Uploaded by cee padilla

ANG BADYET NG PAMAHALAAN

advertisement
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9
(EKONOMIKS)
I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unaw sa mga pangunahing kaalaman tungkol
sa pambansang ekonomiya bilang bahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ngkapwa
mamamayan tungo sa pambansang kita.
B. PAMANTAYANG PAGGANAP
Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang
pangunahing kaalaman tugkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa
pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
C. KASANAYAN SA PAGKATUTO
Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang piskal.
D. TIYAK NA LAYUNIN
A. Nasusuri ang badyet at ang kalakaran ng paggasta ng pamahalaan;
B. napahahalagahan ang kalakaran ng paggasta ng pamahalaan; at
C. naipapahayag ang opinyon hinggil sa usaping paggasta ng pamahalaan
ayon sa Expenditure Program.
II. NILALAMAN
A. Paksang Aralin: PATAKARANG PISKAL
 Ang Badyet ng Pamahalaan
 Paggasta ng pamahalaan ayon sa Expenditure Program
B. Sanggunian: Ekonomiks (Bernard R. Balitao, et. al.) pp. 323-327
C. Kagamitan: Powerpoint presentation, laptop, TV projector, mga larawang
nauugnay sa paksa, tsart
III.
PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtatala ng lumiban sa klase
3. Pagbabalik-aral:
1. Magbigay ng ilang mga paraan ng paghahanda ng DBM para sa
Pambansang Pagbabadyet gamit ang Titled Matrix.
DBM
B. Pagganyak

Pagsusuri at pag-aanalisa sa pigura.
Pamprosesong Tanong
1. Ano-ano ang pinaglalaanan ng badyet ng ating pamahalaan?
2. Batay sa pigura, ano ang nagtamo ng pinakamalaking badyet?
C. Paglalahad
Hindi maisasakatuparan ng pamahalaan ang apakarami nitong
tungkulin kung walang perang gagastusin. Upang lubosna maipagkaloob ng
pamahalaan ang mga programa at proyektong makatuutulong sa lahat,
kinakailangang maayos na maipahagi ang perang gagastusin sa
mahahalagang aspekto ng pamamahala.
D. Panlinang na Gawain
1. THINK AND SHARE
 Ang bawat pangkat ay magbabahagi ng kaalaman hinggil sa mga
sumusunod:

Pangkat 1 Current operating expenditure
Panhkat 2 Capital Outlays
Pangkat 3 Net Lending
Pangkat 4 Table B. 1
Malayang Talakayan at pag-uulat ng bawat pangkat ukol sa paggasta ng
Pamahalaan ayon sa expenditure Program at pagsusuri sa talahanayan.
Table B.1
EXPENDITURE PROGRAM, BY OBJECT, CY 2010 - 2012 (In Thousand Pesos)
2010
(Actual)
I. CURRENT OPERATING EXPENDITURES
A. PERSONAL SERVICES
I.
Civilian Personnel
Total
Compensation,
Civilian Personnel
310,270,253
II.
Military/Uniformed Personnel
Total
Compensation,
Military/Uniformed
Personnel
101,652,570
Total Other Personal
Services
45,637,320
TOTAL PERSONAL SERVICES
457,560,143
Expense Class
B. Maintenance and Other Operating
Expenses
TOTAL MAINTENANCE AND
OTHER OPERATING EXPENSES
TOTAL CURRENT OPERATING
EXPENDITURES
III.
CAPITAL OUTLAYS
TOTAL CAPITAL OUTLAYS
IV.
NET LENDING
TOTAL NET LENDING
TOTAL OBLIGATIONS OF THE
NATIONAL GOVERNMENT
812,994,064
2011
(Adjusted)
2012
(Proposed)
386,089,165
434,796,464
100,643,292
104,030,249
53,424,539
540,156,996
54,466,696
593,293,409
812,994,064
942,416,703
1,270,554,207 1,437,280,461 1,535,710,112
193,165,222
192,719,539
257,289,888
9,258,000
15,000,000
23,000,000
1,472,977,429 1,645,000,000 1,816,000,000
Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa talahanayan, ano ang nagtamo ng pinakamalaking
pinagkagastusan sa mga nagdaang taon?
2. Kung ikaw ang tatanungin, makatarungan bang paglaanan ito ng
malaking halaga? Bakit?





2. PAGTALUNAN NATIN ITO
Papangkatin ang klase sa tatlo.
Bubuo ng dalawang pangkat na may limang kasapi na magiging kalahok
sa isang impormal na debate at ang natitirng pangkat ang magiging
hurado.
Bubunot ang dalawng pangkat kung sang-ayon o di sang-ayon.
Mayroong isang minute ang bawat miyembro ng pangkat na kasali sa
debate upang ipagtanggol ang kanilang panig kung sang-ayon o di sangayon.
Ang pangkat na nagging hurado ay pipili ng pinakamahusay na pangkat
na naipagtanggol ang kanilang panig gamit rubrik na pamantayan sa
pagmamarka.
Paksa: Malaking bahagi ng badyet (19.6% noong 2012) ang
pambayad sa utang ng pamahalaan. Huwag nang magbayad ng
utang upang gastusin sa mas mahalgang proyekto ng pamahalaan.
Rubrik sa Pagmamarka ng Impormal na Debate
Pamantayan
Paksa
Deskripsyiyon
Puntos
Maliwanag na sumunod sa
4
paksang tatalakayin.
Nagpakita ng ebidensiya
Argumentasyon
10
upang suportahan ang
argumento.
Malinaw na naipahayag at
Pagpapahayag
6
maayos ang pananalita ng
mga kasapi.
Kabuuang Puntos
20
Nakuhang Puntos
Pamprosesong Tanong:
1. Ano sa palagay mo ang pinakaimportanten ideya sa nagging
debate?
E. Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat
Kung ikaw ang magiging Presidente ng bansa, ano ang paglalaanan
mo ng mas malaking badyet? Pangatwiranan.
2. Paglalahat
Ibigay ang kahulugan at layunin ng mga sumusunod:
MOOE
GOCC
NET LENDING
3. Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang malaman ang kalakaran ng
paggasta ng pamahalaan?
IV.
Ebalwasyon
PANUTO: Sa malinis na papel, sagutin ang sumusunod.
1.
2.
3.
4.
V.
Ano ang ibig sabihin expenditure program?
Ano ang ibig sabihin current operating expenditures?
Ano ang ibig sabihin ng capital outlays?
Ano ang ibig sabihin nat lending?
Kasunduan
A. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong mabalangkas ang pambansang badyet,
paano mo ito hahati-hatiin? Ano ang bibigyan mo ng prayoridad? Bakit?
Gumawa ng ilustrasyong naka-pie graph sa isang maikling bond paper. Humanda
sa pagbabahagi sa klase sa susunod na pagkikita.
 Tanggulang bansa
 Social Services
 Kalusugan
 Agrikultura
 Repormang Agraryo
 Edukasyon
Inihanda ni:
JAYCEELINE B. PADILLA
Gurong Nagsasanay
Binigyang puna ni:
Gng. SOLEDAD S. DE VERA
Gurong Kaagapay
Download