Uploaded by Joel Purugganan

Pilipinas sa Ika-labing Siyam na Siglo

advertisement
Ika-labing Siyam na Siglo
Hindi lingid sa kaalaman ng mga nakararami na ang Pilipinas ay napasailalim sa kolonya
at pamumuno ng mga Espanyol sa maraminng taon. Sa pag-uulat ni Kalaw (1986), unang
nabuo ang sistema ng politika na naayon sa kagustuhan ng Espanya sa ating bansa na
pinangunahan ng mga encomenderos—mga namumuno sa mga lupang inangkin ng
Espanya—at kalaunang nailipat sa mga lokal na pari. Hinati ang mga lugar sa mga barrio na
pinamumunuan ng mga cabezas de barangay. Ang bawat barrio ay nasasangkot sa isang
bayan na pinangungunahan ng mga gobernadorcillo. Sa ibabaw nito ay ang mga alcaldes na
kung saan nailipat sa panghukumang posisyon kasabay ng pagkakaroon ng paghihiwalay sa
ehekutibo at hudikatura noong 1866. Ang namumuno naman sa buong sistema ng gobyerno
noon ay ang mga gobernador heneral. Ngunit, tulad ng nabanggit sa papel, ang totoong may
kapangyarihan sa lokal na politka ay ang mga pari pa rin.
Noong 1863, ipinatupad ang Real Cedula de Gracias sa Pilipinas, kung saan nagkaroon
ng mga pagbabago sa sistema ng pamahalaan. Sa ganitong sistema, naging malaya ang mga
magsasaka na mamuhay at magtanim sa mga lupaing hindi pag-aari ng mga Espanyol
(Ocampo, 2005). Sa kalagitnaan ng ika-labing siyam na siglo, iba pang reporma at pagbabago
ang naganap sa ating bansa. Sa pagtatalakay ni Pilapil (1961), nagkaroon ng bagong reál
cedulas patungkol sa pagtatalaga, pagsulong, at limitasyon ng mga alkalde na kung saan isa sa
mahahalagang patakaran ang paghihintulot na maging alkalde ang mga abogado na may
kasanayan sa loob ng dalawang taon o higit pa. Kasabay nito, nabigyan din ang mga Pilipino ng
unti-unting oportunidad na maging parte ng lokal na goberno sa ilalim ng Maura Law ng 1893.
Sa taong 1814, si Mariano Pilapil at Andres Gatmaytan ay mga edukadong Pilipino na nahalal
sa isang posisyon (Cruz, 1989). Samantalang, si Emilio Aguinaldo naman ay nanungkulan
bilang kaunaunahang presidente ng Pilipinas noong 1898 (Britannica, 2023).
Nasimulan naman ang pagpapalaganap ng edukasyon dahil sa reál cedulas noong 1863
(Pilapil, 1961). Dito, ang mga misyonaryo ang nagmistulang guro sa mga katutubong Pilipino.
Sa sumunod na taon, nakikita na mmarami sa mga Pilipino ang marunong magbasa at
magsulat.
Sa larangan naman ng ekonomiya, ang pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas ay
nagdulot ng pagbabago sa mga kalakal at pananalapi. Noong mga unang panahon ng
kolonyalismo, ang mga Espanyol ay nagpapakalat ng kanilang pananampalataya sa bansa, at
kasabay nito ay ang pagkakaroon ng mga bagong kalakal tulad ng mga kagamitan sa paggawa
ng alak at tela. Sa panahon ng pagkakaroon ng mga ganitong industriya, lumago ang
ekonomiya ng bansa at nadagdagan ang kita ng mga magsasaka. Sa papel ni Abueg (2017),
nasabing nabuhay ang ekonomiya ng bansa dahil sa pagpapalaganap ng intensyong ibenta ang
mga nasasakang pananim, o ang cash crop. Noong 1825, nakapagtala ng unang isang milyong
peso sa pag-export ng mga produkto galing sa Pilipinas (Valdepeñas & Bautista, 1977). Noong
1851 at 1862 naman, naitatag ang El Banco Filipino de Isabella II na ngayon ay Bank of the
Philippine Islands at ang Monte de Piedad y Caha de Ahorros (Abueg, 2017).
Subalit, ang pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas ay hindi rin nakatagal dahil sa mga
batas ng mga Espanyol na nagdulot ng pagkakait ng mga kalakal sa Pilipinas. Ayon kay
Cullinane (1994), hindi rin naging matagumpay ang pagpapaunlad sa mga magsasakang
Pilipino sa pagpapalawak ng kooperasyon dahil sa paghahadlang ng sistema ng mga barangay.
Sa parehong ulat ni Abueg (2017), naabuso rin ang mga cash crop dahil sa monopolya ng
tobacco. Nagkaroon din ng negasyon sa naturang Manila-Acapulo galleon trade ang ilang
mgamananalysay tulad ni Roessingh.
Sa kabuuan, ilan lamang ito sa mga mahahalagang pangyayari sa ika-labing siyam na
siglo sa Pilipinas. Ang kalagayan at estado ng politika at ekonomiya sa bansa ay tunay ngang
malaki ang naging kontribusyon sa ating bansa. Maraming magagandang naidulot, ngunit
mapapansin din ang mga hindi kaaya-ayang epekto.
Mga Sanggunian:
Abueg, L. C. (2017). An Econometric History of Philippine Trade: 1810-1899. DLSU Business &
Economics
Review,
26(2),
125-146.
https://www.dlsu.edu.ph/wp-content/uploads/2019/03/9abueg-012517.pdf
Britannica. (2023). Emilio Aguinaldo. https://www.britannica.com/biography/Emilio-Aguinaldo
Cullinane, J. P. (1994). The concept of entrepreneurship. Journal of Small Business
Management, 32(2), 1-10.
Cruz, R. V. (1989). NATIONALISM IN 19TH CENTURY MANILA. In MANILA: History, People
and Culture: The Proceedings of the Manila Studies Conference (pp. 57-70).
cruz.pdf (upd.edu.ph)
Kalaw, M. M. (1927). The development of Philippine politics. PI, Oriental commercial Company,
Incorporated. https://searchworks.stanford.edu/view/2127312
Pilapil, V. R. (19961). Nineteenth-Century Philippines and the Friar-Problem. The Americas,
18(2), 127-148. http://www.jstor.org/stable/979040
Valdepeñas, V., Jr., & Bautista, G. (1977). The emergence of the Philippine economy. City of
Manila: Papyrus Press
Download