CABITIN ELEMENTARY SCHOOL Mankayan, Benguet MAPEH 2- 4TH Quarter BANGHAY ARALIN SA MAPEH 2 Paaralan Cabitin Elementary School Jobelle D. Tayag Guro Petsa Oras Baitang Ikalawa Asignatura MAPEH-P.E Markahan Sinuri ni: Ika-apat Markahan Lourdes T. Rufino A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay demonstrates understanding of movement activities relating to person, objects, music and environment B. Pamantayang sa Pagganap Ang mag-aaral ay performs movement activities involving person, objects, music and environment correctly Mga Kasanayan sa Pagtuturo Nakagagalaw nang isahan, dalawahan, at pangkatan gamit ang laso, hoop, bola, at mga katutubo/improvised na materyales na may tunog, sa loob at labas ng bahay. PE2BM-IV-c-h-21 Layunin I. NILALAMAN II. KAGAMITANG PANTURO A. Sanggunian 1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro 2. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral 3. Mga Pahina sa Teksbuk 4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource B. Iba pang Kagamitang Panturo Nakikilala ang gamit ng laso, hoop, bola, at iba pang katutubo/improvised na materyales sa pagsasagawa ng ritmikong ehersisyo nang isahan, dalawahan o pangkatan na sumasabay sa tunog o musika, sa loob at labas ng bahay. Gamit ng Laso, Hoop, Bola, at Katutubo/Improvised na Materyales sa Himnastiko K-12 MAPEH-P.E Curriculum Guide p.19 Manila Paper, printed activities, mga larawan tungkol sa gamit ng Laso, Hoop, Bola, at katutubo/Improvised na materyales sa himnastiko III. PAMAMARAAN Gawain ng Guro A. Balik-aral sa Nakaraang Aralin o Panimula sa bagong aralin (Ididikit sa pisara ang isang aktibidad upang subukin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa nakaraang-aralin.) Gabayan ang bata sa pagsagot. B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin (Magpapakita ng larawan ng mga nag hihimnastiko. ) Panuto:Hanapin sa Hanay B ang pangalan ng mga gawaing pisikal na nasa Hanay A. Pagdugtongin ang mga tuldok. Panuto: Pagmasdan ang larawan. Ano ang nakikita sa larawan? Pamilyar ba sa iyo ang nasa larawan? Anong materyales ang ginamit nila? Gawain ng Magaaral (Maaaring kasagutan:) C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin (Idikit sa pisara ang manila paper na may kwento kaugnay sa larawan na pinakita.) Ito ay grupo ng mga mag-aaral na nagsasanay ng gymnastics. Ito ay isang uri ng ritmikong ehersisyo na ginagamitan ng laso. Ang laso ay pinapagalaw ng kamay habang gumagawa pa ng ibang kilos na sumaabay sa musika. Kung may paligsahan, palaging nananalo ang grupong ito dahil sa kanilang koordinasyon o sabay-sabay na pagkilos at malalambot ang kanilang katawan. Maaari ring gumamit ng iba pang kagamitan tulad ng bola, hoop, at katutubo/ improvised na materyales gaya ng bao, patpat, bato at iba pa. 1. Anong uri ng ritmikong ehersisyo ang binasa mo? 3. Bakit palagi silang nananalo? 4. Gusto mo rin bang subukan? Bakit? D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1 (Ipaliwanag at ipabasa ito sa bata.) Ang laso, hoop, bola, at iba pang katutubo/ improvised na materyales tulad ng bao, patpat at dumbbell ay mga simpleng kagamitan sa pagsasagawa ng mga ritmikong ehersisyo na humahasa sa galaw ng katawan, nakapagpapatibay ng koordinasyon ng katawan, balanse at kalambutan ng katawan. (Magpakita ng larawan at halimbawa ng laso o ribbon hoop, dumbbell, bola, bao at patpat.) (idedemo ng guro kung paano gamitin ang bawat materyales sa himnastiko.) Laso o ribbon Hoop Dumbbell Bola Bao Patpat Ang mga ritmikong ehersisyo ay puwedeng gawin nang isahan, dalawahan o pangkatan na sumasabay sa saliw ng tunog o awitin. E. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2 (Gabayan ang bata sa pagsagot.) F.Paglinang sa Kabihasan Tungo sa Formative Assessment Pangkatang gawain Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kagamitang ginamit sa mga ritmikong ehersisyo sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. (Itaas ang kamay ng nais sumagot.) (Idikit sa pisara ang aktibidad) (Magbibigay ng show me board ang guro sa bawat pangkat para sa pangkatang gawain.) Panuto:Iguhit sa inyong “show me board” ang sa patlang kung ang sinasabi ng pangungusap ay wasto at naman kung hindi. 1. Ang mga laso, hoop, bola at bao ay maaaring gamitin sa ritmikong ehersisyo. 2. Ang mga ritmikong ehersisyo na ginagamitan ng laso, hoop, at bola ay nagpapapalambot ng katawan. 3. Kapag ginagamit ang hoop at bola sa ritmikong ehersisyo ay dapat iisa lamang ang gagawa nito. 4. Nakapagpapatibay ng koordinasyon ng katawan ang mga ehersisyong ginagamitan ng laso, hoop, bola at mga katutubong materyales. 5. Magandang panoorin ang mga ritmikong ehersisyo na ito kung sumasabay sa saliw ng tunog o musika. B. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot. G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay (Magkakaroon ng “performance task” ang mag-aaral gamit ang hula hoop) Panuto: Panourin ng mabuti kung paano gamitin ang hula hoop. Pagkatapos, ang bawat isa ay may pagkakataong mag hensayo o sumubok mag hula hoop. H. Paglalahat ng Aralin Itanong: Ano ang ritmikong ehersisyo? Ano ang gamit ng laso? Ano ang gamit ng hoop? Ano ang gamit ng bola? Ano ang isahan sa ritmikong ehersisyo? Ano ang dalawahan sa ritmikong ehersisyo? Ano ang pangkatan sa ritmikong ehersisyo? Bakit mahalaga ang pag-eehersisyo? I. Pagtataya ng aralin Performance task Panuto: Gamitin ang hula hoop nang isahan. Ang bawat mag-aaral na makakapagpa-ikot ng sampung beses ay mamakakakuha ng 10 puntos. Ang makakapagpa-ikot ng walong beses ay makakakuha ng 8 na puntos. At ang makakapagpa-ikot ng limang beses pababa ay makakakuha ng 5 puntos. (Maaaring kasagutan:) (Ang mga magaaral ay mag peperform ng hula hoop na isahan.) J. Karagdagang Gawain Para sa Takdang Aralin at Remediation. Takdang-Aralin: Panuto: Isulat ang 1 sa patlang kung ang gumagawa ng ritmikong ehersisyo ay isahan, 2 kung dalawahan, at 3 kung tatlo o higit pa. Inihanda ni: Jobelle D. Tayag Teacher Intern Inobserbahan ni: Lourdes T. Rufino Cooperating Teacher SUMMATIVE TEST-MAPEH PANGALAN_________________________________ SCORE:_______ A. Panuto: Isulat ang 1 sa patlang kung ang gumagawa ng ritmikong ehersisyo ay isahan, 2 kung dalawahan, at 3 kung tatlo o higit pa. B. Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang kung tama ang bawat pahayag at kung mali. 1. Ang ritmikong ehersisyo ay nagpapaunlad ng katawan. 2. Laso lamang ang ginagamit sa ritmikong ehersisyo. 3. Ang bao ay katutubong materyales na maaaring gamitin sa ritmikong ehersisyo. 4. Maramihan lamang ang pagsasagawa ng ritmikong ehersisyo na ginagamitan ng laso, hoop at bola. 5. May saliw na musika o tunog ang mga ritmikong ehersisyo. C. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kagamitang ginamit sa mga ritmikong ehersisyo sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. (Itaas ang kamay ng nais sumagot.