8 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan Modyul 6- Impluwensya ng mga Kaisipang Lumaganap sa Gitnang Panahon (Week 6) Naikonseptwalisa ni Miah C. Auman 1 Modyul 6: Impluwensya ng mga Kaisipang Lumaganap sa Gitnang Panahon Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at paghubog ng pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdig. Pamantayang Pangkasanayan Nakabubuo ng adbokasiya na nagsusulong ng pangangalaga at pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at Transisyunal na Panahon na nagkaroon ng malaking impluwensya sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan. Kakayahan: Natataya ang impluwensya ng mga kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon . Paksa/Subject: Ang impluwensya ng mga kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon. AP8DKT-IIi-13 Subukin Magandang buhay mga mag-aaral! Bago natin umpisahan ang palalakbay sa ikaanim na modyul, magiliw na bumabati sa inyo sa natapos na Modyul 5. Bago natin umpisahan ang pagtatalakay sa Modyul 6, sagutin muna natin ang mga katanungan sa Paunang Pagsusulit o Subukin. Ito ay isang hindi markadong pagsusulit subalit ginagamit ito upang matukoy ang iyong kaalaman. Hindi kinakailangan hanapin ang tamang sagot ngunit dapat sagutin mo ang lahat ng mga tanong. PANUTO: Basahin ang mga katanungan at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Sino ang Ama ng Scholasticism? A. Abelard B. Anselm ng Canterbury C. Boethius D. Peter Abelard 2. Sa nararanasan nating pandemya o Covid19 at bagyo, nanatili ang ating paniniwala at pag-asa sa Maykapal. Anong pilosopiya o kaisipan ito? A. Nominalism B. Rationalism C. Scholasticism D. Stoicism 3. Alin sa mga sumusunod na paaralan o unibersidad na ang paraan ng pag-aaral ay Scholasticism bilang pilosopiya ng kanilang katuruan? A. Asian College of Technology C. University of San Carlos B. University of Cebu D. University of the Visayas 2 4. Sino ang nagpanukala na ang mundo ay isang patibong at panlilinlang samantala ang tao ay mahihina at hindi kayang iwaksi ang tukso. A. Abelard B. Augustine ng Hippo C. Clairvaux D. Thomas Aquinas 5. Ito ay isang teolohikal o theology at pilosopikal na pamamaraan kung saan pinagsanib ang turo ng Kristiyanismo at ang mga pilosopiya nina Aristotle at Plato. A. Catholicism B. Positivism C. Scholasticism D. Stoicism 6. Ito ay isang pag-aaral tungkol sa Diyos at sa mga doktrina ng pananampalataya. A. Neoplanism B. Nominalism C. Scholasticism D. Stoicism 7. Ano ang ibig sabihin ng pilosopiya? A. Siyentipikong pag-aaral ng isip at pag-uugali. B. Pag-aaral tungkol sa pamahalaan at ang mga pangyayari sa isang bansa. C. Isang pananaliksik sa mga pakikipag-ugnayan sa lipunan, kasama ang kanilang mga pinagmulan. D. Ito ay isang pag-aaral sa mga pangunahing uri ng kaalaman, katotohanan, buhay, halaga, pangangatwiran, isip, at wika. 8. Aling pilosopo ang HINDI tumaguyod sa pilosopiyang Scholasticism? A. Aquinas B. Boethius C. Clairvaux D. Magnus 9. Siya ay isang Dominikanong pari at sumulat sa aklat na Summa Theologica. A. Abelard B. Augustine ng Hippo C. Clairvaux D. Thomas Aquinas 10. Isang pilosopo na sumulat ng mga komentaryo tungkol sa Bibliya. A. Abelard B. Augustine C. Clairvaux D. Magnus 11. Ito ay isang pag-aaral sa mga pangunahing uri ng kaalaman, katotohanan, buhay, halaga, pangangatwiran, isip, at wika. Ang mga nasabing katanungan ay madalas na isinasaalang-alang bilang mga problema na pinag-aralan o nilutas. A. biholohiya B. pilosopiya C. politika D. sikolohiya 12. Ano ang ibig sabihin ng pilosopo? A. Nag-aaral sa mga nabubuhay na organismo. B. Nananaliksik tungkol sa mga pangyayari sa mundo. C. Nangingilatis ng mga bagay-bagay at pinag-aaralan ang pinakamalalim na katanungan na maaaring itanong ng sangkatauhan. D. Pag-aaral kung paano gamitin ang mga limitadong pinagkukunang- yaman upang maipamahagi sa mga tao para sa kasalukuyan at hinaharap. 13. Ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa buhay at kaisipan ni St. Anselm ay Tama MALIBAN sa __________. A. Isang Italyano at kinilala bilang Ama ng Scholasticism. B. Dapat itakwil ang kamunduhan at manalig sa Maykapal. C. Naging opisyal ng simbahan na humawak sa tanggapan ng Arsobispo ng Canterbury. D. Unang nagmungkahi sa pilosopiyang ontological na argumento, isang argumento na may Diyos. 14. Ano ang ibig sabihin ng pilosopiya? A. Siyentipikong pag-aaral ng isip at pag-uugali. B. Pag-aaral tungkol sa pamahalaan at ang mga pangyayari sa isang bansa. C. Isang pananaliksik sa mga pakikipag-ugnayan sa lipunan, kasama ang kanilang mga pinagmulan. D. Ito ay isang pag-aaral sa mga pangunahing uri ng kaalaman, katotohanan, buhay, halaga, pangangatwiran, isip, at wika. 15. Ang Don Bosco Technical College ay isang paaralan na tumaguyod sa pilosopiya ni St. Thomas Aquinas. Alin sa mga sumusunod na pilosopiya ang naging batayan ng paraalan na ito? A. Catholicism B. Nomalism C. Scholasticism D. Stoicism 3 Aralin 1 Ang Impluwensya ng mga Kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon Alamin Magandang araw mga mag-aaral. Magiliw na pagbati sa bagong kaalaman tungkol sa impluwensya ng mga kaisipang lumalaganap sa Gitnang Panahon. Upang maging komprehensibong pagkatuto, inaasahan na masusuri natin ang mga sumusunod: A. Natutukoy ang impluwensya ng nga kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon; B. Natataya ang mga kaisipang nabuo sa pamamagitan ng Data Retrieval Chart; at C. Napahahalagahan ang bawat kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon; Panimulang Gawain Mga mag-aaral, bago natin umpisahan ang ating talakayan, tingnan at unawain ang kasabihan sa ibaba at sagutin ang mga katanungan. 1. Ano ang ibig sabihin sa pahayag ni Jose Rizal? 2. Paano ka maging isang modelo sa kapwa mo kabataan ayon sa kanyang pahayag. Binanggit ni Dr. Jose Rizal ang katagang “Ang Kabataan ay Pag-asa ng Bayan”. Tuklasin at Suriin Sa pagkakataong ito, ating talakayin ang mga pilosopiya o mga kaisipan sa Gitnang Panahon. Ano ang pilosopiya o philosophy? Ito ay isang pag-aaral sa mga pangunahing uri ng kaalaman, katotohanan, buhay, halaga, pangangatwiran, isip, at wika. Ang mga nasabing katanungan ay madalas na isinasaalang-alang bilang mga problema na pinag-aralan o nilutas. Ayon sa pilosopiyang pang- edukasyon: “Ang edukasyon ay isang kayamanan na hindi mananakaw ng sinuman”. 4 Ano ang ibig sabihin ng pilosopo? Ang pilosopo ay isang taong nangingilatis ng mga bagay-bagay at pinag-aaralan ang pinakamalalim na katanungan na maaaring itanong ng sangkatauhan. Hindi natatapos ang kanyang pagninilay o pagtatanong sa mga suliranin na mayroong malawak na saklaw at nagsisilbing ugat sa mas marami pang mga tanong tungkol sa katotohanan, tunay na kahulugan ng ating buhay, saligan at nilalaman ng ating kaalaman, mga bagay na binibigyang-halaga, at iba pang bagay na hinahanapan pa rin ng dahilan at kahulugan.(kimjayson1994) Sa Gitnang Panahon o Middle Ages ang mga impluwensyang kaisipan at pilosopiya sa panahong ito ay nakatuon sa teolohiya o theology. Pag-aaral tungkol sa Diyos at sa mga doktrina ng pananampalataya na tinatawag itong Scholasticism. Ito ay isang teolohikal at pilosopikal na pamamaraan kung saan pinagsanib ang turo ng Kristiyanismo at ang pilosopiya nina Aristotle at Plato. Nasusuri ang iba’t -ibang opinyon, mga kadahilanan, at ang paghahanap ng solusyon sa pamamagitan ng lohika o logic. (Mateo, Boncan, et al. 2012) Ang Eskolastisismo o Scholasticism ay isang paraan ng pag-aaral na itinuro ng mga akademiko ng mga unibersidad sa medyebal at mga katedral mula ika-12 hanggang ika-16 na siglo. Ito ay ang pilosopiyang pinagsama ang mga disiplina ng lohiko, metaphysics, at semantiko o semantics ay karaniwang kinilala sa ating pagkaunawa ng makabuluhang lohiko. Mga Pilosopo o Philosophers na tumaguyod sa kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon Anselm ng Canterbury ▪ Saint Anselm of Canterbury (1033 -1109) ay isang Italyanong theologian, pilosopo at kinilala bilang Ama ng Scholasticism. ▪ Opisyal ng simbahan na humawak sa tanggapan ng Arsobispo ng Canterbury mula 1093 hanggang 1109. ▪ Siya ang unang nagmungkahi sa pilosopiyang ontological na argumento, isang argumento na may Diyos o the existence of God. https://www.newworldencyclopedia.org/entry/Anselm St. Bernard ng Clairvaux (1090 – 1153) ▪ ▪ ▪ https://www.google.com/search?q=bernard Ipinanganak sa Burgandy France. Sa edad na siyam, ipinadala siya sa isang paaralan sa Châtillon-sur-Seine na pinamamahalaan ng mga sekular na canon ng Saint-Vorles. Ayon kay Bernard, ang mundo ay isang patibong at panlilinlang samantalang ang tao ay mahihina at hindi kayang iwaksi ang tukso. Ang payo niya ay itakwil ang kamunduhan at sa halip ay manalig sa Diyos at tanggapin nang walang alinlangan ang kanyang salita at pagmamahal. (Mateo, Boncan, et.al 2012) ▪ 5 Albertos Magnus (1200 – November 15, 1280) ▪ ▪ ▪ Kinilala bilang St. Albert the Great, isang Aleman o German na Katolikong Dominikano na prayle at obispo. Sumulat siya ng mga komentaryo sa Bibliya at tanging nag-iisang iskolar na gumawa ng komentaryo sa lahat ng mga akda ni Aristotle. Para kay Albertos ang termino na experiment ay nagpapahiwatig sa maingat na proseso ng pagmamasid, paglalarawan, at pag-uuri o classifying. https://sv.wikipedia.org/wiki/Albertus_Magnus Thomas Aquinas (1225-1274) ▪ ▪ Isang Italyanong Dominikanong pari at tinatawag na Saint Thomas Aquinas. Ayon sa kanyang aklat na Summa Theologica, may dalawang uri ng karunungan. Ang una ay nagmumula sa revelation o salita ng Diyos at ito ay nalalaman sa pamamagitan ng Bibliya, tradisyon, at ng simbahan. Ang pangalawa ay nagmumula sa katuwiran. Ang dalawa ay maaring pagsamahin sapagkat maaring gamitin ang katuwiran upang ipaliwanag at ipaalam ang mga turo ng Diyos. https://www.biography.com/religiousfigure/saint-thomas-aquinas Isaisip Kaninong kaisipan sa mga pilosopo sa Gitnang Panahon ang iyong nagustuhan at ninanais mong itaguyod at bakit? Pumili lamang ng isa at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 6 Isagawa at Pagyamanin Bumuo ng Data Retrieval Tsart na nagbubuod ng pangunahing kaisipan ng mga nagtaguyod ng pilosopiya noong Gitnang Panahon o Middle Ages. Mga Philosophers Halimbawa: St. Bernard ng Clairvaux Pilosopiya / Kaisipan Impluwensya o Ambag Scholasticism Itakwil ang kamunduhan at sa halip manalig sa Diyos. 1. 2. 3. Tayahin PANUTO: Basahin ang mga katanungan at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Alin sa mga sumusunod na pilosopo ang HINDI tumaguyod sa pilosopiyang Eskolastisimo? A. Aquinas B. Boethius C. Clairvaux D. Magnus 2. Sino ang may akda ng Summa Theological? A. Abelard B. Augustine ng Hippo C. Clairvaux D. Thomas Aquinas 3. Sa Gitnang Panahon o Middle Ages ang mga impluwensyang kaisipan at pilosopiya sa panahong ito ay nakatuon sa _____________. A. Biyolohiya B. Politika C. Sikolohiya D. Teolohiya 4. Ang pilosopong nagsasabing “Ang termino na expiremento ay nagpapahiwatig sa maingat na proseso ng pagmamasid, paglalarawan, at pag-uuri o classifying.” A. Aquinas B. Boethius C. Clairvaux D. Magnus 5. Ito ay isang teolohikal o theology at pilosopikal na pamamaraan kung saan pinagsanib ang turo ng Kristiyanismo at ang mga pilosopiya nina Aristotle at Plato. A. Katolisismo B. Positibismo C. Eskolastisismo D. Estoisismo 6. Ang University of San Carlos ay isang paaralan na tumaguyod sa pilosopiya ni St. Thomas Aquinas. Alin sa mga sumusunod na pilosopiya ang naging batayan ng paaralan na ito? A. Neoplatonism B. Nomalism C. Scholasticism D. Stoicism 7. Saan ipinanganak si St. Bernard ng Clairvaux? A. France B. Germany C. Italy D. Spain 8. Ito ay isang pag-aaral sa mga pangunahing uri ng kaalaman, katotohanan, buhay, halaga, pangangatwiran, isip, at wika. Ang mga nasabing katanungan ay madalas na isinasaalang-alang bilang mga problema na pinag-aralan o nilutas. A. Biholohiya B. Pilosopiya C. Politika D. Sikolohiya 9. Sino ang Aleman na isang Dominikanong pari at Obispo? A. Abelard B. Aquinas C. Clairvaux D. Magnus 7 10. Sino ang kinikilala bilang Ama ng Scholasticism? A. Abelard B. Anselm C. Boethius D. Peter Abelard 11. Alin sa mga sumusunod na paaralan o unibersidad na ang paraan ng pagtuturo ay Eskolastisismo bilang pilosopiya ng kanilang katuruan? A. Asian College of Technology C. University of Cebu B. University of the Visayas D. University of San Jose Recoletos 12. Ano ang ibig sabihin ng katagang “Ang edukasyon ay isang kayamanan na hindi mananakaw ng sinuman.”? A. Ito ay isang simbolo ng pagiging matapat sa lahat. B. Ito ang pinakamahalagang pamana ng ating mga magulang. C. Magkakaroon tayo ng maraming pera kapag tayo ay makapag-aral. D. Ang edukasyon ay nagsisilbing pamantayan ng isang matagumpay na pamahalaan. 13. Alin sa mga sumusunod na bayaning Pilipino ang nagsasabing “Ang kabataan ay pag-asa ng bayan.”? A. Andres Bonifacio C. Emilio Aguinaldo B. Apolinario Mabini D. Dr. Jose Rizal 14. Ang mga sumusunod na pahayag ay tungkol sa buhay at kaisipan ni St. Thomas Aquinas ay tama MALIBAN sa____________. A. Isa siyang Aleman na Dominikanong pari. B. May-akda aklat na Summa Theologica na may dalawang uri ng karunungan. C. Ang karunungan ay nagmula sa revelation o salita ng Diyos. D. Nalalaman ang karunungan sa pamamagitan ng Bibliya, tradisyon, at ng simbahan. 15. Ang pahayag na “Ang kabataan ay pag-asa ng bayan.”, bakit mahalaga ang papel ng kabataan sa bayan? A. Nasa kabataan nakasalalay ang pag unlad ng isang bansa. B. Dahil sa mga kabataan nag umpisa ang kamalayan ng lipunan. C. Malaki pa ang maging impluwensya nila sa lipunan para sa hinaharap. D. Sila ang pundasyon na hindi maulit ang mga pagkakamali ng mga matatanda. Karagdagang Gawain Sa mga miyembro ng iyong pamilya, sino sa palagay mo ang yumakap ng mga prinsipyo o pilosopiya mula sa mga nabanggit na Pilosopo at bakit? Ano ang mga kaisipan na natamo o nakuha mo sa kanya? Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Sanggunian Aklat: Mateo, G E. et al.(2012). Kasaysayan Ng Daigdig. Quezon City, 8 Philippines: Vibal Publishing House, Inc. Online References: Biography.com Editors. (2014). José Rizal Biography. Retrieved on October 23, 2020 from https://www.biography.com/political-figure/jose_rizal Galawangbogart.(2016). Brainly.ph question. Retrieved on October 23, 2020 from https://brainly.ph/question/327122 Meyer, J R.(n.d). St. Bernard of Clairvaux. Retrieved on October 21, 2020, from https://www.britannica.com/biography/Saint-Bernard-of-Clairvaux Steemit. (n.d.). The great ancient Greek philosophers Retrieved on July, 30, 2021 from https://steemit.com/philosophy/@daydreaming The Editors of Encyclopaedia Britannica. (n.d).Saints & Pope St. Albertus Magnus. Retrieved on October 21, 2020, from https://www.britannica.com/biography/Saint-Albertus-Magnus Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph 9