ISPESYALISASYON SA FILIPINO 2018 KONSEPTO NG PINAGMULAN NG TEORYA NG WIKA 1. TEORYANG BIBLIKAL Ang pinagmulan ng wika ay naaayon sa Banal na Kasulatan. Makikita sa Kwentong Tore ng Babel na sa simula ay may isang wika lamang ang lahat ng tao sa daigdig, at dahil dito’y nagkaisa silang gumawa ng pinakamataas na tore upang mapatanyag sila at huwag ng magkawatak-watak. Ito’y salungat sa utos ng Diyos na magkahiwa-hiwalay sila at magsikalat sa buong mundo. Dahil sa kalapastanganan ng tao, nakita ng Diyos ang sanhi ng pagkakaunawaan nila, ang pagkakaroon ng iisang wika. Kaya’t naisipang gibain ng Diyos ang tore at binigyan ng iba’t-ibang wika ang mga tao sa daigdig upang hindi sila magkaunawaan. Ang kahulugan ng “Babel” o “Babilon” ay “kalituhan o pagkawatak-watak.” Sa mga relihiyoso, maaaring hindi na ito pagdududahan pa ngunit marami pa rin ang nagsumikap na usisain ang pagkakaroon ng wika sa daigdig kaya’t maraming teorya o pala-palagay at haka-haka ang lumabas tungkol sa pinagmulan ng wika. -Gina B. Araojo, Delfin A. Baquiran, Rosario V. Nicdao, et.a 2. Rene Descartes Hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya't likas sa kaniya ang gumamit ng wika na aangkop sa kaniyang kalikasan bilang tao. May aparato ang tao lalo na sa kaniyang utak gayundin sa pagsasalita upang magamit sa mataas at komplikadong antas ang wikang kailangan niya hindi lamang para mabuhay bagkus magampanan ang iba't ibang tungkulin nito sa kaniyang buhay. 3. Plato Nalikha ang wika bunga ng pangangailangan. Necessity is the mother of all invention. Sa paniniwalang ito, gaya ng damit, tirahan at pagkain, pangunahing pangangailangan din ng tao ang wika kung kaya;t naimbento ito ng tao. 4. TEORYANG HANGO SA PANANAMPALATAYA Kung ang isang tao ay naniniwalang siya ay nilikha ng Diyos, walang dudang naniniwala rin siyang ang wika ay kaloob ng Diyos sa kanya. Ayon sa tulang “Sa Aking Kabata” ni Dr. Jose Rizal, “Kapagka ang baya’y sadyang umiibig/ Sa kanyang salitang kaloob ng langit…” nangangahulugang kahit na ang pambansang bayani ay naniniwalang ang wika ay galing sa Diyos at maaaring matibay na saligan ng pinagmulan ng wika, ayon na rin sa kwento at mga pahayag na mula sa Bibliya. 5. Charles Darwin Nakikipagsalaparan ang tao kung kaya't nabuo ang wika. Survival of the fittest, elimination of the weakest. Ito ang simpleng batas ni Darwin. Upang mabuhay ang tao, kailangan niya ng wika. Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”, sinasaad dito na ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang makalikha ng iba’t ibang wika. Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o gamitin nang walang pahintulat dahil ito ay saklaw pa rin ng INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES (REPUBLIC ACT 8293). Page 1 ERIKA MAE B. LOGRONIO, Lpt Dr. Carl E. Balita Review Center - Lektyurer ISPESYALISASYON SA FILIPINO 2018 6. Wikang Aramean Believes that all languages originated from their language, Aramean or Aramaic. Syria. May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika. 7. Haring Psammatichos Sinasabi sa paniniwalang ito na bilang hari ng Ehipto, gumawa ng isang eksperimento si Psammatichos kung paano nga ba nakapagsasalita ang tao. May dalawang sanggol siyang pinalaki sa loob ng kuweba at mhigpit na ipinag-tos na hindi ito dapat makarinig ng anumang salita. Sa tagal ng panahon nakapagsalita raw ng "Bekos" ang dalawang bata na ang ibig sabihin ay tinapay. Sa maikling sabi, likas na natututuhan ng tao ang wika kahit hindi ituro ang pinanghahawakan ng teoryang ito. MGA TEORYANG HANGO SA MGA BAGAY SA KAPALIGIRAN May mga haka-haka o mga teoryang nagsasabing ang wika ay nanggaling o ibinatay sa mga materyal na bagay na nakikita at ginagamit ng tao sa paligid. Mula sa mga tunog na nagmumula rito ay nakalikha ang tao ng mga tunog na magsisilbing behikulo ng kanilang pagkakaunawaan hanggang sa ito ay mapaunlad at naging wika. 1. TEORYANG DING-DONG Ayon kay Max Muller, ang bawat bagay sa mundo ay may kasama o kaugnay na tunog. Halimbawa: kampana- ding-dong o kalembang. Ang tunog na ito ay siyang kahulugan ng nasabing bagay Ngunit may kahinaan ang teoryang ito dahil sa maraming bagay ang walang tunog at maraming tunog ang walang katumbas na bagay. 2.TEORYANG BOW-WOW Ang teoryang ito, ginagagad ng tao ang mga tunog na likha ng kalikasan. Halimbawa: tunog ng hayop (tahol ng aso “bow-wow” o “kaw-kaw”). Ang tunog na ito ay siyang kahulugan ng nasabing bagay. May kahinaan ang teoryang ito dahil sa pagkakaiba-iba ng dinig ng iba’t-ibang tao sa sa isang likas na tunog tulad ng Ingles, ang tunog ng manok ay “cock-a-doodle-doo” samantalang sa Filipino ay “tak-ta-la-ok o tit-ti-la-ok.” 3. TEORYANG TATA Sa bawat minuto, ang tao ay may nalilikhang kilos at galaw na naghuhudyat din ng komunikasyon sa ibang tao. Mula sa gawi at kilos na nalilikha ng tao ay may kaakibat na tunog na nagsisilbing daan upang ito ay paunlarin at maging isang wika. Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita. Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta. Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o gamitin nang walang pahintulat dahil ito ay saklaw pa rin ng INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES (REPUBLIC ACT 8293). Page 2 ERIKA MAE B. LOGRONIO, Lpt Dr. Carl E. Balita Review Center - Lektyurer ISPESYALISASYON SA FILIPINO 2018 4. TEORYANG YUM-YUM Ito ay nagsasaad na ang tao ay tumutugon sa pamamagitan ng pagkumpas sa alin mamg bagay na nangangailangan ng aksyon. ng bahagi ng pagtugong ito ay ginagawa sa pamamagitan ng bibig. Halimbawa: sa pagkain o pagnguya ay may tunog na naririnig, ang tunog “yum-yum” o “nam-nam.” 5. TEORYANG YO-HE-YO Ayon kay D.S Diamond, isang linggwista, ang tao ay natututong magsalita bunga ng pwersang pisikal. Halimbawa: pangangarate– “yah! yah!” 6. TEORYANG SING-SONG Ayon sa Danish na linggwistang si Jespersen, ang wika ay buhat sa di mawatasang pag-awit ng mga kauna-unahang tao. Karaniwang may melodiya at tono sa pag-usal ng unang tao sa mundo. Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal. Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami. 7.Hey you! Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga ng interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak. 8.Coo Coo Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol. Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang nanggagaya ng tunog ng mga matatanda. 9.Babble Lucky Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao. Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga hindi sinasadya at walang kabuluhang tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid na kalaunan ay naging pangalan ng mga iyon. 10. Hocus Pocus Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o gamitin nang walang pahintulat dahil ito ay saklaw pa rin ng INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES (REPUBLIC ACT 8293). Page 3 ERIKA MAE B. LOGRONIO, Lpt Dr. Carl E. Balita Review Center - Lektyurer ISPESYALISASYON SA FILIPINO 2018 Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno. Maaari raw kasing noo’y tinatawag ng mga unang tao ang mga hayop sa pamamagitan ng mga mahikal na tunog na kalaunan ay naging pangalan ng bawat hayop. 11. Eureka! Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw na ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagaybagay (Boeree, 2003). 12. La-la Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita. 13. Ta-ra-ra-boom-de-ay Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. 14. Mama Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya masasabi ang salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang mama bilang panumbas sa salitang mother. 15. Pooh pooh Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa. Pansinin nga naman ang isang Pilipinong napapabulalas sa sakit. Hindi ba’t siya’ y napapa-Aray! Samantalang ang mga Amerikano ay napapa-ouch! Ano’ng naibubulalas natin kung tayo’y nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng takot? PAGKATUTO SA WIKA UNANG YUGTO: PASUMALA (RANDOM) - Ang bata ay lumilikha ng mga tunog na kakailanganin nila sa pagsasalita sa mga darating na araw. - Katulad ng vocalizing, cooing, gurgling at babbling. - Tinatawag ng mga matanda ito bilang ponema. a. BABBLING – binubuo ng magkakalapit na tunog na katinig – patinig gaya Ma MA o Da Da Da b. ECHOIC SPEECH – Ang mga ginagayang pagbigkas at pagsasalita Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o gamitin nang walang pahintulat dahil ito ay saklaw pa rin ng INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES (REPUBLIC ACT 8293). Page 4 ERIKA MAE B. LOGRONIO, Lpt Dr. Carl E. Balita Review Center - Lektyurer ISPESYALISASYON SA FILIPINO 2018 IKALAWANG YUGTO: UNITARY - Patuloy na lumilikha ng maliliit na yunit n tunog ang mga bata na limitado sa isang pantig. - Ang haba ng pagsasalita o likhang tunog ay naayon sa kalikasan ng pag – unlad na pisikal at pagkontrol sa paggamit ng kanilang mekanismo sa pagsasalita sapagkat ang mga proseso ng paglinang ng wika at paggulang (maturation) ay magkasabay na nagaganap. a. HOLOPHRASTIC SPEECH – ang paggamit ng mga bata ng isang salita upang magpahayag ng mga ideya. - Sa gulang na 12 buwan, ang mga bata ay nagsisimula ng sumunod s=sa ilang payak na pasalitang pautos tulad ng upo, tayo, atbp. At mapaghuhulol na maari na silang magsimulang sumagot sa kabuuang ponemikong konspigurasyon ng mga salita at mga parirala. IKATLONG YUGTO: EKSPANSYON AT DELIMITASYON - Ang pagsasalita ay umuunlad mula sa isahan o dalawang pagsasalita hanggang sa maging katulad na ito ng pagsasalita ng matanda (18-20 buwan, dalawang salita) Dalawang klaseng salitang ginamit: a. PIVOT CLASS – kalimita;y maikli, at ito iyong malimit nilang bigkasin at maaaring nasa una o ikalawang posisyon. Hal. Kain Mommy, Kain Baby, Kain Ato b. PIVOT WORD – hal. Dede ko, Dede tata, Dede Mama, Tuya alit, Mommy alit, Daddy alit, alit, Mommy raro. - Ang bata ay palatanong ng maraming BAKIT? ANO YAN? ANO ITO ? IKAAPAT NA YUGTO: KAMALAYANG ISTRUKTURAL - Habang patuloy na nagiging komplikado ang kanilang pagsasalita, magagawa nilang magkamali dahil bumubuo sila ng sariling paglalahat na kung minsa ay hindi pinapansin ang eksepsyon. Hal. Nikain vs Kinain IKALIMANG YUGTO: OTOMATIK - Ang bata’y nakapagsasalita na nga may wastong balarila kaya’y nagagwa na nilang maihayag ang kanilang ideya at damdamin kagaya ng mga matatandnag tagapagsalita ng wika. - Nasa yugto na ang bata’y papasok na sa kindergarten. IKAANIM NA YUGTO: MALIKHAIN - Nagagawa na ng bata na mag-imbento o lumikha g sarili nilang wika bagamat ang mga pariralang gamit ay dati nang naririnig, nagkakaroon sila ng lakas ng loob dahil nagagawa na nilang magsalita ang gingamit ng kanilang mga kaibigan at mga tao sa paligid. - Malalagpm na ang mga bata ay natututo sa wika sa pamamagitan ng: Pag-ugnay (Pagtambal ng tunay na bagay sa tunog ng salita) Pagpapatibay (Anumanng positibong papuri na gaganyak sa isang bata upang ulitin ang anumang tugon) Panggagaya(Panggagad sa anumang tunog na naririnig sa matatanda) Elaborasyon (Pagpapalawak ng isang salita upang makabuo ng pangungusap) PONEMANG SEGMENTAL AT SUPRASEGMENTAL PONOLOHIYA –pag-aaral sa makabuluhang tunog. PONEMA – pinakamaliit nay unit ng tunog. PONEMANG SEGMENTAL – ito ay ginagamit ng mga katumbas na letra upang mabasa at mabigkas. KATINIG – ipinakikita ito batay sa paraan at punto ng artikulasyon. (m.t.) o (w.t) PUNTO NG ARTIKULASYON – bahagi ng bibig kung saan ang pagbuo ng katinig. PARAAN NG ARTIKULASYON – paraan kung paano nalilikha ang katinig. Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o gamitin nang walang pahintulat dahil ito ay saklaw pa rin ng INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES (REPUBLIC ACT 8293). Page 5 ERIKA MAE B. LOGRONIO, Lpt Dr. Carl E. Balita Review Center - Lektyurer ISPESYALISASYON SA FILIPINO 2018 DIPTONGGO – magkasamang patinig at malapatinig na w at y. May pitong diptonggo sa Filipino: ay, ey, oy, uy, aw, ow, iw. KLASTER O KAMBAL KATINIG – magkasunod na patinig sa isang pantig. PARES MINIMAL – pares ng salita na magkaiba ang kahuluganngunit magkatulad ng bigkas maliban sa isang ponema sa parehong posisyon. PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN –pares ng salita na katatagpuan ng magkaibang ponema sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nakaaapekto o nakapagpapabago sa kabuuan ng salita. PONEMANG SUPRASEGMENTAL – tinutumbasan naman ito ng simbolo lamang upang matukoy ang paraan ng pagbigkas. DIIN – paglakas o paghina ng pagbigkas ng isang salita. Malumay, ,malumi, mabilis, maragsa TONO, INTONASYON, PUNTO –tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tunig sa pagsasalita. HINTO, ANTALA – saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang ibig na sabihin. HABA – tumutukoy sa haba o ikli ng pagbigkas ng salita. SILABIKASYON – paghahati ng mga pantig sa wikang Filipino. PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO 1. ASIMILASYON- pagbabagong naganap sa /n/ sa posisyong pinal dahil sa impluwensiya ng ponemang kasunod nito. kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa / d, l, r, s, t /, ang panlaping pang- ay nagiging pan-. Ito ay nagiging pam- naman kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa / b, p /. Paalala: Nananatilinng pang- kapag ang kasunod na tunog ay mga katinig na / k, m, n, ng, w, y / o patinig ( a, e, I, o, u ). Nilalagyan ng gitling ( - ) kapag ang salitang ugat ay nagsisimula sa patinig. d.l.r,s,t PAN MAN SIN SAN Hal. Pan+ dikdik =Pandikdik b, o p PAM MAM SIM SAM pam + bayan =pambayan k,g,h, m, n, ng,w, y PANG MANG SING SANG pang + gabi =panggabi 1. Pang + lunas - panglunas - panlunas 2. Pang = baon - pangbaon - pambaon 3. Pang + kulay - pangkulay 4. Pang + isahan - pang – isahan Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o gamitin nang walang pahintulat dahil ito ay saklaw pa rin ng INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES (REPUBLIC ACT 8293). Page 6 ERIKA MAE B. LOGRONIO, Lpt Dr. Carl E. Balita Review Center - Lektyurer ISPESYALISASYON SA FILIPINO 2018 2. METATESIS – kapag ang salitang ugat ay nagsisilula sa /l/ o / y/ ay ginitlapian ng (-in) ang /l/ o /y/ ng salitang ugat at ang /n/ ng gitlapi aynagkakapalit ng posisyon. Hal. -In + lipad = linipad = nilipad – in + yaya = yinaya = niyaya -in + yakag = yinakag = niyakag -In + yakap = yinakap = niyakap 3. PAGKAKALTAS NG PONEMA –. Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito. Hal. Takip + -an = takipan = takpan Sara + -han= sarahan = sarhan Dakip + in = dakipin = dakpin Asin + an = asinan = asnan 4. PAGLILIPAT- DIIN- may mga salitang nababago ng diin kapag nilapian. Hal. Basa + -hin = basahin -ka + sama+ han = kasamahan 5. MAY ANGKOP – kung sa dalawang salitang magkasunod ang una’y nababawasan ng papungo o pakutad at kung minsa pay napapalitan ng isa o ilang titik sa loob bago napipisan sa dalawang salita sa isa na lamang. Hal. Wikain mo Hayaan mo Winika ko Bantay sa katayugan Antabayanan kamo hamo ikako Bantayog antayan 6. PAGPAPALIT NG PONEMA- kung ang isa o dalawang titik ng salita ay napapalitan ng iba bukod sa kung nagkakaltas o nagsusudlong.Ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang napapalitan ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling ponema ng unlapi. Hal. D Ma + dapat = madapat R marapat Ma + dunong = madunong marunong 7. MAYSUDLONG o PAGDARAGDAG NG PONEMA – kung bukod sa may hulapi na ang salitang pinapandiwa, ito ay sinusudlunagn o dinaragdagan pa ng isa pang hulapi. /-an/, -/han/,/ -in/, /-hin/,/-an/, o /–anan/ Hal. Basa + hin = basahin Ma + ganda = maganda Buti + hin = butihin Muntik = muntikanan, pagmuntikan, pagmuntikanan Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o gamitin nang walang pahintulat dahil ito ay saklaw pa rin ng INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES (REPUBLIC ACT 8293). Page 7 ERIKA MAE B. LOGRONIO, Lpt Dr. Carl E. Balita Review Center - Lektyurer ISPESYALISASYON SA FILIPINO 2018 SINTAKSIS – palabuuan o palaugnayan ng kalipunan ng mga salita na siyang tinatawag natin na pangungusap. PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA SAMBITLA – bulalas kung ituring. a. PANAWAG – ate! Kuya! Nanay! Tatay! b. PAGTAWAG – (pagyaya) Tara! Halika! Kain! Sama! c. PANDAMDAMIN – Aruy! Aray! Naku po! Aba! d. MATINDING DAMDAMIN – Sunog! Tulong! Saklolo! e. PANAGOT SA TANONG – opo! Oo! Hindi po! f. PAUTOS – layas! Takbo! Sulong! Alis! PORMULASYONG PANLIPUNAN – bating magalang. Magandang araw! Magandang Umaga! PENOMINAL – tumutukoy sa pangyayari sa kalikasan. Bumabagyo! Kumikidlat! Lumilindol! EKSISTENSYAL - pagkamayroon o wala. Wala ba tayong tubig? May tao sa parke. MODAL – pagsasaad ng gusto o nais. Gusto ko ng damit. Nais kong matulog. TEMPORAL – pangyayaring hindi pangmatagalan. Umiinit! Lumalamig! KAWASTUHANG PAMBALARILA NANG - sa gitna ng dalawang salitang-ugat, dalawang pawatas o neutral, paraan ng kilos NG - bilang pananda ng tuwirang layon, pananda ng aktor o tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak. KUNG - Pangatnig na panubali at ito’y karaniwang ginagamit sa hugnayang pangungusap. KONG - Nanggaling sa panghalip panaong ko at inaangkupan lamang ng ng. MAY - sinusundan ng pangngalan, pandiwa, pang-uri at panghalip panao sa kaukulang paari. MAYROON - kapag may napasingit na kataga sa salitang sinusundan nito; Panagot sa tanong at nangangahulugang ng pagka-maykaya sa buhay. BITIWAN – paghawak sa tao BITAWAN – lugar o bagay AYUSIN - bagay AYUSAN - tao SINA/NINA – 2 tao ang tinutukoy NILA/SILA – 1 tao para sa kabuuan KITA –ikaw at ako (dayalekto) TAKA – ikaw (dayalekto) HAGDAN – inaakyatan o binababaan HAGDANAN – kinalalagyan ng hagdan PINTO – kahoy na nakaharang at may seradura PINTUAN – lagusan na pasukan at labasan; kung saan nakalagay ang pinto PASUKIN – akmang pagpasok; panloloob PASUKAN –maglalagay ng gamit BUTASIN –akmang pagbutas sa bagay BUTASAN –tao ang gagawa BILHIN – gamit BILHAN –tao WALISIN – dumi o kalat WALISAN - lugar SUBUKIN - Pagsusuri o pagsisiyasatupang malaman ang ginagawa ng isang tao o mga bagay. SUBUKAN - Pagtingin upang malaman ang ginagawa ng isang tao o mga tao. PAHIRIN - Kilos na nangangahulugan ng pag-aalis o pagpawi sa isang bagay. Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o gamitin nang walang pahintulat dahil ito ay saklaw pa rin ng INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES (REPUBLIC ACT 8293). Page 8 ERIKA MAE B. LOGRONIO, Lpt Dr. Carl E. Balita Review Center - Lektyurer ISPESYALISASYON SA FILIPINO 2018 PAHIRAN - Paglalagay ng kaunting bagay at karaniwan sa bahagi ng katawan. OPERAHIN - Tiyak na bahagi na tinitistis. OPERAHAN - Tao hindi ang bahagi ng katawan SUMAKAY - Pandiwang palipat at nangangailangan ng tuwirang layon MAGSAKAY - Pandiwang katawanin at hindi nangangailangan ng tuwirang layon. RIN AT RAW - Nagtatapos sa patinig at sa malapatinig na w at y DIN AT DAW - Nagtatapos sa katinig maliban sa w at y NAPAKASAL - Ginagawang pag-iisang dibdib ng dalawang nilalang na nagmamahalan. NAGPAKASAL - Taong naging punong-abala o siyang nangasiwa upang makasal ang isang lalaki at babae. KOMUNIKASYON – palitan ng mensahe sa pagitan ng dalawang tao. BERBAL – kasangkapang ang boses at may kasangkot na salita. a. INTRAPERSONAL – pagkausap sa sarili. b. INTERPERSONAL – pagkikiusap sa kapwa at may nagaganap na palitan ng mensahe. Personal – AKO at IKAW. Malaya at di napapalitan ang negatibong pansariling impormasyon at komentaryo . Impersonal – KAYO at SILA. Ito ay alinsunod sa sa alintuntunig sosyal o pangkaasalan na itinuturo ng magulang at guro. Pinakapipili ang mga salita at pinakaiingatan ang tono ng pagbibitiw ng dala ng respeto sa kausap at nangingilag mahusgahan ng masama. DI-BERBAL – hindi ginagamitan ng salita. a. PROXEMICS – distansya f. OLFACTORICS – pang – amoy k. KINESICS – galaw ng b. OCULESICS – paningin g. COLORICS – kulay katawan c. PICTICS – mukha h. OBJECTICS – bagay d. Chronemics –ORAS i. VOCALICS – tono e. HAPTICS - haplos j. ICONICS - simbolo KAKAYAHANG ISTRATEJIK - Kakayahang magamit ang verbal at di-verbal na mga hudyat upang maipabatid ng mas malinaw ang mensahe at maiwsan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa komunikasyon. - Kumpas ng kamay, tindig, ekspresyon ng mukha atbp. KAKAYAHANG DISKORSAL: ANG PAGTIYAK SA KAHULUGAN NG MGA TEKSTO O SITWASYON AYON SA KONTEKSTO - Bahagi ng komunikasyon at itinuturing na pagpapalitan ng pagpapahayag. May dalawa itong paraan ang pasalitang diskurso at pasulat na diskurso. a. KONTEKSTO INTERPERSONAL PANG-GRUPO PANG-ORGANISASYON PANG-MASANG TALUMPATI INTERKULTURAL PANG-KASARIAN Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o gamitin nang walang pahintulat dahil ito ay saklaw pa rin ng INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES (REPUBLIC ACT 8293). Page 9 ERIKA MAE B. LOGRONIO, Lpt Dr. Carl E. Balita Review Center - Lektyurer ISPESYALISASYON SA FILIPINO 2018 KAKAYAHANG SOSYOLINGGWISTIKO - Ang ugnayan ng wika at lipunan particular ang kaangkupan ng gamit ng isang wika batay sa iba’t – ibang konteksto. Hal. Mag – iiba ang takbo ng usapan sa loob ng isang pormal na komunikatibong sitwasyon gaya ng talakayan sa klase, asembleya o pagpupulong kumpara sa isang impormal na sitwasyon gaya ng kwentuhan ng magkakamag-aral sa labas ng silia-aralan. URI NG BARAYTI a. SOSYOLEK b. IDYOLEK c. ETNOLEK d. PIDGIN e. CREOLE ETNOHRAPIYA NG KOMUNIKASYON (DELL HYMES) S – SETTING AT SCENE (lugar at oras ng usapan) - Kailangang malaman kung nasaan ang tagapagsalita para maiayon niya ang kanyang pananalita at paggamit ng wika sa kanyang kausap. P – PARTICIPANTS (mga taong sangkot sa usapan) - Binabatay ng tagapagsalita ang kanyang tono ng pananalita at paggamit ng salita dahil ikinukunsidera nito ang panlipunang katayuan ng kanyang mga tagapakinig. E –ENDS (layunin at mithiin ng usapan/patutunguhan) - Patutunguhan ng gusting ihayag ng tagapagsalitasa kanyang tagapakinig. A – ACT SEQUENCE (pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari) - Takbo o ayos ng usapan ng tagapagsalita at tagapakinig. K – KEYS (pangkalahatang tono o paraan ng pagsasalita) - (pormal o di-pormal na usapan) dumedepende sa gamit ng salita, ayos ng pananamit ng tao at sa kanilang galaw. Dito rin malalaman kung anong salita ang dapat na gagamitin. I – INSTRUMENTALITIES (midyum ng usapan) - (pasulat o pasalita) kailangang alamin kung anong midyum ang gagamitin sa pakikipag-komunikasyon at kung ito ba’y babagay sa sitwasyon. N – NORMS - Dito inaalam kung tugma o alam ng tagapagsalita ang mga paksang kanyang ginagamit at kung ito’y ibinabatay sa sosyal na panuntunan at pamamahala ng mga aksyon at reaksyon. Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o gamitin nang walang pahintulat dahil ito ay saklaw pa rin ng INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES (REPUBLIC ACT 8293). Page 10 ERIKA MAE B. LOGRONIO, Lpt Dr. Carl E. Balita Review Center - Lektyurer ISPESYALISASYON SA FILIPINO 2018 G – GENRE - Isinasaalang-alang ang uri ng pagsasalita gawa o kaganapan para sa mga halimbawa at ang uri ng kwento na ginamit. MGA SAGISAG-PANULAT NG MGA PILIPINONG MANUNULAT ● Emilio Aguinaldo – Rosalia Magdalo, Magdalo ● Virgilio Almario – Rio Alma ● Cecilio Apostol – Catulo, Calipso and Calypso ● Francisco Baltazar – Balagtas ● Andres Bonifacio – Agapito Bagumbayan, Maypagasa, Magdiwang, Salin ng Mi Ultimo Adios sa Filipino ● Felipe Calderon – Simoun, Elias ● Florentino Collantes – Kuntil-butil ● Jose Corazon de Jesus – Huseng Batute, Pusong Hapis, Luksang Paruparo, Hari ng Balagtasan ● Jose dela Cruz – Huseng Sisiw ● Epifanio delos Santos – G. Solon ● Nestor Vicente Madali Gonzalez – N.V.M. Gonzalez ● Marcelo H. del Pilar – Plaridel, Dolores Manapat, Piping Dilat, Siling Labuyo ● Severino Reyes – Lola Basyang, Ama ng Sarswelang/Dulang Tagalog ● Fernando Ma. Guerrero – Fluvio Gil, Florisel ● Amado Hernandez – Amante Ernani, Herninia de la Riva, Julio Abril ● Emilio Jacinto – Dimas-ilaw, Pingkian ● Nick Joaquin – Quijano de Manila ● Graciano Lopez Jaena – Bolivar, Diego Laura ● Antonio Luna – Taga-ilog ● Juan Luna – J.B., Buan ● Apolinario Mabini – Bini, Paralitiko, Katabay ● Jose Palma – Anahaw, Esteban Estebanes, Gan Hantik ● Jose Maria Panganiban – Jomapa, J.M.P. ● Pascual H. Poblete – Anak-bayan ● Mariano Ponce – Nanding, Tikbalang, Kalipulako ● Jose Rizal – Dimas-alang, Laong-laan, Agno ● Lope K. Santos – Anak-bayan, Doktor Lukas, Lakandalita ● Pio Valenzuela – Madlang-awa ● Jose Garcia Villa – Doveglion Juan Crisostomo Sotto – Binibining Patuphats, Ama ng Panitikang Kapampangan Fr. Modesto de Castro – Urbana at Feliza, Ama ng Klasikong Tuluyan Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o gamitin nang walang pahintulat dahil ito ay saklaw pa rin ng INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES (REPUBLIC ACT 8293). Page 11 ERIKA MAE B. LOGRONIO, Lpt Dr. Carl E. Balita Review Center - Lektyurer ISPESYALISASYON SA FILIPINO 2018 Mariano Ponce – Tikabalang, Kalipulako, Naning, Sobre Filipinas Pedro Paterno – Ninay Francisco Balagtas – Baltazar, Prinsipe ng Balagtasan, Florante at Laura PANITIKAN NG REHIYON ALAMAT Si Malakas at si Maganda – Tagalog Paano Nalikha ang Mundo – Panay Ang ALamat ng Bigas – Bohol Ang Alamat ng Samar at Leyte – Samar at Leyte Ang Pinanggalingan ng Pulo ng Bisaya – Buong lalawigan ng Bisaya Alamat ng Iloilo – Iloilo Ang Araw at ang Gabi – PampangA Bakit Maliwanag ang Araw Kaysa Buwan? – Pampanga Ang Alamat ng Bulkan Mayon – Bicol Kung Bakit Nakatira sa Punong-kahoy ang Matsing – Pangasinan Ang Alamat ng Manuvu – Manobo KWENTONG – BAYAN Ang Bobong Prinsipe Naging Sultan si Pilandok Si Buego a Raga at ang Sultan Nakalbo ang Datu Si Mariang Mapangarapin Ang Punong Kawayan Bakit May Pulang Palong Ang Mga Tandang Si Juan at ang mga Alimango Ang Diwata ng Karagatan EPIKO Biag ni Lam-ang – Ilocos Dagoy at Sudsud – Tagbanug Tuwaang – Bagobo Parang Sabir – Moro Bidasari – Moro Lagda – Bisaya Haraya – Bisaya Maragtas – Bisaya Labaw Donggon – Iloilo Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o gamitin nang walang pahintulat dahil ito ay saklaw pa rin ng INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES (REPUBLIC ACT 8293). Page 12 ERIKA MAE B. LOGRONIO, Lpt Dr. Carl E. Balita Review Center - Lektyurer ISPESYALISASYON SA FILIPINO 2018 Kumintang – Tagalog Ibalon – Bicolano Tulalang – Manobo Darangan – Muslim Hinilawod – Negros AWITING BAYAN Atin Cu Pung Singsing – Capampangan Ti Ayat Ti Maysa nga Ubing – Iloco Manang Biday – Ilocos Pamulinawen – Ilocos O Naraniag A Bulan – Ilocos Kundiman – Tagalog Sarong Banggi – Bicol MAIKLING KWENTO Diin ang Hustisya? – Hiligaynon Paltos sa Paa Sang Burgis – Hiligaynon Miss Pathupats – Campampangan Kwento ni Mabuti – Tagalog Uhaw ang Tigang na Lupa – Tagalog Lungsod, Nayon at Dagat-dagatan – Tagalog Mabangis na Lungsod – Tagalog Si Ama - Tagalog Walang Panginoon – Tagalog DULA Kahapon, Ngayon at Bukas – Campampangan Sa Pula, Sa Puti – Tagalog Sino Ba kayo? – Tagalog Dahil Sa Anak – Tagalog PANUNURING PAMPANITIKAN BAYOGRAPIKAL – Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ang kahinaan at kapintasan ng may-akda sa kanyang akda ay hindi dapat maging kapasyahan ng sinumang bumabasa ng akda. Hal. Si Boy Nicolas ni Pedro L. Ricarte Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o gamitin nang walang pahintulat dahil ito ay saklaw pa rin ng INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES (REPUBLIC ACT 8293). Page 13 ERIKA MAE B. LOGRONIO, Lpt Dr. Carl E. Balita Review Center - Lektyurer ISPESYALISASYON SA FILIPINO 2018 Reseta at Letra: Sa Daigdig ng Isang Dokto-Manunulat ni Dr. Luis Gatmaitan Florante at Laura: Kay Selya ni Francisco Balagtas Mga Gunita ni Genoveva Edroza Matute Sa mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo Reyes HISTORIKAL – Ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais rin nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo. Hal. Noli Me Tangere at EL Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal Ang Tatalong Panahon ng Tulang Tagalog ni Julian Cruz Balmaceda Ang Pagkaunlad ng Nobelang Tagalog ni Inigo Ed Regalado KLASISMO – mgalahad ng payak na pangyayari ukol sa karaniwang daloy, matipid at piling – pili sa paggamit ng mga salita lagging nagtatapos nang may kaayusan. (Gresya bago isinilang si Kristo) - Nakasentro sa mga dulang itinatanghal. - Komedya at Trahedya; bilang dalawang pinakatanyag na uri ng dula. - Gintong Panahon (80 B.C.) nakilala ang panulaan bilang pinakamahalagang genre sa pagsulat at pagsusuri (epiko,satiriko, tulang liriko at pastoral) - Panahon ng Pilak: paglaganap ng prosa at bagong komedya. - Talambuhay, liham-gramatika, pamumuna at panunuring pampanitikan - Pinahahalagahan ng mga klasista ang pagsasabuhay ng isang dakilang kaisipan sa isang dakilang katawan. - Matipid sa paggamit ng wika ang mga klasista – “hindi angkop ang paggamit g mga salitang balbal. Hindi rin angkop ang labis na emosyon.” - KATANGIAN NG AKDANG KLASIKO: Pagkamalinaw Pagkamarangal Pagkapayak Pagkamatimpi Pagkaobhetibo Pagkasunod-sunod Pagkakaroon ng hangganan Hal. Florante at Laura HUMANISMO – ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talent atbp. (Renacimiento o Muling Pagsilang sa Italya) Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o gamitin nang walang pahintulat dahil ito ay saklaw pa rin ng INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES (REPUBLIC ACT 8293). Page 14 ERIKA MAE B. LOGRONIO, Lpt Dr. Carl E. Balita Review Center - Lektyurer ISPESYALISASYON SA FILIPINO 2018 KATANGIAN NG HUMANISMONG AKDA: Magkaugnay at nagkakaisang balangkas May buong kaisipan Nakaaaliw Pagpapahalaga sa katotohanan Hal. Don Quixote dela Mancha (1605) ni Miguel Cervantes de Saadvedra Titser ni Liwayway Arceo ROMANTISISMO – maipamalas ang iba’t – ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sap ag – aalay ng kanyang pag – ibig sa kapwa, bansa at mundong kilakhan. (Europa – Ikalawang hati ng Ikalabinwalong dantaon) DALAWANG URI: A. ROMANTISISMONG TRADISYUNAL – nagpapahalaga sa halagang pantao B. ROMANTISISMONG REBOLUSYONARYO – pagkamakasaling karakter ng isang tauhan. Hal. PANULAANG PILIPINO Jose Corazon de Jesus Lope K. Santos Ildefonso Santiago Florentino Collantes Inigo Ed Regalado Teodoro Gener - MAKATANG ROMATIKO MAIKLING KWENTO AT NOBELA Macario Pneda Jose Esperanza Faustina Galauran REALISMO – ipakita ang karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Hango sa tunay na buhay ngunit hindi tuwiranng totoo sapagkat isinaalang – alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang isinulat. (Rebolusyong Industriya: Ika-19 na siglo) Mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan. Karaniwang paksain ay tungkol sa kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo, katiwalian, kawalan ng katarungan, prustitusyon atbp. Hal. Noli Me Tanger at El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal Banaag at Sikat ni Lope K. Santos Satanas sa Lupa ni Celso Carunungan Laro sa Baga ni Edgardo Reyes Ito Pala Ang Inyo ni Federico Sebastian (dula) May Isang Sundalo at Nana ni Rene Villanueva (dula) - PORMALISTIKO – iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Walang simbolismo at hindi humihingi ng gigit na malalimang pagsusuri’t pang – unawa. Tanging pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng pagdulog na ito. Matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda. Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o gamitin nang walang pahintulat dahil ito ay saklaw pa rin ng INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES (REPUBLIC ACT 8293). Page 15 ERIKA MAE B. LOGRONIO, Lpt Dr. Carl E. Balita Review Center - Lektyurer ISPESYALISASYON SA FILIPINO 2018 - Masuri sa akda ang tema o paksa ng akda, ang sesibilidad at pag-uugnayin ng mga salita, istruktura ng wika, metapora, imahen at iba pang element ng akda. Hal. Paaralan ni Axel Pinpin PIGISLAM: Pagbibinyag ng mga Muslim Salin mula sa Ingles ni Elvira B. Estravo - SIKO – ANALITIKO – tanging ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan. (Bago ipanganak si Kristo) Nasa paghahanapbuhay ang tugon upang lasapin ang sarap ng buhay. Nagkaroon lamang ng maturidad ang isang tao ng kanyang kamalayan sa kahirapan. Paggawa ng isang Tao sa isang bagay kahit na labag sa kanyang kalooban dahil kailangan. Hal. Lalaki sa Dilim ni Benjamin Pascual - EKSISTENSYALISMO – ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyng pananatili sa mundo ng kanyang pannatili sa mundo (human existence) (Huling bahagi ng Ikadalawang dekada ng nakaraang dantaon) Walang simulain at maihahalintuald ito sa romantisismo dahil sa paghanap ng tunay na paraan ng pagpapahyag o ekspresyon; Modernismo dahil nagpipilit itong magwasak ng kasaysayan. Hal. Ako ang Daigdig ni Alejandro G> Abadilla Aanhin Nino Yan? Pantikang Thai Salin ni Lualhati Bautista ISTRUKTURALISMO – wika ang mahalaga dahil bukod sa hinuhubog nito ang kamalayang panlipunan – ipinalalagay ng maraming teorista na napakahalaga ng diskurso sa paghubog ng kamalayang panlipunan – di-makatao. (Unang dekada ng 20 dantaon) DEKONSTRUKSYON – ipakita ang iba’t – ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. - Paglalantad ng magkasalungat na kahulugan o implikasyon ng teksto at ng mga salita at pangungusap. Hal. Tata Selo ni Rogelio Sikat Kay Estella Zeehandelaar slin ni Ruth Elynia S> Mabanglo - FEMINISMO – magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Marupok, mahina, tanga, sunud – sunuran, maramdamin, emosyonal, pantahanan at masama. DAKILANG FEMINISTA: Genoveva Edroza Matute Lualhati Bautista Elena Patron Liwayway Arceo Hal. Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o gamitin nang walang pahintulat dahil ito ay saklaw pa rin ng INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES (REPUBLIC ACT 8293). Page 16 ERIKA MAE B. LOGRONIO, Lpt Dr. Carl E. Balita Review Center - Lektyurer ISPESYALISASYON SA FILIPINO 2018 Sa Ngalan ng Ina, ng Anak ng Diwata’t Paraluman ni Lilia Quindoza Santiago Sandaang Damit ni Fanny Garcia (Maikling Kwento) Sumpa ni Rowena Festin (tula) Paano Tumutula ang Isang Ina ni Ligaya G. Tiamson – Rubin (Tula) MORALISTIKO – sumusukat sa pamantayang pang – moralidad ng isang tao – ang pamantayang mali at tama. Hal. Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza Matute Ibig kong Makita ni Benigno Ramos ARKITAYPAL – natutungkol sa mga sagisag na ang kahulugan ay itnakda ng mga sinaunang akda – alamat, mitolohiya, bibliya at ginagamit ito sa pagbibigay ng interpretasyon. Hal. Ang Aking Krimas Tri KATAWAGANG PAMPANITIKAN KULTURANG POPULAR – Kultura ng gitnang uri kaakibat ng dilemma ng nasabing uri SALAWIKAIN/KASABIHAN – maiigsing pahayag ng mga pangkalahatang katotohanan EPIKO – Kwento ng kabayanihan; punong-puno ng kagila-gilalas na pangyayari AWITING BAYAN – Katutubong awitin DULA – Isinulat hindi lamang para basahin kundi upang mapanood sa tanghalan SANAYSAY - pagpapahayag ng kuru-kuro o opinion ng manunulat ALITERASYON – paulit – ulit na tunog ng isang katinig sa tula ALUSYON - di tuwirang pagsasabi ng tao, pook o pangyayari na tinutukoy ANTAGONISTA – kontrabida ASONNANSYA – paulit – ulit na tunog ng isang patinig sa tula AWIT – tulang may labindalawang pantig BANGHAY – kawil ng mga pangyayari DEUS EX-MACHINA – di kapani-paniwalang paglutas ng suliranin EKSAHERASYON – pagmamalabis ELEHIYA – tula ng panimdim EPIGRAPH – kawikaan o pagsipi na matatagpuan sa simula ng tula, dula, kwento, kabanata o sanaysay EPILOQUE – maikling paglalahat sa hulihan ng akdang pampanitikan EPISTOLARYONG PAMPANITIKAN – akdang pampanitikan sa paraang sulatan GENRE – uri ng akdang pampanitikan IRONIYA - paglalahad ng kabaligtaran ang mga kahulugan KAKALASAN – kalutasan ng pangyuayari KAPANIWALAAN(VERSIMILITUDE) – pagiging kapani-paniwala ng mga pangyayari KASUKDULAN – pinakamgiting na pangyayari KATHAMBUHAY – likhang kuwento KLASIKO – tradisyonh pampanitikan KONOTASYON – ipinahihiwatig na kahulugan LARAWANG DIWA – imahen LIRIKO – tulang damdamin MAKA-DIYOS NA PANANAW - ang nagsasalaysay ay nakapaglalabas-masok sa isipan at damdamin ng mga tauhan 30. MALAYANG TALUDTURAN – makabagong tula 31. BALIK-TANAW – flashback 32. PERSONIPIKASYON – pagbibigay katauhan sa walang buhay 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 11. 12. 13. 14. 15. 16. 17. 18. 19. 20. 21. 22. 23. 24. 25. 26. 27. 28. 29. Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o gamitin nang walang pahintulat dahil ito ay saklaw pa rin ng INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES (REPUBLIC ACT 8293). Page 17 ERIKA MAE B. LOGRONIO, Lpt Dr. Carl E. Balita Review Center - Lektyurer ISPESYALISASYON SA FILIPINO 2018 PAGPAPAHIWATIG – pagpaparamdam, pagbibigay babala, paghahanda sa mambabasa PAKSANG-DIWA – tema PANANAW – paningin PARODYA – panggagad sa isang may-akda sa paraang patuya PASAWIKAING PAGPAPAHAYAG – bukambibig ng balana METAPORA – tiyakan ang paghahambing. PERSONA – nagsasalita sa tula PROTAGONISTA – pangunahing tauhan SATIRA – lipos ng katatawanang panunuya SIMBOLO – sagisag TUNGGALIAN – paghahamok ng lakas SIMILE – paghahambing METONIMIYA – pagpapalit-tawa EKSKLAMASYON – pagpapahayag ng masidhing damdamin o emosyon PAGTAWAG – kinakausap ang walang buhay ng parang sa tao PAG – UYAM – pananalitang nangungutya PAGTANGGI – hindi pagsang-ayon PAGPAPALIT-SAKLAW – gumagamit ng parte ng katawan para sa kabuuan PAGMAMALABIS – pinakukulang o pinalalabis ang kalagayan ng tao, bagay, pangyayari atbp. PAGPAPASIDHI - patas o kasidhian ng damdaming inihahayag ANTI-CLIMAX – paghahanay ng mga pahayag ng damdamin o kaisipan sa pababang paraan. PAGTATAMBIS(ANTITHESIS) – pagtatambis ng magkasalungat na pahayag PAGSALUNGAT – pagsasama ng dalawang salitang magkasalungat PAGHIHIMIG – tunog na nalilikha. PAGLULUMAY(EUPEMISMO) – mabuting pananalita ng tao, bagay o pangayayari na sa karaniwa’y di tinutukoy ang pagayon. 58. PAGLILIPAT-WIKA(TRANSFERRED EPITHETS) – Inililipat sa bahagi sa bagay na namumukodtanging pang-uri na gamit lamang sa tao 59. PAGTATANONG (RHETORICAL QUESTION) – pagpapahayag na nagtatanong upang tanggapin o di tanggapin ang isang bagay. 33. 34. 35. 36. 37. 38. 39. 40. 41. 42. 43. 44. 45. 46. 47. 48. 49. 50. 51. 52. 53. 54. 55. 56. 57. PANLAHAT NA MGA PAMARAAN, ESTRATEHIYA AT TEKNIK SA PAGTUTURO NG FILIPINO TEORYA – set ng pilosopiyang nagtatangkang bigyang kasagutan ang mga pangyayari. DULOG (APPROACH) – set ng asampsyon o mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at pagtuturo; pangkalahatang pilosopiya na ginagamit sa pagtuturo. PAMARAAN (METHOD) – isang panlahat na pagpapaplanopara sa isang sistematikong paglalahad ng wika at batay sa napiling pagdulog; paraan ng organisasyon ng interaksyong pangklase. ESTRATEHIYA (PROCEDURE) – tiyak na pamamaraan na ginagamit sa bawat hakbang ng pagtuturo. TEKNIK (STYLE) – tiyak na mga gawaing nakikita sa klasrum at knosistent sa isang pamaraan at nauugnay rin sa isang pagdulog. TEKNIK NA MAAARING MALINANG NG GURO SA MGA MAG-AARAL SA PAGTUTURO NG PAGBASA 1. UGNAYANG TANONG-SAGOT - Nabuo ito upang mapataas ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsagot ng mga tanong sa pag-unawa sa pamamagitan ng isang sistematikong pagsusuri sa mga tanong. Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o gamitin nang walang pahintulat dahil ito ay saklaw pa rin ng INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES (REPUBLIC ACT 8293). Page 18 ERIKA MAE B. LOGRONIO, Lpt Dr. Carl E. Balita Review Center - Lektyurer ISPESYALISASYON SA FILIPINO 2018 NASA TEKSTO MISMO - ang sagot ay nasa “teksto” mismo ISIPIN AT HANAPIN – nasa teksto rin ngunit kailangang “pag-ugnayin” (Interpretatib na lebel) IKAW AT ANG AWTOR – dating kaalaman at sariling kaisipan SA AKING SARILI – wala sa teksto at kailangang mabuo sa sariling isipan 2. DR-TA (DIRECTED READING – THINKING ACTIVITY) O PINATNUBAYANG PAGBASA-PAGIISIP - Aktibong nakikilahok ang mag-aaral sa talakayan sa tulong ng mga tanong na nasa mataas na lebel nap ag-iisip. 3. DRA (DIRECTED READING ACTIVITY) O PINATNUBAYANG PAGBASA - Ihanda ang mga mag-aaral sa pagbasa, mabigyang-diin ang pagkilala sa mga salita at ang paglinang ng mga kasanayan sap ag-unawa at mapatnubayan ang mga mag-aaral sa pagbasa ng isang itinakdang kuwento. 4. ReQuest (Reciprocal Questioning) o Tugunang Pagtatanong - Linangin ang aktibong pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbuo ng mga tanong, layunin sa pagbasa, at pag-uugnay ng mga impormasyon. 5. STORY GRAMMAR (PAGSUSURI SA KAYARIAN NG KWENTO) - Pagkakaroon ng kaalaman sa kayarian ng kwento (story sense). Ito’y makatutulong upang mahaka ng bumabasa ang proseso kung paano inilalahad ang isang kuwento. 6. GMA (GROUP MAPPING ACTIVITY) Mabisang paglinang ng pang-unawa o komprehensyon sa pamamagitan ng integrasyon at sinstesis ng mga ideya at konseptong nakapaloob sa kuwento. 7. KWWL (WHAT I KNOW, WHAT I WANT, WHAT I WANT TO LEARN, WHERE CAN I LEARN THIS, WHAT I LEARNED) Naglalayong matulungan ang mga mag-aaral na gamitin ang dating kaalaman sa paksa lalo na sa mga tekstong ekspositori. Tinutulungan nito na magamit ng mga mag-aaral ang dating kaalaman sa pagbasa ng mga bagong paksa at matulungan ang mga mag-aaral na suriin at saliksikin ang mga impormasyong nasa loob at labas ng teksto. MGA KLASIKONG PAMARAAN SA PAGTUTURO NG WIKA 1. PAMARANG GRAMMAR-SALIN Gingamit ang unang wika ng mga mag-aaral at binibigyang-diin ditto ang gramatika at bokabularyo. 2. TUWIRANG PAMARAAN Hindi pinapayagan ang paggamit ng unang wika sap ag-aaral ng target na wika. Binibigyang-diin ang mga kasanayan sa pakikinig at pagsasalita. 3. PAMARAANG AUDIO-LINGUAL (ALM) Panggagaya, pagsasaulo ng mga parirala, at pauli-ulit na pagsasanay. 4. COMMUNITY LANGUAGE LEARNING Klasikong pamamaraan na batay sa domeyn ng damdamin. Nababawasan ang pagkabahala dahil sa ang klase ay komunidad ng mag-aaral a lagging nag-aalalayan sa bawat sandal ng pagkaklase. 5. SUGGESTOPEDIA Isang kaligirang relaks at komportable. Binibigyang-diin ang kakayahang mental at pag-aalis ng mga sagabal na sikolohikal. Ginagamit ang musika at galaw sa pagtuturo ng wika. Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o gamitin nang walang pahintulat dahil ito ay saklaw pa rin ng INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES (REPUBLIC ACT 8293). Page 19 ERIKA MAE B. LOGRONIO, Lpt Dr. Carl E. Balita Review Center - Lektyurer ISPESYALISASYON SA FILIPINO 2018 6. SILENT WAY Ang guro ay nananatiling tahimik ng maraming oras ngunit aktibo sa pagbibigay ng sitwasyon at pakikinig sa mga mag-aaral; nagsasalita lamang siya upang magbigay ng hudyat(cues), pinapayagan ang interaksyong mag-aaral – mag-aaral. 7. TOTAL PHYSICAL RESPONSE (TPR) Pag-uutos ang ginagamit ng guro. Tanging sa guro manggaling ang mg autos. 8. NATURAL APPROACH Gumagamit ang mga mag-aaral ng sinasalitang wika na nauunawaan nila o mas mataas na kaunti. Iyong ginagamit sa pang-araw-araw na kasanayang pang-komunikasyon tulad ng pakikipag-usap, pamimili, pakikinig ng radio atbp. 9. SITWASYUNAL Bawat aralin ay kontekstwalisado sa isang sitwasyon at lahat ng usapan sa daylogo ay doon lamang umiikot. Pamimili sa tindahan, pagdalo sa parti, pagtwag sa telepono atbp. MGA TRADISYUNAL NA PAMARAAN SA PAGTUTURO NG WIKA 1. PAMARAANG PABUOD pamaraang nagsisiula sa nalalaman patungo sa hindi nalalaman. Angkop gamitin sa pagtuturo kaugnay ng pagbubuo ng tuntunin o pagkakaroon ng isang panlahat o “generalization.” 2. PAMARAANG PASAKLAW Kabaligtaran ng pamaraang pabuod. Ito ay nagsisimula sa paglalahad ng tuntunin o pagkakaroon ng mga halimbawa. 3. PAMARAANG PABALAK Ginagamit sa anumang asignatura na may nilalayong magsagawa ng proyekto. Dito nalilinang ang kakayahan at kasanayan sa pagpaplano, sa pagsusuri sa pagpapahayag at pagpapasiya. Nahuhubog din ng mga mag-aaral sa mga magagandang asal tulad ng pakikipagtulungan at pagiging isport. 4. ARALING PAGPAPAHALAGA May layunig mapahalagahan ang ganda ng isang tula, kuwento, awitin, tugtugin o anumang likhang sining. 5. PAMARAANG PATUKLAS Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na makatuklas ng kaalaman, mga konsepto, kaisipan, simulain at mga paglalahat. Ang guro ang tagsubaybay at hindi nagdidikta ng kaalaman o konsepto na dapat malaman ng mga mag-aaral. 6. PAGDULOG KONSEPTWAL Nakatutulong sa paglutas ng mga suliranin sa kanyang buhay o para sa kanyang pakikipamuhay sa lipunan. 7. PAMARAANG MICROWAVE Pagtuturo na gingamitan ng siklo o cycles na binubuo ng maikling usapan na karaniwan ay tanong at sagot sa pangungusap na pasalaysay MGA ISTRATEHIYA BATAY SA PAGDULOG INTEGRATIBO 1. TEMATIK –nag-uugnay sa lahat ng mga kasanayan ng iba’t-ibang disiplina o asignatura. Nakabubuo ng pagkatuto sa mga ideya. Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o gamitin nang walang pahintulat dahil ito ay saklaw pa rin ng INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES (REPUBLIC ACT 8293). Page 20 ERIKA MAE B. LOGRONIO, Lpt Dr. Carl E. Balita Review Center - Lektyurer ISPESYALISASYON SA FILIPINO 2018 2. BATAY SA NILALAMAN (CONTENT-BASED INSTRUCTION) – wika ang gamit o instrument sap agaaral ng mga aralin sa ibang disiplina at ang mga aralin naman ay siyang nagsisilbing paksa o laman ng pinag-uusapan sa wika. 3. GENERIC COMPETENCY – may 3 o 4 na kasanayan na nag-uugnay sa isang disiplina. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 11. 12. 13. 14. 15. 16. 17. 18. 19. 20. KOLABORATIBONG PAGTUTURO COMMITTEE BRAINSTORMING BUZZ SESSION DEBATE AT PANEL SYMPOSIUM ROLE PLAYING FISH BOWL CRIQUING SESSION FORUM ROUND TABLE JURY TRIAL MAJORITY RULE DECISION-MAKING CONSENSUS DECISION-MAKING COMPOSITE REPORT AGENDA TEAM ASSISTED INSTRUCTION (TAI) JIGSAW MEET THE PRESS THINK-PAIR-SHARE MULTIPLE INTELLIGENCE Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o gamitin nang walang pahintulat dahil ito ay saklaw pa rin ng INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES (REPUBLIC ACT 8293). Page 21 ERIKA MAE B. LOGRONIO, Lpt Dr. Carl E. Balita Review Center - Lektyurer