Uploaded by michelle.cortez001

IM Localized Reading Materials in Filipino

advertisement
MAG-AARAL AKO
Araw ng sabado. Madilim pa ay
gumising na si Hadjie. Sasama siya sa
kanyang ama patungo sa bukid. Tutulong
siya sa pag-aalis ng damo sa tanim na palay.
Habang daan ay nagkukuwentuhan ang magama. ‘’Anak, alam mo ba kung bakit kita
isasama sa bukid ngayon? tanong ng ama.
‘’Opo tatay, tutulungan kita sa gawain mo
wala naman pong pasok ngayon”, wika ni
Hadjie. ‘’Tama ka anak para malaman mo
kung paano ko ginagawa at kung gaano
kahirap ang aking gawain sa bukid.
Sinuway ko ang pangaral ng aking mga
magulang nuon kaya hindi ako nakapagtapos
ng pag-aaral. “Opo tatay alam ko na po ang
ibig mong sabihin. Huwag po kayong magalala magsisikap po ako upang makapagtapos
sa aking pag-aaral pangako ko po iyan sa inyo
ni inay.
By: F.M. Dela Peña 2015 Dibaraybay E.S. Dinalungan District
1. Sino ang gumising ng maaga?
a. ama
b. Hadjie
c. Ina
2. Saan sila pupunta ng kanyang ama?
a. sa bukid
b. sa dagat
c. palengke
3. Ano ang gagawin nila sa bukid?
a. mag-aani
b. magtatanim
c. aalisin ang damo sa palay
4. Bakit hindi nakatapos sa pag-aaral ang
ama ni Hadjie?
a. sinuway niya ang magulang
b. nagkasakit
c. walang pera
5. Ano ang pangako ni Hadjie sa kanyang
ama?
a. magpapakabait
b. magtatapos sa pag-aaral
c. magsasaka
TALASALITAAN:
sinuway -hindi sinunod
pangaral -payo
KAYAMANAN
Mayaman ka kung marami kang pera.
“Tama”, wika ni Angelica. “Maaari kang
bumili anuman ang gustuhin mo”.
Makakapunta ka saanmang lugar na nanaisin
mo sapagkat mayaman ka. “Depende iyon”,
sagot naman ni Zoren. Maaaring maubos o
mawala kaagad kung mali ang paraan ng
paggamit o paggasta. Samantalang kung
tayo ay makakatapos sa ating pag-aaral, iyon
ay hindi mauubos o mawawala.
“May katwiran ka”, sang-ayon ng iba pa. Ang
edukasyon o pinag-aralan ay isang tunay na
kayamanan.
By: F.M. Dela Peña 2015
Dibaraybay E.S. Dinalungan District
TALASALITAAN: mayaman -sagana
Paggasta -paggamit, paggastos
1. Ano ang maaaring gawin kapag maraming
pera?
a. bumili ng lahat ng gusto
b. ilagak sa bangko
c. ipamigay sa tao
2. Bakit maaaring mauubos agad ang
kayamanan?
a. kapag mali ang paggasta
b. kapag ipinamigay
c. kapag ibilini ng pagkain
3. Alin ang higit na mas mahalaga ayon kay
Zoren?
a.edukasyon
b.kayamanan
c. sasakyan
4. Ano ang meron sayo kapag mayaman ka?
a. pera
b. kaibigan
c. kaaway
5. Paano ang wastong paggasta ng pera?
a. bilhin lamang ang kailangan
b. bilhin ang lahat ng magustuhan
c. ipamigay ang ibang pera
ANG TAHANAN NG ISDA
Pangingisda ang hanapbuhay ng karamihan
sa mga mamamayan dito sa barangay
Dibaraybay. Ang malawak na karagatan nito
ang pinanggagalingan ng sariwa at masasarap
na isda at iba pang lamang dagat.
“Tatay, bakit po hindi nauubos ang isda sa
dagat kahit po marami ang nanghuhuli arawaraw”? tanong ni April sa kanyang ama
habang nag-aalis ng huling isda sa kanyang
lambat.
“Maganda kasi ang tirahan ng isda dito sa
karagatang malapit sa atin. Nariyan ang mga
gasangan na nagsisilbi nilang tahanan. Isa pa
ay mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit
ng dinamita o lason sa pangingisda kaya
nananatiling marami ang nahuhuling isda dito.
“Kaya po pala hindi nauubos ang isda
dito.”
“Oo anak, sana ay patuloy na
pagyamanin at pangalagaan ng pamahalaan at
kahit ng mga mangingisda ang karagatan
upang patuloy na may pagkunan ng
ikabubuhay.
By: F.M. Dela Peña 2015 Dibaraybay E.S. Dinalungan District
1. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng tao
sa Dibaraybay?
a. pagsasaka
b. pangingisda
c. pagmimina
2. Saan nanggagaling ang sariwa at
masasarap na isda?
a. sa ilog
b. sa Manila
c. sa dagat
3. Bakit hindi nauubos ang isda sa dagat ng
Dibaraybay?
a. maaganda ang tirahan ng isda
b. marami silang mangitlog
c. hindi hinuhuli ang ibang isda
4. Ano ang ipinagbabawal ng pamahalaan sa
mangingisda?
a. paggamit ng lambat
b. paggamit ng dinamita at lason
c. paggamit ng kuryente
5. Ano ang nagsisilbing tahanan ng mga isda?
a. gasangan
b. buhanginan
c. batuhan
TALASALITAAN:
mga
malawak -maluwang
Gasangan -koral
Lambat -panghuli ng isda
“BUNGO”
Natakot ka ba? Huwag kang matakot, pangalan
iyan ng isang ilog dito sa bayan ng Dinalungan. Hindi
ko alam kung bakit “bungo” ang ipinangalan dito.
Nuong bata pa ako madalas kaming tumatawid sa ilog
patungo sa aming bukid sa kabilang barangay.
Minsan, at natunghayan ko kung gaano kalawak
at mapaminsala ang ilog na ito. Katatapos nuon ng
malakas na bagyo. Maraming punongkahoy, niyog at
iba pang panamin ang tinangay ng napakalakas at
rumaragasang tubig nito. May pangyayari pa na may
naanod at namatay na bata dahil sa pagtawid nito
sapagkat nuon ay wala pa itong tulay.
Dati maraming hirap at sakripisyo ang
naranasan ng mga tao dito sapagkat mahirap itong
tawirin ng kahit anumang uri sasakyan. Sa ngayon ay
mayroon na itong mahaba at matibay na tulay.
Alam mo ba kapag panahon ng tag-init ay natutuyuan
ito ng tubig?
Subalit kapag panahon ng tag-ulan, sagana at
malakas ang malamig at malinaw na agos nito.
Dinarayo ito ng maraming tao upang maglaba o kaya
naman ay magpiknik. Minsan nga dito pa idinaos ang
pagdiriwang ng “Araw ng mga Guro”
By: F.M. Dela Peña 2015
Dibaraybay E.S. Dinalungan District
1. Ano ang pangalan ng ilog na tinutukoy sa kwento?
a. Bungo
b. Pasig
c. Cagayan
2. Ano ang tinangay ng malakas na agos ng ilog?
a. punongkahoy ay niyog
b. bato
c.buhangin
3. Bakit mahirap tumawid ang sasakyan sa ilog ng
bungo?
a. malakas ang agos nito
b. malalim ang ilog
c. malalaki ang bato
4. Ano ang nangyayari sa ilog kapag panahon ng taginit?
a. tinutubuan ng damo
b. natutuyo ang tubig
c. tinatapunan ng basura
5. Sa panahon ng tag-ulan ano ang ginagawa ng
mga tao sa ilog?
a. naglalambat
b. namimingwit
c. naglalaba at nagpipiknik
TALASALITAAN:
idinaos
sakripisyo
rumaragasa mapaminsala
-ginawa
-pagtitiyaga
-mabilis na pag-agos
-nakakasira
ANG TALON NG BULAWAN
Nakarating ka na ba sa Talon ng Bulawan?
Naku! Dapat mapuntahan mo na ito sa lalong
madaling panahon. Sayang naman kung hindi mo
mararanasan ang maligo sa malinaw at kakaibang
lamig ng tubig nito.
Alam mo ba na ito ay kilala na at dinarayo ng
mga tao buhat pa sa iba’t-ibang lugar at bayan ng
ating lalawigan? Nais nilang matunghayan ang
kagandahan ng talon at maranasan ang maligo
dito.
Ang Talon ng Bulawan at matatagpuan sa
kabundukang sakop ng Barangay Paleg. May layo
itong humigit kumulang na pitong kilometro mula
sa sentro ng bayan ng Dinalungan. Mararating mo
ito sa pamamagitan ng pagsakay sa alinmang
sasakyang panlupa. Hindi mahirap marating ang
lugar na ito sapagkat higit pang inayos ang daan
patungo duon upang madaling marating ng mga
turista.
Tunay na maipagmamalaki ang likas na
kagandahan ng talon na ito, kaya’t patuloy na
pinagyayaman at inaalagaan upang hindi abusuhin
at putulin ang mga malalaking puno sa paligid na
nagpapanatili ng malinis at malamig na tubig nito.
By: F.M. Dela Peña 2015
Dibaraybay E.S. Dinalungan District
1. Anong Talon ang tinutukoy sa kwento?
a. Pagsangjan
b. Ma. Cristina
c. Bulawan
2. Saan matatgpuan ang talon ng bulawan?
a. Barangay Nipoo
b. Barangay Paleg
c. Barangay Mapalad
3. Gaano ang layo nito mul sa bayan ng
Dinalungan?
a. Humigit kumulang 7 kilometro
b Humigit kumulang 8 kilometro
c. Humigit kumulang 10 kilometro
4. Sino ang nagnanais na makarating sa talon?
a. mga turista
b. mangingisda
c. magmimina
5. Ano ang maaaring sakyan sa pagtungo sa
talon ng Bulawan?
a. barko
b. traysikel
c. bisekleta
TALASALITAAN:
sentro
matunghayan
turista
Dinarayo
Buhat
-gitna
- makita
-dayuhan
-pinupuntahan
-mula
ANG PUNONG TALISAY
“Hayun! napakataas ng punong talisay”.
Bata pa akong musmos ay natatanaw ko na
ang punong ito ngunit hindi pa kasinglaki ng
sa ngayon.
Dalawang puno ito na magkatabi,
animo ay guwardiyang nakatunghay sa mga
batang papasok at lalabas sa tarangkahan ng
Mababang Paaralan ng Dibaraybay.
Madalas akong nakikipaglaro sa ilalim
ng puno sapagkat malilim at malamig dito.
Madami ng bagyo ang dumaan subalit heto
parin ang punong talisay matatag na
nakatayo.
Sa ngayon ay nasa ikaapat na baitang
na ako sa paaralan. Isa na ako sa nagwawalis
ng mga dahon na nalaglag mula sa mga sanga
nito.
By: F.M. Dela Peña 2015
Dibaraybay E.S. Dinalungan District
1. Ano’ng puno ang tinutukoy sa kwento?
a. Nara
b. talisay
c. niyog
2. Ilang puno ng talisay ang makikita sa
bakuran ng paaralan?
a. 3
b. 2
c. 1
3. Saan naglalaro ang bata?
a. sa ilalim ng puno
b. sa sanga ng puno
c. sa taas ng puno
4. Bakit sinasabi na matibay ang puno?
a. hindi ito namatay pagkatapos masunog
b. hindi nabuwal pagkatapos ng bagyo
c. hindi nababali ang sanga
5. Saan inihalintulad ang punong talisay?
a. sa guwardiya
b.guro
c. pulis
TALASALITAAN:
musmos -bata pa
nakatunghay
tarangkahan
-nakatingin
-pinto ng bakuran
ANG BATANG SI GLEN
Malikot, pasaway, mahilig magtago ng tsinelas ng
kamag-aral, pumasok at dili, mapangbuska, pasang-awa
kung susumahin ang grado.
Siya si Glen, ang aking eskwela sa ika-apat na baitang ang
nakatawag ng aking pansin sa unang taon ng pagtuturo ko
sa Mababang Paaralan ng Dibaraybay.
Hindi ko pa lubos na nakikilala ang mga
mamamayan dito kaya’t nagtanong-tanong ako kung sino
ang kanyang mga magulang upang sila ay kausapin. At
duon natuklasan ko na ang tanging nag-aalaga sa kanilang
apat na magkakapatid ay ang kanilang ama sapagkat ang
kanilang ina ay nasa ibang bansa bilang OFW.
Hindi na ako nagtaka kung bakit ganun ang asal niya
gayunman ay nakaramdam ako ang habag sa kaniya.
Walang anu-ano may sumigaw na bata, “kulang sa pansin”
at paglingon ko, si Glen, nakaakyat sa itaas ng pisara.
Pagtingin ko sa kanya ay dahan-dahan siyang bumaba at
umupo sa isang sulok.
Maraming beses ko siyang kinausap at pinangaralan.
Lumipas ang maraming taon. Minsan, habang ako ay
naglalakad sa loob ng pamilihan ng N.E. Baler,
“Good morning Mam”wika ng tinig mula sa aking likuran.
Si Glen pala at may bitbit na basket na may lamang
groserya. “
Kumusta kana”? bati ko sa kanya.
“Heto po, namimili ng mababaon patungong
lungsod ng Baguio para duon magreview. “Katatapos ko
po ng kursong Criminology”, pagpapatuloy niya. Laking
gulat ko ngunit may kahalong tuwa at paghanga.
Nagkuwentuhan kami ng ilang sandali at bago kami
naghiwalay ay sinabi ko sa kanya.
“Good Luck sayo, sana makapasa ka.”
Paglabas ko ng pamilihan nakaramdam ako ang kakaibang
tuwa. Sino ang makakapagsabi na si Glen na isang batang
makulit at pasaway ay naging matagumpay.
By: F.M. Dela Peña 2015
Dibaraybay E.S. Dinalungan District
1. Sino ang batang pasaway?
a. John
b. Glen
c. Ben
2. Saan naroon ang kanyang nanay?
a. nasa Manila
b. ibang bansa
c. ibang bayan
3. Ano’ng kurso ang natapos ni Glen?
a. Criminology
b. Accountancy
c. Social Works
4. Saan pupunta si Glen para mag review?
a.Manila
b.Baguio
c. Amerika
5. Bakit masasabing kahanga-hanga si Glen?
a. mahusay siyang umawit
b.mabait
c. nakapagtapos siya ng pag-aaral
TALASALITAAN:
mapangbuska -magaling manloko
Pasaway
-makulit
Asal
-ugali
DALAMPASIGAN
Mapalad tayo sa lalawigan ng Aurora
sapagkat mayroon tayong dalampasigan.
Natural na maputing buhangin, dalisay na
tubig na masarap languyan at sagana sa
sariwa at matatabang isda ang nahuhuli sa
araw-araw.
Hindi lahat ng lugar sa Pilipinas ay
biniyayaan ng magandang dalampasigan.
Kailangan pa nilang maglakbay ng malayo at
magbayad sa mga pribadong lugar upang
maranasan mo ang katulad nito.
Bakit marami ang nabibighani sa
kagandahan
ng tabing dagat o
dalampasigan?” Kakaiba kasi ang simoy ng
hangin dito. Sariwa at nakakawala ng mga
mabibigat na alalahanin sa buhay. Lalo na
kapag makikita mo ang mga alon at kung
maglalakad ka sa buhanginan ng nakatapak o
walang tsinelas.
Tunay na nakakapagparelaks ng
pakiramdam.
By: F.M. Dela Peña 2015 Dibaraybay E.S. Dinalungan District
1. Ano ang dalampasigan?
a. tabing ilog
b. tabing dagat
c. paanan ng bundok
2. Saang lalawigan sagana sa dalampasigan?
a. Aurora
b. Isabela
c. Pangasinan
3. Bakit marami ang nagnanais pumunta sa
dalampasigan?
a. upang magrelaks
b. upang magtinda
c. upang kumain
4. Bakit nakakabighani ang tanawin dito?
a. sariwa ang simoy ng hangin
b. madaming artista
c. maraming mabibili
5. Ano ang ginagawa ng ibang mga tao upang
maranasan at makakita ang
magagandang dalampasigan?
a. bumibili ng dagat
b. nagbabayad sa pribadong may-ari
c. nagtutungo sa ibang bansa
TALASALITAAN:
natural
biniyayaan
- tunay
-pinagkalooban
SI GHENAIZA
Nasa ika-apat na baitang na si Ghenaiza.
Maliit na bata ngunit bibo at aktibo. Kulot
ang katamtamang haba niyang buhok.
Balingkinitan ang kanyang katawan at higit sa
lahat siya ay maganda at mabait.
Ang batang ito maliit man ay may
katangi-tanging talento. Mahusay siyang
sumayaw at umawit.
Madalas siyang
lumalahok sa mga patimpalak at tulad ng
dapat asahan siya ay nagwawagi.
Tuwang –tuwang sa kanya ang
marami sapagkat malakas ang kanyang loob
at hindi mahiyain.
By: F.M. Dela Peña 2015 Dibaraybay E.S. Dinalungan District
1. Nasa anong baitang si Ghenaiza?
a. ika-apat
b.ika-lima
c. ika-anim
2. Anong talento mayroon siya?
a. sayaw at awit
b. drawing
c. pag-arte
3. Ano ang katangian niya upang maisagawa ng
maayos ang kanyang talento?
a. mahusay
b. hindi mahiyain
c. malakas ang boses
4. Sino ang natutuwa sa kanya?
a. nanunuod
b. mga guro
c. kamag-aral
5. Paano niya ipinapakita ang kanyang talento?
a. buong tapang
b. buong husay
c. buong puso
TALASALITAAN: talento- galing
patimpalak- palabas
“PALAY”
GINTONG BUTIL, ito ang taguri sa hinog
na bunga ng palay. Mula sa lipak na palad ng
magsasaka na buong sipag at tiyaga umulan
man o umaraw kailangang alagaan niya ang
tanim na palay.
Si Mang Noli ay isa sa mga
magsasakang ito. Sa araw-araw na pagpasok
ko sa paaralan ay nadadaanan ko siya sa
kanyang bukid. Matiyaga niyang inaayos ang
mga pilapil ng kanyang palayan at isa-isang
inaalis ang damong ligaw sa pagitan ng puno
ng palay.
Parang kailan lamang mula ng itanim
ang punla, heto, may bunga at namimintog
na. Maaliwalas ang nakangiti niyang mukha
sapagkat sa lalong madaling panahon ay
mamamalas na niya ang gintong butil sa
uhay.
By: F.M. Dela Peña 2015 Dibaraybay E.S. Dinalungan District
1. Ano ang inutukoy na gintong butil?
a. perlas
b.palay
c. sitaw
2. Sino ang nag-aalaga ng palay?
a. magsasaka
b. mangingisda
c. karpintero
3. Pano inaalagaan ni Mang Noli ang tanim niyang
palay?
a. kinukulambuan
b. pinapakain
c. inaalis ang damo
4. Bakit nakangiti si Mang Noli?
a. maganda ang panahon
b. malapit ng mahinog ang bunga ng
palay
c. maraming bulaklak
5. Gaano kahalaga ang palay?
a. pagkain ng ibon
b. pagkain ng baka
c. pagkain ng tao
TALASALITAAN:
gintong butil -hinog na bunga ng palay
uhay -tangkay ng palay kung saan naroon ang bunga
mamamalas
- makikita
lipak
- makapal
TUBIG AY MAHALAGA
“Isara ang gripo kapag hindi ginagamit”.
Ito ang nakasulat sa dingding malapit sa gripo.
“Gaano ba kahalaga ang tubig”, tanong ng
guro sa mga mag-aaral. “Inumin po,” sagot ni
Angel, ginagamit po sa paglalaba at paliligo”,
dagdag naman ni Lara.
“Panlinis po ng mga kagamitan”, dugtong
ni Mark Dave. “Tama lahat ang inyong sinabi.”
Wika ng guro. “Ilan lamang iyan sa
napakaraming pangangailangan sa tubig”.
Kaya’t dapat natin itong pahalagahan at
huwag aaksayahin. Panatilihing nakasara ang
gripo kapag hindi ginagamit upang sa gayon ay
hindi ito masayang at hindi lumaki ang
babayarang konsumo.
By: F.M. Dela Peña 2015 Dibaraybay E.S. Dinalungan District
TALASALITAAN:
Konsumo
-nagamit
Aksaya
-maling paggamit
1. Ano ang nakasulat sa dingding?
a. bawal magkalat
b. Isara ang gripo kapag hindi ginagamit
c. bawal pumasok dito
2. Alin ang pangunahin at pinakamahalang
gamit ng tubig?
a. panlaba
b. panligo
c. inumin
3. Ano ang gagawin sa gripo pagkatapos
maghugas ng kamay?
a. sirain
b. isara
c. putulin
4. Paano mo gagamitin ng wasto ang tubig?
a. huwag aksayahin
b. hayaang dumadaloy
c. ibuhos sa kanal
5. Ano ang mangyayari kung hindi tayo
magtitipid sa paggamit ng tubig?
a. mauubos ang tubig
b. puputulan ng tubo
c. tataas ang bayarin
SALAMAT INAY
Isang araw ng sabado.
Maagang
gumising si April at agad nitong hinanap ang
kanyang ama.
“Inay, nasaan po ang Itay” tanong niya sa Ina
habang naghahanda ng almusal.
“Umalis na ang iyong ama, nagtungo siya sa
dagat upang maglambat”, sagot ng Ina.
“Bakit po napakaagap niya, madilim pa
ang paligid”, muli niyang tanong.
“Ganito ang tamang oras ng paglalambat
anak” wika ng Inay. Ah, ganun po ba? “Sana
po madaming mahuling isda si Itay para
masarap ang ulam natin”.
Oo anak,
kailangan din natin na
makapagbenta upang may ipambili ng
pangangailangan mo sa paaralan”.
“Salamat po Inay dahil pinapahalagahan mo
ang aking pag-aaral.” Hayaan po ninyo at
magsisikap ako upang makatapos.
By: F.M. Dela Peña 2015 Dibaraybay E.S. Dinalungan District
1. Sino ang gumising ng maaga?
a. May
b. April
c. Jane
2. Sino ang kanyang hinanap pagkagising nito?
a. ate
b. kuya
c. tatay
3. Saan nagtungo ang kanyang ama?
a. bukid
b. palengke
c. dagat
4. Ano ang pinapahalagahan ng Ina ni April?
a. edukasyon
b. material ng bagay
c. pagkain
5. Ano ang mangyayari kay April kung hindi
siya magsisikap sa pag-aaral?
a. hindi makakatapos
b. magagalit ang nanay
c. magagalit ang guro
IKAW BA AY MAPAGKAKATIWALAAN?
Araw-araw ay maagang pumapasok sa
paaralan si Jedale. Nasa ika-apat na 13op ala
na siya. Siya ang nagbubukas ng kanilang
silid aralan bago pa man dumating ang
kanyang
guro. Nagwawalis siya ng sahig at nag-aayos
ng mga upuan at mesa.
Pagdating ng hapon, hindi siya uuwi
hangga’t naroon pa ang kanyang guro na
abala sa paggagawa ng reports. Hindi naman
nag-aalala ang kanyang nanay sa pag-uwi
nito ng huli dahil malapit lamang ang
paaralan sa kanilang tahanan.
Lubos na nasisiyahan ang kanyang
guro sapagkat siya ay mapagkakatiwalaan na
sa mga mumunting gawaing iniatang sa
kanya.
By: F.M. Dela Peña 2015
Dibaraybay E.S. Dinalungan District
TALASALITAAN:
Iniatang -ibinigay
Nasisiyahan -natutuwa
1. Sino ang maagang pumapasok sa paaralan?
a. Jedale
b. Hadjie
c. Airon
2. Ano ang ginagawa niya habang wala pa ang
guro?
a. nagsusulat
b. nagwawalis
c. nagdidilig
3. Anong katangian ang taglay ni Jedale?
a. masipag
b. mapagkakatiwalaan
c. mabait
4. Bakit hindi nag-aalala ang nanay ni Jadale kahit
huli na itong umuwi?
a. nagpapaalam muna siya
b. malapit ang bahay nila sa paaralan
c. nanatakot siya sa guro
5. Magagawa mo rin ba ang katulad ng ginagawa ni
Jedale?
a. opo
b. siguro
c. hindi
ANG PARU-PARO
Palipat-lipat ang paru-paro sa iba’tibang bulaklak, animo ay may hinahanap.
Dahan-dahan akong lumapit habang ito
ay nakadapo sa bulaklak ng cosmos.
“Ano ang iyong ginagawa diyan”? tanong
ng aking guro na kanina pa pala
nakamasid sa akin.
“Nagtataka lamang po ako sa paruparo bakit po palipat-lipat siya sa mga
bulaklak.” Sagot ko sa aking guro.
“Sinisipsip ng paru-paro ang pulot o 14op
al ng mga bulaklak sapagkat ito ang
nagsisilbi nilang pagkain.”
Kaya 14op ala araw-araw kong
napapansin na madaming iba’t-ibang
paru-paro na umaaligid sa mga bulaklak.
By: F.M. Dela Peña 2015
Dibaraybay E.S. Dinalungan District
1. Saan palipat-lipat ang mga paru-paro?
a. sa dahon
b. bulaklak
c. bunga
2. Bakit palipat-lipat ang paru-paro sa mga
bulaklak?
a. may hinahanap
b. nagagandahan sa bulaklak
c. sinisipsip ang nectar ng bulaklak
3. Ano ang nagsisilbing pagkain ng paru-paro?
a. buto ng bulaklak
b. nectar ng bulaklak
c. petal ng bulaklak
4. Maliban sa paru-paro ano pa ang hayop ang
sumisipsip ng nectar ng bulaklak?
a. ibon
b. uod
c. bubuyog
5. Ano sa palagay mo ang lasa ng nectar ng
bulaklak?
a. matamis
b. maaasim
c. maalat
TAMA SILA
Araw-araw na lang sinasabi ni Ma’am,
“magbasa, magsulat, makinig, nakakasawa na”…
pagdating sa bahay sasabihin naman ng nanay
ko, “ Reymar, walang maglalaro, magbasa ka at
gumawa ng assignment mo.”
Wala naman ako magawa kundi sumunod,
kunwari nagbabasa ako pero ang totoo ay
binibilang ko lang ang mga salita sa kwento.
Ganun palagi ang aking ginagawa hanggang
sa magsawa ang nanay ko bukod pa duon ay
madalas siyang ipinapatawag ng guro ko
sapagkat madalas akong lumiban sa klase o kaya
naman ay mag-cutting classes. Hanggang sa
tuluyan na akong huminto sa pag-aaral.
Sumasama ako sa aking barkada kung saan-saan.
Nuong kaya ko ng magtrabaho sumasama akong
magtabas upang kumita.
Natuto rin akong magtapas ng niyog at kung
anu-ano pang gawain para lamang may paggastos
ako. Ang hirap pala talaga ng ganitong gawain.
Naalala ko tuloy ang sabi ng Nanay ko nuon,
“Anak kahit naglalabada lang ako at si tatay mo
ay karpintero, pipilitin naming na pag-aralin ka,
sana naman ay magsikap ka para hindi masayang
ang paghihirap namin. Isa pa, para din sa
magandang kinabukasan mo iyan.”
Ang sabi ni Ma’am nuon, “mag-aral kayong
mabuti sapagkat iyan ay isang yaman na
kaylanman ay hindi mauubos.
Iyan ang
magdadala sa inyo sa maginhawang buhay.”
Ngunit, anupa ang magagawa ko ngayon. Heto,
wala ng pagkakataon pa upang mag-aral. Tama
sila, si Nanay at si Ma’am.
1. Ano ang sabi ni Ma’am?
a. magbasa
b. maglaba
c. magluto
2. Ano ang sabi na Nanay?
a. maglaro
b. gumawa ng assignment
c. magdilig
3. Sumunod ba si Reymar sa Nanay?
a. hindi po
b. opo
c. maari
4. Ano ang nagyari sa kanya?
a. nakatapos
b. hindi nakatapos
c. nawala
5. Sino ang tama?
a. si Reymar
b. si Ma’am at Nanay
c. si ate
Talasalitaan:
Magtapas - magbalat ng niyog
PAUNANG SALITA
ANG MGA KWENTONG MABABASA
DITO AY HANGO SA TUNAY NA
KARANASAN AT PANGYAYARI SA BUHAY
NG ILANG MAG-AARAL, GAYUNDIN ANG
MGA LUGAR NA BINABANGGIT AY BASE
SA
TOTOONG
NATUTUNGHAYAN
O
NAKIKITA.
ITO AY GINAWA UPANG
PUKAWIN ANG ISIP AT DAMDAMIN NG
MAMBABASA.
Download