FILIPINO 102- REVIEWER KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO MIDTERM NA PAGSUSULIT FLEXILEARNING Pangalawang Kwarter, Taong Panuruan 2021-2022 SAAN NAGMULA ANG WIKA? Ayon kay Vajda (n.d), sa mga umiiral na haypotesis o paniniwala, dalawa ang higit na pinaniniwalan nito. ● Divine Creation - pinaniniwalaan ng maraming pangkat na mga tao na ang wika ay kaloob ng mga diyos. Makikita din ito sa Bibliya sa bahaging Torre ni Babel. ● Likas na Ebolusyon - nangangahulugan na dumating sa punto ng tao na nagkakaroon ng sopistikadong pag-iisip kaya ito ang naging daan upang makabuo ng wika o language acquisition device na isang kasangkapan upang makabuo o makalikha at matuto ng wika. ANO NGA BA ANG WIKA? Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon, isang kasangkapan ng kaisipan, isang pamamaraan ng pagpapahayag ng sarili, isang panlipunang institusyon, hanguan ng pagpapahalagang katutubo at kontrobersiyang political (O’Grady at Archibald, 2001). Ayon kay Henry Gleason “Ang wika ay masistemang balangkas, sinasalitang tunog pinipili at isinasaayos, arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.” KATANGIAN NG WIKA AYON KAY HENRY GLEASON ⮚ Ang wika ay Masistemang Balangkas - ang bawat wika ay may tuntunin o mayroong sistemang sinusunod sa paggamit ng wika. Halimbawa : Ang pagbuo ng pangungusap ⮚ Ang wika ay Sinasalitang Tunog - ang katangiang ito ay nagpapakita na ang wika ay “tunog". Tunog na kumakatawan sa ating mga ipinahahayag na ideya. ⮚ ⮚ Ang wika ay Pinipili at Isinasaayo Sa tuwing tayo ay nakikipag-usap pinipili natin ang wastong salita para sa ating pangungusap para maiwasan ang pagkalito. ⮚ ⮚ Ang wika ay Arbitraryo - sinasabing ang wika ay napagkasunduan at sinang-ayunan ng lahat. ⮚ ⮚ Ang wika ay Ginagamit - Isa ito sa pinakamahalagang katangian ng wika, na kung saan dapat nating gamitin ang wika para hindi mawala o mabura. ⮚ ⮚ Ang wika ay kultura -Kung ano ang wika, yan din ang kultura. Dahil ang wika at kultura ay hindi maipaghihiwalay. ⮚ ⮚ Ang wika ay Dinamiko - Ang wika ay nagbabago dahil sa taong gumagamit nito. ⮚ ⮚ Ang wika ay Komplekado - Bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang paraan ng pag-iisip. ⮚ Ang wika ay Hindi Maiiwasan -Kahit sa pagising mo ay gagamit kana ng wika, hanggang sa pagtulog mo ay nag-iisip ka kung ano naman ang mangyayari kinabukasan. ⮚ Ang wika ay Pantao. Tanging tao lamang ang gumagamit ng wika. KONSEPTONG PANGWIKA ● ● ● WIKANG PAMBANSA ✔ Isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng kaunlaran ng isang bansa. ✔ Kinikilalang midyum ng komunikasyon sa isang bansa. Batay sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas sa Artikulo XIV Seksiyon 6: Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. WIKANG PANTURO ✔ Ito ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Bilang opisyal na wika, ito ang ginagamit na wikang panturo ng Pilipinas. ⮚ Filipino ⮚ Ingles ⮚ Mother Tongue Based Education WIKANG OPISYAL ✔ Ito ang wika na istandard na midyum ng komunikasyon pasalita man o pasulat. ✔ Ang pambansang wika ng isang bansa ay siya ring opisyal na wika. ✔ Sinaad sa Konstitusyon ng 1973, Artikulo XV, Sek. 3: “Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Filipino ang magiging opisyal na wika.” KONSEPTONG PANGWIKA (BARAYTI NG WIKA) Ayon kay Hudson (2006), ang Barayti ng wika ay isang set ng mga linggwistik aytem na may pagkakatulad na pamamahagi o distribyusyon. Ayon naman kay Hudson at Ferguson (2006), ang barayti ay tumutukoy sa isang tiyak na set ng linggwistik aytem o human speech pattern tulad ng tunog, salita, katangian panggramatika na maaaring maiugnay sa ilang mga eksternal na salik, tulad ng heograpiya o pangkat panlipunan. Ang Teoryang Sosyolinggwistiks ang siyang nagbibigay daan sa pagpapaliwanag tungkol sa pagkakaroon ng baryasyon ng isang wika. Ayon dito, ang wika ay panlipunan at ang speech ay pang indibidwal. MGA BARAYTI NG WKA o Dimensyong Heograpikal/DAYALEK - wikang rehiyonal, isang tiyak na anyo o barayti ng isang wika na ginagamit ng isang partikular na lugar. Kapag ang wikang sinasalita ay isang konseptong mutually intelligible, kahit nagkakaroon ng pagkakaiba sa diin, punto o salita ay nauunawaan pa rin ito ng taong sangkot sa komunikasyon . o Dimensyong Sosyal o Panlipunan/SOSYOLEK - na karaniwan ding tinatawag na social dialect, ay isang barayti ng wika na karaniwang iniuugnay sa lipunang kinabibilangan ng ispiker, sa halip na sa kaniyang kaligirang heograpikal (Trudgill, 2010). Sa madaling sabi, ito ay isang wika na sinasalita ng isang particular na pangkat ng lipunan na nauuri ayon sa kasarian, edad, trabaho, at iba pang salik (Lewandowski, 2010) o IDYOLEK - sang teknikal na termino na tumutukoy sa barayti ng wikang sinasalita ng isang indibidwal na ispiker ng kaniyang lenggwahe. Kadalasan ito ay ang pagsambit ng “uhmmmm” sa tuwing nagsasalita o kaya pagsambit ng “so”. o EKOLEK - Ito naman ang wika na karaniwang nabubuo at sinasalita sa loob ng bahay. o ETNOLEK - Ginagamit naman ito ng mga taong kabilang sa isang etnolingwistikong pangkat o pangkat kultural. o PIDGIN - wikang walang pormal na estruktura at nabubuo lamang dahil sa pangangailangan ng mga tagapagsalita. Tinatawag din itong “nobody’s native language”. Halimbawa: Ang mga intsik na nagtitinda sa bansa o kaya “suki pili ka dito mura” o “ikaw aral buti para trabaho paglaki” o CREOLE- Ito ay isang Pigdin na naging “nativity” na kalaunan ay nagkakaroon ng pagpapalawak sa leksikon at gramatika at higit na pinapalawak ang kontekstong pinaggagamitan nito. Halimbawa nito ay ang Chavacano ANO ANG REGISTER NG WIKA? Ayon kay Halliday (2010) ang register ng wika ay barayti ayon sa gamit ng wika. Ito ay tumutukoy sa wikang kasalukuyang ginagamit sa iyong pagsasalita. Nangangahulugang ang register ay ang paraan ng pagsasabi ng iba’t ibang bagay kung saan ang pagkakaiba’y dulot ng semantics. TATLONG KUMUKUNTROL NA BARYABOL SA PAGDETERMA NG ISANG REGISTER NG WIKA 1. Field- tumutukoy sa setting kung saan magaganap ang komunikasyon kabilang na ang layunin ng komunikasyon 2. Mode- tumutukoy sa tsanel ng komunikasyon (Pasalita, Pasulat) Pasalita- nagiging relaks ang pakikipagtalastasan Pormal na Pasulat- tiyakin na wasto ang isinusulat 3. Tenor- tumutukoy sa ugnayan sa pagitan ng sangkot sa proseso ng komunikasyon Dalawang Pagpapangkat: 3.1 Personal- antas ng pormalidad ng sitwasyon 3.2 Functional-gamit ng wika sa sitwasyon KATANGIANG SITWASYONAL UPANG MATUKOY ANG REGISTER NG WIKA 1.Partisipant- taong sangkot sa proseso ng komunikasyon (sender, tagatanggap, tagamasid) 2.Personal na ugnayan ng mga Partisipant- pagiging interaktibo ng mga sangkot. May mga pagkakataong tila natutuon lamang ang halos buong proseso ng komunikasyon sa isang partisipant habang ang isa naman ay nananatiling tagatanggap lamang. 3.Tsanel: Ito ay kinabibilangan ng dalawang salik 1. Mode – pasalita o pasulat o gagamitan ng simbolo 2. Tiyak na midyum - nakalimbag, gamit ang telepono o harapan 4.Sitwasyon ng Produksyon- magaganap ang komunikasyon sa tiyak na panahon/oras o planado, scripted o edited 5.Setting/Tagpuan- pook o oras o kapanahunan kung saan magaganap ang komunikasyon. Makakaapekto ang lugar, kung ito ba ay pribado o pambubliko; gayundin ang oras dahil salik ito sa magiging atityud ng mga taong sangkot. 6.Layunin ng Komunikasyon- nagdedetermina kung paano nagaganap ang proseso ng komunikasyon 7.Paksa- pag-uusapan sa proseso ng komunikasyon ANTAS NG WIKA 1. Wikang Pormal, Antas Pormal - Ang wikang nabibilang sa antas na ito ay siyang ginagamit sa mga sitwasyong maituturing na kontrolado tulad sa paaralan bilang midyum ng pagtuturo at wika ng pagkatuto, sa mga opisyal na transaksyon ng pamahalaan at maging sa mga pormal na pagtitipon tulad ng mga pulong, kumprehensya at seminar. ⮚ Pambansa- ang antas na ito ay itinuturing na may anyo ng pormalidad dahil ito ay maituturing na lingua franca o wikang nauunawaan ng mga tao sa isang bansa bagama’t may iba silang unang wika. ⮚ Pampanitikan- salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang akdang pampanitikan. Ipinagpalagay na nangangailangan ng mataas na lebel ng kakayahan mula sa tao upang magamit o di kaya ay maunawaan ang antas na ito dahil mayaman ito sa mga idyoma at mga matatalinghagang salita. 2. Wikang Impormal o Salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa ating pakikipagtalastasan. ⮚ Kolokyal- karaniwang naririnig sa paligid, ito ang mga salitang pinapaikli bunga ng pagkakaltas, maaaring titik o di kaya ay ang pantig. Halimbawa ang salitang “meron” sa halip na “mayroon”, “’ika” sa halip na “wika nga” at “nung” sa halip na “noong” ⮚ Lalawiganin- base sa katawagan, agad na matutukoy na ang antas na ito ay tumutukoy sa wikang ginagamit sa lalawigan. ⮚ Wika sa Kalye o Balbal- itinuturing antas na wika na madaling nagbago o nalilinang sa sosyolingwistikong pananaw, itinuturing itong pansamantalang barayti ng wikang balbal dahil marami sa mga salitang nabibilang sa antas na ito ay pansamantala rin lamang, kalauna’y napapalitan o di kaya ang iba ay naglalaho. WIKA SA PELIKULA, WIKA NG SHOWBIZ Karaniwang nahahti lamang sa tatlo ang mga uri ng wika sa di-pormal na antas, ngunit sa takbo ng ating lipunan ngayon lalo na sa larangan ng mass media, partikular sa showbiz, ay mayroon na ring namumuong sariling gamit ng wika na mabilis ding nakakapasok sa pang-araw-araw na gamit ng mga tao dahil sa lakas ng impluwensya nito sa mamamayan. Ang mga salita at parirala ay may apat na pangkat na iba-ibang kategorya na siyang pinagmulan ng baryasyon ng wika (Peregrino, et. al, 2002) 1. Artificial Coinage- pagiimbento ng mga naiibang salita na naglalayong matago ng kakaibang kahulugan upang maintindihan ang mga miyembro ng isang kultura. 2. Importasyon- tuwirang paggamit ng wikang banyaga. Ito ang mga salitang tuwirang kinokopya sa Ingles at pinapalitan lamang ang baybay na nilakipan ng paggamit ng mga panlapi. 3. Attempts at Verbal Humor (AVH) - paglalaro sa paggamit ng salita sa showbiz upang magkaroon nang malakas na impak sa mga mambabasa o manonood. 4. New Assignments of Meaning (NAM) – makabago at mapangahas na paglikha ng mga salita na may makulay at kahanga-hangang kahulugan at karampatang naiiba at mabulaklak na bagong kahulugan.