NEW ISRAEL HIGH SCHOOL ARALING PANLIPUNAN - 7 Third Quarter Examination Pangalan: ______________________________________________ Date:_____________ Score:____________ I. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang taong tinutukoy sa HANAY A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang ng bawat bilang. HANAY A HANAY B ____ 1. Nanguna sa kampanya laban sa pang-aabuso sa kababaihan Sa Jordan. A. Sheikha Fatima Bint Mubarak ____ 2. Pinamunuan niya ang National Council on Women sa kampanya na baguhin ang batas pampamilya at pagbabawal sa pagkapon sa mga kababaihan. B. Alfonso de Albuquerque C. Susan Mubarak ____ 3. Nagtatag ng tunay na pundasyon ng Ingles sa India. ____ 4. Namuno sa Muslim League noong 1905 na naglalayong magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim upang maiwasan ang magkaibang pagturing sa mga Muslim at Hindu D. Mustafa Kemal Ataturk E. Robert Clive ____ 5. Unang president ng Republika ng Turkey ____ 6. Siya ay nakilala sa tahimik at mapayapang paraan ng pakikipaglaban o non-violent means F. Francisco de Almeida ____ 7. Nalibot nya ang “Cape of Good Hope” G. Mohamed Ali Jinnah ____ 8. Ipinadala siya ng bansang Portugal bilang unang Viceroy sa silangan noong 1505 H. Mohandas Karamchad Gandhi ____ 9. Namuno ng nakamtan ng India ang Kalayaan mula sa mga Ingles ____ 10. Siya ang nanguna sa pagbibigay ng karapatan na makapag-aral sa Kolehiyo at magkaroon ng karapatang ekonomiko ang kababaihan I. Jawaharlal Nehru J. Vasco da Gama II. Multiple Choice : Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang ng bawat bilang. ______1. Alin sa sumusunod na mga bansang Europeo ang nangunguna sa paghahanap ng ruta, paggalugad sa mundo, at pagsakop ng mga lupain? A. Italy at England C. France at Netherlands B. Portugal at Spain D. Germany at America ______2. Bakit ang mga daungan ng isang lugar o bansa tulad ng Diu at Goa sa India, Macao sa China ang piniling sakupin ng bansang Portugal? A. Dahil madali ang pagdaong dito ng kanilang mga sasakyang pandagat. B. Dahil ito ang utos ng hari ng bansang Portugal at hindi maaring suyawin. C. Mga daungan ang kanilang piniling sakupin upang makontrol ang kalakalan. D. Lahat ng nabanggit ______3. Alin sa sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong Asya? A. Pag-unlad ng kalakalan B. Pagkamulat sa Kanluraning panimula C. Pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa D. Paggalugad at pakikinabang ng mga kanluranin sa mga likas na yaman ______4. Sino ang taong nakaikot o nalibot ang Cape of Good Hope sa dulo ng Aprika na siyang magbubukas ng ruta patungong India at sa mga Islang Indies? A. Vasco da Gama C. Alfonso de Albuquerque B. Franciso de Almeida D. Bartolomeu Dias ______5. Ang pangatlong bansa na gustong sumakop sa bansang India at nakipagsabwatan ito sa pinunong local ng Bengal. A. Netherlands B. England C. Russia D. France ______6. Ito ang pinakamimithi na lugar na pinagkukulan ng mga rekado. Sa lugar na ito hindi naiwasang nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Portugal at Spain dahil sa pinag-aagawang mga rekado o pampalasa. A. Formosa (Taiwan) B. Ceylon (Sri Lanka) C. Moluccas D. Pilipinas ______7. Sa matinding tunggalian ng dalawang bansang Portugal at Spain ay namagitan ang Papa ng Simbahang Katoliko para maiwasan ang digmaan ng paligsahan ng mga ito. Taong 1914 ay nagtalaga ng line of Demarcation o hangganan kung saang bahagi ng mundo manggalugad ang dalawang bansa. Ayon sa Kasunduang Tordesillas, amg Portugal ay maggagalugad sa bandang silangan samantalang ang Spain ay sa bandang ______________. A. Kanluran B. Timog C. Hilaga D. Timog-silangan ______8. Sino ang ipinadala ng bansang Portugak bilang unang Viceroy sa silangan noong 1505? A. Vasco de Gama C. Alfonso de Albuquerque B. Franciso de Almeida D. Bartolomeu Dias ______9. Bakit nagtatag ang mga bansang Kanluranin ng mga kolonya sa Asya? A. Upang palawakin ang kanilang teritoryo o lupain. B. Upang pakinabangan ang ating mga likas na yaman. C. Upang makapagtatag ng sentro ng kalakalan. D. Lahat ng nabanggit ______10. Ang tawag sa naganap na labanan na umabot ng pitong taong digmaan sa pagitan ng England at France. Sa tulong ni Robert Clive na siyang nagtatag nang tunay na pundasyon ng Ingles sa India, ang England ay nagtagumpay laban sa France. A. Rebelyong Sepoy B. Digmaang Portugal at Spain C. Labanan sa Plassey D. Labanan sa India ______11. Ito ay nagmula sa salitang Latin na Imperium na ang ibig sabihin ay command. Isang salitang Latin na nagsimulang gamitin sa panahon ng pananakop ng Imperyong Roma. Ito ay nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang nasyonestado sa aspetong pampulitikal, pangkabuhayan, at kultural na pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan. A. Imperyalismo C. Kolonyalismo B. Kapitalismo D. Nasyonalismo ______12. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamahala ng mga sinakop upang magamit ang mga likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes. A. Imperyalismo C. Mandate B. Kolonyalismo D. Protectorate ______13. Maraming mangangalakal ang namuhunan sa panahong ito upang higit na kumita. A. Industriyalismo C. Merkantilismo B. Kapitalismo D. Rebolusyong Industriyal ______14. Ang sumusunod ay mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin sa pananakop ng mga lupain MALIBAN sa isa. A. Pagpapalawak ng teritoryo at pagpaparami ng kayamanan B. Matulungan ang mga katutubo tungo sa kaunlaran at mahusay na edukasyon C. Pangangailangan ng hilaw na sangkap at pamilihan ng mga bansang Europeo D. Pagnanais ng mga bansang Europeo ng malawak na kapangyarihan upang labanan ang mga karibal na bansa ______15. Ang sumusunod ay mga salik na nagbunsod sa mga Kanluranin na sakupin ang kontinente ng Asya dala ng rebolusyong Industriyal sa Europa. Piliin ang hindi kabilang. A. Pangangailangan ng iba’t ibang uri ng likas na yaman B. Pangangailangan ng mga tagabili ng mga produktong yari sa Europa C. Pangangailangan ng mga bagong pabrika na pagtatayuan ng pagawaan ng maraming produkto D. Pagnanais ng mga Europeo na maibahagi ang kanilang mga imbensyon at kaalaman sa teknolohiya sa mga Asyano ______16. Ang sumusunod ay mga negatibong epekto ng pananakop ng mga Kanluranin sa Asya. Piliin ang HINDI kabilang. A. Naging laganap ang kahirapan at marami ang namatay B. Nagkaroon ng pagtatangi ng lahi o Racial Discrimination ang mga mananakop C. Nawalan ng karapatan ang mga kolonya na pamahalaan ang sariling bansa sa kanilang sariling sistema D. Nagpatayo ng mga tulay, daan, riles ng tren ang mga mananakop upang mapabilis ang pagdadala at pagluluwas ng mga produkto. ______17. Isa sa mga patakarang British sa India ay ang paggamit ng wikang Ingles bilang wikang panturo sa mga paaralan ng India. Napilitan ang mga Indian na gamitin ang wikang Ingles sa kanilang sariling bansa. Anong implikasyon ang mabubuo sa ganitong kaganapan? A. Ito ay nagpahirap sa kabuhayan ng mga Indian B. Ito ay sumira sa kultura at dignidad ng mga Indian C. Ito ay tuwirang pag-alis ng pagkamamamayan ng mga Indian D. Ito ay nakatulong sa pag-unlad ng kanilang kaalaman at kultura ______18. Alin sa sumusunod ang maituturing na magandang dulot ng pananakop ng mga Ingles sa pangangalaga ng karapatang pantao ng mga Indian lalo ng kababaihan? A. Naturuan sa larangan ng pamamahala B. Marami ang mga Indian ang pinag-aral sa England C. Nagpagawa sila ng mga daan, tulay at mga riles ng tren D. Ipinagbawal nila ang matandang kaugalian gaya ng Sati o Sutee at Female Infanticide ______19. Alin sa sumusunod ang naging pangkalahatang epekto ng Kolonyalismo sa Asya? A. Pagkamulat sa mga Kanluraning Prinsipyo B. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan C. Naging masunurin ang mga Asyano sa lahat ng mga naisin ng mga Europeo D. Naging masidhi ang damdaming nasyonalismo ng mga Asyano upang maibangon ang sariling bansa ______20. Maraming mangangalakal ang namuhunan sa panahong ito upang higit na kumita at yumaman. A. Industriyalismo C. Merkantilismo B. Kapitalismo D. Rebolusyong Industriyal ______21. Ano ang Sati? A. Pagpatay sa batang babae. B. Paghihiwalay ng babae sa lalaki. C. Pagbabawal sa muling pag-aasawa ng byudang babae. D. Pagtalon ng byudang babae sa nasusunog na bangkay ng asawa. ______22. Alin ang tumutukoy sa karapatang pampulitika ng babae? A. Pag-aaral C. Pagpapakasal B. Pagboto D. Pagtatrabaho ______23. Alin naman ang karapatang pang-ekonomiya ng babae? A. Pag-aaral C. Pagpapakasal B. Pagboto D. Pagtatrabaho ______24. Alin ang kilala bilang International Bill of Rights for Women? A. CEDAW C. UNCLOS B. Gabriela D. UN Women ______25. Ano ang tawag sa banal na aklat ng relihiyong Hinduism? A. Bibliya C. Torah B. Vedas D. Qur’an ______26. Ano ang tawag sa banal na aklat ng relihiyong Judaism? A. Bibliya C. Torah B. Vedas D. Qur’an ______27. Ang Islam ay nangangahulugang “Kapayapaan” at “___________”? A. Pag-ibig C. Pag-asa B. Pagsuko D. Paninindigan ______28. Sa Hinduism, ito ay ang paniniwala na ang tunay na kaligayahan at katahimikan; ang ganagp na katiwasayan at kalinisan ng kaluluwa. A. Nirvana C. Karma B. Gopastami D. Reinkarnasyon ______29. Sa Hinduism, ito ay ang paniniwala na ang isang bagay na nilikha o bunga ng gawi ng isang tao. A. Nirvana C. Karma B. Gopastami D. Reinkarnasyon ______30. Sa Hinduism, ito ay ang paniniwala na kapag namatay ang isang tao, ang kaluluwa niya ay muling mabubuhay. A. Nirvana C. Karma B. Gopastami D. Reinkarnasyon ---------------------------------------------------------------------- WAKAS -----------------------------------------------------------------------