Summative Test in Araling Panlipunan 8 MODULE 1 AND 2 2nd Quarter SY 2022-2023 Pangalan:______________________________________ Grade & Section: ___________ Score:__________ I. Unawain at sagutin ang mga tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Alin sa sumusunod na kalagayan ang nagpapakita ng lubos na pagtulong ng pamahalaan sa mga mamamayan? A. Pagbibigay ng buwis sa pamahalaan B. Pagbibigay pautang para sa mga magsasaka C. Pagpapawalang-bisa sa pagkakakulong dahil sa utang D. Pagbigay galang sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan 2. Ano ang itinuring pinakamahalagang naidulot ng pakikipagkalakalan sa Kabihasnang Greek? A. Lumago ang mga negosyanteng Greek. B. Nakapipili ang mga mamamayan ng iba’t ibang produkto. C. Nakapaglalakbay ang mga mamamayang Greek sa ibang lupain. D. Nalalaman nila ang mga bagong ideya at teknik mula sa ibang lugar. 3. Sa lungsod-estado ng Sparta, ang mga batang lalaking malulusog ay sinanay na sa mga serbisyong militar. Ano ang iyong mahinuha sa kalagayang ito? A. Pinahalagahan ang kanilang edukasyon. B. Pinahalagahan ang kalinisan ng kampo-militar C. Pinahalagahan ang kanilang sandatahang lakas. D. Pinahalagahan ang karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan. 4. Ano ang kahulugan ng salitang tyrant sa kasalukuyan? A. masipag na lider B. masayahing lider C. malupit na pinuno D. makupad na pinuno 5. Dahil sa pagsalakay at pagsakop nito sa mga Minoan, anong pangkat ng tao ang nagpayaman sa kabihasnang Greece? A. Athenian C. Mycenaean B. Minoan D. Spartan 6. Ano ang ginawa ng mga Minoan upang umunlad ang kanilang kabihasnan? A. pinalawig ang pagmimina sa lugar B. nagtatag ng mga arena upang kumita C. nakikipagkalakalan sa mga karatig lugar D. nakipaglaban at umangkin ng iba pang lupain 7. Ayon kay Pericles ng Athens, ang konstitusyon ng Athens ay isang demokrasya sapagkat nasa kamay ito ng nakakarami. Ano ang ipahiwatig ni Pericles? A. Ang pamahalaan ay hawak ng mga iilang mamamayan sa lipunan. B. Hari at reyna lamang ang may lubos na kapangyarihan sa kanilang bayan. C. Tanging opisyal ng pamahalaan lamang ang magdesisyon para sa kanilang bayan. D. Ang taong-bayan ang siyang magdesisyon kung sino ang dapat mamuno sa kanilang pamahalaan. 8. Ano ang pinakamahalagang natutunan ng mga Greek mula sa mga Phoenician? A. paggamit ng mga aklat B. paggamit ng lapis at papel C. pagtatag ng mga paaralan D. paggamit ng kanilang alpabeto 9. Anong pangyayari ang sanhi ng pagbagsak ng Mycenae? A. Pagsakop ng mga Dorian B. Pakikipagkalakalan sa ibang lugar C. Pagkasira ng kanilang mga pananim D. Epidemya at maraming tao ang namatay 10. Ano ang pinakamahalagaahang naiambag ng Athens sa kabihasnan ng daigdig? A. Asembleya C. Demokrasya B. Batas Militar D. Lungsod-Estado 11. Saan itinatag ang kabihasnang Minoan? A. Athens C. Parthenon B. Crete D. Sparta 12. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mahusay at matibay na sandatahang-lakas sa isang bansa? A. para mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran ng ibang bansa B. upang maipagtanggol ang sariling bansa laban sa mga kalaban C. upang maipakita sa buong mundo ang kahusayan at kagalingan D. para siguradong matatakot ang lipunan at susunod sa pamahalaan 13. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa tinatamasa ng lehitimong mamamayan ng Greece? A. karapatang bomoto B. magkaroon ng ari-arian C. bibigyan ng porsiyento sa kalakalan D. humawak ng posisyon sa pamahalaan 14. Anong lungsod-estado ng Greece ang binansagang “pamayanan ng mga mandirigma”? A. Athens C. Mycenae B. Corinth D. Sparta 15. Anong lugar ang sentro ng pulitika at relihiyon ng Greece? A. Acropolis C. Arena B. Agora D. Polis 16. Ilang Digmaang Punic ang naganap laban sa kapangyarihan ng Roma at Carthage? A. isa C. tatlo B. dalawa D. apat 17. Anong pangkat ang nagtatag ng Carthage na naging kalaban ng mga Romano? A. Assyrian C. Phoenician B. Lydian D. Sumerian 18. Ano ang pinakamagandang naidulot ng pagkakaroon ng Pax Romana? A. paghatid ng kasaganaan sa lipunan B. pagkaroon ng maraming tagapagtanggol C. pagpahalaga ng kapayapaan sa lipunan D. pag-unlad ng pangkabuhayan ng mga mamamayan 19. Alin sa sumusunod ang hindi salik sa pagbagsak ng Imperyong Romano? A. hindi matatag na pamumuno B. paglusob ng mga tribong barbaro C. may sariling paraan ang bawat isa D. pagkawala ng katuturan ng pagkamamamayan 20. Ilang lider ang bumubuo sa triumvirate ng Roma? A. isa C. tatlo B. dalawa D. apat 21. Saang kontinente matatagpuan ang Imperyong Romano? A. Amerika C. Asya B. Aprika D. Europa 22. Anong uri ng pamahalaan ang ipinalit ng mga Romano mula sa pagiging monarkiya? A. Aristokrasya C. Diktadurya B. Demokrasya D. Republika 23. Ano ang tawag sa mamamayang Romano na kasapi sa mayayamang asendero? A. Haciendero C. Patrician B. Negosyante D. Plebeian 24. Ang karaniwang mamamayang Romano o masa ay tinatawag na? A. Haciendero C. Patrician B. Negosyante D. Plebeian 25. Ano ang sinaunang kabisera ng bansang Italya? A. Roma C. Milan B. Florence D. Venice 26. Ano ang tawag sa kasuotan ng mga lalaking Romano na ipinapatong sa ibabaw ng tunic? A. Cullotes C. Stola II. B. Palla D. Toga 27. Ano ang tawag sa isang lugar na madalas pagdarausan ng mga labanan ng mga gladiator? A. Appian Way C. Coliseum B. Basilica D. Parthenon 28. Alin sa sumusunod na teritoryo ang nasakop ng Roma pagkatapos ng Unang Digmaang Punic? A. Corsica, Greece, Sicily B. Corsica, Sardinia, Sicily C. Carthage, Greece, Macedonia D. Macedonia, Mare Nostrum, Sardinia 29. Sino ang tinaguriang unang emperador ng Imperyong Romano? A. Julius Caesar C. Octavian B. Mark Anthony D. Pompey 30. Sino-sino ang bumubuo sa First Triumvirate ng Roma? A. Marcus Lepidus, Mark Antony, Octavian B. Gaius Gracchus, Marcus Brutus, Tiberius C. Julius Caesar, Marcus Licinius Crassus, Pompey D. Antoninus Pius, Marcus Aurelius, Trajan, Vespasian Panuto: Piliin sa loob ng kahon kung sa anong larangan ang sumusunod na kontribusyon ng Imperyong Romano. LINEAR A, ATHENA, ZEUS,HANNIBAL, SPARTA, REMUS AT ROMULUS, ATHENS, AEGEAN SEA, PLOTA, AGAMEMNON, DIGMAANG PUNIC ________1. Dito sumibol ang kabihasnan na nakasentro sa Crete ________2. Ito ang kanilang ginagamit sa dagat upang makipagkalakalan sa ibang bansa. ________3. Sistema ng pagsulat ng mga Minoan. ________4. Siya ang Diyos ng karunungan at digmaan ________5. SIya ang pinakatanyag na hari ng Mycenae ________6. Ang Digmaang ito ay sa pagitan ng Roma at Carthage. ________7. Heneral ng Carthage ________8. Mandirigmang Polis ________9. Demokratikong Polis ________10. Pinaniniwalaang nagtatag ng Rome III. 1. 2. 3. 4. 5. Panuto: Buuin ang mga salita sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga titik. EPRICELS __________________ 6. PHIPOCARTES ________________ RAPNONTEH ________________ 7. RASOCTES ___________________ INMOS ____________________ 8. THAENS ____________________ OIGLARIKYA _________________ 9. OLOSN ______________________ EOLNIADS ___________________ 10. EHLLSA ______________________ PREPARED BY: AARON JAY S. MONDAYA - AP TEACHER