Republic of the Philippines BULACAN STATE UNIVERSITY Bustos Campus Bustos, Bulacan COLLEGE OF EDUCATION A SEMI DETAILED LESSON PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 10 TOPIC: KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS I. Layunin Sa huling bahagi ng Aralin, kinakailangan na ang mag aaral ay: A. Nabibigyang Kahulugan ang Ekonomiks. B. Napahahalagahan ang pag- aaral ng Ekonomiks. C. Naisasagawa ang Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks sa pang araw-araw na pamumuhay bilang mag-aaral bilang kasapi ng pamilya at lipunan. II. Paksang Aralin A. Paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks B. Talasanggunian: Araling Panlipunan 9 Ekonomiks C. Kagamitan: Powerpoint presentation, Laptop, Mga larawan, Telebisyon III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain Panalangin Pagbati Pagtatala ng liban sa klase Pagsasaayos ng silid aralan B. Balik aral 1. Ano ang climate change? 2. Paano natin napahahalagahan ang ating likas na yaman? C. PAGGANYAK Ang guro ay magbibigay ng mga letra na kung saan ang mga estudyante ay bubuoin ang mga letrang galing sa guro. Ang mga salitang mabubuo ng mga mag aaral ay may kinalaman sa susunod na talakayan. D. PAGTATALAKAY Pagtatalakay 1. Ipaliliwanag ang Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks at ang konsepto nito. 2. Pagbibigay halimbawa ng konsepto ng ekonomiks. 3. Ipaliliwanag kung papaano ito magagamit sa pang araw araw na buhay. E. PAGLALAPAT Ang guro ay hahatiin ang klase sa 4 grupo, matapos nito an bawat grupo ay bibigyan ng isang konsepto ng ekonomiks at kung paano ito nagagamit sa pang araw araw kanila itong ipakikita sa pamamagitan ng role play. 1. 2. 3. 4. Unang Grupo – Opportunity cost Ikalawang Grupo- trade off Ikatlong Grupo- marginal thinking Ikaapat na Grupo - incentives Pamantayan sa pagmamarka F. PAGLALAHAT Magtatanong sa mag aaral kung anong natutunan nila sa talakayan batay sa mga tanong sa mga sumusunod: 1. Ano ang kahalagahan ng ekonomiks para sa ating pang araw araw na buhay? 2. Ibigay ang mahahalagang konsepto ng ekonomiks. IV. PAGTATAYA Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang T kung ang isinasaad sa pangungusap ay Tama at isulat ang M kung mali ang isinasaad sa pangungusap. _________1. Walang limitasyon Ang ating pinagkukunang yaman. _________2. Ang pag alok ng mas mura at magandang produkto o serbisyo ay tinatawag na trade off. _________3. Isa sa mahalagang konsepto ng ekonomiks ay ang pag gamit ng matalinong pagdedesisyon upang matugunan ang wlang hanggang pangangailangan ng tao. _________4. Ang pagpili o pagsasakripisyo sa isang bagay kapalit ng isang bagay ay tinatawag na marginal thinking. _________5. Isa sa kahalagahan ng ekonomiks bilang mag aaral ay nahuhubog ang pagiging mapanuri at nagkakaroon ng matalinong pagpapasya sa pagtugon ng matalinong desisyon. V. TAKDANG ARALIN Panuto. Gumawa ng Sanaysay tungkol sa kahalagahan ng ekonomiks at kung ano ang kaugnayan nito sa iyong pang araw araw na buhay. Inihanda ni: Bb. Hanna Grace I. Magante Student Teacher Ipinasa Kay: Ginang. Rexella Umuquit