Uploaded by bhudz_montano

aralin-6-tekstong-argumentatibo

advertisement
lOMoARcPSD|14513904
Aralin 6- Tekstong Argumentatibo
BS in Accountancy (Brokenshire College )
Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university
Downloaded by Bhudz Montano (bhudzmontano99@gmail.com)
lOMoARcPSD|14513904
11
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
CORE 8
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Aralin 6:
Tekstong Argumentatibo
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag:
a. kalinawan
b. kaugnayan
c. bisa sa reaksyong papel na isinulat
Itaas mo ang antas ng iyong mga
salita, hindi ang lakas ng iyong
tinig. Tandaan mo, ulan ang
dahilan ng pagtubo ng mga
bulaklak, hindi ang kulog o kidlat
man.
Magbigay ng repleksiyon sa isinaad Rumi.
_________________________________________________
_________________________________________________
Sa araw-araw na komunikasyon, mahalaga ang mahusay na
pangangatuwiran upang makabuo ng makabuluhang diskurso. Sa araling
ito, mauunawaan mo ang anyo, katangian at
kalikasan ng tekstong argumentatibo.
Tekstong
Katuwiran
Argumentatibo:
Ipaglaban
ang
 Isa sa pinakanatatanging uri ng teksto
sapagkat ginagamit natin ito sa pang-araw
-araw na buhay.
1
Downloaded by Bhudz Montano (bhudzmontano99@gmail.com)
lOMoARcPSD|14513904
 Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na
nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa isang
tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula
sa personal
https://bit.ly/3mVwSM2
na karanasan, kaugnay na mga literatura at pag-aaral, ebidensyang
kasaysayan, at resulta ng empirikal na pananaliksik.
 Sa mga salita ni Abad (2004) sa “Linangan: Wika at Panitikan” ang
“proposisyon” ay mga pahayag na pagtatalunan habang ang
argumento ay ang paglalahad ng mga lohikal na impormasyong
nakalap upang ipaglaban ang posisyong napiling tindigan.
Pagpapatibay ng Argumento (halaw mula sa The Writing Lab ng Purdue
University)
1. Malinaw, maikli ngunit malaman, at
may matibay na tesis na pahayag sa
unang talata ng teksto.
2. Malinaw at lohikal na pagtawid ng mga
impormasyon sa pagitan ng panimula,
gitna, at kongklusyon.
3. Pagbibigay-pansin sa isang kaisipan.
4. Matibay na suportang ebidensya.
5. Kongklusyon gamit ang mga inilahad na ebidensya.
https://bit.ly/3kgZeyE
Ang mga hakbang na ito ay lubos na makatutulong
sa pagbuo ng
isang manunulat ng kanyang tekstong argumentatibo. Bukod pa rito, dapat
ang manunulat ng tekstong argumentatibo ay dapat na may kaalaman din
sa mga di-lohikal na pangangatuwirang aksidenteng nagagamit ng
manunulat nang hindi namamalayan.
1. Argumentatum ad Baculum- ang ganitong baluktot na
pangangatuwiran ay gumagamit ng kapangyarihan o pwersa upang
paniwalain at palipatin sa iyong panig ang kalabang pangkat.
Maaaring gumamit ng pananakot, lakas ng tinig, posisyong taglay,
dominyon sa partikular na lugar o kompanya at iba pa.
Halimbawa: Ako ang guro sa klaseng ito kaya ako ang masusunod!
2. Argumentatum ad Hominem- ito naman ay baluktot na
pangangatuwirang umaatake sa personal na katangian, buhay,
personalidad, o buong pagkatao ng katunggali imbis na sumentro sa
paksang pinagtatalunan ay lanataran ang ginagawang pamemersonal
o panlalait sa katunggaling pangkat.
Halimbawa: Walang mali sa sinabi ko, pero may mal isa mukha mo.
3. Argumentatum ad Ignorantiam- baluktot na pangangatuwirang
2
Downloaded by Bhudz Montano (bhudzmontano99@gmail.com)
lOMoARcPSD|14513904
nagpapakita ng kakulangan ng kaalaman ukol sa paksang
pinagtatalunang paksa kaya naman kung ano-ano na lamang ang
sinasabi upang may maipantapat lamang sa argumento ng kalabang
panig.
Halimbawa:
Tagapagsalita 1: Ang mga mayayamang kapitalista ang dahilan ng
paghihirap ng maraming Pilipino.
Tagapagsalita 2: Hindi iyan totoo. Tamad kase ang ibang Pilipino.
Tagapagsalita 1: Paano mo nasabi? Magbigay ka nga ng matibay na
ebidensya?
Tagapagsalita 2: Ha? Hotdog. Edi wow, ikaw na matalino.
4. Argumentatum ad Misericordiam- ito ay umaapela sa damdamin o
emosyon ng tao upang kahabagan at paniwalaan ang kanyang
argumento.
Halimbawa: Sir, mahirap lang po kami. Kung ibabagsak ninyo ako, hindi
na po ako makakapag-aral sa kolehiyo. Bigyan ninyo po ako ng isa pang
pagkakataon.
5. Argumentatum ad Vericundiam- Lumilitaw ang ganitong baluktot na
pangangatuwiran sa pagbanggit ng taong wala naming kaugnayan sa
paksang pinag-uusapan.
Halimbawa: Inendorso ni Regibe Velasquez ang mga diaper na ito kaya
siguradong magiging epektibo rin ito sa anak ko.
Pagsusuri ng Teksto
Basahin at unawain ang artikulong pinamagatang “CR para sa gay at lesby” ni Al
G. Pedroche na kanyang isinulat para sa PhilStar Ngayon. Pagkatapos, sagutin ang mga
katanungan sa “Pagsasanay”.
NAGBABAGO ang panahon. Ngayong lantad na at tanggap sa lipunan ang
mga beki at tibo, panahon nang maglagay ng mga toilet sa mga publikong lugar
para sa miyem-bro ng tinatawag na third sex. Ito ay para makaiwas sa gulo.
Sabihin man na morally wrong, hindi maikakaila na aprubado na ng lipunan
ang mga members ng LGBT lalo pa't ikokonsidera_____kanilang kontribusyon sa
iba't ibang larangan. Mayroon na nga tayong Representante sa Mababang
Kapulungan na isang trans-woman. Ngunit hindi naman ang lahat ng kanilang
gusto ay dapat pagbigyan.
Naging isyu nitong mga nagdaang araw ang mga tinatawag na transwoman na inaresto dahil sa pagpasok sa CR na pambabae. May mga
nagsasabing ito'y diskriminasyon. Sabi naman ng ilan, tama lang na huwag
payagan sa lady's room ang mga bakla kahit pa sila'y suma-ilalim na sa sex
change.
3
Downloaded by Bhudz Montano (bhudzmontano99@gmail.com)
lOMoARcPSD|14513904
Kung sila ay papapasukin sa CR ng babae, paano ka makatitiyak na sila ay
hindi mga manyak na nagpapanggap na trans-woman para makapang-chancing?
Hindi natin masisisi ang sino man kung sila'y bakla o tomboy, pero wala
silang karapatang pumasok sa lugar, gaya ng public toilets na nakalaan lamang
sa mga biological male or female. In the same way na walang karapatan ang
lalaki na pumasok sa CR ng babae, and vice-versa.
May mga taong hindi komportable kung kasabay nila sa CR ay mga LGBT.
Hindi ko nilalahat pero minsan, may nakakasabay kang beki sa pag-ihi at
mapapansin mong pasulyap-sulyap sa harapan mo. Pero kung papayagan naman
silang gumamit ng ladys toilet, maaasiwa naman yaong mga tunay na babaeng
naroroon.
Nirerespeto ko ang mga LGBT members pero harapin natin ang
katotohanan. Magpa-sex change man ang isang bading o tibo, hindi siya
puwedeng maging totoong babae o lalaki. Kaya sa ganang akin, hindi puwedeng
iklasipika ang isang nagpa-sex change bilang babae o lalaki kung hindi ito ang
kasarian niya nang siya'y ipanganak.
Dapat siguro, gawin na ring apat ang gender category: Idagdag sa male
and female ang TW kung trans-woman o TM kung trans-man.
- higit na makababasa sa:https://www.philstar.com/pilipinostar-ngayon/opinyon/2019/08/17/1944135/cr-para-sa-gay-
lesby#DZOxXIW3JEqmmytf.9
Upang suriin kung naiintindihan mo talaga ang aralin, sagutin ang sumusunod na
katanungan.
1. Tungkol saan ang paksa ng artikulo?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_______________________________________________
2. Ano-ano ang mga puntong inilahad ng manunulat upang mapatibay
ang kanyang tindig ukol sa paksa? Naging sapat na bai to?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_______________________________________________
3. Sa iyong palagay, talaga nga bang tanggap na ang ikatlong kasarian
sa ating lipunan? Magbigay ng halimbawang patunay.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_______________________________________________
4
Downloaded by Bhudz Montano (bhudzmontano99@gmail.com)
lOMoARcPSD|14513904
4. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang iyong tindig ukol sa paksa tungkol
sa artikulong binasa?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_______________________________________________
SAGOT
Maaaring magkakaiba ang sagot ng
mag-aaral.
De Laza, Crizel S. 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik. Rex Boook Store, Inc., 856 Nicanaor
Reyes Sr. St., Sampaloc, Manila
Pancho, Geraldine P., Roda, Arturo A., 2020. Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Batayang Aklat sa
Filipino para sa Senior High School. Magallanes Publishing
House. Sampaloc Manila
5
Downloaded by Bhudz Montano (bhudzmontano99@gmail.com)
lOMoARcPSD|14513904
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Aralin 6: Tekstong Argumentatibo
4
Pangalan: Reasy Shane Sotto
Pangalan ng Guro: Mrs. Jalice Masisay
Baitang at Seksyon: 11- Encouragement Petsa: February 27,2022
PERFORMANCE TASK #4
PAGSULAT NG TESKTONG ARGUMENTATIBO
Sumulat ng tekstong argumentatibo ukol sa isang isyung panlipunan ng
kasalukuyang panahon. Pumili ng paksang ninanais. Sundin ang
sumusunod na gabay.
Maging malinaw sa pagpili ng proposisyon at mga argumentong
ilalahad.
Kumalap ng mga kongkretong impormasyong magbibigay suporta sa
iyong teksto.
Maging madulas sa paglalahad ng daloy ng impormasyon.
Gawing nakakukuha ng pansin ang introduksiyon ng iyong teksto.
Gumamit ng mga salitang madaling maunawaan ng mambabasa.
Isulat ang gawain sa likod ng pahinang ito.
Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman ng Tekstong
Argumentatibo
Daloy ng Impormasyon
Bigat at kaugnayan ng mga
kongkretong argumento sa
proposisyon
Wastong gamit ng salita, balarila at
bantas
Kaukulang Puntos
10
10
10
10
Timeliness
10 points- on time │ 8 points- 1-2 days late │6 points- 3-4 days
late │
4 points- 5-6 days late │2 points- 1 week late │ 0- more than 1
week late
6
Downloaded by Bhudz Montano (bhudzmontano99@gmail.com)
Puntos na
Nakuha
lOMoARcPSD|14513904
Kabuuan
50
Ang Makabagong Sistema ng Edukasyon
Sa panahong ito upang maging mapagkumpitensya sa isang merkado ng
trabaho, ang isang edukadong tao ay dapat magkaroon ng isang malawak
na kaalaman at kasanayan. Napakahalaga na panatilihing napapanahon
ang mga iyon upang hindi makaligtaan ang mga potensyal na
pagkakataon. Naniniwala ako na ang pag-aaral ng distansya ay
nagpapakita ng isang perpektong pagkakataon para sa pagsulong ng
aking pag-aaral habang pinapanatili ang isang full-time na trabaho dahil
sa panahon ngayon nararapat nang magsumikap sa kahit anumang
paraan. Ito ay magbibigay-daan sa akin hindi lamang upang isama ang
mga bagong konsepto sa aking dating kaalaman kundi pati na rin upang
magamit kaagad ang nakuha na kaalaman at kasanayan na may
kaugnayan sa trabaho.
Ang kagandahan ng online na pag-aaral ay maaari itong gawin kapag
mayroong bakanteng oras, sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa pagoorganisa ng oras nakakagawa ako ng nas maraming mga bagay.
Gayunpaman, ang pagtatakda ng sarili kong bilis at iskedyul ng pag-aaral
ay maaaring maging mahirap. Ang partikular na hamon sa pagkakaroon
ng edukasyon online ay kailangan kong balansehin ang aking mga
7
Downloaded by Bhudz Montano (bhudzmontano99@gmail.com)
lOMoARcPSD|14513904
pangako sa lipunan at ekonomiya, responsibilidad sa pamilya at bilang
mag-aaral.
Natutunan ko at isinasabuhay rin ang balangkas na nakakatulong upang
tumutok sa kapwa mag-aaral, tukuyin ang kanilang mga pangangailangan
at magturo ayon sa mga pangangailangang iyon at sariling kaalaman.
Napagtanto ko na ang tradisyonal na modelo ng edukasyon ay maaaring
hindi na kailanman mangyari subalit ang makabagong sistema ng
edukasyon na meron tayo ngayon ay maaaring magbukas pa ng mas
maraming oportunidad sa bawat isa upang mas tumuklas at matuto ng
kusa. Naniniwala ako na ang tungkulin ng guro sa silid-aralan ay upang
mapadali ang pagkatuto ng mga mag-aaral,subalit sa makabagong
edukasyon na meron tayo ngayon mahirap man sa bawat mag-aaral na
makipagsabayan, pinagsusumikapan naman ng bawat guro upang
masigurong maihahatid parin ang edukasyong nararapat sa bawat
estudyante.
Gayundin,
natutunan
ko
ang
tungkol
sa
kahalagahan
ng
pagsasakonteksto ng lahat ng nababasa, nasasaliksik at nalalaman ko.
Napagtanto ko na ginagawang mas madali para sa mga mag-aaral na
maunawaan at matandaan ang mga bagong materyal. Bukod dito, sa
simula ng kurso ay naramdaman kong kailangan kong ipaliwanag ang
8
Downloaded by Bhudz Montano (bhudzmontano99@gmail.com)
lOMoARcPSD|14513904
mga tuntunin ng istruktura ng gramatika sa aking sarili upang lubos na
maunawaan ang mga bagay. Sa pagpapatuloy ko ay natuklasan ko na ang
pagkuha ng impormasyon mula sa mga mag-aaral, mga guro, at mga
nakakatanda ay isang mahusay na paraan upang mapalawak ang
kaalaman bilang isang mag-aaral.
9
Downloaded by Bhudz Montano (bhudzmontano99@gmail.com)
Download