Uploaded by mherminamoro5

LeaP-AP-G5-Week8-Q3

advertisement
W8
Learning Area
Quarter
Araling Panlipunan
3
I. LESSON TITLE
II. MOST ESSENTIAL LEARNING
COMPETENCIES (MELCs)
III. CONTENT/CORE CONTENT
IV. LEARNING PHASES
A. Introduction
Panimula
Grade Level
Date
5
Mga Katutubong Pilipinong Lumaban sa mga Espanyol.
Napapahalagahan ang mga katutubong Pilipinong lumaban upang mapanatili
ang kasarinlan
MELC ph.42, AP5 Pilipinas Bilang Isang Bansa ph. 213-217
Naipaliliwanag ang di matagumpay na pananakop sa mga katutubong
pangkat ng kolonyang Espanyol
Suggested
Timeframe
Learning Activities
Sa araling ito ay ipagpapatuloy ka sa panahon ng kolonyalismong
Espanyol. Dito matutunan mo ang pagpapahalaga ng mga katutubong
Pilipinong Muslim upang mapanatili ang kasarinlan.
Sa aralin ding ito malalaman mo kung sino ang mga mga pangkat ng tao
sa Mindanao ang nakipaglaban para sa kalayaan at ang dahilan kung bakit
hindi nagtagumpay ang mga kolonyalistang Kastila na sakupin ang mga
pangkat ng Muslim sa Mindanao
Bilang isang mag-aaral ikaw ay inaasang:
1.
2.
3.
Natutukoy ang mga katutubong Pilipino na lumaban sa mga Espanyol
upang mapanatili ang kanilang Kalayaan
Naibibigay ang mga dahilan ng pananakop ng mga Espanyol sa mga
katutubong Muslim
Napahahalagahan ang mga katutubong Pilipinong lumaban upang
mapanatili ang kasarinlan
Ngayon ay ating alamin kung paano nakipaglaban ang pangkat ng mga
Muslim sa Mindanao laban sa mga Espanyol.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Panuto: Isulat sa malinis na papel ang inilalarawan sa bawat pahayag. Gamiting
basehan ang mga salitang hindi nakaayos na nasa loob ng panaklong sa
pagsagot.
1.
2.
3.
4.
5.
Mga pangkat sa Mindanao na lumaban upang hindi mapasailalim sa
kolonya ng Espanya. (SILMUM)
Sultan sa Mindanao na magiting na nakipaglaban sa mga Espanyol.
(UANSLT RATDUAR)
Banal na digmaan laban sa mga Espanyol (DAJIH)
Relihiyong nais ipalaganap ng mga Espanyol sa mga Pilipinong Muslim.
(MOKRISYATINIS)
Panirahan kung saan matatagpuan ang mga Muslim (MAONDNAI)
Sa pagpapatuloy ng ating aralin. Tatalakayin natin ang tungkol sa mga
pakikipaglaban ng mga Pilipinong Muslim laban sa mga Espanyol
Bago pa man dumating ang mga mananakop mula sa Espanya ay
payapang namumuhay ang mga Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa. May
sariling relihiyon, paniniwala at gawi ang mga katutubo na minana pa nila sa
kanilang mga ninuno.
Ang payapang pamumuhay na ito ay unti-unting nagbago dahil sa
pagdating ng mga Espanyol. Tinangkang sakupin ang mga lupain sa
bulubundukin ng Hilagang Luzon at maging ang bahagi ng Mindanao. Hindi
naging madali ang pakikibaka ng mga katutubong Pilipino laban sa mga
Espanyol. Sa kabila nito, hindi nagpadaig ang mga Muslim sa puwersa ng mga
Espanyol at ipinakita ng mga ito ang kanilang galing sa pakikipagdigma laban
sa mga mananakop upang mapanatili ang kanilang kalayaan.
Katutubong Muslim sa Mindanao
Kagaya ng mga Igorot, hindi naging madali sa mga mananakop na
sakupin ang mga Muslim sa Mindanao. Naging aktibo ang mga sultanato sa
pakikipagkalakalan ng bawat isa at sa mga karatig Sultanato sa Timog
Silangang Asya. Nabibigkis din sila sa kasunduang ipagtatanggol ang bawat isa
sa oras ng kagipitan.
Noong 1571, ay sinimulan ng mga Espanyol na sakupin ang Mindanao.
Nilabanan ng mga Muslim ang puwersa ng mga mananakop na sumalakay sa
Mindanao na tinatawag nilang Digmaang Moro. Dahil sa ipinakitang
katapangan ng mga Muslim, sila ay nanatiling malaya (maliban sa ilang bahagi
ng Mindanao) hanggang sa matapos ang kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas.
Sa panahong ito anim na digmaan ang sumiklab sa pagitan ng mga Muslim at
mga Espanyol.
Sa pang-apat na Digmaang Moro inilunsad ang kauna-unahang jihad o
banal na digmaan ng mga Muslim laban sa mga Espanyol. Ito ay sa pamumuno
ni Sultan Kudarat.
Nagtatag ng mga kuta sa iba’t ibang bahagi ng Zamboanga ang mga
Espanyol upang magsilbing lunsaran ng pagsakop nila sa mga sultanato. Sa
Mindanao rin nila pinahina ang pwersa ng mga Muslim at naipalaganap ang
Kristiyanismo sa pangunguna ni Gobernador-Heneral Sebastian Hurtado de
Corcuera.
Nakuha ng mga Espanyol ang Lamitan noong 1637 ang kabisera ng
Kudarat. Isang taon ang lumipas bumalik si Corcuera sa Jolo at napasuko si
Kudarat. Dahil dito, nagpalakas muli si Kudarat at ipinagpatuloy ang
pakikipaglaban sa mga Espanyol. Napilitan ang mga Espanyol na
makipagkasundo kay Sultan Kudarat noong 1645. Pansamantalang nagkaroon
ng kapayapaan sa pagitan ng mga Espanyol at mga Muslim subalit noong 1655,
pinatay ang ipinadalang sugo ng mga Espanyol dahil sa pamimilit nitong
tanggapin ang Kristiyanismo kay Kudarat. Inilunsad ni Kudarat ang unang jihad.
Hindi sumalakay ang mga Espanyol bagkus ay kanilang isinara ang kuta sa
Zamboanga noong 1663. Dahil dito, pansamantalang naging mapayapa ang
Mindanao mula sa mga mananakop.
Makikita na ang pangunahing dahilan ng pagsalakay ng mga Espanyol ay
ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Subalit ang isa pa sa kanilang hangarin
ay ang masugpo ang malakas na pwersa ng mga katutubo upang maging
ganap ang kanilang pagsakop sa Pilipinas. Layunin din nilang mangalap ng
mga yaman upang may pangtustos sa ibang digmaang kanilang
kinasasangkutan. Gayunpaman, nahirapan ang mga Espanyol sa pananakop
dahil sa ipinakitang katapangan ng mga katutubo.
Pananaw at paniniwala ng mga Sultanato tungkol sa Kalayaan
Mahalaga sa mga Muslim na mapanatili ang Kalayaan, lalo na sa aspekto
ng relihiyon. Naniniwala sila na ang Islam ay hindi lang isang relihiyon kundi
paraan din ng pamumuhay. Ang kanilang pamumuhay ay umiinog sa
pagsamba kay Allah. Bukod pa rito, dinatnan na ng mga Espanyol na ang mga
Muslim ay matatag at malakas ng mga sultanato bunga ng pakikipag-ugnayan
nila sa Brunei at Indonesia kaya hindi sila natatakot na nakipagdigmaan sa mga
Espanyol.
Mga Tanong:
1. Sino ang mga katutubong nakipaglaban sa mga Espanyol?
2. Ano ang layunin ng pananakop ng mga Espanyol sa iba’t ibang bahagi
ng Mindanao?
3. Bakit hindi nasakop ng mga Espanyol ang pangkat ng mga Muslim sa
Mindanao.
4. Anong pagpapahalaga at katangian ang ipinakita ng mga Muslim sa
pangyayaring ito?
5. Sa panahon natin ngayon mahalaga ba ang pagkakaisa? Bakit?
Ang mga gabay na tanong ay maaaring magamit ng mga magulang upang
maproseso at maunawaan ng mag-aaral ang teksto na binasa.
B. Development
Pagpapaunlad
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang masayang mukha
kung ang mga
pangungusap ay nagsasaad ng pagpapahalaga ng mga katutubong Muslim
sa kalayaan at malungkot na mukha
naman kung hindi.
_____1. Masayang tinanggap ng mga Muslim ang mga Espanyol.
_____2. May pagkakaisa ang mga Muslim.
_____3. Hindi kinilala ang mga kapangyarihan ng mga Espanyol.
_____4. Matatag ang paninindigan ng mga katutubong Muslim.
_____5. Ayaw nilang maging Kristiyano.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Panuto. Punan ng tamang salita ang mga puwang upang mabuo ang talata.
Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon sa ibaba at isulat sa sagutang papel.
Pangunahing dahilan ng ____1______ ng mga Espanyol sa mga katutubong
_____2____ ay upang palaganapin ang _____3____ at matalo ang malakas
na____4_____ nito. Subalit ___5_____ ___sila na masakop ang mga Muslim.
pananakop,
Muslim
nabigo
Kristiyanismo
pwersa
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Panuto: Sipiin ang tsart at pagsunud-sunurin ang mga pangyayari ng
pakikipaglaban ng Espanyol sa mga katutubong Muslim. Isulat ang titik A
hanggang E sa bawat kahon sa unahan ng bilang. Titik A sa pinakaunang
pangyayari at E naman sa pinakahuli.
1. Nasakop ng mga Espanyol ang Lamitan, kabisera ng Kudarat.
2. Nakipagkasundo ang mga Espanyol kay Sultan Kudarat.
3. Pinatay ni Sultan Kudarat ang sugo ng Espanyol dahil sa pamimilit
na maging Kristiyano ang mga Muslim.
4. Ipinasara ng mga Espanyol ang kanilang kuta sa Zamboanga.
5. Sinimulang sakupin ng mga Espanyol ang Mindanao.
C. Engagement
Pakikipagpalihan
Pagkatapos mong malaman ang mga pakikipaglaban ng mga Muslim para sa
kalayaan laban sa mga Espanyol ay linangin mo pa ang iyong kaalaman sa
papamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na gawain:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Panuto: Sipiin at Isulat sa loob ng kahon ang titik na magpapawasto sa isinasaad
ng bawat bilang.
1. Magiting ng Sultang nakipaglaban sa mga Espanyol.
D
T
2. Banal na digmaan ng mga Muslim upang ipagtanggol ang relihiyon
at pamumuhay.
J
D
3. Relihiyong nais palaganapin ng mga Espanyol na naging sanhi ng
pakikipaglaban ng mga MUSLIM.
R
T
Y
M
4. Isa sa katangian ng mga Muslim upang hindi sila masakop ng mga Espanyol.
P
G
K
I
5. Sila ang mga katutubong matatapang at may pagkakaisa na matatagpuan
sa Mindanao.
S
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6
Gumuhit ng isang poster tungkol sa pakikipaglaban ng mga Muslim sa mg Kastila
bilang pagpapahalaga nila sa kalayaan. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba
bilang gabay paggawa ng poster.
RUBRIK SA PAGGAWA NG POSTER
PAMANTAYAN
Nilalaman
Kaangkupang
konsepto
Pagkamalikhain
Kabuuang
presentasyon
Pagkamalikhain
INDIKADOR
Naipakita at naipaliwanag nang maayos ang
ugnayan ng lahat ng konsepto sa paggawa ng
poster.
Maliwanag at angkop ang mensahe sa
paglalarawan ng konsepto.
Orihinal and ideya sa paggawa ng poster.
PUNTOS (5)
Malinis at maayos ang kabuuang presentasyon.
Gumamit ng tamang kombinasyon ng kulay
upang maipahayag ang nilalaman konsepto, at
mensahe.
Kabuuan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7
Panuto: Sumulat ng isang tula na binubuo ng dalawang (2) saknong tungkol sa
pagpapahalaga ng mga Muslim sa kalayaan. Gamitin ang rubrik sa ibaba.
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG TULA
D. Assimilation
Paglalapat
Napakagaling
5 puntos
Magaling
4 puntos
Katamtaman
3 puntos
Makahulugan at
malalim ang
nilalaman ng tula
Gumamit ng
napakahusay at
angkop na angkop
na sukat ng tugma
Napakaganda at
napakalinis ng
pagkakasulat ng
tula.
Makahulugan at
malalim ang
nilalaman ng tula
May sukat at
tugma ang ngunit
may bahagyang
inkonsistent
Maganda at
malinis ang
pagkakasulat ng
tula.
Bahagyang at may
lalim ang
nilalaman ng tula
Sinubukang
gumawa ng tugma
subalit maraming
inkonsistent
Bahagyang
maganda at
malinis ang
pagkakasulat ng
tula.
Napag-alaman ko na, ang mga
Espanyol ay nabigong sakupin ang
mga Muslim dahil sila ay may
pagpapahalaga sa kalayaan. Bilang
mag-aaral ay mapapahalagahan
din
natin
ang
kalayaan
sa
pamamagitan ng pagkakaisa at
katapangan.
Nangangailangan
g pagsasanay 1-2
puntos
Mababaw at literal
ang nilalaman ng
tula.
Walang sukat at
tugma at halos
walang naisulat.
Marumi at hindi
maganda ang
pagkakasulat ng
tula.
Illustrated by
fdvtorres
V. ASSESSMENT
Para sa pagtataya, ito ay gagawin sa ikatlo at ika-anim na linggo ng aralin.
(Learning Activity Sheets for
Enrichment, Remediation or
Assessment to be given on
Weeks 3 and 6)
VI. REFLECTION
Prepared by:
Matapos mapagdaanan ang maraming pagsubok na humamon sa iyong
kakayahan upang maging ganap ang pagkatuto at kabatiran tungkol sa
tinalakay na aralin ngayon ay magagawa mo ng ihayag ng buong
pagmamalaki:
⮚ Ang aking natutunan sa aralin ay__________________________
⮚ Ang mga bagay na ayaw kung makalimutan ay__________________
⮚ Gusto mong subukan mula sa iyong natutunan ay_______________
Juana B. Francisco
Checked by:
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng
mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay
sa iyong pagpili.
- Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa paggawa nito. Higit na nakatulong ang
gawain upang matutunan ko ang aralin.
 - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong
ang gawain upang matutunan ko ang aralin.
- Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang
hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko
ito nang maayos o mahusay.
Gawain sa
Pagkatuto
Bilang 1
Bilang 2
Bilang 3
LP
Gawain sa
Pagkatuto
Bilang 4
Bilang 5
Bilang 6
LP
Gawain sa
Pagkatuto
Bilang 7
LP
Download