Uploaded by Lyn Lois Ong

G81st

advertisement
ALAMAT
SALAMIN NG KAHAPON… BAKASIN NATIN NGAYON...
2.0
DAVAO o MINDANAO
DURIAN
✿ “Hari ng mga Prutas”
✿ Pinakamahal na prutas na makikita sa mga bansa sa Timog
Silangang Asya.
✿ Tumataas ang consumption o bilang ng mga taong kumakain ng
durian. SMARRDEC o Southern Mindanao Agriculture and
Resources Research and Development Consortium mayroon ng
96% ng overall domestic production.
✿Sa tulong ng DOST, bumuo ng iba’t ibang
processed durian gaya ng kendi, chips, jam, at
frozen durian para sa mga taong hindi kayang
kainin ito.
TALASALITAAN
1. Bagama’t siya ay batang may kaya ay hindi siya nasanay na mag-asal
mayaman.
2. Mahina na ang tuhod ng ina dahil sa kanyang katandaan kaya labis ang
pag-aalala ng anak para sa kanya.
3. Ang kanyang ulirang asawa ay itinuturing niyang kapilas ng kanyang buhay.
4. Napakabilis ng mga pangyayari sa sakuna kaya naman simbilis ng kidlat na
tumugon ang mga pulis upang iligtas ang mga biktima.
5. Naghihingalo na ang matanda nang ito’y isinugod sa hospital at sa
kasamaang palad ay hindi na rin siya nailigtas ng mga doktor sa kanyang pagaagaw-buhay.
SAGUTIN ANG MGA TANONG!
Ilagay ang mga sagot sa isang buong papel.
1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa akda? Anong ugali
ng anak ang malimit kainisan ng ina?
2. Bakit ayaw makipaglaro ni Daria sa kapwa niya bata?
3. Bakit malimit dapuan ng sakit si Daria?
4. Paano ipinamalas ni Aling Rosa ang kanyang dakilang
pagmamahal sa anak?
5. Paano binawian ng buhay si Aling Rosa? Ano ang nangyari sa
katauhan ni Daria?
ANO ANG IYONG MAGAGAWA UPANG HINDI
MATULAD KAY DARIA?
Buoin ang akronym na KALUSUGAN ng sarili mong paraan upang maging
mabuti ang pangangatawan. Hal.
K- umain ng wasto.
ALUSUGAN-
ANO ANG ALAMAT?
✿Kuwento ng kathang-isip, pasalin-salin sa bibig ng taumbayan.
✿Pinagmulan ng mga bagay-bagay
✿Kasagutan sa mga kababalaghan o mga pangyayaring pangkalikasan
✿Gintong aral
✿Iba’t ibang bersyon
TINATALAKAY:
✿Katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran
✿Katangian ng tao: Pagiging matapat, matapang, matulungin.
✿Masamang katangian ng tao: Pagiging mapaghiganti, sakim o mapanumpa
BANGHAY NG ALAMAT
✿Simula
Dito pinapakita ang mga tauhang gagalaw o gaganap sa
alamat at ang papel na kanilang gagampanan sa alamat,
kung sila ba ay bida o kontrabida. Makikita rin dito ang
tagpuan o ang pangyayarihan ng aksiyon o ng mga eksena
na naghahayag ng panahon, oras at lugar.
BANGHAY NG ALAMAT
✿Gitna
Dito makikita ang maayos na pagkakasunod-sunod
ng mga tagpo o eksena. Dito nakapaloob ang mga
dayalogo, o usapan ng mga tauhan, at ang
kasukdulan, kung saan dito iikot ang kahihinatnan
ng tanging tauhan, kung ito ay kasawian o
tagumpay.
BANGHAY NG ALAMAT
✿Wakas
Dito makikita ang kakalasan o ang pagbaba ng
takbo ng istorya. Dito rin mababatid ang kamalian o
kawastuhan ng mga di-inaasahang naganap.
Makikita naman sa katapusan ang kahihinatnan,
kung ito ba ay magtatapos ng masaya, malungkot,
pagkapanalo o pagkatalo.
ALAMAT AT PANG-ABAY
2.3
ALAMAT NG ALAMAT
Noong unang panahon sa bulubunduking lugar sa
isang malayong bayan sa lalawigan ng bohol ay may
naninirahang isang lalaking balo na ubod ng yaman. Siya
ay nakatira sa isang malapalasyong bahay na nakatayo
sa isang mataas na lugar. Sa paanan nang kanyang
kinatitirikang bahay ay makikita ang maliliit na
kabahayan kung saan nakatira ang mga naghihikahos na
tao.
ALAMAT NG ALAMAT
Gustong – gusto niyang pinagmamasdan ang mga ito
araw-araw dahil lalong lumulutang ang kanyang pagiging
mayaman. Ang ugaling ito ng ama ang nakapagpalungkot
sa kanyang kaisa-isang anak na si Selina. Ibang-iba sa
kanyang ama si Selina. Bagama’t mayaman ay may
mabuting puso maging sa mahihirap.
ALAMAT NG ALAMAT
Kaya hindi kataka-taka nang umibig ay tumibok ang
kanyang puso sa binatang si Lando na isang masipag,
makisig, matalino, at mabuting binata na tanging
kapintasan ay ang pagiging mahirap.
Ikinagalit ito nang husto ng kanyang ama na naging
dahilan ng pagtakwil sa sariling anak.
ALAMAT NG ALAMAT
Lumipas ang maraming buwan ay walang naging
balita ang ama sa anak. Hanggang isang araw ay
may isang napakalakas na bagyong di inaasahang
dumating sa kanilang lugar. Tumagal ito nang ilang
araw kaya’t tumaas ang tubig sa ilog at nagkaroon
ng malaking baha.
ALAMAT NG ALAMAT
Ang mga tao sa ibaba ng bundok kasama si Selina
ay pumunta sa bahay ng kanyang ama upang
humingi ng tulong at matutuluyan. Subalit hindi
sila pinapasok ng ama na naging dahilan ng
pagkamatay ng lahat ng tao sa paanan ng bundok,
kasama si Selina.
ALAMAT NG ALAMAT
Huli na nang malaman ng matanda ang
kanyang pagkakamali. Siya na lamang ang natirang
taong nabuhay sa lugar na iyon. Tinangka niyang
magpakamatay sa pamamagitan ng pagtatarak ng
kutsilyo sa kanyang dibdib ngunit laking gulat niya
nang hindi ito tumalab sa kanya.
ALAMAT NG ALAMAT
Isang malakas na tinig ang kanyang narinig na
nagsasabing hindi kailanman siya mamamatay bilang
kaparusahan sa kanyang pagiging labis na makasarili. At
habang buhay niyang itatala ang lahat ng kuwento
tungkol sa pinagmulan ng mga bagay sa mundo na
magbibigay-aral sa mga tao at nang hindi sila maging
masama kagaya niya.
ALAMAT NG ALAMAT
Matapos niyang marinig ang tinig ay isang
makapal na usok kasabay ng malakas na kulog at
matalim na kidlat ang tumama sa katapat na
bundok na kinatitirikan ng kanyang tahanan. Nang
mapawi ang usok ay nakita niyang naukit dito ang
salitang ALAMAT.
ALAMAT NG ALAMAT
Dito niya isinulat at iniukit ang lahat ng
alamat na kanyang nakita sa paglilibot sa Iba’t
ibang lugar bilang pagtanggap sa kanyang
pagkakamali. Tiniyak niyang makikita ng mga tao
ang mga aral na dulot ng alamat na kanyang
isinulat upang hindi sila matulad sa kasalanang
kanyang ginawa.
✿ Noong unang panahon
✿ sa isang malayong bayan sa lalawigan ng bohol
✿ isang lalaking balo
✿ isang mataas na lugar
✿ Sa paanan nang
✿ araw-araw
✿ nang husto
✿ Lumipas ang maraming buwan
✿ sa bahay
PANG-ABAY (ADVERB)
✿ Tawag sa salita o lipon ng mga salitang nagbibigay turing
sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.
Hal.
Mabilis akong tumakbo papuntang finish line.
PANG-ABAY (ADVERB)
Pamanahon – nagsasaad kung kailan ginanap, ginaganap o gaganapin
ang sinasabi ng pandiwa sa pangungusap.
Pananda: nang, sa, noong, kung, tuwing, buhat, mula, umpisa, at
hanggang.
Walang pananda: kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas sandali
atbp.
Hal.
Ayon sa “Alamat” ay naganap ang pangyayaring ito
noong unang panahon.
PANG-ABAY (ADVERB)
Panlunan – Pang-abay na tinatawag na pariralang sa.
Kumakatawan ito sa lugar kung saan ginagawa ang kilos.
Hal.
Sa buong mundo ay laganap ang iba’t ibang kuwento
o alamat tungkol sa pinagmulan ng iba’t ibang bagay.
PANG-ABAY (ADVERB)
Pamaraan – sumasagot sa tanong na paano
ginanap, ginaganap o gaganapin ang sinasabi ng
pandiwa sa pangungusap.
Hal.
Masayang nagbabasa ang mga batang mahilig
sa karunungang-bayan gaya ng alamat.
PANG-ABAY (ADVERB)
Panggaano – nagsasaad ng sukat o timbang.
Hal.
Ang mga taong nakabasa ng alamat ay
dumami nang isang daang porsyento.
PANG-ABAY (ADVERB)
Kataga o ingklitik - katagang karaniwang
sumusunod sa unang salita ng pangungusap.
Man
kasi
sana
nang
Kaya yata
tuloy
lamang/lang
Din/rin
ba
pa
muna
Pala
na
naman
daw/raw
PAGSASANAY
Isulat ang mga pang-abay na may diin sa tamang hanay ayon sa uri nito.
Ang mga Habilin
Ang bilin ng matatanda’y parang huling tagubilin
kaya’t matapat mo nga itong ingatan sa iyong puso.
Ngayon, bukas, sa makalawa ay magagamit mo itong
parang isang bunga ng halamang pinatubo nang ilang taon.
Kapag ito naman ay iyong kinalimutan at napadako sa
malayong lugar ay maaaring pagsisihan sa mahabang
panahon.
Tandaan mo na ang unang habilin ay
sambahin mo’t dakilain ang ating Panginoon.
Magsimba sa araw ng Linggo o mangilin sa piyesta
opisyal upang madaling lumago ang iyong
pananampalataya. Tumagal man nang mahabang
panahon ay hindi ito mawawaglit sa iyong isipan
dahil sa sapat na kaalamang dadalhin sa lahat ng
dako.
Pamanahon
Panlunan
Pamaraan
Pamanahon
-Ngayon, bukas, sa m
akalawa
-Sa mahabang panahon
-Araw ng Linggo
-Mahabang panahon
-Nang ilang taon
--Sa piyesta opisyal
Panlunan
-Sa malayong lugar
Pamaraan
-Matapat
-Madaling
1- 5. TUKUYIN ANG PANG-ABAY AT ISULAT KUNG ANONG URI NITO.
✿Ang kalapati ay malayang lumipad sa himpapawid. –
Pamaraan, Panlunan (Halimbawa)
1. Bumili ng isang magarang sasakyan si Amy noong isang
araw.
2. Naglalako ng balot si Manong sa Talipapa.
3. Kaming lahat ay maagang natulog kagabi.
4. Inihatid namin sa Philippine General Hospital si Lola
Conchita kahapon.
5. Nagdeposito ng pera sa bangko ang ingat-yaman ng
kumpanya.
6- 10. TUKUYIN ANG URI NG PAGHAHAMBING
1. Para kay Ryan, di-gaanong mahirap ang asignaturang Filipino kung
ihahambing ito sa Matematika.
2. Ang panahon sa Mayo ay higit na mainit kaysa panahon sa Disyembre.
3. Magkamukha raw kami ni Mama.
4. Sabi ni James, kasingtangkad ko raw si Lebron.
5. Ang pelikulang napanood ko ay mas nakatatakot sa pelikulang
Insidious.
Download