Uploaded by Ruel CArpon

SCOUT LAW 15 scouts lighting of candle spiel

advertisement
Note: Please select scouts that are snappy and with loud voice
or very good in reading and pronunciation.
SCOUT A: “On my honor, /I will do my best/ to do my duty/ to God
and my Country, the republic of the Philippines (lights the center
candle)
SCOUT B: “On my honor/ I will do my best to obey the Scout Law,
and To help other people at all times;/(lights left candle)
SCOUT C: “On my honor/ I will do my best/ To keep myself
physically strong/ Mentally awake,/ And morally straight. (Lights
right candle).
Scout 1: Ang Scout ay MAPAGKAKATIWALAAN. Ang Scout ay
nagsasabi ng katotohanan. Tumutupad siya sa kanyang mga
pangako. Ang pagiging matapat ay bahagi ng kanyang paguugali. Siya ay maasahan ng ibang tao.
Scout 2: Ang Scout ay MATAPAT. Ang Scout ay matapat sa
kanyang pamilya, mga kaibigan, mga pinuno sa Scouting, sa
paaralan at sa bayan.
Scout 3: Ang Scout ay MATULUNGIN. Ang scout ay may kalinga
sa ibang tao. Nagsisikap siyang makatulong sa iba na hindi
naghihintay ng kabayaran o pabuya.
Scout 4: Ang Scout ay MAPAGKAIBIGAN. Ang Scout ay
kaibigan ng lahat. Itinuturing niyang kapatid ang kanyang mga
kapwa Scout. Sinisikap niyang umunawa sa iba. Iginagalang
niya ang mga paniniwala at kaugalian ng ibang tao na naiiba sa
kanya.
Scout 5: Ang Scout ay MAGALANG. Ang Scout ay magalang sa
sinuman ano pa man ang gulang nito o katayuan. Alam niya na
ang mabuting pag-uugali ay daan sa magandang
pagkakasunduan ng mga tao.
Scout 6: Ang Scout ay MABAIT. Ang Scout ay nakakaunawa na
may angking lakas ang pagiging mabait. Itinuturing niya ang iba
gaya ng gusto nitong pagturing ng iba sa kanya. Hindi siya
nanakit o namiminsala ng mga hayop at iba pang bagay na
walang kadahilanan at sinisikap niyang ito ay mapangalagaan.
Scout 7: Ang Scout ay MASUNURIN. Ang Scout ay sumusunod
sa mga alituntunin ng kanyang pamilya, paaralan at tropa.
Sumusunod siya sa mga batas ng kanyang pamayanan at
bayan. Kung inaakala niyang may mga alituntuning hindi tama,
sinusunod niya itoat hindi sinusuway ngunit sinisikap niyang
mabago iyon sa matiwasay na pamamaraan.
Scout 8: Ang Scout ay MASAYA. Ang Scout ay nagsisikap
tumingin sa maaliwalas na bahagi ng buhay. Masaya niyang
ginagampanan ang mga naiatang sa kanyang mga tungkulin.
Sinisikap niyang makapagbigay ng lugod sa iba.
Scout 9: Ang Scout ay MATIPID. Ang Scout ay gumagawa upang
matustusan ang kayang sarili at upang makatulong sa iba.
Nagiimpok siya para sa hinaharap. Pinapangalagaan niya at
ginagamit ng wasto ang mga likas na yaman. Maingat siya sa
paggamit ng kanyang panahon at ariarian.
Scout 10: Ang Scout ay MATAPANG. Ang Scout ay may lakas
ng loob na humarap sa panganib kahit may taglay siyang
pangamba. Siya ay naninindigan sa mga inaakala niyang tama
at matuwid sa kabila ng tudyo o pananakot ng iba.
Scout 11: Ang Scout ay MALINIS. Ang Scout ay pinapanatiling
malinis ang kanyang katawan at kaisipan. Siya ay sumasama sa
mga taong may ganito ring panuntunan. Tumutulong siya sa
pagpapanatiling malinis ng kanyang tahanan at pamayanan.
Scout 12: Ang Scout ay MAKA- DIYOS. Ang Scout ay mapitagan
sa Diyos. Tinutupad niya ang kanyang mga tungkulin ng kanyang
pananampalataya. Iginagalang niya ang paniniwala ng iba sa
kanilang pananampalataya.
Download