Filipino Reviewer Kahulugan Kahalagahan ng Pagsulat - Sa mag-aaral, ang madalas na dahilan ay pangangailangan sa pag-aaral para matamo ang isang kasanayan. Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anomang kasangkapang maaring magamit na mapagsasalianan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kanilang isipan. Ayon kay Mabilin (2012) ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng bumasa at babasa sapagkat itio ay maaing magpasalin-salin sa bawat panahon. ­Kaligayahan - bilang isang sining maari itong hanguan ng satispaskyon ng sinoman sa kanyang pagpapahayag o nasasaisip o nadarama. Kahulugan at Kalikasan Pisikal na aktibiti –ginagamitan ng kamay at mata Mental na aktibiti– ginagamitan ng pag-iisip Xing at Jin (1989, Bernales et al. 2006) - isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento. Kaugnay nito ang pakikinig, pagsasalita at pagbubuo ng kaisipan , retorika at iba pang elemento. Pinakamataas na uri ng komunikasyon Ano nga ba pagsulat? - Isa itong pangangailangan sapagkat kasama ang kasanayang pakikinig pagbasa at pagsasalita. - Ayon kay Badayos( 2000)- ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami, - Ayon kay Keller 1985, Bernales et al 2006) -ay isang biyaya isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito. - Kaligayahan - bilang isang sining maari itong hanguan ng satispaskyon ng sinoman sa kanyang pagpapahayag o nasasaisip o nadarama. Proseso ng Pagsusulat 1. Pre-writing o bago sumulat -nagaganap ang mga paghahanda sa pagsulat, pagpili ng paksang isusulat, pangangalap ng datos o impormasyon kailangan sa pagsulat. 2. Actual Writing o Aktwal na Pagsulat -Dito isinasagawa ang aktwal na pagsulat, sa paraang ito ang pagsisimula, pagsasaayos ng katawan at pagwawakas ng talataan, nag-eeksperimento sa pagbuo ng sulatin, gumagamit ng estilo, inaalam kung may kaisahan ang sulatin, mahusay na pagwawakas 3. Rewriting o Muling Pagsulat - ikatlong hakbang sa pagsulat, ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft base sa grammar, bokabolaryo , at pagkasunod-sunod. Nagdadadagdag ng detalye muling inaayos ang mga sulatin, Hindi magiging kumpleto ang isang sulatin kung hindi dadaan sa editing at rebisyon. Mga Uri ng Pagsulat - Akademiko -Ang akademikong pagsulat ay maaring kritikal na sanaysay, lab report, ekspiremento, term paper o pamanahong papel, tesis, disertasyon. Teknikal- espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng mambabasa. - Journalistic - Pampamamahayag na uring pagsulat kadalasang ginagawa ng mga journalist, saklaw dito ang balita, editorial, kolum , lathalain at iba pa. - Reperensyal - naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian , binubuod o pinaiikli ng isang manunulat ang ideya, tinutukoy ang pinaghahanguan (maaaring endnotes, madalas Makita sa mga textbook, - Propesyonal- uri ng pagsulat na nakatuon sa isang tiyak na propesyon. Naituturo din ito sa paaralan, ilan sa halimbawa nito ay investigative report ng mga imbestigador ,legal forms briefs at pleadings. Legal research, medical reports at patient`s journal ng mga nars o doktor. - Malikhain- masining na uri ng pagsulat. Ang pokus nito ay imahinasyon ng manunulat, layunin nitong paganahin ang imahinasyon at pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. Uri ng pagsulat sa larangan ng literature. Pilosopiya ng Pagsulat - Ang Pagsulat ay isang Proseso Gumagawa ng Sistema Pag-iisip, pagbabalangkas at pagrerebisa. - pagpaplano, pagtatanong, pagpaplano , Ang Pagsulat ay isang Proseso at Produkto Ang pinal na sulatin ay ang produkto na nabuo buhat sa masinop na proseso - Ang Pagsulat ay isang Pagtugon Sumusulat upang tugunan ang isang tanong o sagutin ang umiiral na isyu, o kaya may nais tayong iparating sa madla - Ang Pagsulat ay pagbuo ng Desisyon Lawak at saklaw ng paksa laban sa kanyang kakayahan at limitadong oras Mga kasamahang manunulat at ang kanilang susulatin ( pangkatang sulatin) Kaakibat ng pagdedesisyon ang dilema - Ang Pagsulat ay Pagtuklas Paggawa at paglikom ng mga makabago at makabuluhang impormasyon para sa iyong mga mambabasa Pagtuklas sa mga bagong kaalaman at ideya, bagong kakilala at karanasan - Ang Pagsulat ay sariling Pagkatuto Ang pagsulat ay natutuhan sa mismong paggawa nito,Isang kasanayan na dapat linangin - Ang Pagsulat ay Pakikihalubilo Ang isipan at gawain ng isang manunulat ay nakakawing sa kanyang kapaligiran, kultura at mga tao. Ang pagsulat marapat lamang na maabot ang pisikal at intelektwal na antas ng mga mambabasa - Ang Pagsulat ay humuhubog sa Personalidad Disiplina, pagkamasinop, pamamahala, pagkamadiskarte, malikhain, malalim, matiyaga at organisado dapat ang isang manunulat o sumusulat. - Ang Pagsulat ay mapanghamon Sinusubok ng pagsulat ang iyong kakayahan, hanggang sa isip ng nilalaman ng iyong sulatin at paghahanap ng impormasyon. - Ang Pagsulat ay pinaglalaanan ng Panahon Disiplina ang pangunahing kailangan upang makapagsimula at makatapos ng sulatin o pananaliksik. Karaniwang isinasakripisyo ang pagtulog at pakikihalubilo sa iba. Akademikong Pagsulat - - Ang akademikong pagsulat ay isang intelektwal na pagsulat, ang gawaing ito ay makatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Mula kina Carmelita Alejo, et al. , Ito ay may sinusunod na partikular na kumbensyon tulad ng pagbibigay ng suporta sa mga ideyang pinangangatwiranan Paano naiiba ang Pagsulat at Akademikong Pagsulat at Akademikong Sulatin? Akademikong Pagsulat - nakabatay sa personal na buhay o di kaya pang-akademiks at intelektwal na pangunahing tauhan. Sa pamamagitan ng akademikong sulatin malalaman natin ang kwento ng bawat tao. Kahulugan at Katangian ng Akademikong Pagsulat - isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin nito makapagbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang . Akademikong Sulatin - - Mayroon itong pormal na tono at estilo, ngunit hindi ito komplikado at hindi nangangailangan ng paggamit ng mahabang pangungusap at komplikadong bokabularyo. Isa itong uri ng pagsulat na kailangan ang mataas na antas ng pag-iisip. Katangian ng Akademikong Sulatin - Nagbibigay pagkakataon sa mag-aaral na maiugnay ang dating kaalaman at karanasan sa kasalukuyang panahon. Nalalaman at nasasanay siya sa mga mekanismo at proseso ng pagsulat, mga pag-uugnay at iba’t ibang rehistro at istilo ng pagpapahayag. Tungkulin O Gamit ng Akademikong Sulatin - Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan ng wika Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalagang pantao Ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon Uri ng Abstrak na Sulatin - Impormatibong abstrak Deskriptibong abstrak Bionote - maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang magtatanghal o sinumang magiging panauhin sa isang kaganapan (event, seminar, symposium, mga patimpalak at / o sa gig). - Nakikita ang bionote sa likuran ng pabalat ng libro na may kasamang larawan ng awtor o ng may-akda. - Sintesis at Buod - Malaman at pinaikling bersiyon ng piangsama-samang mga ideya na may magkatulad at magkakaibang punto de bista mula sa iba’t ibang sanggunian upang makabuo ng panibagong ideya . - Buod - pinaikling bersiyon ng mahalagang punto ang nabasa. - Adyenda - listahan, plano o balangkas ng mga pag-uusapan, dedesyisyunan, o gagawin sa isang pulong. - Memo - naghahatid ng mabilis na impormasyon sa gaganaping pulong o pangyayari, Mag-ulat ng mga kaganapan sa isang kompanya, magpaalala ng mga dapat gawin sa isang organisasyon. Kahulugan at Kahalagahan ng Abstrak - - Ito ang buod o ulat na nilagay bago ng introduksyon. Ipinapaalam nito sa mambabasa ang paksa at kung ano ang aasahan nila sa pagbasa ng isinulat na artikulo. Makikita sa unahang bahagi ng manuskrito na nagsisilbing panimulang bahagi ng anomang akademikong papel sa isang copyright, patent o trademark application. Pinakikita ang mahahalagang resulta at konklusyon ng pananaliksik ngunit mas mabuting basahin ang buong artikulo upang maunawaan pa ang detalye ng metodolohiya, resulta at mga kritikal na diskusyon ng pagsusuri at interpretasyon ng datos. Mga katangian ng Mahusay na Abstrak - Nababanggit ang pinakamahahalagang impormasyon bilang ng mga salitang ginamit (tinatayang bilang sa isang abstrak ay 200 o 250 hanggang 500 salita Mga uri at nilalaman ng Abstrak - - Impormatibong Abstrak - naglalaman halos lahat ng mahahalagang impormasyong matatagpuan sa loob ng pananaliksik MOTIBASYON – Sinasagot nito ang tanong kung bakit pinag-aralan ng isang mananaliksik ang paksa. Sa maikli at mabilis na paraan, Kailangang maipakita sa bahaging ito ang kabuluhan at kahalagahan ng pananaliksik. Suliranin – kailangang masagot ng abstrak kung ano ang sentral na suliranin o tanong ng pananaliksik. - - Pagdulog at Pamamaraan – Ilalahad ng isang mahusay na abstrak kung paano kakalapin o kinalap ang datos ng pananaliksik at kung saan nagmula ang mga impormasyon at datos. Resulta – Ipakikita rin ng abstrak kung ano ang kinalabasan ng pag-aaral sa pamamagitan ng paglalahad ng mga natuklasan ng mananaliksik. Konklusyon – Sasagutin nito kung ano ang mga implikasyon ng pananaliksik batay sa mga natuklasan. Deskriptong Abstrak - Deskriptibong Abstrak -maikli (nasa 100 salita lamang)kaysa sa impormatibong abstrak(naglalaman ng malapit sa 200 na salita). Nilalaman ang suliranin at layunin ng pananaliksik, metodolohiyang ginagamit at saklaw ng pananaliksik Mga dapat tandaan: - Ang abstrak ay buod ng nilalaman ng isang saliksik o sulatin. Nakabatay ang pagsulat nito ayon sa pagkasunod-sunod ng saliksik Nakasulat ito sa ikatlong panauhan at nakabatay sa katotohanan at hindi opinyon lamang ng may-akda tungkol sa pnanaliksik. Karaniwang hindi lalagpas ng isang pahina at naka-doble-espasyo ang abstak Higit na lumilinaw ang pagbabasa kapag may abstrak. Hindi ito nararapat na puno ng mga salitang mahirap unawain o mga acronym na ginagawa sa pananaliksik.