabuuan ng kwento Executive Producer Hawak niya ang lahat ng desisyon na may kinalaman sa pagbuo ng dokumentaryo. Nagsisilbi siyang gabay ng grupo. Bilang puno ng kanyang grupo, obligasyon niyang matalaga ng kanilang mga layunin at gumawa ng paraan upang makamit ang mga ito Producer Tumatayo siyang kanang-kamay ng executive producer. Trabaho niyang magplano ng schedule ng grupo at magtala ng mga nakuhang footage Mananaliksik Ang paghahanap ng tamang paksa ng dokumentaryo ang pangunahing tungkulin ng isang mananaliksik. Nirerepaso rin niya ang lahat ng konsepto mula sa grupo Manunulat Siya ang sumusulat ng sequence script at storyboard. Pinagdudugtong niya ang lahat ng ideya sa grupo at resulta ng pagsisiyasat upang makabuo ng isang makabuluhang dokumentaryo Ikaapat na Markahan| 142 Cameraperson Tungkulin niya ang maghanap ng tamang lugar kung saan kukunan ang mga eksena sa dokumentaryo. Siya rin ang kumukuha ng video habang isinasaalang-alang ang sinematograpiya ng dokumentaryo Editor Pinamamahalaan nito ang mga teknikal na aspeto ng dokumentaryo kasama na ang pag-eedit. Sinisigurado niyang hindi sosobra sa itinakdang oras ang dokumentaryo Talent Ito ay maaring ang tagapagsalaysay, iniinterbyu, o on-screen host. Establishing/Long Shot Tinatawag din itong scene-setting shot. Mula sa malayo ay kinukunan ang buong scenario o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa magiging takbo ng buong dokumentaryo Medium Shot Ito ang kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas. Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong may dayalogo o sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap o sa isang paaksiyong detalye Close-Up Shot Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang. Hindi nito binibigyang-diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay ang pagpokus sa ekspresiyon ng mukha o sulat-kamay sa isang papel Extreme Close-Up Shot Ang pinakamataas na lebel ng close-up shot. Ang pinakapokus ay isang detayle lamang mula sa close-up. Halimbawa, ang pokis ng kamera ay nasa mata lamang sa halip na sa buong mukha High Angle Shot Ang kamera ay nasa bahanging itaas, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim Low Angle Shot Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi patungo sa itaas Ikaapat na Markahan| 143 Birds Eye-View Shot Maari ring maging isang "aerial shot" na anggulo na nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibaba. Halimbawa nito ay ang scenario ng buong karagatan at mga kabundukan na ang manonood ay tila isang ibon na lumilipad sa himpapawid Panning Shot Isa itong mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang kamera upang masundan ang detayleng kinukunan. https://quizlet.com/149116123/filipino-2q-dokumentaryo-flash-cards/ ABSTRAKSYON Mungkahing Estratehiya: THINK AND EXPRESSYOUR IDEAS “Gumagawa tayo ng mga dokyumentaryo hindi para sa ating mga sariling kapakanan. Isipin natin ang magiging epekto ng ating mga proyekto sa paghubog ng kamalayan,” ayon kay Roberto Minervini. http://varsitarian.net/news/20081117/gumawa_ng_makataong_dokumentaryo APLIKASYON Mungkahing Estratehiya: IKUWENTO NA YAN Magsalaysay ng isang nabasa, nabatid o napanood mula sa isang tiyak na lugar sa Pilipinas. Ibigay ang sariling reaksyon ukol dito. Pamagat Pangyayari Reaksiyon IV. KASUNDUAN 1. Magsaliksik ng iba pang photo/video dokumentary mula sa Pilipinas. Ibigay ang mensaheng nais ipabatid. Magtala ng iba pang estilo na napuna sa pagkakabuo ng pagdodokumento, Ikaapat na Markahan| 144 LINANGIN I. LAYUNIN PAGSULAT (PU) (F10PU-IIIf-g-82-78) Nakabubuo ng isang photo/video documentary na nagpapakita ng mga suliraning panlipunan. ESTRATEHIYA SA PANANALIKSIK (EP)(F10EP-Iab-27) Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik sa iba’t pagkukunan ng impormasyon (internet, silid aklatan at iba pa) ibang II. PAKSA Panitikan Kagamitan Bilang ng Araw : El Filibusterismo : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal : 1 Sesyon III. PROSESO NG PAGKATUTO Gawaing Rutinari Pagtatala ng Liban Balik- Aral Pagtse-tsek ng Takdang Aralin AKTIBITI 1. Motibasyon Mungkahing Etratehiya: ARTISTA NA ‘YAN Pagsasagawa ng isang biglaang dokumentaryo ng piling hinggil sa mga namasid sa paaralan, pamayanan kamakailan o kasalukuyan. Gabay na Tanong: Mungkahing Estratehiya: MYSTERY BOX 1. Ilahad ang konseptong pinalutang sa napanood na presentasyon. 2. Banggitin ang mga bahagi na nagpapalutang ng kakanyahan/pagkamalikhain sa pagbubuo ng kwento. 3. Naging mahusay ba ang pagganap ng mga tauhan sa papel na ginampanan? Ikaapat na Markahan| 145 3. Pangkatang Gawain Pamantayan sa mga plano ng gawain Ihanda ang mga kwentong nagaganap sa kasalukuyang panahon na maaaring ang suliranin/kaisipan ay may kaugnayan sa Nobelang El Filibusterismo Maghanap ng mga datos sa silid-aklatan na kakailanganin sa pagdodokumento. Maging masuri sa kapaligiran at magkaroon ng sapat na batayan sa pipiliing ideya. Magkaroon ng pokus sa disiplina ng paggawa. Photo Documentary Pangkat I: Tauhan sa El Filibusterismo (Iuugnay sa karakter ng kasalukuyang panahon) Pangkat II: Simbolo ng mahahalagang tagpo mula sa Banghay ng nobelang El Filibusterismo. Video Documentary Pangkat III: Mga tampok na isyu sa kasalukuyan na may kaugnayan sa napiling mga kabanata sa nobela. Pangkat IV: Kwentong may kinalaman sa problemang panlipunan/politikal na patuloy na nararanasan kaugnay sa nobela sa El filibusterismo. Pamantayan sa Pagmamarka (Tingnan ang inihanda ng guro) Mahusay 8-7 Katamtamang Husay 6-5 Mga Kategorya Napakahusay 10-9 Kaangkupan sa Task/Layunin Ang mga datos/gawain ay inilahad ay nagpapakikita ng kaangkupan . Angkop ang datos /gawaing inilahad. May mga datos /gawain na hindi gaanong nagpapakita ng kaangkupan. Kalinawan ng Presentasyon Napakahusay ng ginawang pagpapaliwanag/ pagkakabuo ng mensaheng ipinababatid. Mahusay ang ginawang pagpapaliwanag / pagkakabuo ng mensaheng ipinababatid Maliwanag ang ginawang pagpapaliwanag / pagkakabuo ng mensaheng ipinababatid. Ikaapat na Markahan| 146 Kailangan pang Paghusayin 4-1 Lahat ng inilahad ay higit na nangangaila-n gan ng kaangkupan sa gawain. Hindi malinaw ang ginawang pagpapakita ng mensaheng nais ipabatid. Kooperasyon Pagkamalikhai n/ Kasiningan Ang lahat ng miyembro ng pangkat ay nagkakaisa at may respeto sa isa’t isa. Napakaayos ng kanilang ipinakitang presentasyon dahil lahat ng miyembro ay kumikilos sa gawaing nakaatang sa bawat isa. Napakamalikhain at napakahusay ng pagpapalutang sa nais ipabatid na mensahe/ impormasyon May pagkakaisa at pagtutulungan ang bawat miyembro. Maayos ang ipinakitang presentasyon ng bawat isa. Malikhain at mahusay ang pagpapalutang sa nais ipabatid na mensahe/ impormasyon. Dalawa sa miyembro ng pangkat ay hindi maayos na nakikilahok sa gawain.Maayos ang ipinakita nilang presentasyon at may respesto sa bawat isa. Maayos na napalutang ang ideya na nais ipabatid. Halos lahat ng miyembro ng pangkat ay walang disiplina. Hindi maayos ang presentasyon. Nangangaila-n gan ng disiplina at respeto sa bawat isa.Kailangan lahat ng miyembro ay nakikipagtulungan sa gawain. Walang buhay ang ipinakitang pagpapalutang ng mensahe / ideya. Pagtatanghal ng bawat pangkat Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na ibinigay ng guro ANALISIS 1. Paano mo lilinangin ang iyong kakayahan sa pagbuo ng isang dokumentaryo? 2. Paano nagiging makabuluhan ang isang dokumentaryo? Pagbibigay ng Input ng Guro DAGDAG KAALAMAN-(FOR YOUR I N F O R M A T I O N) Iba pang mga Elemento a. Pananaliksik o Riserts - Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay Ikaapat na Markahan| 147 naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng palabas. b. Disenyong Pamproduksyon – Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento. c. Pagdidirihe - Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano patatakbuhin ang kuwento sa telebisyon o pelikula. d.Pag-eedit – Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo mula sa mga eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may laang oras/panahon ang isang pelikula. https://solingj.wikispaces.com/file/view/Aralin+3.3.pdf ABSTRAKSYON Mungkahing Istratehiya: POST AND SHARE SA SOCIAL MEDIA Paano nakatutulong ang dokumentaryo sa masining na paglalarawan sa paglalahad ng napapanahong isyu? APLIKASYON Mungkahing Istratehiya: Sulok-saliksik sa Silid Aklatan at Sine-siliksik sa Kapaligiran Pagsasaliksik ng mga mag-aaral upang makakuha ng mga impormasyong kakailangan. 4. Ebalwasyon Panuto: Tukuyin ang letra ng angkop na kasagutan. 1. Ekspresiyong visual na nagtatampok ng katotohanan sa buhay ng mga tao at sa lipunang ginagawalan a. dokumentaryo c. photo essay b.pagganap ng mga tauhan d.visual Presentation 2. “Gumagawa tayo ng mga dokyumentaryo hindi para sa ating mga sariling kapakanan. Isipin natin ang magiging epekto ng ating mga proyekto sa paghubog ng kamalayan,” Ano ang nais ipakahulugan ng paghubog ng kamalayan? Ikaapat na Markahan| 148 a. pagbabago ng kaisipan b. pagkaunawa sa kalagayan c. pagbuo ng panibagong kalaman d. pagbabago sa mas konkretong pananaw 3. Isa itong mahalagang sangkap sa pagbuo ng dokumentaryo dahil dito nagmumula ang mga makatotohanang detayle ng palabas a. pananaliksik b. pagganap c. pagdodokumento d. pagdidirehe 4. Pinupukaw ng mga ito ang interes at damdamin ng manonood sa pamamagitan ng pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at mga dayalogo a. mensahe b. tunog o musika c. konsepto d. daloy ng kwento 5. Upang makabuo ng isang mahusay at dekalida na dokumentaryo ay dagliang dapat isaalang-alang ng manunulat ang___________? a. laang panahon b. plano c. konsepto d. paksa Susi sa Pagwawasto: 1. A 2. D 3. A 4. B 5. D Index of Mastery SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX IV. KASUNDUAN 1. Maging masuri sa pipiliin paksa sa pagpunta sa kani-kaniyang lugar na pagkukunan ng impormasyon. 2. Magkaroon ng plano ng gawain upang makasunod sa dekalidad na presentasyon. Ikaapat na Markahan| 149 PAGNILAYAN AT UNAWAIN I. LAYUNIN Nagagamit ang angkop at masining na paglalarawan sa isyung panlipunan. II. PAKSA Panitikan Kagamitan Bilang ng Araw : El Filibusterismo : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal : 1 Sesyon III. PROSESO NG PAGKATUTO Gawaing Rutinari Pagtatala ng Liban Pagtse-tsek ng Takdang Aralin Balik- Aral AKTIBITI 1. Motibasyon Mungkahing Estratehiya: Mannequin Challenge Presentasyon: Pahapyaw na pagpapakita ng unang bahagi ng nabuong gawain Gabay na Tanong: Mungkahing Estratehiya: SPIN THE WHEEL 1. Aling bahagi sa bawat gawain ang masining na naglalarawan sa isyung panlipunan? 2. Paano naipamalas ng bawat pangkat ang kani-kanilang papel na ginampanan? ANALISIS 1. Batay sa namalas na presentasyon, aling pangkat ang nangangailangan ng pagrerebisa at aling pangkat ang kinakitaan ng pagtugon sa layunin.? Ikaapat na Markahan| 150 Pagbibigay ng Input ng Guro DAGDAG KAALAMAN-(FOR YOUR I N F O R M A T I O N) ….Ilan pang tagubilin sa paghahanda ng presentasyon….. Tatas Nagpapakita ng kaalaman sa pagkakaiba ng pormal at impormal na Filipino pasalita man o pasulat Nasusuri ang mahalagang detalye ng napakinggang impormasyon Napagtitimbang-timbang kung ang napakinggan ay may kabuluhan at kredibilidad Nakikipagkomunikasyon gamit ang wikang Filipino batay sa hinihingi ng pagkakataon/sitwasyon. Pananaliksik Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian https://solingj.wikispaces.com/file/view/Aralin+3.2.pdf ABSTRAKSYON Mungkahing Estratehiya: IPATROL MO! Paano naipakikita ang paglalarawan sa tauhan o pangyayari na aakit sa imahinasyon at pandama ng manonood? APLIKASYON Mungkahing Estratehiya: Pagpapatuloy ng gawaing pangkatan IV. KASUNDUAN 1. Humanda ang bawat pangkat para sa presentasyon ng dokumentaryo Ikaapat na Markahan| 151 ILIPAT I. LAYUNIN PAGSASALITA (PS) ( F10PS-IVij-90) 1. Pangkatang Pagsasadula ng nobela na isinasaalang-alang ang mga sumusunod: Paggamit ng wikang nauunawan ng kabataan sa makabagong panahon Pag-uugnay ng mga isyung panlipunan nang panahon ni Jose Rizal na makatotohanan pa rin sa kasalukuyan. Paggamit ng iba’t ibang makabagong paraan ng pagsasadula. II. PAKSA Panitikan Bilang ng Araw : El Filibusterismo Pangwakas na Gawain Presentasyon ng photo/video documentary : 1 na Sesyon III. PROSESO NG PAGKATUTO Gawaing Rutinari Pagtatala ng Liban Pagtse-tsek ng Takdang Aralin Balik- Aral AKTIBITI 1. Motibasyon Mungkahing Estratehiya: Sinematotohanang Kaganapan Gamit ang mga salita o ekspresiyong nagpapakita ng mga ugnayang lohikal, sabihin ang kaisipang isinasaad ng bawat larawan. https://solingj.wikispaces.com/file/view/Aralin+3.2.pdf Ikaapat na Markahan| 152 Gabay na Tanong: Mungkahing Estratehiya: THINK PAIR SHARE 1. Ibahagi ang kaisipang ng larawan sa pamamagitan ng istilong pagdodokumentaryo. 2. Paano nagsilbing daan ang mga larawan upang maimulat sa katotohana ang kaganapan sa lipunan? ANALISIS Matapos magawa ang gawain, ano ang iiyong natuklasan na maaaring makapagbigay motibasyon sa isasagawang gawain? ABSTRAKSYON Mungkahing Estratehiya: Dugtungan: Sa isang gawain nararapat isaalang-alang ang ............ APLIKASYON GOAL - Naipakikita ang photo/video documentary na nagpapakita ng isang isyung nakikita sa lipunan kaugnay sa isyu sa El Filibusterismo. ROLE - Isa kang komentarista Isa ka -sa mga mag-aaral manunulat ng pahayagan sa inyong AUDIENCE Mamamahayag sana telebisyon paaralan. Isa ka sa mga mag-aaral na manunulat ng pahayagan sa inyong paaralan. Ikaapat na Markahan| 153 SITUATION - Napili sa isang ABS CBN ang inyong barangay na magpalabas ng isang photo/video documentary tungkol sa suliraning panlipunan na ipapalabas sa kanilang programa PRODUCT - Pagtatanghal ng photo/video documentary na nagmumungkahi ng suliranin sa isyung panlipunan. STANDARD - Pamantayan sa Pagmamarka: A. Kabuluhan ng nilalaman B. Lalim ng mga pananaw C. Lohikal na pagkakaayos ng mga kaisipan D. Kalinawan ng pagkakasulat E. Orihinalidad Tayain ito ayon sa sumusunod: 10 puntos - lahat ng pamantayan ay maisakatuparan 9-8 puntos - apat na pamantayan ang naisakatuparan 7-6 puntos - tatlong pamantayan ang naisakatuparan 5-4 puntos - dalawang pamantayan ang naisakatuparan 3-1 puntos - isa lamang pamantayan ang naisakatuparan Presentasyon ng gawain Pagbibigay ng feedback mula sa mga manonood IV. KASUNDUAN 1. Iedit ang nasabing dokumentaryo ayon sa naging puna ng mga kritiko/manonood. Ikaapat na Markahan| 154