“Si Gong Galunggong” Si Gong Galunggong ay isang isda. Sa maalat at malamig na tubig-dagat siya nakatira. Makulit at malikot ang isdang si Gong Galunggong. Kilos nang kilos at langoy nang langoy kasama ang iba pang isda. Mahilig silang lumangoy paitaas at paibaba. Mahilig silang lumangoy paitaas at paibaba. Nagtatago rin sila sa magagandang koral at makukulay na halamang dagat. Kung minsan, sa gilid ng malalaking bato sila’y naghahabulan. Isang araw habang namamasyal Gong si Galunggong kasama ang iba isda, pang makukulay na nakasalubong nila ang isang higanteng isda na may malalaking mata. Matutulis ang mga ngipin nito at may mamatalim na palikpik. “Bilis, magtago tayo sa bato!” sigaw ni Gong Galunggong sa iba pa niyang kasama. Ngunit, maliksi ang higanteng isda. Bago pa nakapagtago sa bato sina Gong Galunggong, nasa harap na nila ang matatalim na ngipin ng mabangis na higanteng isda. “Inay ko ! Itay ko po!” ang sigaw ng takot na takot na si Gong Galunggong. Parang kidlat sa bilis na dumating ang nanay at tatay ni Gong Galunggong. Agad nilang nilapitan ang anak upang iligtas sa panganib. Ngunit sadyang malaki ang isda at agad na pinalo ng buntot nito ang mga magulang ni Gong Galunggong sabay langoy palayo sa kanila. Walang malay na bumagsak angmga magulang ni Gong Galunggong . Nag-alala si Gong Galunggong sa nangyari. Naging magaan lamang ang kanyang loob nang kumilos ang kanyang Agad na lumapit si Gong Galunggong sa kanyang mga magulang at nangakong hindi na magiging malikot at makulit.