Uploaded by bangsterfriends

Filipino-Tula

advertisement
Wika, Kultura, at Watawat ng Pilipinas
Wika na sa komunikasyo’y ginagamit
Kulturang sumasalamin sa mayabong na tradisyon
Watawat na sagisag ng bansang Pilipinas
Tatlong magkakaibang salita, paano nga ba nagkakatulad?
Wika bilang instrumento sa pakikipagkomunikasyon
Daan-daan at samu’t-sari sa buong bansa
Nagkakaiba saan ka man magpunta
Nararapat na igalang at pahalagan katulad ng watawat ng bansa.
Kultura bilang pamamaraan ng pamumuhay
Karunungan, paniniwala, sining, moral, kaugalian at iba pa
Pinagsama-sama, resultay iba’t-ibang aydentidad
Nagkakaiba ngunit katulad ng watawat, mahalagang igalang at pahalagahan.
Pilipinas, isang boung bansang may iba’t-ibang wika at kultura
Ngunit nagkakaisa bilang isang mamamayang Pilipino
Bawat kasapi ay may iisang tinitingala at iginagalang na simbolo,
Simbolong sumasagisag sa bansa, ang Watawat ng Pilipinas.
Wika, Kultura, at Watawat ng Pilipinas
Nagkakaiba ngunit nagkakatulad din
Mga salitang nararapat na igalang at pahalagahan
Tungo sa matagumpay at epektibong mamamayang Pilipino.
Download