lOMoARcPSD|24893421 COT 1- Science 3 S.Y 21-22 Teaching Arts in Elementary Grades (Cavite State University) Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university Downloaded by Maria Corazon Talao (mariacorazon.talao001@deped.gov.ph) lOMoARcPSD|24893421 Republic of the Philippines Department of Education Region IV-A CALABARZON Division of Cavite Municipality of Indang MAHABANG KAHOY LEJOS ELEMENTARY SCHOOL Learning Area SCIENCE 3 Learning Delivery Modality LIMITED FACE TO FACE LESSON EXEMPLAR School Mahabng Kahoy Lejos ES Teacher Dinalyn A. Longcop Teaching Date April 29,2022 I. LAYUNIN a. Pamantayan sa Nilalaman: b. Pamantayan sa Pagganap: c. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC) II. NILALAMAN III. KAGAMITAN PANTURO a. Sanggunian b. sa Gabay ng Guro c. Mga Pahina sa Kagamitang Pang mag-aaral d. Pahina sa Teksbuk e. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource f. Listahan ng mga kagamitang panturo para sa mga gawain sa pagpapaunlad at pakikipagpalihan IV. Grade Level Learning Area Quarter Grade 3 Science Q4-WEEK 4 Ang mag-aaral ay inaasahang matutukoy ang iba’t ibang uri ng panahon at mga elementong nakakaapekto sa pagbabago ng panahon sa bawat oras o araw. Ang mag-aaral ay inaasahang makakatukoy ng pamamaraan kung paano maibabagay ang mga gawain sa kalagayan ng panahon. Describe the Changes in the Weather over a period of Time S3ES-IVe-f-3 PAGBABAGO NG PANAHON - MELC SCIENCE 3, WEEK 4-Q4 BOW Science 3 PIVOT4A Self Learning Module – Ikaapat na Markahan,pp. 15-21 Grade 3 ADM Module - Science 3, pp.159-174 Learning Resources Portal https: lrmds.deped.gov.ph/k to 12 - Powerpoint Presentation Learning Activity Sheets Mga larawan Audio Visual Presentation, Songs glue,tarpapel PAMAMARAAN Downloaded by Maria Corazon Talao (mariacorazon.talao001@deped.gov.ph) lOMoARcPSD|24893421 A.Introduction (Panimula) A. Pagbati Magandang umaga mga bata! Umpisahan natin ang ating aralin sa isang panalangin. B. Panalangin Isagawa ang pambungad na panalangin sa pamamagitan ng isang awitin. (Opening prayer) Link: https://www.youtube.com/watch? v=36WQtyEGxuc C. Pagtala ng Liban sa Klase Tatanungin ang mga bata kung sino ang lumiban sa mga babae at lalaki. D. Balik-Aral: Sa pagsisimula ng ating aralin,maglaro muna tayo. Ang tawag sa ating laro ay Pass the Box o Ipasa ang Kahon. Ipapasa ninyo sa inyong katabi ang kahon habang tumutugtog ang musika. Pagtigil ng tugtog ang mag-aaral na may hawak ng kahon ay bubunot ng isang papel mula sa kahon na may nakasulat na numero at ito ay may katumbas na katanungan. Handa na ba kayo? Sabihin: Saan natin makikita ang iba’t ibang uri ng anyong lupa at anyong tubig? Ano ang naitutulong sa atin ng mga anyong lupa at anyong tubig? Magaling! Talagang natutunan ninyo ang ating nakaraang aralin tungkol sa Ating kapaligiran at Kahalagahan nito sa Tao at sa Iba pang may Buhay. Muli, ang Kapaligiran ay binubuo ng mga bagay na may buhay at walang buhay. At ang lahat ng mga bagay na matatagpuan sa ating kapaligiran ay may kanya-kanyang kahalagahan na ginagampanan upang maging balance ang ating mundo. Paggaganyak: Sa pagpapatuloy ng ating aralin, panoorin niyo Downloaded by Maria Corazon Talao (mariacorazon.talao001@deped.gov.ph) lOMoARcPSD|24893421 muna ang inihanda kong video clip Ipapakita ng guro ang video clip sa mga magaaral. B. Development (Pagpapaunlad) Pagpapaunlad Tanong: Naranasan mo naba ang panahon na kagaya ng napanood niyo sa video na maganda ang sikat ng araw at bigla nalang magdidilim ang kalangitan at bubuhos ang ulan? Talakayan: Sabihin: Ngayon ay pag-aralan natin ang iba’t ibang uri ng panahon at mga elementong nakakaapekto sa pagbabago ng pagbabago ng panahon sa bawat oras o araw. Suriin ang mga ito na kuha mula sa video clip na inyong pinanood. Sa larawang A ano ang uri ng panahon ang ipinapakita dito? Larawan A Ano naman ang panahong ipinapakita sa larawan B? Larawan B Muli ay tingnan natin ang larawan A at larawan B. Downloaded by Maria Corazon Talao (mariacorazon.talao001@deped.gov.ph) lOMoARcPSD|24893421 April 15,2022 9:00 am April 15,2022 3:00 pm Ang dalawang larawan ay parehong nangyari sa parehong araw.Ang larawang A ay naganap sa oras na 9:00 ng umaga, samantala ang larawang B naman ay nangyari sa ganap na ika-2:00 ng hapon.Ipinapahiwatig ng larawang ito na maari nating maranasan ang ang biglang pagbabago ng panahon sa loob ng maghapon o magdamag. Upang higit ninyo itong maunawaan, alamin natin ang kahulugan ng panahon at ang iba’t ibang uri nito. Panahon Ito ay ang pansamantalang lagay ng atmospera sa isang lugar na maaaring magbago bawat oras. Pinapakita nito ang kalagayan ng isang lugar na maaraw, maulap, maulan, mahangin o bumabagyo. Narito naman ang iba’t ibang uri ng panahon: 1. Maaraw Ito ay uri ng panahon na nagpapakita ng mataas na sikat ng araw. Ang panahon na ito ay may kainitan. Ito ang magandang panahon upang magpatuyo ng nilabhang damit. 2. Maulap Ito ay lagay ng panahon na kung saan makikita natin ang kumpol ng mga ulap sa kalangitan. Ito ang magandang panahon para sa paglalaro o pamamasyal sa parke. 3. Maulan Downloaded by Maria Corazon Talao (mariacorazon.talao001@deped.gov.ph) lOMoARcPSD|24893421 Ito naman ay panahon na makulimlim ang langit. Nararanasan natin ang pagbagsak o pagpatak ng tubig mula sa ulap. Ito rin ang tamang panahon ng pagtatanim ng mga magsasaka. 4. Mahangin Ito ay lagay ng panahon na nararamdaman natin na malakas ang ihip ng hangin. Maganda ang panahong ito para magpalipad ng saranggola. 5. Bumabagyo Ito ang uri ng panahon na nagpapakita ng malakas na ihip ng hangin, malalaki at malalakas na patak ng ulan. Kapag sobra ang dalang ulan, nagdudulot ito ng landslide o pagguho ng lupa at pagbaha naman sa mababang lugar. Paano Nasusukat ang Panahon? 1. Temperatura Ang temperatura ay sukat ng kainitan o kalamigan ng isang bagay. Ginagamit ang thermometer o termometro upang masukat ang Downloaded by Maria Corazon Talao (mariacorazon.talao001@deped.gov.ph) lOMoARcPSD|24893421 temperatura, ang antas ng init o lamig. Sinusukat ang temperatura sa pamamagitan ng degri ng Celsius (C) na nasa kaliwa at degri ng Farenheit (F) na nakasulat sa kanan ng thermometer. Tumataas ito kapag mainit ang panahon at bumababa naman kapag malamig ang panahon. Nagbabago ang temperatura oras-oras. Ang sikat ng araw ang isang sanhi ng pag-init ng panahon. 2. Hangin Ang hangin ay isa ring dahilan kung bakit nagbabago ang panahon. Ang anemometer ay instrumento na sumusukat sa galaw at bilis ng ihip ng hangin. Pagmasdan ang talaan ng panahon sa loob ng isang lingo. Ito ay isang talaan ng panahon na kung saan ay ipinapakita nito ang kalagayan ng panahon sa isang lugar.Gumagamit dito ng simbolo upang mas malinaw na iparating ang kalagayan ng panahon sa susunod na araw. Ngayon naunawaan niyo na ba kung ano ang iba’tibang uri ng panahon at ang mga elementong nakakaapekto sa pagbabago ng panahon sa bawat oras o araw? C. Engagement (Pagpapalihan) Magaling mga bata! Ngayon tayo ay magkakaroon pangkatang gawain. Ang row 1 ang magiging pangkat 1 at row 2 naman ang pangkat 2. Narito ang inyong gagawin. Pangkatang Gawain Group 1 Buuin ang puzzle at alamin ang panahon sa nabuong larawan. Downloaded by Maria Corazon Talao (mariacorazon.talao001@deped.gov.ph) lOMoARcPSD|24893421 Group 2 Idikit ang larawan ng mga gawain sa angkop na hanay ng bawat isang kalagayan ng panahon. Maaraw Maulan Mahangin Maulap Bumabagyo Paglalahad: Gawain: Pagtalakay ng bawat grupo sa kanilang ginawa kaagapay ang guro at mag-aaral. Individual na Gawain: Buksan ang PIVOTA modyul sa Science at sagutan ang Gawain sa Pagkatuto Bilang 1,pahina 16 D. Assimilation Paglalahat: Downloaded by Maria Corazon Talao (mariacorazon.talao001@deped.gov.ph) lOMoARcPSD|24893421 (Paglalapat) Ano ang iba’t ibang uri ng panahon? Sagot ng bata: Maaraw, maulan, mahangin, maulap, at bumabagyo. Magaling! Ano ang nakakaapekto sa pagbabago ng panahon? Sagot ng bata: Temperatura at hangin. Mahusay! Tandaan, Ang pagbabago ng panahon ay dala ng pabago-bagong hangin sa ating paligid. Ang pagbabagong ito ay maaaring may kaugnayan sa temperatura ng hangin at sa mga ulap na may dalang tubig-ulan. Takdang Aralin: Gumawa ng isang collage na nagpapakita ng epekto ng panahon sa mga tao, hayop at halaman. V. PANGNINILAY Prepared by: Noted by: DINALYN A. LONGCOP JENIFER G. MAGTOTO Teacher 1 Teacher-In-Charge Downloaded by Maria Corazon Talao (mariacorazon.talao001@deped.gov.ph)