REVIEWER FOR MIDTERM komfil module 1-4 module 1 Ang Wikang Filipino- Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Dr. Patricia Licuanan- tagapangulo ng Komisyon sa mas Mataas na Edukasyon noong 2014. Dr. Ramon Guillermo- dalubguro sa Filipino at Panitikan ng Unibersidad ng Pilipinas. Kgg. Antonio Tinio- Kinatawan ng partidong ACT sa kongreso. Melania Flores- Dalubguro ng Pagpaplanong Pangwika sa Unibersidad ng Pilipinas. Ang Pilipinas ay binubuo ng 7,107 mga pulo at ito ay nahahati sa tatlong malalaking pangkat, ang Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang tatlong malalaking pangkat na ito ay kinabibilangan ng labing anim (16) ng rehiyon. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang napakaraming wika. Ayon sa listahan ni Grimes (2000) mayroong nakatalang 168 na buhay na wika sa bansa, samantalang sa sensus ng NSO noong 2000 mayroon itong 144 na buhay na wika. Batay kay Sibayan (1974) sa aklat ni San Juan (2018), humigit kumulang 90% ng populasyon sa bansa ay nagsasalita ng isa sa siyam na pangunahing wika. Matatagpuan sa Pilipinas ang humigit kumulang na walumpung wikain (80). Sampu dito ang sa ngayon ay kinikilalang pangunahing wika: 1.Tagalog 2.Kapampangan 3.Cebuano 4.Ilocano 5.Pangasinense 6. Maranao 7. Bicolano 8. Waray 9. Ilonggo 10.Hiligaynon Wika Ayon kay Hutch (1991) sa aklat ni San Juan (2018), ang wika ay malimit na binibigyang-kahulugan bilang sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao. Sinabi naman ni Bouman (1990) sa aklat ni Binwag (2018), na ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na lugar, para sa isang partikular na layunin na ginagamitan ng mga berbal at Biswal na signal para makapagpahayag. Ayon kay Webster (1972) sa aklat ni Carada (2014), ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad. Ito ay naririnig at binibigkas na pananalita na nalilikha sa pamamagitan ng dila at ng kalakip na mga sangkap ng pananalita. Ngunit sa lahat ng ito, natatangi ang pagpapakahulugan ni Gleason (1961) sa aklat ni Aguilar (2017), sa wika. Ayon sa kanya, ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura. Antas ng Wika 1.Pormal – Ito ay mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na sa mga nakapag-aral ng wika. a) Pambansa – Ito ay mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika sa lahat ng paaralan at kadalasang gamit panturo sa mga paaralan at pamahalaan. Hal. Ama, Ina, Anak, atbp. b) Pampanitikan – Mga salitang malalalim, matatalinhaga at masining at kadalasang nakikita sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula, maikling kwento, nobela at iba pa. Hal. Haligi ng Tahanan, Ilaw ng tahanan, Bunga ng pag-iibigan, atbp. 2.Impormal – Mga salitang palasak o karaniwang ginagamit sa pang- araw-araw ng pakikipag-usap sa mga kakilala at kaibigan. a) Lalawiganin – Mga salitang pangrehiyunal at kadalasang nakikilala sa pamamagitan ng puntong ginamit ng nagsasalita. Hal. Tatay, Nanay, Ogaw, atbp. b) Kolokyal – Mga salitang may kagaspangan ayon sa mga taong gumagamit nito. Maari pakinisin ng taong nagsasalita. Hindi pinapansin ang wastong gamit ng gramatika na tinatangap sa kasalukuyang panahon. Hal. Tay, Nay, Nak, atbp. c) Balbal/Barbarismo o Jargon – Ito at katumbas ng slang sa Ingles. Hindi sumusunod sa wastong gramatika at kadalasang sinasalita ng mga taong di nakapag-aral, pinakamababang antas ng wika. Hal. Erpat, Ermat, Junakis, atbp. d) Bulgar – mga salitang mapanakit sa damdamin ng isang tao. Maaari rin na layunin ng mga salitang ito na makasakit ng emosyon. Hal. G*go, Putang*na, Tang*na, atbp. Mga Katangian ng Wika ANG WIKA AY TUNOG. Sa pagsisimula ng pag-aaral ng wika ay unang natutuhan ang mga tunog ng wikang pinag-aaralan kaysa ang pagsulat na paglalahad. Ang mga ito ay niririprisinta ng mga titik. ANG WIKA AY ARBITRARYO. Maraming tunog na binibigkas at ang mga ito’y maaaring gamitin para sa isang tiyak na layunin ANG WIKA AY MASISTEMA. Kung pagsama-samahin ang mga tunog ay makakabuo ng makahulugang yunit ng salita, gayundin naman, kung pagsasama-samahin ang mga salita ay mabubuo ang pangungusap o parirala. ANG WIKA AY DINAMIKO. Dahil sa patuloy na pag-unlad ng wika ay patuloy rin itong nagbabago. Barayti ng Wika Dayalek Maraming Linggwista ang nagpapalagay na homojinyus ang wika, ang ibig sabihin ay pare-parehong magsalita o bumigkas ng mga salita ang lahat ng taong gumagamit ng wika. Kapansin-pansin ding may mga taga-lalawigan na iba-iba ang punto. May tinatawag na puntong bulacan, puntung bisaya, pungtong bicolo puntong maranao. May mga ilan namang gumagamit ng ibang salita para sa isang kahulugan lamang. Idyolek Idyolek ang tawag sa kabuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao. May iba’t ibang salik na nakapaloob dito kung bakit ito nagaganap. Ang mga salik na ito ay gulang, kasarian, hilig o interes, at istatus sa lipunan. Barayti at Baryasyon Bawat wika ay binubuo ng higit sa isang Barayti. Ang Barayti ay itinuturing na higit na mas masaklaw na konsepto kaysa sa tinatawag na estilo ng prosa o estilo ng wika. Ang ilang halimbawa ng Barayti ay ang mga sumusunod. DayalekAng Barayting ito ay sinasalita ng mga tao sa heograpikong komunidad. Sa puntong ito, nagkakaintindihan ang nagsasalita ng mga dayalek ng isang wika ngunit nababatid nilang may pagkakaiba ang mga salitang kanilang naririnig. Maari ring iba ang kahulugan ng kanilang salita sa salitang ginamit ng iba. Maari rin namang ang pagkakaiba ay nasa pangungusap na kanilang ginagamit. Halimbawa, sa ilang bayan ng Nueva Ecija ay may salitang hinuhulapian ng ye. Sosyolek . Ang Barayting ito ay sinasalita ng mga tao sa isang lipunan. Pabiro niyang sinasabi na may Barayti ng wika ang grupo ng iba’t ibang uri o klasifikasyon ng mga mamamayan. May Barayti ng wika ang mga dukha, gayundin ang mga nasa matataas ma antas ng lipunan. Register Ang register ay tinatawag ding estilo sa pananalita. Ang isang tao ay maaring gumagamit ng iba’t ibang estilo sa kanyang pagsasalita o maging sa pagsulat upang maipahayag ang kanyang nadarama. Module 2 Tungkulin at Gamit ng Wika Bawat indibidwal ay may sapat na kakayahang magamit ang isang wika. May pitong tungkulin o gamit ang wika na kailangang pagtuunan ng pansin upang sanayin ang sarili sa bawat isang tungkulin. Inilahad ni Halliday (1973) sa kanyang Explorations in the foundations of language, na ang mga tungkuling gampanan ng wika sa ating buhay ay kinakategorya. May mga halimbawang madalas na ginagamit sa makrong pagsasalita at pagsusulat. Frame 1: Pang-interaksyunal Katangian: Nakapagpapanatili/ Nakapagpapatatag ng relasyong sosyal Halimbawa: Pasalita- Pormulasyong Panlipunan, Pangugumusta, Pagpapalitan ng Biro. Pasulat- Liham Pangkaibigan Frame 2: Pang-instrumental Katangian: Tumutugon sa mga pangangailangan Halimbawa: Pasalita- Pakikitungo, Pangangalakal, Pag-uutos. Pasulat- Liham Pangalak. Frame 3: Panregulatori Katangian: Kumokontrol/ Gumagabay sa kilos at asal ng iba. Halimbawa: Pasalita- Pagbibigay ng panuto/ direksyon, paalala Pasulat- Resipe Frame 4: Pampersonal Katangian: Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon. Halimbawa: Pasalita- Pormal o di-pormal na talakayan Pasulat - Editoryal, Liham sa Patnugot Frame 5: Pang-Imahinasyon Katangian: Nakapagpapahayag ng sariling imahinasyon sa malikhaing paraan. Halimbawa: Pasalita- Pagsasalaysay, Paglalarawan Pasulat- Akdang Pampanitikan. Frame 6: Pangheuristiko Katangian: Naghahanap ng mga impormasyon o datos. Halimbawa: Pasalita - Pagtatanong, Pananaliksik, at Pakikipanayam Pasulat – Sarbey Frame 7: Pang-impormatib Katangian: Nagbibigay ng impormasyon o mga datos. Halimbawa: Pasalita- Pag-uulat, Pagtuturo Pasulat- Pamanahong Papel. Ayon kay W.P. Robinson 1.Estetiko – Paggamit ng Wika sa paglikha ng Panitikan 2.Ludic – Pagtutugma, paggawa ng mga salitang walang katuturan o kawawaan 3.Pag-aalay sa Pakikipagsalamuha at Pakikipagkapwa tao – Paggamit ng Wika upang simulan, alalayan at tapusin ang pagkikita, pagbati, pasasalamat, pagpapahayag ng kalungkutan o pakikiramay. 4.Pag-aalay sa Iba – paggamit ng wika upang alalayan ang kilos o damdamin ng iba, paggamit ng mga tuntunin at ekspresyon ng tungkulin, obligasyon ng pag-uutos, pakiusap, pagpuna, pagpapalakas ng loob, panghihikayat, panghihiram, pagtawad 5.Pag-alalay sa sarili – Kaugnay ang ugali at damdamin “Pagkausap sa sarili” nang tahimik o mag-isa, pagpaparating sa iba ng ating iniisip, pagbibigay ng opinyon, pangangatwiran, pagpapaliwanag 6.Pagpapahayag ng sarili – Pagpapahayg ng sarili, katauhan at damdamin tuwiran sa pamamagitan ng pandamdam paggamit ng mga salita tungkol sa damdamin, tunog ng tinig o (voice quality) 7.Pagtatakda sa Tungkulin o Papel sa Lipunan – Paggamit ng Wika upang itakda o ipahayag ang kaugnayang pangsosyal ng mga tao, mga ginagamit kapag nakikipag-usap sa isang tao at mga ginagamit kapag nagsasalita tungkol sa iba. 8.Pagtukoy sa Daigdig na Di-panglinggwistika – a) pagkilala at pagpapahayag ng kaibahan at pagkakatulad ng mga bagay; b) pagbuo pag uuri-uri at pagbibigay katarungan sa mga kaugnayan ng mga bagay sa ibang bagay. 9.Pagtuturo – Paggamit ng Wika sa pagpaparating ng bagong impormasyon at kasanayan. 10.Pagtatanong at Panghuhuli – Pagtataka, paghahanap, paghingi ng impormasyon at panuto, pagbuo ng haraya(imagining), pagpapasubali(supposing). 11.Metalangguage – Paggamit ng wika sa pagtalakay. Ayon kay Roman Jacobson 1.Kognitibo/Reperensyal/Pangkaisipan – Pagpaparating ng mensahe at impormasyon. 2.Conative – Paghimok at pag-impluwensiya sa iba sa pamamagitan ng mga pag-uutos at pakiusap. 3.Emotive – Pandamdamin, pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at emosyon. 4.Phatic – Pakikipagkapwa-tao. 5.Metalinggwal – Paglilinaw sa mga suliranin tungkol sa mga layunin(intensyon) ng mga salita at kahulugan. 6.Poetic – Patula, paggamit ng wika para sa sariling kapakanan. Wikang Filipino mula Baybayin hanggang text messaging ORTOGRAPIYA- ay ang representasyon ng mga tunog ng isang wika na nakasulat o nakalimbag na mga simbolo tulad ng alpabeto. Ito ay tinatawag na baybayin na may 14 katinig o konsonat at 3 patinig o vowel. Filipino Bilang Wikang Pambansa Wikang Pambansa Isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng kaunlaran ng isang bansa.Kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa isang bansa. Kadalasan, ito ang wikang ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ng lahat ng mamamayan ng isang bansa. Opisyal na Wika Ginagamit sa opisyal na komunikasyon ng estado sa kanyang mga mamamayan at ibang bansa sa daigdig. Bago maging opisyal ang isang wika, maraming pag aaral ang isinagawa upang malaman kung ano ang pinaka karapat dapat na wika para sa bansa. Tiniyak ng gobyerno na tama ang pagpili ng wika para sa buong kapuluan at at nagbigyan daan ito sa pamamagitan ng pagsaalang-alang ng ibat' ibang salik. Saligang Batas at mga Probisyon Mga Pangyayaring nagmarka sa kasaysayan 1987 – Batay sa saligang Batas sa Biak na Bato may ginamait na itong probisyon na nagsasasad ng ganito: “Ang wikang Tagalog ang siyang magiging opisyal na wika sa Pilipinas 1903 – Pagkatapos ng pananakop ng mga Amerikano, naging maalab ang pagnanasa ng pagkakaroon ng sariling wika at maraming samahang pangwika ang lumitaw tulad ng Kapulunagn ng Wikang Tagalog, Aklatang Bayan, Samahan ng Mananagalog at iba pa. 1915 – Ang akademya ng wikang tagalog at gumawa ng panghihiram ng mga salita mula sa iba’t ibang katutubong wika sa Pilipinas. Layunin nitong mapayaman ang Tagalog. 1925 – Bunga ng pag-aaral ng Monroe Educational Commission at pagsuporta sa Amerikanong bisegobernadora ng pilipinas noon, lumabas ang Panukalang Batas Blg.557 na nag-uutos na gamiting panturo ang mga katutubong wika simula sa taong 1932-1933 1935 – Sa Saligang Batas ng Pilipinas (Seksyon 3, Artikulo XIV), nagsasad na ang kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambnasa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. 1936 – Batay sa talumpati ni Pangulong Manuel L. Quezon sa Asembleya Nasyonal, nagtagubilin siya ng paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na siyang mangunguna sa pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas at kanyang pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 184 na kumikilala sa kanilang mga tungkulin 1937 – Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang pitong pantas-wika na Pilipino upang bumuo ng kauna-unahang pamunuan ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang pitong napili ay kakatawan sa pitong lalawigan ng iba’t ibang katutubong wika 1940 – Sa Bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.263. Ang pangulong Manuel L. Quezon ay pinahintulutan ang pagpapalimbag ng diksyunaryo Tagalog-Ingles at ang Balarila ng wikang Pambansa 1959 – Sa Bisa ng Kautusang Blg.7 ipinag-utos ng Kalihim Jose Romero ng kagawaran ng edukasyon na kailan may tutukuyin ang wikang pambansa, ang salitang PILIPINO ang siyang gagamitin 1970 – Batay sa resolusyon Blg. 70 ang wikang Pambansa ay naging wikang panturo sa elementarya, sekundarya, kolehiyo at unibersidad 1972 – Batay sa kautusang panlahat Blg.17 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, ipinag-uutos niya na limbagin sa Pilipino at Ingles sa Official Gazette at gayon din sa mga pahayagang may malawak na sirkulasyon bago idaos ang plebesito para sa ratipikayon ng Saligang Batas 1973 – Sa saligang batas, Artikulo XV, seksyon 3, ganito ang nakasaad. Sa talumpating binigkas ng Pangulong Marcos sa pagsasara ng pansiyam na pambansang gawaing pangkapulungan, binigyang-diin niya ang paggamit ng bilinggwal 1974 – Nilagdaan ng Kalihim Juan L. Manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 na nagtatadhana ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyon bilang Bilinggwal sa mga paaralan na magsisimula taong aralan 1974-1975 1978 – Nilagdaan ng Kalihim Juan L. Manuel ng edukasyon ang kautusang pangministri Blg.22 na nagtatadhana na ang Filipino ay bahagi ng kurikulum na pangkolehiyo. Organisasyong Pangwika (SWP-LWP-KWF) KWF •Itinatag ang KWF noong Agosto 14, 1991, sa bisa ng Batas Republika Bilang 7104. Nasa ilalim ito ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas. •Tungkulin ng KWF na gumawa ng mga plano, patakaran, at pananaliksik para maitaguyod, mapaunlad, at mapangalagaan ang wikang Filipino at iba pang mga wika sa Pilipinas. •Para sa ika-23 anibersaryo ng ahensya ngayong taon, narito ang ilan pang mahahalagang impormasyon tungkol sa Komisyon sa Wikang Filipino. SWP Nagsimula ang KWF bilang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) o Institute of National Language. Itinatag noong 1936 sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 184, ang Surian ng Wikang Pambansa ay naatasang magsagawa ng pag-aaral ng mga diyalekto sa bansa para "magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika." Noong 1937, napili ng SWP ang Tagalog bilang batayan ng Pambansang Wikang Filipino. Matapos nito, naglathala ang SWP ng Balarila ng Wikang Pambansa at mga diskyunaryo't tesoro. Ang SWP ay naging Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP o Institute of Philippine Languages) noong 1987 nang pirmahan ni Pangulong Corazon Aquino ang Atas Tagapagpaganap (Executive Order) Bilang 117. Ang kasalukuyang tagapangulo ng KWF ay si Virgilio Almario ‘Rio Alma’. Si Almario ang panlimang tagapangulo ng KWF simula noong 1991. Sinundan niya sina Ponciano BP Pineda (1991-99), Nita Buenaobra (1999-2006), Ricardo Maria Duran Nolasco (2006-08), at Jose Laderas Santos (2008-13). MODULE 3 Mga Salik na Nakakaapekto sa Gawing Pangkomunikasyon Ang lugar ay tumutukoy sa lokasyon kung saan isinasagawa ang komunikasyon. Malaki ang epekto nito sa gawing pangkomunikasyon sapagkat ito ang nagtatakda sa uri, paraan at gawi ng pananalita. Isinasaalang-alang ang lugar sa pagsasakatuparan ng paghatid ng mensahe at kung paano maaring isagawa ang daloy ng usapan. Ang salik na ito ay may impluwensya sa paksa na pag-uusapan. Bukod pa rito, may mga kultural na gawi at pamamaraan ng pagpapahayag sa bawat lugar na tangi sa pangkat ng tagapagsalita. Mga taong naninirahan sa lugar. Napakalaki ang epekto sa gawing pangkomunikasyon ang mga taong naninirahan sa lugar. Ito ay sapagkat sila ang humuhubog ng kultura sa lugar. Ang kanilang mga paniniwala, ugaliin, gawi at uri ng pamumuhay, at maging ang kanilang mga kaisipan hinggil sa mga bagay-bagay sa kanilang paligid ang siyang nagtatakda ng paksa o usapin. Ayon kay Davey (2018), ang kultura ay ang kabuoan ng mga kaugalian, pagpapahalaga, mga palagay at karanasan na nabuo sanhi ng sama-samang pakikisalamuha ng mga tao sa loob ng iisang pangkat. Nakikisalamuha ang mga tao kaya nabubuo ang tanging paraan ng paghahatid at pagtanggap ng mensahe na tinatawag na komunikasyon. Sosyo-ekonomiko. Ang antas ng pamumuhay ng isang tao o kaniyang estadong sosyo-ekonomiko ay nauugnay sag awing pangkomunikasyon. Minsa’y iniaayon ang gawi ng komunikasyon sa iba-ibang antas ng pamumuhay ng mga tao. Halimbawa, sa mga pelikula ay napapanood ang mga kasambahay. Naiiba ang gawi ng pananalita ng mayamang amo sa pananalita ng aping kasambahay. Edukasyon. Ang gawing pangkomunikasyon, pamamaraan at nilalaman ng pahayag ya naiimpluwensyahan ng edukasyon ng isang tao. Ang paggamit ng antas ng mga salita ay may kaugnayan sa edukasyon. Kasarian. May mga salitang ginagamit ang mga babae na kapag ginamit ng lalaki ay hindi ayon sa kaniyang kasarian. Gayundin, may mga salitang ginagamit ang mga lalaki na hindi akma kapag ginamit ng isabg babae. Kung gayon, ang paraan at gawi ng komunikasyon ay apektdao dahil sa kasarian. Mga Gawaing Pangkomunikasyon Tsismisan Ang salitang tsismis ay mula sa salitang Kastila na “chismes”. Karaniwan kapag sinabing tsismis ay mga kuwento o pangyayari na maaring totoo at may basehan ngunit ang mga bahagi ng kuwento o pangyayari ay maaring sadyang binawasan o dinagdagan upang ito ay mag ing usap-usapan hanggang tuluyan nang magkaroon ng iba’t ibang besyon. Umpukan Ang umpukan ay gawing pangkomunikasyon na tumutukoy sa pagpapangkat-pangkat ng isang pamilya o magkakapatid, magkakaibigan, magkakaklase, magbabarkada, magkakatrabaho o magkakakilala na may magkakatulad na gawi, kilos, gawain at hangarin. Ito ay nangyayari dahil ang isang paksa, usapin at hangarin na karaniwan sa bawat isa ay nais talakayin at bigyang linaw. Nagsisilbi rin itong pagkakataon sa pangkat upang lalong mapatatag ang kanilang samahan at lalo pang mapabuti ang pagtrato sa isa’t isa. Pagbabahay-bahay Ang pagbabahay-bahay ay isang gawaing panlipunan. Tuon nito ang pakikipag-usap sa mga mamamayan sa kanilang mga bahay. Karaniwan, may mga isyu sa barangay na nais ipahatid kaya ang piling opisyal ay nagtutungo sa mga kabahayan ng isang barangay upang ipagbigay-alam ang isyu o mga isyu. Pulong-bayan Usaping politikal ang karaniwang paksa ng pulong-bayan. Ito ay nauukol sa mga gawain at layuning pambaranggay at pambayan. Komunikasyong Di-Berbal Kapag nakikipag-usap tayo sa ibang tao, natural ang paggamit ng pagpapahayag na hindi ginagamitan ng salita. Hindi natin ito napapansin sapagkat ang paggamit ng mga kilos, ekspresyon at mga paralenggwahe ay umaayon sa bugso ng nararamdaman sa oras ng pagpapahayag. Ang tawag dito ay mga uri ng komunikasyong di-berbal. 1. Kinesika (Kinesics) Ang kinesika ay tumutukoy sa komunikasyong di-berbal na may kaugnayan sa paggalaw ng katawan tulad ng tindig (posture), kumpas (gestures), ekspresyon ng mukha (facial expression) at occulesics na tumutukoy sa paggamit ng mata (eye contact) sa pagpapahayag ng mensahe. Tindig. Isinasaalang-alang dito ang idea kung paano naaapektuhan ang ibang tao sa paraan ng pag-upo, paglakad, pagtayo, o kaya ay pagkilos ng ulo. Kung paano iagalaw ang katawan o tumindig ay nakapagpapahayag ng iba’t ibang kahulugan. Ang bilisat bagal ng paggalaw ay maroon ding kahulugang inihihiwatig. Pagkumpas. Ang pagkumpas ay bahagi nan g pang-araw-araw na pagpapahayag ng kaisipan at damdamin ng isang tao. Ang pagkaway ay maaring mangahulugan ng pagsasabi ng “kumusta” o kaya ay “paalam”. Ang pagtuturo (point) ay maari ding mangahulugan ng galit o kaya ay simpleng pagtukoy lamang ng mga bagay na nagugustuhan. (6) Ekspresyon ng mukha (Pictiks). Binanggit nina Hans at Hans (2015) na ang mukha ay isa sa mga bahagi ng katawan na nakapagpapahayag ng maraming ekspresyon at kahulugan. Ang mukha ay nakakapagpahiwatig ng kaligayahan at saya, ng kalungkutan, ng galit, ng takot at maging kabiguan. (7) Pagtingin (Oculesiks). Mabisang gamitin ang mata sa pagpapahayag. Kung paano tumingin sa iba ay nakapagpapahayag ng maraming kahulugan. Ito ay maaring makapagpakita ng pagkawili, pagmamahal o pagsinta, poot at maging pagkagusto. Ang pagtingin ay napakahalaga rin sa pagpapanatili ng daloy ng usapan at sa kung paano maaring tumugon ang kausap. 2. Pandama (haptiks) Ang pandama, tulad ng paghawak, ay nakapaghahayag din ng iba’t ibang kahulugan. Daan-daang taon na itong ginagamit bilang isa sa mga anyo ng komunikasyon. Nagkakaroon ng iba-ibang kahulugan ang paraan ng paghawak. 3. Proksemika (Proxemics) Tumutukoy ito sa espasyo o agwat na maaring may kaugnayan sa dalawang taong nag-uusap. Ang pagiging malapit, malayo o kaya’y malapit na malapit ng mga taong nag-uusap ay naghahatid ng iba’t ibang kahulugan ayon sa kung sino ang mga nag-uusap. Karaniwan, ang espasyo ay di-gaanong napapansin na nakapaghahatid din ng kahulugan. 4. Paralengguwahe (Paralanguage) Ang paralengguwahe ay higit na tumatalakay sa kung paano nasabi o kung ano ang paraan ng pagkakasabi ng isang salita kaysa sa kung ano ang kahulugan ng mga nasabi. Halimbawa nito ay ang bilis o bagal ng pagsasalita, tono, impleksyon ng boses, pagtawa, paghikab, buntong-hininga, pag-ungol at kahit na ang pananahimik o hindi pag-imik. 5. Bagay (Object Language/ Objectiks) Malimit itong tawaging material culture. Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kahulugan sa mga bagay-bagay na nakikita sa paligid (na tinatawag ding material artifacts).Karaniwan, nauukol ito sa arkitektura tulad ng disenyo ng mga gamit, dami, mga sasakyan at iba pa. ang pagkakaayos ng mga kag amitan sa isang bahay o opisina ay nagtataglay rin ng mensahe na nabibigyang kahulugan ng tumitingin nito. (8) Oras (Kronemika). Binibigyang pansin ang pagkakaiba-iba ng umaga, tanghali, hapon, takipsilim, gabi, hatinggabi at madaling araw. Sa ibang kultural na kalagayan, ang mga ito ay may kaugnayan sa trabaho at pagpapahinga ngunit sa iba naman ay walang takdang oras ang pagtatrabaho at pagpapahinga. Kaugnay nito, maaring nakaugnay ang kaisipan na ang mga Filipino ay maaring punasok sa trabaho na lampas sa takdang oras ng pagpasok samantalang ang mga amerikano ay dapat pumasok sa trabaho ayon sa oras na itinakda. Sa ibang bansa ay may winter, summer, spring at fall, ngunit sa Filipinas ay tanging tag-ulan at tag-araw lamang ang mayroon tayo. (9) Simbolo (Iconiks). Malinaw ang mga mensahe na inihahatid ng mga simbolo. Makikita ang mga ito sa mga pamilihan, daan palikuran, sasakyan at iba iba pa. Halimbawa rito ang mga simbolo ng na No-U Turn, No Smoking, No Parking at Male / Female sa mga palikuran. (10) Kulay (Coloriks). Maraming kulay at iba-iba ang kahulugan nito. Halimbawa, ang pagsusuot ng puting damit ng ikakasal na babae ay simbolo ng kabusilakan, ang itim na damit ay simbolo naman ng pagluluksa. Ang pula ay karaniwang ginagamit sa mga fastfood chain sapagkat ito ay sumisimbolo sa kulay ng pagkain at bukod pa dito ay nagdadala ito ng mainit na pakiramdam katulad ng apoy. Maliban dito, noon, ang kulay ay nagpapahiwatig ng oryentasyong pangkasarian. Kategorya ng Pagproseso ng Impormasyon Ang iba’t ibang pamamaraan sa pagpoproseso ng impormasyon ay maaring sa pamamagitan ng pandinig (aural), pampaningin (visual) at pagkilos (kinaesthetic). Ang mga estilong ito ay makakatulong nang malaki sa pag-unawa ng impormasyon. Pandinig (aural o auditory) Sa pamamagitan ng pandinig ay natatamo ang mahahalagang impormasyon. Karaniwan sa mga indibidwal na nakakapagproseso sa pamamagitan ng pandinig ay iyong may hilig sa musika o iyong may hilig sa pakikinig ng talakayan o anumang gawaing may kaugnayan sa paggamit ng tainga o pandinig. Pampaningin (visual) Ang mga mapa, tsart, dayagram, graphic organizer, mga pattern at mga hugis ay iilan sa mga pinakamahusay na kagamitan para sa mga indibidwal na may kahusayang biswal. Ang mga impormasyon ay kanilang napoproseso sa pamamagitan ng mahusay na pagpapakahulugan o interpretasyon sa mga bagay na kanilang nakikita. Ang hugis, kulay, bilang, bigat at gaa, ayos at ang pagkakabuo ng mga bagay ay ang basehan ng kanilang pag-unawa o pagbuo ng bagong kaalaman. Pagkilos (kinesthetic) Ang salitang kinesthetic ay may kaugnayan sa salitang Griyego na nangangahulugang pagkilos. Sa prosesong ito, naigagaganap ang pag-unawa sa pamamagitan ng pagkilos o paggawa ng isang bagay na pisikal. Nakakaunawa ang mga indibidwal sa ganitong proseso sa pamamagitan ng mga demonstrasyon, eksibit, pag-aaral ng kaso, at mga konkretong aplikasyon. Ang mga pelikula at video ay nakahanay sa estilo na kinesthetic. Ginagamit ng mga mag-aaral na kinesthetic ang lahat ng kanilang mga pandama (panlasa, amoy, pandama, paningin, pandinig) upang maging kapaki-pakinabang ang kanilang pag-aaral. Module 4 BATAS KONTRA KORAPSYON R.A. No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) R.A. No. 6770 Sakop ng mga batas na ito ang lahat ng mga manggagawa sa pampublikong opisina maging ang mga kumpanyang hawak ng gobyerno. Ang mga pampubblikong opisyal o mangagawa na inakusahang nagkasala ay uusigin ng Ombudsman. oras na mapatunayan ang katiwalian, ang mga sangkot ay pormal na sasampahan ng kaso at lilitisin sa Sandiganbayan (Ispesyal na korteng inilaan kontra korapsyon. Mga uri ng korupsiyon: 1. Nepotismo at paboritismo • Kronyismo ang tawag sa mga itinatalaga sa posisyon ng Pangulo o sino mang mataas na posisyon ay kaniyang malapit na kaibigan, at kapaganak naman ay Nepotismo, kahit sila ay hindi kwalipikado sa posisyon. Halimbawa dito ay ang mga itinalaga ni Pangulong Duterte nang maupo siya sa gobyerno; Margaux Justiniano "Mocha" Uson bilang Assistanst Secretary ng Presidential Communication Operations Office, isa siya sa mga nangampanya para kay Pang. Duterte. 2. Suhol o Lagay (Bribery) • Ang panunuhol ay korapsyon (R.A. 6485 Anti-Red Tape Act of 2007) ding maituturing, ginagawa ito upang mapabilis ang transakyon mula sa normal nitong takbo. Fixer ang tawag sa mga taong nagpapasuhol kapalit ang serbisyong ito. Isa sa halimbawa nito ay ang panunuhol sa mga polisya kapag nahuli ang mga motorista sa mga isinasagawang inspeksyon sa kalsada. 3. Pandaraya (FRAUD) • Kabilang sa anyo ng korapsyon ang manipulasyon, pandaraya, o anomang uri ng panlilinlang. Isa sa pinakamalaking iskandalo ng pandaraya ang isyu sa eleksyon sa pagkapangulo noong 2004. Nagkaroon umano ng manipulasyon sa bilang ng mga boto, ang itinuturing na dahilan umano sa likod ng manipulasyong ito ay sina dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo at dating Comelec Chairman Virgillo Garcillano. Ito ay tinawag nilang "Hello Garci", maririnig sa record ang usapan sa telepono nina Garcillano at Arroyo upang panalunin ang huli sa pagkapangulo noong eleksyon 2004. 4. Plunder • Ang Illgotten Wealth ay bunga ng korapsyon. Lahat ng yaman, ari-arian, negosyo na nakuha mula sa maling paraan ay anyo ng korapsyon o plunder. Isa sa pinakasikat na kaso nito ang kay dating Pangulong Ferdinand Marcos. Dahil sa laki ng yamang nakuha niya mula sa kaniyang panunungkulan 5. Kickback • Ito ay paggamit ng budyet o share ng mga inihalal sa pamahalaan at paggamit nito sa iba't ibang proyekto na ang totoo'y mga peke o huwad na proyekto lamang. Pinakakontrobersyal na isyu nito ang "Napoles Pork Barrel Scam" noong 2013 na sangkot ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga Senador, Kongresista, at ng Pangulo na pinaniniwalaang bilyones ang perang nakuha ng mga politiko mula sa mga pekeng NGOs ni Janet "Pork Barrel Queen" Napoles na pinaglaanan nila ng pondi galing sa PDAF. 6.Paninikil 7. Pagtakas sa pagbabayad ng buwis 8. Mga ghost project at pasahod 9. Pag-iwas sa pagsusubasta sa publiko sa pagkakaloob ng mga kontrata 10.Pang-aabuso sa Kapangyarihan 11.Pagnanakaw ng mga buwis, yaman at kaban ng bansa 12. Hindi pagiging transparent o pag-iwas sa pagbibigay ng sapat na impormasyon ukol sa sariling kayamanan o mga gastos sa proyekto