MODYUL SA FILIPINO 7 Unang Markahan 1 Republika ng Pilipinas KAGAWARAN NG EDUKASYON Rehiyon IV-A CALABARZON Sangay ng Rizal MODYUL SA FILIPINO 7 (Unang Markahan) ARALIN 1.1 KWENTONG BAYAN (Unang Linggo) PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pang-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao. PAMANTAYANG PAGGANAP Naisasagawa ng mga mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo. Panitiakan: Manik Buangsi Kuwentong Bayan ng Maranao Uri ng Teksto: Naglalahad Panimula Ang kwentong-bayan ay isang uri ng pantikan na nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao. Isang uri ng kwento na maaaring nagpapaliwanag ng pinagmulan ng isang bagay o pangyayari tulad din ng sa alamat. Mababatid sa Aralain 1.1 ng Unang markahan ang kahulugan at konsepto kaugnay sa kwentong-bayan. Taglay ng modyul na ito mga Gawain sa pagkatuto na may kinalaman sa panitikang kwentong-bayan. Sakop nito ang mga kwentong-bayan na lumaganap sa bahaging Mindanao ng Pilipinas.Ang mga Gawain ay magbibigay gabay sa lalo pang pagkatuto o pag-unlad ng mga inaasahang kasanayang dapat malinang alinsunod sa Curriculum Guide sa Pagtuturo ng Filipino ng K to 12. 2 MGA YUGTO NG PAGKATUTO Gawain Bilang 1 Ano ang Nalalaman Mo Na? 1. Panimulang Pagtataya Panuto: Isulat ang tama ang isinasaad ng pahayag. Iwasto sa pamamagitan ng pagsulat ng tamang salita/parirala kung ito’y mali. __________1. Ang kwentong-bayan ay nasa anyong patula. __________2. Sa Pilipinas, ang mga dayuhan ang nagdala ng kuwentongbayan. __________3. Ang kwentong-bayan bayan ay hindi kinapupulutan ng aral. __________4. Bago pa dumating ang mga Kastila ay may sariling nang panitikan ang ating mga ninuno. __________5. Maaaring tooto o kathang-isip lamang ang mga pangyayari sa mga kwentong-bayan. _________6. Ang kwentong-bayan ay isang maikling salaysay na nagpalipatlipat sa salinlahi sa pamamagitan ng mga bibig. __________7. Kasasalaminan ang mga kwentong bayan ang kultura ng bayan na pinagmulan nito. __________8. Ang mga kwentang-bayan ay nauukol sa pakikipagsapalaran, pag-iibigan o katatakutan. __________9. Hindi nakakatulong ang mga kwentong-bayan upang mapahalagahan ang kapaligiran, makilala ang ating katauhan at maiayos ang ating pananaw sa buhay. _________10. Kabilang ang mga alamat at pabula sa mga kwentong-bayan. 3 Gawain Bilang 2 Palawigin Natin ● Basahin ang kaligirang pangkasaysayan ng kwentong-bayan sa ibaba at gamitin ang kaalaman sa pagsagot sa mga susunod na Gawain. ● Basahin ang Kwentong-bayan na Manik Buangsi at unawain angbawat talata. Manik Buangsi . Ang Lungsod ng Zamboanga, tinaguriang “Zambangan”, na lalong kilala sa tawag na “Lupain ng mga Bulaklak” ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Zamboanga Peninsula. Ito ang sentro ng kalakalan ng rehiyon. Ang kuwentong-bayan na ito ay mula sa Lungsod ng Zamboanga. 4 Noon ay may isang sultan na may pitong anak na dalaga. Ang bunsong si Tuan Putliang pinakamaganda sa lahat. Nang magdalaga ito, sapagkat napapanakinipan niya ang lalakina kanyang iniibig, si Manik Buangsi. Dapatwat si Manik Buangsi ay hindi pangkaraniwang tao.siya ay isang nilalang na walang kamatayan at nakatira sa pook ng mga bathala. Sa panaginip lang niya dinadalaw si Tuan Putli. Dumating ang araw na hindi matiis pa ni Manik Buangsi ang kanyang pag-ibig kay Tuan Putli. Kinausap ni ang Allah na bababa siya sa lupa at pinayagan naman siya nito. Nag-anyong isang ginintuang bayabas ni Manik Buangsi at nagpasakamay siya sa isang matandang babae pulubi. Nang bigyan ni Tuan Putli ng limos ang sinabing matandang pulubi, ibinigay na nito ang prutas sa kanya. “Itanim mo ito sa iyong hardin,” ang bilin ng matanda kay Tuan Putli. “ Ang nito ang iyong kapalaran!” Itinanim ni Tuan Putli ang bunga.Tumubo agad ito at nag bunga ng marami. Pinitas nito ang pinakamalaki at pinakamagandang bunga at iyon ang dinala niya sa loob ng kanyang silid. Lingid sa kaalaman ng dalaga, nas aloob ng bungang iyon si Manik Buangsi. Sa pagsapit ng gabi, kung tulog na si Tuan Putli, isang kakaibang liwanag ang lumabas sa prutas kasabay si Manik Buangsi. Magdamag nitong panonoorin ang magandang mukha ng natutulog na dalaga. Saka lamang siya bumabalik sa loob ng buanga kapag tumilaok na ang mga manok. Ngunit sa isang pagkakataon ay nakatulog si manic Buangsi. Nang magising siya ay nakasikat na ang araw. Gayon na lamang na gulat ang dalaga. “ Kung gayon, isa kang katotohanan!” bulalas ni Tuan Putli. Ngumiti si manic Buangsi. “Oo,” wika niya. “At narito ako upang pakasalan ka!” Naganap ang kasalan ni Tua Putli at Manik Buangsi at sa piging na iyon ay bumaba ang mga bathala mula sa kalangtan upang saksihang angg pag-iisang dibdib ng dalawa. 5 Nanatili sina Manik Buangsi sa lupa. Sa kabilang dako, nangimbulo ang mga kapatid ni Tuan utli sa kanyang magandang kapalaran. Hanggang sa naisip ng tatong dalaga na sinirain ang magandang ugnayan ng dalawa. “hindi ka dapat nagtitiwala sa asawa mo,” sabi ng isa kay Tuan Putli. “Maaaring isa lamang siyang masamng espiritu!” “Maganda siyang lalaki,” wika naman ng isa pa. “Sigurado mo bang ikaw lang ang babaeng minamahal niya?” “Sa tingin ko ay isa kalamang sa mga babaeng dumaan sa buhay niya,” sabi sa kanyang ng isa pa, “paluluhain ka niya baling araw!” Dahil sa patuloy na paninira ng kanyang mga kapatid ay tuluyan ng nalason ang isipan ni Tuan Putli. Naging selosa siya sa kalaunan hanggang sa madals na niyang inaaway si Manik Buangsi. Dumating ang panahong napuuno na si Manik Buangsi. Ipinasya niyang bumalik na siya sa kanyang pinagmulan. Sa kapangyarihan nayang taglay niya, isang mabikas na putting kabayo at isang kris ang biglang lumitaw. Nagsisi si Tuan Putli at nagmakaawang isama siya ni Manik Bungsi. Pumayag naman si Manik Buangsi. Sa kanilang paglalakbay ay biglang binalot sila ng makapal alikabok. Ang mga dahon ng mga damo sa paligid ay naging mga kris. Ngunit buong tapang na sinagupa ni Manik Buangsi ang lahat. Hanggang makarating sila sa isang mahaba at makipot na tulay. Sa ilalim ng tulay, naroon ang isang ilog na kumukulo at mulo roon ay maririnig ang daing ng mga nagdurusang kaluluwa. Mahigpit na niyakap ni Tuan Puttli sa baywang ang asawa. “Hindi ako magdidilat ng mata,”pangako niya. “Pipikit ako!” Nagsimula silang tumawid sa makipot na tulay, sakay sa kabayo. Ngunit biglang nakarinig ng tinig si Tuan Putli at tinatawag siya nito. “Tuan Putli! Tuan Putli! Tuan Putli!” daing ng tinig. Nakilala niya ang tinig naiyon. Iyon ang ting ng kanyang yumaong ina! 6 Hindi nakapagpigil pa su Tuan Putli. Bigla itong dumilat at tumigin sa ibaba. Dahil sa takot ay nakabitaw ito at nahulog sa kalaliman. Wala nang magawa si Manik Buangsi. At alam niyang nawala na sa kanya nang tuluyan si Tuan Putli. Mahirap talaga para sa isang tao ang umakyat sa langit sapagkat kadalasan ay hindi siya nakikinig sa paalala. Hango sa: Gantimpala’Pinagsanib na Wika at Panitikan Baitang 7 Innovative Educational Materials Inc.2015 Mahalagang Tagpo mula sa Manik Kahalintulad na Nabasang Tagpo Buangsi mula sa ibang Lugar Gawain Bilang 3. Pag-unawa sa binasa 1. Sinu-sino ang mga tauhan sa napakinggang kwentong-bayan? Ilarawan sila gamit ang Character Profile. 2. Ano ang dahilan ng pagkakagalit ng mag-asawa sa kwento? 3. Nang mapuno na si Manik Buangsi, ang kanyang naging desisyon at ginawa upang matigl na ang kanilang pag-aaway? 7 4. Ibigay ang bilin ni Manik Buangsi sa asawa habang silay naglalakbay pabalik sa kalangitan. 5. Anong mensahe o aral ang hatid ng kwentong binasa? Ip Gawain 4 Pagpapalawak ng Talasalitaan Panuto: Isulat sa titik A ang salitang kasingkahulugan at sa titik B ang salitang kasalungat ng salitang may salungguhit s bawat pangungusap. ● Si Manik Buangsi ay may alagang mabikasna kabayo bilang immortal. A. ________________________ B. ________________________ ● Ang mga kapatid ni Tual Putli ay may pangingimbulo sa kanya. A. ________________________B. _________________________ ● Makipot at mahaba ang tulay na dinaan ng mag-asawa. A. ________________________B. _________________________ ● Mataas na ang araw nang magising si Manik Buangsi sa harap ni Tuan Putli. A. ________________________B. __________________________ ● Patuloy ang paninira ng kanyang mga kapatid sa pagmamahalan nila. A. ________________________B. ___________________________ Gawain 5 Maghambing Tayo Mula nabasang kwentong-bayang Manik Buangsi, ihambing naman ito sa sikat o maalamat na Maria Makiling. Kwentong- Pangunahing Lugar na Mahalagang Mensahe bayan Tauhan Pinanggalingan Tagpo o aral na hatid Manik Buangsi Maria Makiling Gawain 6 8 Panoorin sa youtube ang “Kwentong-bayan ng Binangonan” at sagutin ang talahanayan sa ibaba. Catalogue Chart para sa “Kwentong-bayan sa Binangonan” Pamagat ng Mahalagang kaganapan Mga Tradisyong Kwentong-bayan sa kwento nakapaloob sa kwento. Kwentong-bayan sa Binangonan Pagsasanib ng Gramatika/Retorika ● Sa lalawigan ng Lanao del Sur nagmula ang ninasa nating kuwentong bayan.matatagpuan sa lalawigan ito ang lawa ng lanao na siyang paksa ng isang balita.magkakaroon ka ng ideya mula sa balitang ito kung anon a ngayon ang kondisyon ng lugar pinagmulan ng ng binasa mong kwentong bayan. Mindanao,MaisasalbangLakeLanao Mario B.Kasayuran Dapat na maipasa na ng kongreso ang panukala sa pahkatatag ng lake lanao development authority na lilikha ng malinaw na framework sa pangangasiwa sa lake lanao at sa watersbed resources nito upang matugunanang pagpapatuloy ng rotational brownout sa Mindanao na tinaguriang “land of promise” ayon kay senator Loren Legarda ,awtor ng panukala ,ang talamak at lumalalang deforestation sa mga watersbed.kabilang ang nasa lake lanao ,at ang siltation sa mga ilog ay kabilang sa mga dahilan kung bakit kinakapos ang suplay ng kuryente sa Mindanao . samantala ,ang panukalang pagtatayo ng 300-megawatt(MW) Fossil fuel powered electric palnt ang nakikita ng gobyerno na pansamantalang solusyon sa kapos na suplay ng kuryente sa rehiyon. iginiit naman ni Legarda na ang patuloy na pagkatuyo ng lake lanao ay nkaapekto sa suplay ng tubig mula sa lawa para sa anim na hydroelectric power plant sa Mindanao ,kabilang ang agnus ,na ang kabuoang sinu-suplay ay responsable sa 70 porsinyento ng pangangailangan sa kuryente ng buong rehiyon. ayon sa senadora ,inaasahan na niya ang kakapusan ng kuryente sa Mindanao ,kaya naman inihain niya ang senate bill 3097 para makalikha ng mga epektibong polisya at regulatory administration para sa lake lanao ,sa pamamagitan ng lake lanao development authority The lake lanao development authority shall have the exclusive jurisdiction to issue environment compliance certificates (ECGs) /certificates of non-coverage (CNGs) and grant permits for any projects or activities in or affecting the lake lanao area ,”ani legarda Pag-isipan at Pag-usapan sa kasalukuyan,umaabot sa 1,181 MV’s lang ang kanyang ipagkaloob ng mga power plant sa rehiyon ,kay kulang ng 30 MWs ang kabuoang supply,na nahresulta sa rotational brownouts. 9 1. Ano ang tila nasasalamin mo sa kasalukuyang kalagayan ng lugar kung saan nagmula ang ninasa nating kuwentong –bayan ?ano anong datalye mula sa balita ang makapagpapatunay sa iyong sagot? Batay sa balita, anu-ano ang magpapatunay na may problema nga sa kakulangan ng koryente ang Mindanao? Anong ebidensya mula sa binasa ang magpapatunay na ang pagkasira ng kapaligiran ay maraming masamang epekto sa buhay ng tao? Sa pagpapatunay ng isang bagay ay mahalagang masundan ito ng ebidensiya o datos. May iba pang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay patunay. MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG MGA PATUNAY May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang bagay.Makatutulong ang mga pahayag na ito upang tayo ay magpagpatunay at an gating paliwanag ay maging katanggap tanggap o kapani-paniwala sa mga tagapakinig. Karaniwang ang mga pahayag na ito ay dinurugtungan na rin ng datos o ebidensiya na lalo pang makapagpapatunay sa katotohanan ng inilalahad. Narito ang ilang pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng patunay: May dokumentaryong ebidensiya – ang mga ebidensiyang nagpapatunay na maaring nakasulat, larawan o video. Kapani-paniwala- ipinakikita ng salitang ito ang mga ebidensiya, patunay at kalakip na ebidensiya ay kapanipaniwala at maaaring makapagpatunay. Taglay ang matibay na kongklusyon- isang katunayang pinalalakas ng ebidensiya, pruweba o impormasyon na totoo ang pinatutunayan. Nagpapahiwatig- hindi direktang makikita, maririnig, o mahihipo ang ebidensiya subalit sa pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang katotohanan. Nagpapakita- salitang nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay totoo o tunay. Nagpapatunay/katunayan-salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa ipinahahayag. Pinatutunayan ng mga detalye- makikita mula sa mga detalye ang patunay sa isang pahayag. Mahalagang masuri ang mga detalye para makita ang kattotohanan sa pahayag. Gawain 7 Subukin Natin Panuto: Kilalanin at isulat sa kahon ang P kung ang pangungusap ay nagbibigay ng patunay. Lagyan naman ng DP kung hindi ito nagpapatunay. 10 _____1. Ang mahigpit anim na libong bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Yolanda ang magpapatunay sa lakas at bagsik ng bagyong humambalos sa maraming lalawigan sa Kabisayaan noong 2013. _____2. Umaasa silang huwag na sanang magkaroon ng ganoon kalakas na bagyo sa bansa. _____3. Ang unti-unting pagtatayo ng mga nasirang gusali at mga tirahan at pagsisimulang muli ng komersiyo sa mga lugar na ito ang nagpapatunay na bumabangon ang mga taga-Visayas. _____4. Ang tulong mula s iba’t ibang bansa na umabot sa mahigpit 14 bilyong piso ang nagpapakita sa likas na kabutihang-loob ng tao anuman ang kulay ng balat at lahi nito. _____5. Huwag n asana ulit tayo salantain ng malakas na bagyo. Paggawa ng Travel Brochure ● Kilalanin ang Panturismong lugar sa ibaba na matatagpuan Mindanao. Ano ang lugar na ito at bigyang katangian ito. Gawain 8 Kilalanin Mo Hulaan mo ito ______________ Katangian ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ _____________ Gawain 9 Magsaliksik Tayo ● Ngayon ay nakapagbigay ka ng paglalarawan na may kinalaman sa Bundok Apo. Magsaliksik ng iba pang mga datos sa paggawa ng Travel Brochure, punan ang hinihinhi ng mga sumusunod sa talahanayan. 11 Mga Datos o Kagamitang kakailanganin Mga Paraang gagamitin sa sa pagbuo ng Travel Brochure tungkol Pagkuha ng mga Datos na Ito sa Magagandang Lugar sa Bansa Gawain 10 Ang Travel Brochure Ko! ● Sa pagtatapos ng araling ito, ngayong alam muna ang mga datos o impormasyon na dapat ilagay sa isang Travel Brochure, pumili ka ng isang o mga masasabing tourist spot o pasyalan sa inyong bayan o lalawigan. Gawing gabay ang Pamantayan sa paglikha nito sa susunod na talahanayan. PAMANTAYAN PUNTOS Nakatuon sa isang paksa at may balangkas 4 Naglalaman ng mahahalaga ng impormasyon 2 Malinaw at wasto ang mga pangungusap/salita nito 2 Paggamit ng mga dekorasyon sa inyong gawa 2 Kabuuan 10 HERNAN P. DUNGCA Pantay NHS ROSALIE A MAYBITUIN Bernardo F. SAN JUAN NHS 12 Republika ng Pilipinas KAGAWARAN NG EDUKASYON Rehiyon IV-A CALABARZON Sangay ng Rizal MODYUL SA FILIPINO 7 (Unang Markahan) ARALIN 1.2 Pabula (Ikalawang Linggo) PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pang-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao. PAMANTAYANG PAGGANAP Naisasagawa ng mga mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo. Panitikan : Ang Pusa at ang Daga Pabulang Maranao ni Donato B. Sebastian Gramatika at Retorika : Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad Uri ng Teksto : Naglalahad Panimula Matapos mong pag-aralan ang isa sa mga kuwentong –bayan mula sa Mindanao , ikaw ay gagabayan naman namin ng mga mensaheng matutuhan sa akdang pamapanitikan na ang mga tauhan ay hayop – pabula. Ang salitang ito ay buhat sa saitang Griyegong muzos na ang ibig sabihin ay myth o mito. Ang Maranao ay nakatira sa paligid ng lawa ng Lano. Ang kahulugan ng “ranao” ay lawa kung saan hinango ang kanilang pangalan.Ang Marawi ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw ng Maranao. Buo pa rin at hindi nai-impluwensyahan ang kanilang kultura katulad ng desinyo ng damit, banig at sa kanilang mga kagamitang tanso. 13 Ang Aralin 1.2 ay naglalaman ng pabulang pinamagatang “Ang Pusa at ang Daga” na isinulat ni Donato B. Sebastian.Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad. Sa pagtatapos ng araling ito , ikaw ay inaasahang makagawa ng sistematikong pananaliksik tungkol sa pabula sa iba’t ibang lugar sa Mindanao batay sa sumusunod na pamantayan : a. limitado ang paksa , b. taglay ang kailangang datos/impormasyon , c. may simpleng balangkas ( panimula , nilalaman , wakas) d. wastong gramatika at madaling maunawaan ang mga salita. Pagkatapos ng araling ito, inaasahang masagot mo ang pokus na tanong na : Paano makatutulong ang mga pabula sa lubos na pag-unawa sa mga tradisyon at kultura ng lugar o rehiyon? At paano ang mabisang paggamit ng ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad ng mga pangyayari o mga kaisipan? Batid ko na may ideya ka na sa araling ito. Subukin nating alamin kung ang iyong mga ideya ay tumutugon sa mga konseptong saklaw ng aralin sa bahaging ito at masagot ang pokus na tanong na: Paano makatutulong ang mga pabula sa lubos na pag-unawa sa mga tradisyon at kultura ng lugar o rehiyon? Simulan natin sa pamamagitan ng gawain na susukat sa lawak ng iyong kaalaman. Gawain 1: Pamagat Ko! Pagmunimunihan Mo! Marahil ay batid mo na ang kahalagahan ng mensahe o mahahalagang kaisipang dapat mabatid sa anumang uri ng babasahin. Suriin mo ang sumusunod na pamagat ng akda. Pagkatapos, ibigay ang angkop na diwang ipinahahayag nito. 14 Hanay A Hanay B _____1.Ang Matsing at ang Pagong a.Huwag maliitin ang maliit _____2.Lalapindogowa-i: Kung Bakit b. Masama ang panglalamang Maliit ang Beywang ng Putakti _____3.Ang Palaka at ang Uwang sa kapwa c. Paggalang sakakayahan ng iba _____4. Si Amomongo at siIput-Iput d. Kapahamakan ang dulot ng (AngGorilya at ang Alitaptap) katamaran _____5.Ang Kuneho at ang Pagong e. Huwag maging palalo Gawain 2 : Tala-Kaalaman Basahin ang kaligirang pangkasaysayan ng pabula at itala ang mahahalagang impormasyon na nakuha mo gamit ang cake ladder KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PARABULA Ang pabula na katumbas o kasingkahulugan ng salitang Griyegong muzos na ang ibig sabihin ay myth o “mito” ay nagsimula sa tradisyong pasalita at nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon hanggang sa kolektahin ng mga pantas at sa huli ay binigyan ng ilang pagbabago ng mga tagapagkuwento nang naaayon sa kultura o kapaligirang kanilang ginagalawan. Ang ilan sa mga naunang kilalang koleksyon o kalipunan ng pabula ay nagmula sa mga kaugalian ng mga bansa sa Silangan. Ang iba pang koleksyon ay nagmula naman sa mga Griyego at Romano kung saan masasalamin sa mga paksa nito ang mga elementong panrelihiyon. Sa pagdaraan ng panahon ay isinilang ang pabula ni Aesop na gumamit ng mga hayop na nagsasalitang parang mga tao bilang mga pangunahing tauhan. Si Aesop na isang Griyego at namuhay noong panahong 620 hanggang 560 BC ay tinuturing na ama ng mga sinaunang pabula (ancient fables). Si Aesop na sinasabi ring isinilang na kuba ay lumaking isang alipin subalit pinagkalooban ng kalayaan ng kanyang amon at hinayaang maglakbay at makilahok sa mga kilusang pambayan at makisalamuha sa mga tao. (Sa panahong iyon, ang mga alipin ay walang karapatang lumabas at 15 makisalamuha sa iba maliban na lamang kung may pahintulot ng kanyang amo). Dito lumabas at nakilala ang kanyang taglay na talino at galing sa pagsulat at pagkukuwento. Tinatayang siya nakalikha ng mahigit 200 pabula sa kanyang buong buhay. Marami pang ibang manunulat ang sumunod na sumulat ng pabula at nakilala rin dahil sa kanilang mga likha. Kabilang sa mga ito sina Babrius , isang manunulat ng koleksiyon ng mga pabulang nasusulat sa wikang Griyego ; Phaedrus na kinikilalang kauna-unahang nagsalin sa Latin ng mga pabulang hango sa mga pabula ni Aesop ; gayundin sina Romulus , Socrates , Phalacrus ,at Planudes. Kabilang din sa mga nagpalaganap ng pabula sa kani-kanilang kapanahunan sina Odan ng Cheriton noong 1200, Marie de France noong 1300, Jean La Fontaine noong 1600, G.E. Lessing noong 1700 , at Ambrose Bierce noong 1800. Ang pabula ay lumaganap na rin sa iba’t ibang bansa kabilang ang ating bansa. Naging laganap ito maging nang bagong pa dumating ang mga mananakop. Nagamit din n gating mga ninuno ang mga kuwento at aral na taglay ng mga pabula sa pagtuturo ng kagandahang –asal at mabuing pamumuhay sa mga tao lalong –lalo na sa kabataan. Sa mga tauhang hayop ng mga pabula masasalamin ang mga katangiang taglay ng mga tao tulad ng pagiging malupit , makasarili ,mayabang , tuso , madaya , at iba pa.Itinuturo rin ng mga pabula ang tama, mabuti , makatarungan , at makataong pag-uugali at pakikitungo sa kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang aral sa buhay na ibinigay nito. Taliwas sa iniisip ng marami ,ang pabula ay hindi maituturing na “pambata lamang” sapagkat ang mga ito’y nangangailangan ng pag-unawa sa mga katangian ng mga tao upang maging epektibo ang paghahambing . Mahalaga ring makilatis ang mga aral o mahahalagang kaisipang taglay ng mga ito. –Mula sa Pinagyamang Pluma 7, Phoenix Publishing House, 2015 16 3. Bakit hayop ang ginawang tauhan ng pabula? At aral na makukuha sa pabula .? 2. Lugar kung saan lumaganap ang pabula. 1. Ama ng sinaunang pabula (pinagmulan, katangian) Inaasahan ko na nagkaroon ka ng pagpapahalaga at pag-unawa sa binasang kaligirang kasaysayan ng pabula. Maaari mo nang ipagpatuloy ang pag-aaral. Sa bahaging ito , babasahin mo ang isang halimbawa ng pabula. Nais kong bigyan mo ng pansin ang pagkakahabi ng mga pangyayari upang masagot mo ang pokus na tanong na : Paano makatutulong ang mga pabula sa lubos na pag-unawa sa mga tradisyon at kultura ng lugar o rehiyon? ANG PUSA AT ANG DAGA Donato R. Sebastian Isang araw napansin ng inang pusa na nilalagnat ang kaisa-isa niyang anak na si Kuting. Sa pakiwari ng inang pusa ay may kabigatan ang karamdaman ng anak kaya’t dapat tumawag ng manggagamot. 17 Matapos makapaghanda ng pagkain , ang inang pusa at tumungo sa bahay ng inang daga na kanyang kaibigan. “ Magandang umaga , kaibigan “, ang bati ng inang pusa “ Magandang umaga naman . Aba, kaibigan maagang-maaga ka!” ang salubong ng inang daga. “Oo nga. Nilalagnat kasi ang anak kong si Kuting. Tatawag ako ng doctor , ngunit wala akong mapag-iwanan sa kanya. Maari bang doon na muna kayo sa amin ng iyong anak na si Bubuwit habang hindi pa ako dumating ? “ “ Iyon lamang pala ! Ako’y nakalaang tumulong sa iyong pangangailangan”. Noon din ay ginising ng inang daga ang kanyang anak na si Bubuwit. “Gumising ka na anak. Dadalawin natin si Kuting.” “Ayaw ko pang bumangon. Inaantok pa ako.” “May pagkain doon,” ang ganyak ng ina sa anak. “Masarap daw ang pagkaing inihanda ng ina ni Kuting.” Nang marinig ni Bubuwit ang masarap na pagkain ay agad nang bumangon at sumama sa kanyang ina. Si Kuting ay tawag nang tawag sa kanyang ina nang ang tatlo’y dumating ng bahay. “Narito ako, anak,” ang masuyong aliw ng inang pusa sa naglalambing na anak. “Aalis muna ako sandali upang tumawag ng manggagamot.” “Wala akong kasama rito. Huwag mo akong iwan.” At umiyak ang maysakit na si Kuting. Magiliw na niyakap ng inang pusa si Kuting. “Narito sina Bubuwit at ang kanyang ina. Maiiwan sila rito habang ako’y wala. Maglaru-laro kayo ni Bubuwit at nang ikaw ay malibang,” ang aliw ng ina. “Ayaw ko kay Bubuwit. Siya ay magnanakaw,” ang tutol ni Kuting. “Ssss! Masama iyon,” ang saway ng inang pusa.” Huwag kang magsasalita nang ganoon”. Sa wakas ay nahimok na rin si Kuting kaya’t pumayag nang paiwan. Hindi pa nakalalayo ang inang pusa ay naidlip nang muli si Kuting.Ang malikot namang si Bubuwit ay nagtungo agad sa kusina. Maraming lutong 18 pagkain siyang nakita , may gatas , tinapay , itlog at may mainit na lugaw na marahil ay para kay Kuting. “Nanay! Nanay! “ ang masiglang tawag ni Bubuwit at kinain ang lahat ng nasa pingan. “ Masarap din ang tinapay na iyon !” ang wika ng inang daga. Inubos ng dalawa ang lahat ng pagkain, pati lugaw. Busog na busog ang mag-ina. Maingay ang mag-ina kaya’t nagising si Kuting. Kahit na mabigat ang katawan dahil sa matinding lagnat ay nag-inat-inat na ring tumungo sa kusina. Nakita niya na naubos ng dalawa ang lahat ng pagkain. “ Matatakaw ! Matatakaw! Ang sigaw ni Kuting sa mag-ina. Nagulat ang dalawa. Si Bubuwit ay nagalit sa sinabi ni kuting. Lumapit si Bubuwit sa may sakit na si Kuting at kinagat at kinalmot si Bubuwit. Nakita ng inang daga na nadadaig ang kanyang anak.Sumugod siya at dagli niyang kinagat si Kuting. Pagkatapos ay madaling tumakas ang mag-ina. Sila’y takot na takot na humukay ng malalim na lungga at doon nagtago. Tahimik sa bahay nang dumating ang inang pusa. Siya ay malungkot na malungkot sapagkat hindi siya nakasundo ng manggagamot. Pumanhik siya. Wala si Kuting sa banig. “Kuting, Kuting!” ang malakas na tawag niya “ Saan ka naroon? “ Nang ilingap niya ang kanyang paningin sa may kusina , nakita niya ang anak na nakaratay. “ Kuting , aking anak !” ang pataghoy na tawag ng ina nang makitang maraming sugat at halos hindi humuhinga ang kaawa-awang anak. Marahang nilinis ng ina ang mga sugat ng anak. Mayamaya ay nakapagsalita kahit paano si Kuting at isinalaysay sa ina ang mga pangyayari. Galit ang nag-alab sa puso ng ina. Matapos mapagyaman ang anak na halos panawan ng hinihinga , ang inang pusa ay umalis upang paghanapin kahit sa dulo ng daigdig ang taksil na mag-inang daga. 19 Nakita ng inang pusa ang kahuhukay pa lamang na lungga. Naghihiyaw na tinawag ang itinuturing niyang kaibigang hindi naging karapat-dapat sa pagtitiwala niya. “Daga! Daga! Lumabas ka! Ang galit na galit ni sigaw ng pusa. Narinig ng mag-inang daga ang malakas na hiyaw ng inang pusa , ngunit hindi sila lumabas ng lungga. Noon din ay tinawag ng inang pusa ang lahat ng kanyang mga kamaganak at ibinalita ang ginawa ng mag-inang daga sa kaniyang si Kuting. “ Hanapin natin sila “ , ang pagalit na wika ng isang pusang lalaki. “ Sasama ba kayo? “ “Oo ! Sasama kami “, ang sabay –sabay na sagot ng ibang mga pusa. Dahil sa malaking takot nila , itinuloy nila ang nahukay na lungga hanggang sa makalabas sa isang dakong lingid sa kaalaman ng mga pusa. Patuloy ang paghahanap ng mga pusa. Nang lumaki si Kuting ay kasama na siya paghahanap. At patuloy …..patuloy ang paghahanap ng mga pusa sa kinapopootang daga. -Mula sa Eferza Filipino Unang Taon GAWAIN 3 : Paglinang ng Talasalitaan Ibigay ang mga panlaping ginamit at ang kahulugan batay sa salitangugat. Isulat ang sagot sa bawat linya. Salitang-Ugat Panlapi Salitang Nabuo Kahulugan tulong _________ tumulong __________ gising _________ ginising __________ Um ________ Malakas na hikbi kagat _________ kinagat __________ hukay Na _______ __________ iyak 20 GAWAIN 4 : Pag-unawa sa Akda 1. Batay sa ginawang pagtitiwala ni Inang Pusa kay Inang Daga, ano ang mahihinuha sa dating samahan ng dalawa? Ipaliwanag ang sagot ? 2 .Naging tama ba ang ginawa ni Inang Pusa naipagkatiwala ang kanyang anak sa mag-inang daga? Pangatwiranan. 3 .Bakit hindi pinahalagahan ng mag-inang daga ang pagtitiwala ng maginang pusa? 4 . Ano ang naging bunga ng pangyayaring ito sa relasyon ng daga at pusa. 5. Ano ang pinapatunayan ng pabulang ito sa mga relasyon ng magkakaibigan? 6. Anong katangian ng Maranao ang sumasalamin sa binasang pabula? GAWAIN 5 :Pagbuong AKRONIM Magbigay ng mga salitang maaring iugnay sa salitang KAIBIGAN. Pagkatapos, bumuong isang maikling talata gamit ang naisulat na salita. K A I B I G A N - Talata: ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ GAWAIN 6 : Ipakilala Mo Ako Sa pamamagitan ng Character Map, makikilala mo ang mga pangunahing tauhan. Ngayon ay sagutin mo ang mga tanong na nasa kahon upang higit mo silang makilala. 21 Character Map Ano kaya ang nasa isip ng tauhan. Ano ang kanyang nararamdaman? Paanno niya hinarap ang suliranin? Ano ang kanyang ginawang aksyon? INANG PUSA Ano ang nasa isip ng tauhan? Ano ang kanyang nararamdaman? Paano niya hinarap ang suliranin?Ano ang kanyang ginawang aksyon? 22 INANG DAGA GAWAIN 7: Altapresyon Mo Suriin Mo 23 Ngayon naman ay bigyang pansin ang damdamin ng mga pangunahing tauhan batay sa piling bahagi ng akda sa pamamagitan ng pagsagot sa “Character Emotions Thermometer ” Nadatnan niInang Pusa na nakaratay sa sahig si Kuting at sugatan. Ano ang naramdaman ni Inang Pusa…… Emosyon Nagdesisyon siyang…… Galit na galit Nanlulumo Galit Nalungkot 24 GAWAIN 8 Character Sketches Piliin ang tauhan na gustong iguhit sa nabasang akda .Gumamit ng “outline” ng mukha kung lalaki o babae. Ipakita ang damdaming namayani sa tauhan ng nabasang akda Binabati kita sa sipag at tiyaga na iyong ipinakita sa mga gawaing ito . Ngayon naman ikaw ay makakapanood ng isang pelikula na pinamagatang “Lin King” ng isang tekstong naglalahad. Unawain ang nilalaman nito at bigyang pansin ang mensahe upang mapahalagahan ito bilang isang akdang pampanitikan. (https://youtu.be/A9KoWlK5gTs) Gawain 9 : Iistrorya Mo Yan 25 Matapos mong mapanood ang pelikula. Ngayon naman ay iyong sagutin ang mga sumusunod na gawain . Sa pamamagitan ng Picture Story Map ay iyong ibigay ang banghay ng napanood na animation . Tauhan Tagpuan Nagsiganap; Pamagat: Title: Tunggalian Kasukdulan Paksa Gawain 10: Kapag may Katwiran Ipaglaban Mo Sa napanood na animation nalaman mo na mga hayop na nagsasalita at kumikilos na parang tao ang gumaganap na tauhan. Karapat-dapat ba o hindi ang paggamit sa kanila bilang mga tauhan ng napanood na animation. Magpahayag ng iyong nalalaman at saloobin sa pamamagitan ng Split Page Big Book. 26 Katotohanan Nararamdaman Gawain 11: Pares-pares Lang Ilarawan ang isang taong may pagkakatulad sa karakter ng pangunahing tauhan sa napanood na animation sa pamamagitan ng Actitude Analysis Strategy. 27 Pagsusuri sa Ugali Ni (pangunahin tauhan/kakilala): ________________ _________________ Kabuuan n Pinapahalagahan Kilos / Galaw Gawain 12: Iislogan Mo Yan Ibigay ang mensahe o aral na nais ipahatid ng napanood na animation sa pamamagitan ng paggawa ng sariling SLOGAN na may kaugnayan dito. Magaling ! Batay sa mga naunang gawain , napaunlad mo ang iyong paguanawa kung paano makatutulong ang mga pabula sa lubos na pag-unawa sa mga tradisyon at kultura ng lugar o rehiyon? Higit na magiging mabisa ang paglalahad ng mga pangyayari kaugnay ng mga mensaheng natutuhan sa binasa at napanood na akda kung mauunawaan mo ang mabisang paggamitng ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad ng mga pangyayari o mga kaisipan. 28 Pagsasanib ng Gramatika at Retorika Alam mo ba na.. Ang mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad ay isang uri ng pang-abay. Ang pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing sa pandiwa ,pang-uri at kapwa pang-abay. Ang mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad o tinatawag na pang-abay. Ang mga ekspresyong naghahayag ng posilidad ng di-katiyakan at pang-aalinlangan. Halimbawa nito ay tila, baka , puwede kaya ang, maari , siguro , marahil , sa palagay ko , possible kayang ? at may posibilidad bang? -mula sa Batikan XIX, blng. I Basahin at unawain ang maikling teksto sa ibaba. Posible Nga Bang Magbago ang Isang Tao? “Walang sinuman ang makapipilit sa kanyang kapwa-tao na magbagong-buhay.Dapat na ang pagbabago ay magmula sa mismong indibidwal at ninanais niya ito.” -Vivien Stern, A Sin Against the Future – Imprisonment in the World Ang isang tao, gaano man kasama ay maaaring magbagong-buhay subalit walang sinuman ang makapagpapabago sa kanya. Tanging siya lamang ang makapagdedesisyon para baguhin ang sarili niya. Madalas, inaasam natin ang posibleng pagbabago n gating kapwa lalo na ng isang mahal sa buhay na naliligaw ng landas o nalilihis sa tuwid na daan. Iba’t ibang pamamaraan o estratehiya ang ginagamit para mapagbago ang iba tulad ng pagpaparusa, pakikiusap, panunuhol at iba pa. 29 Gayunpaman, kung magbabago man ang tao ito ay paimbabaw lamang. Tila ginagawa lamang ito upang mapagbigyan ang taong umaasam ng kanyang pagbabago. Subalit kapag ang mismong tao na ang nagdesisyong gusto niyang magbago, ito ang pagbabagong malalim at may katiyakan maisasagawa o mapapanindigan. Gayunpama’y malaki pa rin ang nagagawa ng pananalangin. Posibleng ang hindi magawa ng isang tao para sa kapwa ay mangyari ayon sa kagustuhan at paraan ng Panginoon. Pagsasanay 13 : I-ekspress Mo Yan! Itala ang napiling mga ekspresyon naghahayag ng posibilidad sa loob ng kahon mula sa binasang teksto at bumuo ng sariling pangungusap. 1.____________________________________________________________ 2.____________________________________________________________ 3.____________________________________________________________ 4.____________________________________________________________ 5.____________________________________________________________ Pagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa Pabula 30 Kung ikaw ay sasabihang manaliksik tungkol sa isang paksa, alam mo ba kung san-san makakukuha ng mga impormasyon o datos para maisagawa ito ? Mahalagang malaman ng isang mag-aaral kung ano-ano o kung saan –san makakukuha ng datos para maging pagkunan ng impormasyon o datos . Kilalanin natin ang bawat isa. Iba’t Ibang Maaring Mapagkunan ng mga Impormasyon Ang Internet Sa panahong ito kung san laganap at napakabilis na nga modernisasyon sa teknolohiya, napakadali nang kumalap o kumuha ng impormasyon sa tulong ng Internet. Sa isang click lang sa mga search engine tulad ng Google ay aabot ng daang libong resulta na ang lalabas sa loob lang ng kalahating Segundo. Subalit kailangang maging mapanuri at matalino rin ang taong nananaliksik upang kailangang maging mapanuri at matalino rin ang taong nananliksik upang matukoy kung mapagkakatiwalaan at tumpak ba ang mga impormasyong kanyang nakakalap. Makatutulong kung ang mga website na may karugtong na edu,gov, o org ang panggagalingan ng impormasyon. Subalit dapat lang tandaan ng pananaliksik na hindi niya basta dapat kopyahin at angkinin ang mga impormasyong makukuha sa mga website dahil ito’y paglabag sa intellectual property rights at copyright ng mga akda o teksto. Mahalagang banggitin o bigyang-pagkilala ang pinagmulan ng kanyang mga impormasyon. Ang mga Aklat o Libro Maging sa panahon ng mabilis na pag-unalad ng teknolohiya , ang mga nakalimbag o naka-pdf na aklat o libro ay mabisa pa ring mapagkukunan ng impormasyon. Kasama na rito ang iba’t ibang sangguniang nakalimbag tulad ng encyclopedia, almanac, atlas ,at diksiyonaryo. Mga Artikulo sa Magasin at Diyaryo Sa mga magasin at diyaryo man ay marami ring artikulo o tekstong maaaring pagmulan ng kinakailangang impormasyon. 31 Mga Video mula sa Youtube, mga Dokumentaryo, at Iba pang Palabas Pantelebisyon Ang mga impormasyon ay hindi lang nagmumula sa mga nababasang pinagkukunan kundi sa mga napapanood na video, dokumentaryo, at iba pang palabas pantelebisyon. Mga Panayam, Seminar at Workshop Ang ilang napapanahong impormasyon ay maaari ring magmula o makuha sa mga panayam, seminar at workshop kung saan ang mga tagapanalita o tagapanayam ay mga eksperto sa paksang kanilang ibinibigay para sa mga tagapakinig. - Mula sa Pinagyamang Pluma, Ang Bagong Baitang 7 Gawain 13: Pagbubuo ng Kaisipan Ang mga Pabula ng Mindanao ay sumasalamin sa kanilang __________ at _______________________________________________. Gawain 14: Punan ang tsart at ibigay ang hinihinging impormasyon Pamagat ng Pabula Lugar Aral o Mensahe Lalapindigowa-i: Kung Bakit Maliit ang Beywang ng Putakti Ang Kuneho at ang Leon 32 Sanggunian Ngayon ang iyong kaalaman ay napagyaman na sa tulong ng sinagutan mong mga gawain. Higit sa lahat, batid kong nakatulong ang araling ito upang tumibay ang iyong pag-unawa sa konsepto at element ng pabula gayundin ang pagpapahalaga ditto bilang isang akdang pampanitikan. Naniniwala akong sapat na ang iyong kaalaman at kasanayan upang maisagawa mo ang inaasahang produkto para sa araling ito. Magagamit mo na ang mga kaalamang iyong natutuhan sa mga araling pampanitikan at panggaramatika. At ngayong alam mo na kung saan maaring kumuha ng impormasyon, magsagawa ka ng isang pananaliksik tungkol sa mga pabula ng Mindanao. Gawing gabay ang mga sumusunod na rubric: a. limitado ang paksa , b. taglay ang kailangang datos/impormasyon , c. may simpleng balangkas ( panimula , nilalaman , wakas) d. wastong gramatika at madaling maunawaan ang mga salita. Binabati kita sa matiyaga mong pagsagot sa mga gawain na nailaan sa mga araling ito.Sa bahaging ito, inaasahan na ang mga natutuhang mga konsepto ay makatutulong sa pagtalakay sa kasunod na mga aralin. Inihanda nina: LEA L. DELUCINO 33 Baras Pinugay NHS JHENNYVIE DE VELA Baras NHS Republika ng Pilipinas KAGAWARAN NG EDUKASYON Rehiyon IV-A CALABARZON Sangay ng Rizal MODYUL SA FILIPINO 7 (Unang Markahan) ARALIN 1.3 EPIKO (Ikatlong Linggo) PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pang-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao. PAMANTAYANG PAGGANAP Naisasagawa ng mga mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo. Panitikan: Indarapatra at Sulayman Gramatika at Retorika: Mga Pang-ugnay na ginagamit sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga , Panghihikayat at Pagpapahayag Uri ng Teksto: Nagsasalaysay 34 Gawain Bilang 1 1. Tukuyin kung sino ang pangunahing tauhan ng mga ito at isulat sa Kolum B. Alamin din kung ano ang mga supernatural na kapangyarihan at isulat sa Kolum C. Kolum A Kolum B Kolum C Pamagat ng Epiko Pangunahing Supernatural na Tauhan Kapangyarihan 1. Ibalon 2.Tuwaang 3.Biag ni LamAng 4. Hudhud 5. Hinilawod Gawain Bilang 2 Paghambingin Natin Sila! . Paghahambing ng kapangyarihan ng mga tauhan sa epiko at mga tauhan sa napanood na video ng mga Superhero. Venn diagram 35 A Tauhan Sa Epiko Gawain Bilang 3 C B Pinoy Superhero Tala-Kaalaman Kaligirang ang kasaysayan ng Epiko. Alam mo ba.... Ang Salitang epiko ay galing sa wikang Griyego na Epos na ngangahulugang “ awit “ng kabayanihan ng isang pangunahing tauhan .Nilapatan ito ng himig upang maisalaysay nang paawit o( chanting ). Kilalang halimbawa ng epiko sa ibang bansa ang mga sumusunod : Iliad at Odyssey ng Gresya ,Siegried ng Alemanya,Kaleva ngPinlandiya,Ramayan at Hiawatha ng India ,kasaysayan ni Rolando ng Pransiya ,Beowulf ng Inglatera at El Cid ng Espanya. Mayroon ding mga epiko ang Pilipinas ,at ang mga ito ay nalikha dahil sa iba’t ibang katutubong pangkat na siyang unang nagsasalaysay nito nang paawit at gamit ang sariling nilang wika.Sa pagdaan ng panahon nagpasalin-salin ang mga natatanging epikong ito sa iba’t –ibang henerasyon hanggang sa magkaroon ng iba’t ibang bersyon .Buhat noon ay dumami ang epiko sa bansa at tinawag itong “etno-epiko”` Ayon sa pagsasaliksik ,umaabot sa 28 ang bilang ng mga epikong kilala sa Pilipinas .kabilang ang mga sumusunod ; Hudhud at Alim ng Ifugao; Biag-ni Lam-ng Ilokano:Ullalim ng taga –Kalinga ,Apayao ,ibalon ng Bicolano; Hinilawod ng Hilgaynon; tuwaang ng bagobo at Darangan ng Maranao. Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng katapangan at kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao. Ang mga pangyayari ay karaniwang angat sa katotohanan. Tumatalakay ang mga 36 epiko tulad ng pag-ibig at romansa, panliligaw, pag-aasawa, pagbubuntis, pagsilang at kamatayan, kayamanan, kaharian at iba’t ibang mga kasiyahan o piging, mga ritwal at kaugalian at ugnayan ng magkakapamilya. Ang mga epiko ay kumakatawan sa mga paniniwala, kaugalian at mabubuting-asal na kapupulutan ng aral ng mga taong nakikinig o bumabasa nito. Umaabot ng 1,000 hanggang 55,000 linya ang haba ng isang epiko. Ang pagsasalaysay nito ay maaaring patula o paawit o may saliw ng instrumenting pangmusika o wala. Halaw sa Unlad yamang FilipinoTomo18Blg.1 Gawain Bilang 4 Kilalanin Mo Sila! Panuto: Magsaliksik mula sa mga Epikong kilala sa Pilipinas, kilalanin kung anong katangian mayroon ang mga tauhan ayon sa kanilang sinasabi sa akda at ipaliwanag.(www.kapitbisig.com) Tuwaang:“Hindi ako natatakot sa ka ano,tiyang. Ngayon ang tanging nalalaman ko ay gusto ko makita ang kagandahan ng dalaga Katangian:__________________________ Paliwanag:__________________________ _ 37 Lam-ang: “ Nasaan ang aking ama? “Ni hindi man lamang alam kung buhay pa siya.” Katangian:__________________________ Paliwanag:__________________________ Baltog:“Napakaganda naman ng lupain ito!.Ngunit mukhang kailangan pangpasiglahin at alagaan ang mga pananim nito. Aayusin ko ang lugar na ito. Katangian:______________________ Paliwanag: _______________________ Dinoyagan: “Kasinggaling ko siya sa labangito”. Katangian:_________________________ Paliwanag: __________________________ Prinsipe Bantugan: “Nararapat lamang na ang Kapatid ko ang maging bagong hari dahil Dahil napag-aralan na niya kung paano Magpatakbo ng gobyerno!” Katangian_________________________ 38 Paliwanag: ________________________ Gawain Bilang 5 Meron Pa Kayang Bayani? Taglay ba ng mga Pilipino sa kasalukuyan ang mga katangiang taglay ng ilang tauhan sa epiko? Patunay Taglay ba ng mga Pilipino sa kasalukuyan ang mga katangiang taglay ng ilang tauhan sa epiko Patunay Patunay Gawain Bilang 6 Talas-Isip! Paglinang ng Talasalitaan 1. Ibigay ang tinutukoy na salita sa bawat bilang sa tulong ng crossword puzzle. 1 2. U B Y 3. L K B N 39 Patunay W B G 4 Y Pababa: . 1. namatayan o nawalan ng mahal sa buhay 2. lantad na lugar, binubuo ng mga barangay 3. iba pang tawag sa yungib Pahalang: 3. pahabang kahon na pinaglalagyan ng patay 4. tawag sa patay na tao o hayop 2. Bilugan ang salitang hindi dapat mapabilang sa pangkat dahil sa naiibang kahulugan nito. 1. agad dagli mabilis 2. nag-aalab nag-iinit nagpupuyos 3. matalas matalim mapurol inumin nilapa 4. kinain 5. kahindik-hindik malagim mabagal namatayan nahasa sinibasib masalimuot nakatatakot Alamin Natin ang Kwento! Indarapatra at Sulayman I Nang unang panahon ayon sa alamat ng pulong Mindanaw, ay wala ni kahit munting kapatagan. Pawing kabundukan ang tinatahanan ng maraming taong doo’y namumuhay maligaya sila sapagkat sagana sa likas na yaman. II Subalit ang lagim ay biglang dumating sa kanilang bundok 40 na dati’y payapa. Apat na halimaw ang doo’y nanalot. una’y si Kurita na maraming paan at ganid na hayop pagkat sa pagkain kahit limang tao’y kanyang nauubos. III Ang bundok Matumtum ay tinirhan naman ng isang halimaw na may mukhang tao na nakatatakot kung ito’y mamasdan, ang sino mang tao na kanyang mahuli’y agad nilalapang, at ang laman nito’y kanyang kinakain na walang anuman. IV Ang ikatlo’y si Pah na ibong Malaki. Pag ito’y lumipad ang bundok na Bita napadidilim niyong kanyang pakpak, ang lahat ng tao’y sa kuweba tumahan upang makaligtas sa salot na itong may matang malinaw at kukong matalas. V Ang Bundok Kurayang pinananahanan ng maraming tao ay pinapaglagim ng isa pang ibong may pitong ulo; walang makaligtas na bagsik sa kanyang matalas na kuko pagkat maaaring kanyang natatanaw ang lahat ng dako VI Ang kalagim-lagim na kinasapitan ng pulong Mindanaw ay nagdulot ng lungkot sa maraming baya’t mga kaharian; si Indarapatra na haring mabait, dakila’t marangal ay agad nag-utos sa kanyang kapatid na prinsipeng mahal. VII “Prinsipe Sulayman, ako’y sumasamo na iyong iligtas 41 ang maraming taong nangangailangan ng tulong mo’t habag.” “O mahal na hari na aking kapatid, ngayon di’y lilipad at maghihiganti sa halimaw ang talim ng tabak”. VIII Binigyan ng isang singsing at isang espada ang kanyang kapatid upang sandatahin sa pakikibaka. Kanyang isinabit sa munting bintana ang isang halaman at saka nagsulit; Ikaw’y magbabayad, mabangis sa hayop?” yaong kanyang wika. IX Nang siya’y dumating sa tuktok ng bundok na pinaghaharian nitong ni Kurita, siya ay nagmasid at kanyang natunghayan ang maraming nayong wala kahit isang taong tumatahan; “Ikaw’y magbabayad, mabangis na hayop?” yaong kanyang wika. X Di pa nagtatagal ang kanyang sinasabi, nagimbal ang bundok at biglang lumabas itong si Kuritang sa puso’y may poot; sila ay nagbaka at hindi tumigil hangga’t malagot ang tanging hininga niyong si Kuritang sa lupa ay salot. XI Tumatag ang puso nitong si sulayman sa kanyang tagumpay kaya’t sa Matumtum, ang hinanap naman ay si Tarabusaw; sa tuktok ng bundok ay kanyang namalas ang nakakahambal aa mga tanawin: “Ngayon di’y lumabas nang ikaw’y mamatay.” XII Noon di’y nahawi ang maraming puno sa gilid ng bundok, at ilang saglit pa’y nagakakaharap na silang puso’y nagpupuyos. yaongsi Sulayma’y may hawak na tabak na pinag-uulos; ang kay Tarabusaw na sandata nama’y sangang panghambalos. 42 XIII At sa paghahamok ng dalawang iyong balita sa tapang ang ganid na hayop sa malaking pagod ay napahandusay. “Ang takdang oras mo ngayo’y dumating na, “sigaw ni Sulayman at saka sinaksak ng kanyang sandata ang tusong halimaw. XIV Noon di’y nilipad niyong si Sulayman ang bundok Bita; siya’y nanlumo pagkat ang tahanan sa tao ay ulila; ilang sandal pa ay biglang nagdilim gayong maaga paAt kanyang natantong ang kalabang ibon ay dumating na. XV Siya ay lumundag at kanyang tinaga ang pakpak ng ibon, datapwa’t siya rin ang sinamang-palad na bagsakan niyon; sa bigat ng pakpak, ang katawan niya’y sa lupa bumaon kaya’t si sulayman noon ay nalibing na walang kabaong. XVI Ang kasawiang ito ay agad nabatid ng mahal na hari pagkat ang halaman noon di’y nalanta’t sanga’y nangabali; “Siya ay patay na!” ang sigaw ng kanyang namumutlang labi, “Ang kamatayan mo’y ipaghihiganti buhay ma’y masawi”. XVII Nang siya’y dumating sa bundok ng Bita ay kanyang kinuha ang pakpak ng ibon. Ang katawang pipi ay kanyang namalas nahabag at kanya ang kanyang bathala; biglang nagliwanag at ilang saglit pa ay Nakita niya ang tubig na lunas. XVIII Kanyang ibinuhos ang tubig na yaon sa lugaming bangkay, at laking himala! Ang kanyang kapatid ay dagling nabuhay, sila ay nagyakap s agitna ng galak at ng katuwaan, 43 saka pinauwi itong si Sulayman sa saring bayan. XIX Sa bundok Kurayan na kanyang sinapit ay agad hinanap ang ibong sa tao’y nagbibigay-lagim at nagpapahirap; dumating ang ibong kay laki ng ulo at kukong matalas subalit ang kalis ni Indarapatra’y nagwagi sa wakas. XX Sa kanyang tagumpay may isang diwatang bumating magalang, “Salamat sa iyo butihing bayani na ubod ng tang, kaming mga labi ng ibong gahaman ngayo’y mabubuhay”. at kanyang namalas ang maraming taong noo’y nagdiriwang. XXI Nabihag ang puso ng mahal na hari sa ganda ng mutya kaya’t sa naroon ay kanyang hiniling na lakip ang sumpa na sila’y ikasal. Noon di’y binuklod ng isang adhika ang kanilang puso, “Mabuhay ang hari!” ang sigaw ng madla. XXII Ang tubig ng dagat ay tila hinigop sa kailaliman; at muling lumitaw ang lawak ng lupang pawing kapatagan, si Indarapatra’y hindi na bumalik sa sariling bayan, at dito naghari sa mayamang lupa ng pulong Mindanaw. Gawain Bilang 7 Pag-unawa sa Binasa 1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa akdang binasa? Ilarawan ang katangian ng bawat isa. 2. Ano-anong problema o suliranin ang makikita sa unang bahagi ng akda?Isa-isahin ang mga ito. 44 3. Paano nabigyang-solusyon ang mga nasabing problem? Ipaliwanag. 4. Sa iyong palagay, madali bang gawin ang naging pasya ng magkapatid na Sulayman at Indarapatra? Bakit? 5. Kung ikaw ang nasa kalagayan nila, gagawin mo rin ba ang ganoong pasya? 6. Ano ang ibinunga sa buhay ng magkapatid nang ginawa nilang pagtulong sa Mindanao? 7. Ano naman ang naging bunga nito sa mga taong kanilang tinulungan? 8. Paano ipinakita sa akda ang mabuting dulot ng pagtutulungan? Gawain Bilang 8: Anong sabi? Anong Klase? Mula sa Epikong Mindanao na Indarapatra at Sulayman,kilalanin kung anong katangian mayroon ang tauhan ayon sa kanilang sinasabi sa akda.Lagyan ng tsek ( ̸ ) ang napiling sagot at saka ipaliwanag sa patlang kung bakit ito ang iyong sagot. 1. Indarapatra: “Prinsipe Sulayman,ako’y sumasamo, na iyongiligtas ang maraming taong nangangailangan ng tulong mo’t habag”. Likas na maawain Mahina ang loob May malasakit sa kapwa Paliwanag:_______________________________ 2. Indarapatra: “Siya ay patay na!” ang sigaw ng kanyang namumutlang labi”, “Ang kamatayan mo’y ipaghihiganti buhay ma’y masawi.” Madaling matarantang hari Mapagmahal na kapatid Matapang na kapatid Paliwanag:____________________________________ 3. Sulayman: “O mahal na hari na aking kapatid, ngayon din lilipad at maghihiganti sa mga halimaw, ang talim ng tabak.” Mapagmalasakit sa iba Masunurin sa kapatid 45 Takot sa kapatid Paliwanag:________________________________ 4. Sulayman: “Ikaw’y magbabayad mabangis na hayop?” Mabangis na hayo Mapaghiganti sa kapwa Matapang na mandirigma Paliwanag________________________________ Gawain Bilang 9: Anong Ibig Nila? Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng mga simbolong ginamit sa akda. a. Simbolo: (Saknong II): apat na halimaw ______________________________________________________ b. Simbolo (Saknong VIII): halaman, singsing at espada ______________________________________________________ c. Simbolo: (Saknong XVII): bathala ______________________________________________________ d. (Saknong XVII at XVIII): tubig ______________________________________________________ e. (Saknong XII at XXI): puso ______________________________________________________ Gawain Bilang 10 Character Diagram Panuto: Gamit ang Character Diagram sa ibaba, ipahayag ang iyong sariling pakahulugan sa kahalagahan ng tauhan sa napanood mong pelikulang may temang tungkol sa kabayanihang katulad ng epikong Indarapatra at Sulayman. 46 Pamagat ng Pelikulang Napanood: Pangalan ng Pangunahing Tauhan sa Pelikula: Lugar kung saan siya nakilalang bayani: Supernatural na katangian o kapangyarihang taglay: Katangiang katulad kina Indarapatra at Sulayman: Katangiang iba kina Indarapatra at Sulayman: Pinakamagandang nagawa/naitulong sa lugar o pangkat kung saan siya kinilalang bayani: Ang aking sariling pakahulugan sa kahalagahan niya sa pelikula: ● Pagbabahagi Gramatika at Retorika Panuto: Basahin at pag-aralan ang teksto sa ibaba. Suriin ang mga 47 Pinauwi ni Haring Indarapatra si Prinsipe Sulayman sa Mantapuli, palibhasa’y kagagaling lamang sa kamatayan upang makapagpahinga. Nagtungo naman ang hari sa Bundok Kurayan upang hanapin ang kinatatakutang ibon na may pitong ulo at matatalas na mga kuko. Natagpuan ni Haring Indarapatra ang ibon at sila ay naghamok. Sa tulong ng kanyang engkantong sibat ay madali niyang napatay ang ibon. Kaya naman nang kanyang matalo ang ibon ay hinanap niya ang mga tao na naging dahilan upang matagpuan niya ang isang magandang diwatang tuwang-tuwang nagpasalamat sa kanyang kabayanihan at katapangan. Isinama siya ng diwata sa yungib na pinagtataguan ng mga tao. Isinalaysay ni Haring Indarapatra ang pakikihamok nilang dalawa ni Prinsipe Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang ibon. Tuwang-tuwa ang mga tao sa kabayanihang ginawa ng magkapatid. Sinabi ni Haring Indarapatra na maaari na silang lumabas sa kanilang pinagtataguan sapagkat wala na ang mga halimaw at ibong gumugulo sa kanila. Nagpasalamat ang mga ta okay haring Indarapatra. Hiniling naman ni Haring Indarapatra sa magandang diwatang pakasalan siya nito. Pumayag ang diwata at kaagad na ipinagdiwang ang isang magarbo at tunay na masayang kasalan. Tuwang-tuwa ang mga tao at walang pagod nilang isinisigaw na “Mabuhay ang hari!” Bunga nito’y muling lumitaw ang malawak na lupang bagama’t pawing kapatagan ay tunay na malusog naman. Hindi na bumalik sa sariling bayan si Haring Indarapatra. Doon na siya naghari sa mayamang lupa ng pulong Mindanao. Gawain Bilang 11 Mga Gabay na Tanong: ● Ano ang ginawa ni Haring Indarapatra nang mabuhay na muli ang kanyang kapatid? ●Bakit kaya mabilis na napaibig sa kanya ang diwata? ●Paano ipinakita sa huling bahagi ng akda na ang kabayanihan ay may bungang maganda sa taong gumagawa nito? Gawain Bilang 12 Pagsasanib ng Gramatika at Retorika 48 Pansinin ang pang-ugnay na ginamit sa mga talata. Isa-isang isulat ang salita/mga salitang pinag-ugnay ng mga ito sa nakalaang patlang. ______________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ __________________________________________________ C. Alam mo ba…. Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga, Panghihikayat, at Pagpapahayag ng Saloobin Ang maayos na pag-uugnayan ng mga salita,parirala, at pangungusap ay mahalagang sangkap para sa malinaw, lohikal, at mabisang paglalahad. Sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang pang-ugnay ay higit na nabibigyang-diin ang layunin sa pagpapahayag. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod: 1. Pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga ●Pang-ugnay na nagpapakita ng sanhi o dahilan: spagkat/pagkat, dahil/dahilan sa, palibhasa. at kasi/naging. ●Pang-ugnay na nagpapakita ng bunga o resulta: kaya/kaya naman, dahil dito, bunga nito, tuloy. 2. Pang-ugnay na ginagamit sa panghihikayat ●Pang-ugnay na nagpapakita ng pagsang-ayo: totoo, oo, mabuti, at sigurado ●Pang-ugnay na nagpapakita ng pagtutol: hindi, ngunit, subalit, datapwat, at bagama’t 3. Pang-ugnay na ginagamit sa pagpapahayag ng saloobin ●Ilan sa mga ito ay ang sa palagay ko, hinuha ko, kapag, pag, kung gayon, sana, at basta. Gawain Bilang 13 Suriin Natin 49 Bilugan ang pang-ugnay na ginamit sa pangungusap at salungguhitan ang salita/mga salitang pinag-uugnay nito. May mga pangungusap na higit sa isang pang-ugnay ang ginamit. 1. Ang magkapatid ay minahal ng mga tao sapagkat sila’y tunay na matulungin sa kapwa. 2. Bagama’t hindi taga-Mindanao ay nagpakita ng pagpapahalaga ang magkapatid sa nasabing lugar. 3. Maligayang naninirahan ang mga tao sa lugar subalit dumating ang mga mapaminsalang halimaw. 4. Sa aking hinuha ay madaling matatalo ng hari ang mapinsalang halimaw dahil sa kapangyarihang taglay nito. 5. Ang pagkamatay ng malaking ibon ay totoong nagbigay ng pag-asa sa mga mamamayan ng Mindanao. Gawain Bilang 14 Ano ba Sanhi o Bunga? Panuto: Tingnan natin kung masasabi mo ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa araw-araw na buhay. Pangyayari Sanhi 1. Kalbo na ang marami sa mga bundok natin 2. Naparusahan at nakulong ang criminal 3. hindi nakapag-aral ng aralin si Benjie 4. Nagbara ang mga kanal at estero sa lungsod 5. Napakahabang tag-araw 50 Bunga Gawain Bilang 15 Isripan na toh! Sumulat ng iskrip ng informance (pagtatanghal) na nagpapakita ng kakaibang katangian ng pangunahing tauhan sa epikong natalakay (Kung nais pumili ng ibang epiko). Ang iskrip na inyong susulatin ay dapat na nakapokus lamang sa natatanging katangian ng mga pangunahing tauhan ng epiko. Ito ay dapat na hindi lalagpas sa isang minutong pagtatanghal. Pagtulungan ninyo itong buoin sa inyong pangkat . Pamantayan o Rubriks Mga Pamantayan Puntos a. Mahusay na nailahad ang mga datos o 5 puntos kakailanganin mula sa mga mapagkukunang impormasyon tulad ng aklat, magasin, iba pang babasahin gayundin sa Internet na akma sa tinalakay na paksa. Maliwanag na nailahad ang mga paraang 5 puntos gagamitin sa pagkuha o paglikom ng datos Malinis at maayos ang pagkakasulat, 5 puntos makikitaang pagsisikap na maging mahusay ang ipinasa. Kabuuang Puntos 15 puntos Gawain Bilang 16 Itanghal Mo! 51 Aking Puntos Magkakaroon ng pagtatanghal sa inyong klase gamit ang monologong pamamaraan mula sa nabuong iskrip ng informance (pagtatanghal) sa mga natatanging katangian ng mga pangunahing tauhan ng epikong napili. Pagbibigay Input at Pamantayan o Rubriks Pamantayan Laang Puntos Aking Puntos Maayos ang pagkakaganap at malinaw ang 5 pagbigkas ng mga tauhan Kabisado ang mga linya at malakas ang dating sa 5 manonood Nakapagpabatid at nakapagbigay-linaw sa mga 5 manonood hinggil sa pagiging bayani ng mga tauhan Kabuuang Puntos 15 Inihanda nina: MENCHIE B. DOMINE Morong NHS LINA M. GUATNO Morong NHS Republika ng Pilipinas KAGAWARAN NG EDUKASYON Rehiyon IV-A CALABARZON Sangay ng Rizal MODYUL SA FILIPINO UNANG MARKAHAN FILIPINO 7 ARALIN 1.4 MAIKLING KUWENTO 52 PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pang-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao. PAMANTAYANG PAGGANAP Naisasagawa ng mga mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo. Panitikan: Pagislam Mula sa aklat na Panitikang Panrelihiyon sa Pilipinas nina:Patrocinio Villafuerte, et al. Gramatika/Retorika: Pang-ugnay (kung, kapag, sakali at iba pa) Paggamit ng mga Pang-ugnay Uri ng Teksto: Nagbibigay ng Impormasyon (Informative) Sanggunian: Aklat ng Pluma 7 nina Ailene Baisa –Julian, et al. I WITNESS : Mga kabataan sa Tawi-tawi maagang bumubukod upang mag-aral.Ni.: Hawie Severino www.gmanetwork.com >video>iwitness. Aklat ng Ang Pagtuturo ng Wika, Panitikan, at Kultura sa Kto12 Kurikulum I. Panimula Ang Pagislam ng mga Muslim ay kahalintulad ng seremonya ngpagbibinyag sa mga Kristiyano.Ang seremonyang ito ay karaniwang ginagawa ng mga Muslim sa Mindanao hanggang sa kasalukuyan. Ang seremonya ng pagislam ay nahahati sa tatlo.Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak ng isang sanggol.Dito ay babasahan ng dasal ng isang Imam( mataas na punong panrelihiyon ng mga Muslim)o pandita (guro o dalubhasa sa Koran) sa kanang tainga ng sanggol upang maikintal sa isip ng sanggol ang pangalan ni Allah,ang kanilang diyos. Ang ikalawang seremonya ay tinatawag na penggunting.Ginagawa ito sa ikapitong araw pagkapanganak ng sanggol.Dito binibigyan ng pangalan ang sanggol. Ang magulang ay naghahanda at nag-iimbita ng kanilang mga 53 kaibigan,kaanak,at kakilala bilang pasasalamat kay Allah.Sa seremonyang ito ay gumugunting ng buhok ang Imam o pandita sa sanggol at inilalagay ito sa mangkok na may tubig.Ayon sa kasabihan kapag ang buhok ay di lumubog sa tubig ay magtatamasa ng masagana at maunlad na buhay ang sanggol at kabaligtaran naman kung ito ay lulubog. Ang ikatlong seremonya ay tinatawag na pagislam o ang seremonya ng pagtutuli .Ginagawa ito kapag ang sanggol ay nagdiriwang ng kanyang ikapito hanggang ikasampung taon kasabay ng isang mahalagang araw sa mga Muslim. Sa akdang babasahin iyong matutunghayan kung nasunod ba ng magasawang Muslim ang seremonyang ito ng Pagislam. II. Yugto ng Pagkatuto Gawain Bilang 1 Panimulang Pagtataya A.PANUTO: Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. 1.Tawag sa seremonya ng pagbibinyag ng mga muslim. a.pagislam b.penggunting c.pandita d.imam 2.Ang seremonya ng pagbibinyag ng mga muslim ay nahahati sa_______. a.2 seremonyab. 3 sermonya c.1 seremonya d.4 na seremonya 3.Ang penggunting ay isinasagawa sa_________.pagkapanaganak ng sanggol. a.ikapitong oras c.ikapitong araw b.ikapitong buwan d.ikapitong taon 4.Tawag sa mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala at pangungusap. 54 a.pang-angkop b.pangatnig c.pang-ukol d.pang-ugnay 5.Ang salitang kung, kapag at sakali ay halimbawa ng ______ a.pang-angkop b.pangatnig c.pang-ukol d.pang-ugnay GAWAIN 2 ALAM MO BA NA…. Ang babasahing akda ay isang halimbawa ng Maikling Kuwento.Ngayon ay subukan mo namang itala ang nalalaman mo tungkol ditto at magpatuloy ka pa sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman. Panuto: Itala mo na maaring salitang Maikling ang mga salita maiugnay sa Kuwento. MAIKLING KUWENTO B.Pokus na Tanong: Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na masasagot mo ang mga pokus na tanong na: 1. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga tradisyon ,paniniwala at kultura ng iyong lugar na kinalakhan o kinabibilangan? 2.Paano nakatutulong ang akdang gaya ng Maikling Kuwento sa pagpapalaganap at pagpapanatili ng kultura o paniniwala sa isang partikular na lugar? 55 Naririto ang Kaligirang pangksaysayan ng Maikling Kuwento na gagabay sa iyo upang lubos mong maunawaan at mapahalagahan ang paksang tatalakayin . Mahalagang malaman natin ang taglay mong kaalaman sa paksang iyong pag-aaralan.Magiging batayan ito ng iyong guro kung paano ka tutulungan o paanong higit na pagyayamanin ang iyong kaalaman.Subukin mong isagawa ang kasunod na gawain. Kaligirang Pangkasaysayan ng Maikling Kuwento Nabuo at naipakilala ang Maikling Kuwento mula sa isa sa mga tanyag na alagad ng sining na si Edgar Allan Poe kaya’t siya rin ang tinaguriang Ama ng Maikling Kwento habang si Deogracias Rosario naman ang tinuturing na Ama ng Maikling Kwento sa Pilipinas. PANAHON NG KASTILA Lumitaw sa panahon na ito ang isa sa mga kilalang akda o maikling katha na sinulat ni Gat Jose Rizal na Makamisa .Lumitaw din dito ang Taliban na sinundan ng Liwayway .Paglitaw ng pampanitikang kritiko na pinamagatang Kuwentong Ginto. PANAHON NG AMERIKANO Ang paglitaw ng mga maiikling akda o katha na hango sa buhay cosmopolitan .Sa panahong ding ito ang pagkakaroon ng sariling wika sa mga kilalang pahayagan noong panahon ng Amerikano tulad ng El Renacimiento at Muling Pagsilang.Gayundin ang paglitaw ng mga bihasang manunulat ng Maikling kwento tulad nina Deogracias Rosario,Ildefonso Santos at Maria Kabigon. PANAHON NG HAPON Ang mga maikling kuwento ay nalimbag sa mga gintong pahina.Sa panahon ding ito ay sumigasig at dumami ang mga manunulat ,sumigla ang sangay ng panitikan ,madula ngunit di-maligoy ,naging matimpi sa pagtatalakay ng paksa at tinawag itong kontemporaryong maikling kuwento. Narito naman ang mga dagdag kaalaman na dapat mong tandaan na alam kong magagamit mo sa susunod na gawain. 56 Ang Maikling Kuwento ayon kay Edgar Allan Poe ay isang akdang pampanitikan likha ng guni-guni at bungang –isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay ito’y nababasa sa isang tagpuan nakapupukaw ng damdamin at mabisang nakapagkikintal ng diwa o dadamdamin na may kaisahan.Binubuo rin ito ng ibat-ibang Elemento. Higit pa rito dapat mong malaman na ang isang Maikling kuwento ay nagtataglay ng sumusunod na elemento. ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO TAUHAN-- Ang nagbibigay-buhay sa maikling kuwento .Ang tauhan ay maaaring maging mabuti o masama TAGPUAN- Ang panahon at lugar kung saan naganap ang maikling kuwento .Malalaman dito kung ang kuwento ay naganap ba sa panahon ng tag-ulan,taginit ,umaga at gabi ;sa lungsod o lalawigan sa bundok o ilog. BANGHAY- Ito ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Simula- Ang kawilihan ng mga mambabasa ay nakasalalay sa bahaging ito.Dito ipinakikilala ang tauhan at ang tagpuang iikutan ng kuwento. Tunggalian-Dito makikita ang pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa suliraning kakaharapin. Kasukdulan:Ito ang pinakamataas na pangyayari sa kuwento kaya’t ito ang pinakamaaksyong suliranin at dito malalaman kung nabibigyang solusyon ang suliranin at dito malalaman kung magtatagumpay ba ang pangunahing tauhan o hindi. Kakalasan: Sa bahaging ito bumababa ang takbo ng kuwento .Ito ay nagbibigay ng daan sa wakas. Wakas:Ang kinahinatnan o resolusyon ng kuwento na maaaring masaya o malungkot. Gawain Bilang 3 Mga Gabay na Tanong 1. .Ano-ano ang elementong bumubuo saisang Maikling kuwento.Ilahad ang bawat isa. 57 2. Sa iyong palagay gaano kahalaga ang mga elementong natalakay.Ano kaya ang mangyayari sa akda kung kulang ang elementong nabanggit sa loob ng isang kuwento. Gawain Bilang 4 Pagsulat ng Journal Ngayon naman ay itala mo sa iyong journal ang iyong kasagutan sa tanong na nasa loob ng kahon. Paano makakatulong sa iyo ang akdang gaya ng maikling kuwento sa pagpapalaganap at pagpapanatili ng kultura o paniniwala sa isang partikular . na lugar. Gawain Bilang 5 Anong masasabi mo? Ang mga nasa larawan ay ilan lamang sa mga ibat-ibang paraan ng pagbibinyag. Alin kaya sa mga ito ang isinasagawa ng mga Kristiyano at ng iba pang relihiyon tulad ng mga Muslim.Subukan sagutin mo ang gabay na tanong. 58 ● .Anong impresyon ang iyong nabuo mula sa mga larawan? ● Magbahagi nang iyong nakagisnang paraan kung paano ang pagsasagawa ng pagbibinyag sa inyong bayan? Gawain Bilang 6 Paglinang sa Talasalitaan PANUTO: Tukuyin mo at isulat sa kahon sa kaliwa kung ang pangungusap ay wasto o mali batay sa kahulugan ng salitang may diin sa bawat bilang. Sa nakalaang patlang ayipaliwanag mo kung bakit wasto o mali ang iyong sagot. 1.Napasugod ang lalaki sa tahanan nang malamang nanganak na ang kanyang maybahay. Ipaliwanag:_________________________________________ __________________________________________________ 2.Marahas na inalalayan ng lalaki ang kanyang asawa pabalik sa kama matapos nitong makapanganak upang hindi ito masakatan. Ipaliwanag:_____________________________________________ ______________________________________________________ 3.Sa sobrang tuwa ay nasumpa ng mag-asawa ang isa’t-isa nang sila’y mabiyayaan ng isang malusog na anak. Ipaliwanag:_____________________________________________ ______________________________________________________ 4.Nasaksihan ko ang lahat ng seremonyang naranasan ng aking anak mula nang siya’y isilang hanggang sa kanyang pagpapakasal kaya’t wala siyang malilingid sa akin. Ipaliwanag:_____________________________________________ ______________________________________________________ 5.Abot-abot ang pasasalamat ng mag-asawa sa mga bisita at kakilalang lumiban sa seremonya ng penggunting sa kanilang anak. Ipaliwanag:_____________________________________________ _____________________________________________________ 59 Gawin Bilang 7 Pagbasa sa akda Isagawa ng bawat pangkat ang pagbasa sa akda sa paraan ng Dugtungang pagkukuwento. Sundin ang bilang ng pangkat ninyo sa gagawing pagbabasa gamit ang sampayan ng buhay. Basahin at unawaing mabuti ang kasunod na teksto.Alamin mo kung nasunod ba ng mag-asawang Muslim ang seremonyang ito ng Pagislam.Gayundin, bigyang-pansin mo rin kung taglay nito ang mga katangian at elemento ng isang Maikling Kuwento at kung paano nakatutulong ang akdang gaya ng maikling kwento sa pagpapalaganap at pagpapanatili ng kultura o paniniwala ng isang particular na lugar. Hindi mahalaga kung ano mang relihiyon ating kinaaaniban .Ibat-iba man angating paniniwala ,paraan ng pagsamba o kanya-kanya man ng seremonya at ritwal ,sa bandang huli’y hahantong din tayo sa iisang katotohanan:Iisa ang Diyos na ating sinasamba ano man ang gusto mong itawag sa kanya. PAGISLAM Napaangat sa pagkakasandig sa pasimano ng bintana ang ulo ni Ibrah nang maramdaman niya ang rumaragasang yabag ni Tarhata ,ang kanyang kapatid .Kipkip nito ang ilang baru-baruan patungo sa silid na pinagmulan ng nag-iihit ngunit maliit na tinig ng pagiyak,batid ni Ibrah na dumating na …..dumating na ang kanyang hinihintay.Parang gusto niyang lumundag.Lalaki kaya?Babae kaya? Kung lalaki ay……Hindi na niya napigil ang kanayang sarili.Napasugod siya.Totoong sabik na sabik siyang Makita ang bata at si Aminah. 60 “Lalaki! At malusog na malusog! “mataginting na wika ng panday habang binibihisan ang bagong silang na sanggol. “Oh ! Aminah ,wala na kong mahihiling pa kay Allah .Dininig din niya angating panalangin ,”wika niyang sabay haplos sa pawisang noo ng asawa . Ipinukol ni Ibrah ang nananabik na paningin sangol na hawak parin ng panday.Gayon na lamang ang kanyang kagalakan nang makita niyang parang nagpupumiglas ang sanggol sa pagiyak. “Makisig at lalaking-lalaki talaga ang aking anak, manang-mana sa kanayang ama,”bulong sa sarili ni Ibrah. Nasa gayong pagmamalaki sa sarili si Ibrah nang marinig niyang may sinasabi ang kanyang ina. “Mas mainam siguro kung susunduin mo na ang Imam upang maisagawa na ang bang.” Hindi na pinakinggan ni Ibrah ang iba pang sasabihin ng ina. Magaan ang loob na tinungo niya ang tirahan ni Imam. Masayang ibinalita niya sa Imam ang panganganak ng asawa at magalang na inimbita ito para sa seremonyang dapat isagawa para sa isang bagong silang na anak ng Muslim. Kinagalak ito ng Imam at dali-daling hinagilap ang kanyang dasalan para sa gagawing seremonya. Tahimik na nakamasid ang mga kasambahay ni Ibrah habang banayad na ibinubulong ng Imam sa kanang tainga ng sanggol ang bang. “Allahu Akbar, Allabu Akbar 61 “Allahu Akbar, Allabu Akbar Ash-hadu, Allah la Ilaaha Ash-hadu,Allah la Ilaaha Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah. Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah. …ang magagandang aral niya.” “Ngayong isaka nang ganap na alagad ni Allah, naway panatilihin mo ang magagandang aral niya,dugtong pa ng Imam. “Kailan naman ang paggugunting?” nakangiting tanong ng Imam.” “Tulad po ng nakaugalian,pitong araw mula ngayon, “sagot ni Ibrah. Masuyong inalalayan ni Ibrah ang Imam sa pagbaba at inihatid ito sa kanyang tirahan. Ang sumusunod na araw ay lubhang naging abala para sa magasawa. Totoong di nila maatim na ang kauna-unahang bunga ng kanilang palad ay hindi pa mahandugan ng buo nilang kaya. Ilang araw bago sumapit ang paggugunting, napag-usapan ng magasawa ang ipapangalan sa anak. “Ano kaya ang mabuting ipangalan sa ating anak?” sabik na tanong ni Ibrah kay Amimah. At sumapit ang araw ng paggunting. Sa bahay ay marami ng tao,halos naroon ng lahat ang mga kapitbahay na tutulong. Maaga pa’y kinatay na ni Ibrah at 62 ilang katulong ang limang kambing na sadyang inihanda bilang alay at pasasalamat sa pagkakaroon nila ng supling. Samantala, ang kababaihan nama’y abala sa pag-aayos ng hapag-kainan at paghahanda ng masarap na kakainin para sa mga panauhin. Ilang sandali pa’y dumating na ang Imam at iba pang pandita. Sa saliw ng Balyanji, isang katutubong awit sinimulanna ang paggunting. Lumapit ang Imam kay Abdullah na kasalukuyang kalong ng ina at gumupit ng kapirasong buhok sa bata. Ang ginupit na buhok ay maingat na inilagay ng Imam sa isang mangkok na tubig. Tahimik na pinagmasdan ito ng lahat. Wala ni isa mang hibla ng buhok ang lumubog sa tubig! Sigaw ng karamihang nakapaligid. Sapat na itong narinig nina Ibrah at Aminah upang umapaw ang kagalakan sa kanilang mga puso. Nakapipiho silang papatnubayan ni Allah ang paglaki ng kanilang anak. Maganda ang hinaharap nito sa buhay. Ipinagbunyi ng mga tao ang magandang kinalabasan ng seremonya. Bawat isa sa mga panauhin ay nagbigay ng pera at regalo para sa bata.Siyangsiya ang mag-asawa sa kanilang nasaksihan.Abot-abotang kanilang pasasalamat sa mga dumalo sa paggugunting kay Abdullah. Ilang panahon pa’y masasaksihan naman natin ang huling yugto ng pagislam ni Abdullah,wika ng isang panauhin. “Pihong mas malaking handaan iyon, ano Ibrah ? “biro ng isa pa. “Hayaan ninyo at pitong taon mula ngayon ay imbitado kayong muli, nakangiting sagot ni Aminah. 63 “Sana, kasabay ng Maullidin Nabi para masaya,” mungkahi ng iba. “Tiyak iyon,” halos panabay na wika ng mag-asawa habang masuyong pinagmamasdan ang inaantok na si Abdullah. Mula sa aklat ng Panitikang Panrelihiyon sa Pilipinasnina Patrocino Villafuerte, et al. Matapos mong mabasa ang akda alam kong handa ka nang isagawa ang mga gawain na makatutulong sa iyo sa pang-unawa sa paksa. GAWAIN 8 Talakayan Mo! Upang maging mayaman ang pag-unawa sa akdang binasa gawin ang mga sumusunod: Sagutin ang sumusunod na tanong: 1.Anong isang pangyayari ang pinakahihintay ni Ibrah na naganap sa kanyang buhay? Ilarawan ang kanyang naging reaksyon.Paano niya ipinakitang nagpapasalamat siya kay Allah sa biyayang natanggap? 2.Anong tradisyon o seremonya ang nakita mo sa akda? Isa-isahin ang mga ito. 3.Ano kaya ang kahulugan ng bang na ibinulong ng Imam sa sanggol sa unang araw ng kapanganakan nito? May kabuluhan at kahulugan na kaya ito sa kanyang buhay kahit halos wala pa siyang muwang sa mundo?Ipaliwanag ang iyong sagot. 4.Isalaysay ang mga pangyayaring naganap nang dumating ang panahon ng penggunting.Ano ang naidulot nito hindi lamang sa 64 buhay ng mag-asawa kundi maging sa kanilang pamayanan o mga kakilala? 5.Paano ipinakita sa akda ang pagpapahalaga ng mag-asawang Ibrah at Aminah sa kanilang tradisyon at paniniwala?Sa iyong palagay, dapat bang manatili o isabuhay hanggang sa kasalukuyan ang mga ganitong uri ng paniniwala. Gawain Bilang 9 Suriin Natin Itong Maikling Kwento Pagkatapos mong basahin at unawain ang akdang Pagislam at ang elemento ng Maikling kuwento narito ang mga gawain na susukat sa iyong pang-unawa. ● PANGKATANG GAWAIN PANGKAT I Batay sa binasang kuwento,isulat mo sa dayagram ang hinihinging impormasyon na nagpapakilala sa tauhan at tagpuan. TAUHAN TAGPUAN PAGISLAM PANGKAT 2: DULA-DULAAN Isadula ninyo ang tatlong seremonya sa pagbibinyag ng mga Muslim. a.unang seremonya ang bang 65 b.ikalawang seremonya ang penggunting c.ikatlong seremonya ang pagislam PANGKAT 3: SALAMIN Isa-isahin mo ang mga pangyayari sa kuwento na sumasalamin sa mga pangyayari sa kasalukuyan.Maaaring maglahad ka ng sariling karanasan,nasaksihan sa iba at napanood. PANGYAYARI SA KUWENTO PANGYAYARI SA KASALUKUYAN PANGKAT 4 : STORY LADDER Ibuod mo ang mahalagang pangyayari sa kuwentong binasa sa pamamagitan ng story ladder. Ang unang baitang ang simula sa paglalahad at huling baitang ang magsisilbing wakas. a. Pagbabahaginan ng bawat pangkat. b. Pagbibigay ng fidbak sa ginawang pangkatang gawain. Gawain Bilang 10: Ibuod Mo! 1. Mahalaga pa ba sa kasalukuyan ang pagsasagawa ng pagbibinyag? Ipaliwanag. 66 2. Sa iyong palagay, mahalaga bang mapanatili ang mga seremonya tulad nito sa kasalukuyan? Gawain Bilang 11: Ihalintulad Mo sila na Islam! Panuto: Sumulat ng tatlong, tradisyon, paniniwala o kaugaliang isinasagawa sa lugar na sinilangan o kinalakhan mo atmga pagpapahalagang panrelihiyong iyong pinaniniwalaan o isinasabuhay na katulad ng Pagislam. Magbigay ng paliwanag sa bawat isa. Tradisyon ,Paniniwala o Kaugaliang Aking Pinaniniwalaan o Isinasabuhay na Katulad ng Pagislam Gawain Bilang 12 Pagsusulit Pa! Pagtukoy saTiyak na Detalye PANUTO: Kompletuhin ang mga pangungusap sa pamamagitan ng pagsulat mo ng tamang detalye sa patlang. 1. Ang makisig at lalaking-lalaki na talagang nagmana sa kanyang ama ay si___________. 2. Ang nanguna sa seremonya ng penggunting at bang sa sanggol ay ang___________. 3. Ang kapatid ni Ibrah na nagdala ng baru-baruan sa silid ng sanggol ay si _________; 4. Ang pangalang ibinigay ni Ibarah sa anak ay___________; 5. Sinasagawa ang seremonya ng penggunting noong panahong o araw na siya ay ___________. 67 6.Ang bata ay nabasahan ng bang sa edad na___________. 7. Ang seremonya ng pagbibigay ng pangngalan at paggupit sa buhok ng sanggol at paglalagay nito sa mangkok na may tubig ay tinatawag na_________’ 8. Ang huling yugto ng Pagislam sa buhay ng sanggol ay naganap sa kanyang_____________. 9. Kinatay upang ihanda sa pagdiriwang ang isang __________. 10. Ang sanggol na sumailalim sa Pagislam ay nagiging alagad ni ___________. Gawain Bilang 13: I-Journal na yan! Isulat mo sa iyong journal notebook ang sagot sa tanong na ito: Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga tradisyon,paniniwala okultura ng iyong bayan na kinalakhan o kinabibilangan. Gawain Bilang 13 Ilarawan Mo! Panuto: Gamit ang mga larawan. Magbigay ka ng salita na nagpapakita ng paglalarawan sa katangian ng mga Muslim. 68 Anu-ano ang mga naitulong sa ating lipunan at pamahalaan ng mga Muslim? Gawain Bilang 14: Manood at Magsuri Tayo ng Dokyu Film ● Panuorin ang I WITNESS :Mga kabataan sa Tawi-tawi maagang bumubukod upang mag-aral. Ni.: Hawie Severino.www.gmanetwork.com >video>iwitness. At gawin ang sumunod na mga pangkatang awain. Pangkatang Gawain Pagsusuri sa Dokyu Film na pinanood sa pamamagitanng pangkatang-gawain. Sa panonood mo ng Dokyu Film na ito ay may mga senaryo na nakintal sa iyong isipan marahil tumagos pa nga sa iyong puso’t damdamin. Narito ang ilang pangkatang gawain na susuri sa iyong napanood. Pangkat 1: Pagsusuri sa tauhan Panuto:Isa-isahin ang mga tauhan sa pinanood na dokyu film at ibigay ang mga katangian ng mga nito. TAUHAN KATANGIAN 69 Pangkat 2: Tukuyin mo sa bahagi ng mapa kung saan nabibilang ang lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa dokyu film at maglahad ng ilang mahahalagang impormasyon na nakintal sa iyong isipan. Pangkat 3.Bahay-Banghayan Panuto:Isalaysay mo nang maayos at wasto ang pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari gamit ang bahay banghayan. PAMAGAT KASUKDULAN PATAAS NA PANGAYARARI SIMULA KAKALASAN WAKAS Pangkat 4.Doughnut Diagram Panuto:Batay sa doughnut diagram ibigay mo ang mga mahahalagang detalye sa pinanood ng dokyu film. Detalye MGA KABATAAN SA,TAWI-TAWI MAAGANGNAGBUBUK OD 70 MGA KABATAAN SA TAWI-TAWI MAAGANG NAGBUBUKOD a. Pagbabahaginan ng bawat pangkat. b. Pagbibigay ng fidbak sa ginawang pangkatang gawain. Gawain Bilang 15 Nakapagpapakabago! Ano ang mga pagbabagong pandamdamin at pangkaisipan na naganap sa iyo matapos mong mapanood ng dokyu film? PAGBABAGONGPANGKAISIPAN PAGBABAGONG PANDAMDAMIN Gawain Bilang 16 Nasa Palad Ko Panuto: Sagutin ang mga tanong sa bawat daliri. Sa palad naman ilalagay mo ang mga hakbang na gagawin pagkatapos mapanuod at may mapulot na aral sa napanood na dokyu-film. Nais pang malaman. 71 Ano ang naunawaan? Maipapangako ko na ….. Ano ang natutuhan? Nais bigyang- pansin Simula ngayon ay gagawin ko na.. Gawain Bilang 17 Suriin ang mga Pang-ugnay! Ang Talinghaga Tungkol sa Dalawang Anak Ano ang palagay ninyo 1.ukol sa kuwentong ito?May 2.isang tao na may 3.dalawang anak na lalaki.Lumapit siya 4.sa nakakatatanda at sinabi ,”Anak, lumabas ka sa ubasan at magtrabaho sa ubasan ngayon”.”Ayoko po”,tugon niya.5.Ngunit nagbago ang kanyang isip at siya’y naparoon .Lumapit din ang ama sa 6.anak na bunso at 7.gayundin ang kanyang sinabi .”Opo”,tugon nito.8. Datapwat hindi naman siya naparoon .9.Para sa iyo ,sino sa dalawa ang sumusunod sa kalooban ng 10.kanyang ama. Gabay na Tanong: 1. Pansinin ang mga salitang may diin sa talata sa kahon. Ano ang naging gamit ng mga ito sa talata? 2. Subuking alisin ang mga salitang ito sa talata at basahin itong muli.Ano ang iyong napansin? Narito ang ilan pang dagdag kaalaman upang lubos mo maunawaan kung ano ang tinatawag na PANG-UGNAY 72 Tandaan Retorikal na Pang-ugnay Ang pag-uugnay ng iba’t-ibang bahagi ng pagpapahayag ay mahalaga upang makita ang pag-uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto.Sa Filipino ,ang mga pang-ugnay na ito ay kadalasang kinakatawan ng pang-angkop ,pangukol at pangatnig. 1.Pang-angkop- Ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan . Ito ay napapaganda lamang ng mga pariralang pinaggagamitan . May dalawang uri ng pang-angkop. Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulatt nang nakadikit sa unang salita .Inihihiwalay ito.Nagigitnaan ito ng salita at ng panuring. Halimbawa: mapagmahal na hari Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa titik n tinatanggal o kinakaltas ang n at ikinakabit ang ng. Ang pang-angkop na ng ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga patinig . Ikinakabit iyo sa unang salita. Halimbawa: mabuting kapatid 2.Pang-angkop – Itto ay kataga/ salitang nag-uugnay sa isan pangngalan sa iba pang mga salita sa pangungusap.Narito ang mga kataga/pariralang malimit na gamiting pang-ukol. sa ayon sa /kay ng hinggil sa/kay kay/kina ukol sa /kay alinsunod sa/kay para sa/kay laban sa /kay tungkol sa/kay 3.Pangatnig sa mga kataga/salita na nag-uugnay ng dalawang salita ,parirala o sugnay. 73 Pangatnig na Pandagdag: Nagsasaad ng pagpuno o pagdaragadag ng impormasyon Halimbawa: at ,pati Pangatnig ng Pamukod: Nagsasaad ng pagbubukod paghihiwalay Halimbawa: o o, ni,maging Pagbibigay ng Sanhi /Dahilan: Pag-uugnay ng mga lipon ng salitang nagbibigay –katwiran o nagsasabi ng kadahilanan . Halimbawa:dahil sa ,sapagkat,palibhasa Paglalahad ng bunga o resulta:Nagsasaad ng kinalabasan o kinahinatnan. Halimbawa: bunga, kaya, o kaya naman Pagbibigay ng kondisyon:Nagsaad ng kondisyon o pasubali Halimabawa: kapag ,pag,kung ,basta Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat:Nagsasaad ng pag-iba,pagkontra o pagtutol. Halimbawa: ngunit, subalit datapwat,bagama’t Gawain Bilang 18 Subukin Mo! 74 Panuto: Magbigay ng mga bagay na ginagawa mo sa kasalukuyan upang maipakita mo ang iyong paniniwala at pagpapahalaga sa rehiyon o relihiyong kinabibilangan gamit ang mga pang-ukol at pangatnig na matatagpuan sa ibaba. 1. alinsunod sa _______________________________________________ 2. tungkol sa ________________________________________________ 3.kapag_______________________________________________________ 4.subalit _______________________________________________________ 5.kung ______________________________________________________ Gawain Bilang 19 : Palawigin pa! Panuto:Piliin sa loob ng ang watong pang-ugnay sa bawat pangungusap.Isulat ito sa patlang. Kung baka sana Kapag sakali dahil 1. Lalong napapamahal sa akin si itay _________nakikita ko ang kanyang paghihirap. 2. Mag-aral ka ng aralin ___________may pagsusulit bukas. 3. Huwag kanang umalis ng bahay _________sakaling di ka pinayagan. 4. Magkakaroon ng magandang buhay ________makakatapos siya ng pag-aaral. 5. Tapos na kalangitan. ang unos___________maaliwalas 75 na ang Gawain Bilang 20 : Bumuo Tayo ng Maikling Kwento Panuto: Isulat ang buod ng binasang kuwento na Pagislam nang maayos at may kaisahan ang mga pangungusap.Sundin ang pamantayan sa pagsulat. PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA SA PAGSULAT NG BUOD Mga Pamatayan Puntos Kompleto ang impormasyong hinihingi at 5 wasto ang mga ito. Nakagamit ng mga retorikal na pang-ugnay 5 sa naisulat na buod. Maayos at may kaisahan ang mga 5 pangungusap na ginamit sa pagbubuod Maayos na naisalaysay ang buod ng 5 kuwentong binasa. KABUUAN 20 5- Napakahusay 2 -Di mahusay 4- Mahusay 1- Sadyang Di-mahusay 3 -Katamtaman Inihanda nina: MARICAR B. GARCIA Pililla NHS MYLENE G. AMOIN Pililla NHS Republika ng Pilipinas KAGAWARAN NG EDUKASYON Rehiyon IV-A CALABARZON Sangay ng Rizal 76 MODYUL SA FILIPINO 7 (Unang Markahan) ARALIN 1.5 DULA (Ikalimang Linggo) PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pang-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao. PAMANTAYANG PAGGANAP Naisasagawa ng mga mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo. Panitikan: Ang Mahiwagang Tandang (Dula) Uri ng Teksto: Naglalahad Panimula Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood. Sinasabing ang dula ay nagsisimula sa mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano. Bagaman may mga dulang napanood at pinaglibangan ang mga katutubong Pilipino bago sumapit ang panahong ito, ang mga tunay na dulang sinasabing nagtataglay ng pinakamalalim na pangarap ng isang bansa, naglalarawan ng sariling kaugalian, naglalahad ng buhay ng katutubong tulad ng nasa lona at nagpapakilala ng papupunyagi ng mga tao ng isang bayan upang mabuhay, ay wala noon. Ang pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas nagbigay panibagong sangkap sa mga katutubong dula. Ang mga dulang kagaya ng komedya ay kinasangkapan ng mga Kastila upang mapalaganap ang Katolisismo sa kapuluan. Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ng ating tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay ng katauhan sa mga Pilipino. Sa paglipas ng mga taon, nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino. Ngunit iisa ang layunin ng mga mandudula: ang aliwin ang mga 77 mamamayang Pilipino at higit sa lahat, bigyang buhay ang mga pangyayari sa buhay Pilipino. Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulangitinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan. Sa araling ito, ay palalawigin ang kaalaman at kasanayan sa dula mula sa pagtukoy sa mga impormasyon hanggang sa pagtatanghal ng isinulat na sariling dula. MGA YUGTO NG PAGKATUTO Panimulang Pagtataya Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. 1. Ang _____________ ay isang anyo ng media na naglalayong hikayatin ang mga tao na bilhin o tangkilikin ang isang produkto o isang serbisyo. a. patalastas b. agenda c. talaarawan d. disenyo 2. Paraan ng pagkuha o paggamit ng katutubong salita mula sa ibang bansa . a. pagsasaling wika b. paghiram na salita c. suring basa d. Talasalitaan 3. Ano ang kahulugan ng salitang ‘’Ai-dao ‘’? a. ekspresyong maaring may kahulungang pagkamalungkot o b. Masayang talumpati c. sayaw ng mga katutubo pagmamahal d. Maluwalhating pagtugon 4. Ito ay kwentong mahika ng Meranao na batay sa pananaliksik ni Victoria Adeva. a. Sa Pula, Sa Puti b. Kalembang c. Ang Mahiwagang Tandang d. Ai-dao 5. Ito ay isang uri ng panitikan, na ang layunin ay itanghal sa tanghalan 78 a. tula b. dula Gawain Bilang 2 c. maikling kwento d. Ritwal Tatlong B-B Panuto: Isaayos ang mga pinaghalong salita sa bawat bibe upang makabuo ng angkop na kasabihan. 1. 2. Manatiling Mababa Maging Buhay magsikap Lahat tayong sa (Magsikap tayong lahat sa buhay) (Manatiling maging mababa) 3. Diyos Awa ang tao Nasa nasa gawa ang (Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa) 79 Gawain Bilang 3 Sagutin Mo Nga! ● Pokus na Tanong Paano nakakatulong ang pananalig sa Diyos na may kalakip na gawa upang maging matagumpay sa buhay? ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ Gawain Bilang 4 Tala-kaalaman ● Paglalahad ng Kaligirang Kasaysayan Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood. Ayon sa mga manunulat, ang matatawag na tunay na uri ng dula ay nagsisimula sa mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano. Bagaman may mga dulang napanood at pinaglibangan ang mga katutubong Pilipino bago sumapit ang panahong ito, ang mga tunay na dulang sinasabing nagtataglay ng pinakamalalim na pangarap ng isang bansa, naglalarawan ng sariling kaugalian, naglalahad ng buhay ng katutubong tulad ng nasa lona at nagpapakilala ng papupunyagi ng mga tao ng isang bayan upang mabuhay, ay wala noon. Ang pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas nagbigay panibagong sangkap sa mga katutubong dula. Ang mga dulang kagaya ng komedya ay kinasangkapan ng mga Kastila upang mapalaganap ang Katolisismo sa kapuluan. 80 Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ng ating tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay ng katauhan sa mga Pilipino. Sa paglipas ng mga taon, nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino. Ngunit iisa ang layunin ng mga mandudula: ang aliwin ang mga mamamayang Pilipino at higit sa lahat, bigyang buhay ang mga pangyayari sa buhay Pilipino. Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan. Gawain Bilang 5 Pakinggan Natin! Pakinggan at panuorin ang video na may pamagat na ‘’Ang Mahiwagang Tandang.” Matapos mapakinggan sagutin ang susunod na mga Gawain. Pangyayari mula Pagkakatulad sa sa Sariling Pagkamakatotohan binasa karanasan Binasang Kaganapan Gawain Bilang 6 Buuin ang pangungusap sa ibaba. Ang mga Muslim o taga-Mindanao ay may isang paraan ng pagsamba o ritwal 81 ng ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ _________________________________________________ Gawain Bilang 7 Hanapin mo pa! Magsaliksik at ibigay ang mga paniniwala, ritwal at tradisyon ng ibat’ibang relihiyon batay sa kaalaman ng mga mag –aaral batay at kahalintulad sa napakinggang dula. Isulat ito sa ibaba kalakip ang paliwanag. Relihiyon Paniniwa, Tradisyon o ritwal Gawain Bilang 8 Hiram na mga Salita Matapos mabasa “Ang Mahiwagang Tandang”, basahin ang mga hiram na salita at kahulugan nito sa ibaba. Pagkatapos gamitin ito sa pangungusap. 1. Dama – ang tawag sa mga alalay ng sultan o reyna. 2. Kalilang – nangangahulugan ng pagdiriwang o pagalala 3. Bulad – Isdang pinatuyo 82 4. Ai-dao – isang ekspresyon na nagpapahayag ng matinding pagkalungkot o pagmamahal. 5. Torogan – tawag sa bahay ng mayayaman o kilalang tao o pinuno sa Meranao Mga Pangungusap: 1. ______________________________________________________ 2. ______________________________________________________ 3. ______________________________________________________ 4. ______________________________________________________ 5. ______________________________________________________ Gawain Bilang 9 Manood at Magsuri Tayo! Panuorin ang video na “Ang Mahiwagang Tandang.” o ang “Alaala ng Dulang Panlasangan” at sagutin ang kasunod na gawain sa ibaba. Gawaing Bilang 10 Kilalanin Mo Sila? Isulat ang mga tauhan o karakter mula sa napanuod at ilarawan mo sila ayon sa hinihingi ng talahanayan. Tauhan: Paglalarawan sa gawi/kilos nito: 83 Tauhan: Paglalarawan sa gawi/kilos nito: Gawain Bilang 11 Sagutin Mo Nga Dapat bang maging makatotohanan ang pagganap ng bawat kalahok o tauhan sa isang dula? Ipaliwanag ang iyong sagot. ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ Gawain Bilang 12 Ano ang alam mo? Ibigay ang sariling pakahulugan sa paksang / konseptong. PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ Gawain Bilang 13 Tala-Kaalaman Basahin ang mga pangungusap na walang tiyak na paksa sa ibaba at sagutin ang mga kasunod na Gawain. MGA PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA 84 1. Pangungusap na pasasalamat - nangangahulugang may pangyayaring ginawa na at kailangan lamang pasalamatan. Halimbawa: a. Salamat.(po) b. Maraming salamat.(po) 2. Pangungusap na patawag - tinatawag sa pangalan ang isang tao at nauunawaan naman ng tinatawag na siya'y hinahanap Halimbawa: a. Allan! b. Korina! 3. Pangungusap na pangkalikasan - nauukol ito sa mga pangyayaring may kinalaman sa kalikasan Halimbawa: a. Umuulan na. b. Lumilindol. 4. Pangungusap na pagbati - nangangahuluganng kaharap naang taong binabati Halimbawa: a. Magandang Araw. b. Maligayang pagbati sa iyo. 5. Pangungusap na pagpaalam - nangangahulugang dati nang kausap ang pinagpaalaman ng aalis Halimbawa: a. Paalam na.(po) b. Hanggang sa muli.(po) 6. Pangungusap na pamanahon - nagsasaad ng panahon. Halimbawa: a. Pasko na! b. Bertdey mo na. 85 7. Pangungusap na panagot sa tanong - sumasagot ito sa tanong Halimbawa: a. Oo. b. Hindi. c. Baka. 8. Pangungusap na muling pagtatanong - nangangahulugang may nauna nang pahayag na hindi lamang ganoong narinig o naunawaan kaya ipinapauulit. Halimbawa: a. Saan? b. Ano? c. Ha? 9. Pangungusap na pautos - nangangahulugang kaharap na ng nag-uutos ang inuutusan. Halimbawa: a. Lakad na. b. Sulong! c. Halika. 10. Pangungusap na pakiusap - pangungusap na ginagamitan ng paki at maki. Halimbawa: a. Pakidala nito. b. Makikiraan.(po) 11. Pangungusap na pasukdol - pangungusap na ginagamitan ng mga katagang kay at napaka. Halimbawa: a. Kaybuti mo! b. Napakatamis nito! 86 12. Pangungusap na padamdam - nagsasaad ng nadarama Halimbawa: a. Aray! b. Ay! 13. Pangungusap na eksistensyal - gumagamit ito ng mga katagang may mayroon at wala. Halimbawa: a. May pasok ngayon. b. Walang tao riyan. 14. Pangungusap na temporal – nagsasaad ito ng mga kalagayan o panahong panandalian, karaniwan na itong pang-abay na pamanahon. 2 URI NG TEMPORAL A. Oras, Araw, Petsa Hal. Umaga na. Bukas ay Lunes. Ala singko pa lang ng hapon. B. Panahon, Selebrasyon Hal. Labor Day na bukas. Magbabakasyon lang. 15. Pangungusap na Modal- gumagamit ng mga salitang gusto, nais pwede, maari, dapat o kailangan. Halimbawa: Gusto kita. Kailangan mo ba ko ? 16. Pangungusap na mga “Ka-Pandiwa “- nagsasaad ito ng katatapos na kilos o pangyayari. Malimit itong may kasunod na “lang o lamang”. Halimbawa: Kasasara ko lang. Kabubukas ko lang. 87 17. Pangungusap na Ponomemal- tumutukoy sa mga pangungusap na tumatalakay sa mga kalagayan o pangyayari sa kalikasan o kapaligiran. 2 URI NITO A. Verbal-binuong pang uring pandiwa na maaaring may kasamang pang abay. Halimbwa: Uulan marahil. Bumaha kahapon. B. Ajectival- Binubuo ng mga pang uri na maaring may kasama ring pang abay. Halimbawa: Maginaw ngayon. Maalinsangan. 18. Pangungusap na Sambitla - karaniwang binubuo ito ng isa o dalawang pantig na nagsasaad ng masidhing damdamin. halimbawa: a.) Sunog! b.) Wow! 19. Pangungusap na Pahanga - nagpapahayag ito ng damdamin ng paghanga. halimbawa: a.) Ang ganda-ganda mo. b.) Kay sipag mong bata Gawain Bilang 14 Isa-isahin Mo Nga! Anu-ano ang mga halimbawa ng mga pangungusap na walang paksa? Magbigay ng mga halimbawa nito Gawain Bilang 15 Sukatin Mo ang Alam Mo 88 PANUTO: Bilugan kung anong uri ng pangungusap na walang paksa ang mga sumusunod. __________________1. Umaaraw.. a. Pangbati b. Pangkalikasan c.Pautos __________________2. Pasko na naman ! a. Pamanahon b. Pautos c. Pagpapaalam ________________3. Makiki-CR po. a. Eksistensyal b. Pautos c. Pakiusap ________________4. Eh lindol! a. Eksistensyal b.Sambitla c. Pakiusap ________________5. Pakiusap tulungan mo ako? a. Eksistensyal b.Sambitla c. Modal Gawain Bilang 16 Palawakin Mo Pa! PANUTO: Tukuyin kung anong uri ng pangungusap na walang paksa ang mga sumusunod. __________________1. Kumukulog. a. Pangkalikasan b. Pangbati c. Pagpapaalam __________________2. Bagong Taon na ! a. Pamanahon b. Pautos c. Pagpapaalam ________________3. Makikiinom po. a. Eksistensyal b. Pautos c. Pakiusap ________________4. Sunog! Apoy ! a. Eksistensyal b.Sambitla c. Pakiusap ________________5. Kasama ba ako? a. Eksistensyal b.Sambitla Gawain Bilang 17 Tala-Kaalaman 89 c. Modal Ano ba ang Patalastas Ang PATALASTAS ay isang anyo ng media na naglalayong hikayatin ang mga tao na bilhin o tangkilikin ang isang produkto o isang serbisyo. Mahalaga ang patalastas upang maging mulat ang lahat na ang isang produkto o serbisyo ay may kalidad. Kadalasang gumagamit ng taglines sa isang patalastas. Ang pagpapatalastas o pag-aanunsiyo (Ingles: advertising) ay isang uri o anyo ng komunikasyon o pakikipagtalastasan para sa pagmemerkado o pagmamarket (marketing) at ginagamit upang mahikayat o mahimok ang mga madla (mga manonood, mga mambabasa, o mga tagapakinig; na kung minsan ay isang tiyak na pangkat) na magpatuloy o gumawa ng ilang bagong kilos. Sa pinaka karaniwan, ang inadhikang resulta ay ang maimpluwensiyahan ang ugali ng tagakonsumo o mamimili alinsunod sa isang alok na pangkalakalan (commercial) o kalakal, bagaman karaniwan din ang pagpapatalastas na pampolitika at pang-ideyolohiya. Sa wikang Latin, ang pariralang ad vertere, na pinaghanguan ng salitang Ingles na advertising, ay may kahulugang “ibaling ang isipan papunta sa isang bagay.” Maaaring maging layunin din ng pagpapatalastas ang paasahin ang mga empleyado at mga “kasalo” (mga shareholder) na matatag o matagumpay ang isang kompanya. Ang mga mensaheng pampatalastas ay karaniwang binabayaran ng mga isponsor at nakikita sa pamamagitan ng samu’t saring midyang tradisyonal (midyang nakaugalian); kabilang na ang midyang pangmasa na katulad ng pahayagan, magasin, patalastas sa telebisyon, patalastas sa radyo, patalastas na nasa labas ng gusali o panlasangan, o tuwirang pagpapadala sa pamamagitan ng koreo; o kaya sa pamamagitan ng bagong midya na katulad ng mga blog, mga website, o mga mensaheng teksto. (mula sa Wikipedia) Gawain Bilang 18 Ipatalastas Mo ang Ideya Mo Gumawa ng patalastas sa anyong poster at leaflets ukol sa ipinakitang tradisyon at paniniwala sa nabasa at napanuod tungkol sa 90 inyong bayan. Lakipan ito ng isang maikling iskit na patalastas gamit ang mga pangungusap na walang tiyak na paksa .Kailangan hikayatin ng mga mag-aaral ang kanilang kapwa upang magsumikap sa buhay. Gawing pamantayan ang mga kriterya sa pagbuo nito. Rubrik sa Pagmamarka 1. Sining, Kaayusan at Pagtatanghal 50% 2. Angkop na Salitang Gamit 10% 3. Nilalaman 20% 4. Paggamit ng Teknolohiya _ KABUUAN 20% 100% Gawain Bilang 19 Ilahad Mo ang patalastas Mo Mula sa nabuong mong patalastas, ipaliwanag at ilahad sa klase ang buong detalye ng iyong nilikha. Inihanda ni: MARLON P. CUSTODIO Aldea NHS 91 Republika ng Pilipinas KAGAWARAN NG EDUKASYON Rehiyon IV-A CALABARZON Sangay ng Rizal MODYUL SA FILIPINO 7 (Unang Markahan) ARALIN 1.6 PANGWAKAS NA GAWAIN (Ikaanim na Linggo) PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pang-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao. PAMANTAYANG PAGGANAP Naisasagawa ng mga mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo. Panitikan: Proyektong Panturismo Gramatika at Retorika : Pang ugnay na ginagamit sa panghihikayat Sanggunian: Internet Kagamitan: Video clip 92 Pagpapahalaga: Naipagmamalaki ang mga natatanging lugar sa bansa. Panimula Itinuturing na isang napakahalagang kasanayan sa mga mag-aaral ang pananaliksik. Isa sa pamamaraan ng pagkatuto ay ang pananaliksik o may katumbas na pangangalap ng datos o impormasyon kaugnay sa isang paksa o proyektong nais isakatuparan. Bilang tugon sa hinihingi ng Curriculum Guide ang mga mag-aaral ay lilikha ng Produktong Panturismo gamit ang pananaliksik kasama ng mga ilan pang mga kaalaman sa Unang Markahan, kwentong-bayan, pabula, epiko, maikling kwento at dula. Mula sa mga paksang ito na may pokus sa panitikan ng mga tag-Mindanao ay tatawid naman sasariling bayan o lugar sa pamamagitan ng paglikah ng sariling proyektong panturismo sa anyong poster, leaflet atbp. Taglay ng bahaging ito ang mga gawaing magbibigay katuparan sa pagkamit ng maipagmamalaking awtput tungkol sa sariling bayan o lugar. Gawain Bilang 1 Maging Sistematiko ka! Pagsunod-sunurin ang mga larawan ayon sa tamang ayos.Lagyan ng bilang 1-5 ang bawat bilog. 93 Bigyang hinuha ang nabuong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang pananaliksik. Gawain Bilang Ano ang alam mo! Ibigay ang iyong sariling pamamaraan ng pananaliksik isulat ang 5 hakbang na ginagawa mo sa pangangalap ng datos. Isulat ito sa ibaba at ibahagi ang iyong sagot sa klase. 1. 2. 3. 4. 5. ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ Gawain Bilang 3 Manuod at Magsuri ● Panoorin ang isang maikling video clip na nagpapakita ng pag-unlad ng isang lugar.Bigayang pansin ang kabuuang detalye ng mapapanood.Iugnay ang salitang Turismo sa napanood na maikling video. ● Isa-isahin ang mga hakbang na ginawa sa pananaliksik mula sa napakinggang pahayag. https://www.youtube.com/watch?v=LExMa5-3jUA 94 T M i n d a n T a n a y Anu –anong mga SALITANG ginamit sa isang proyekyong panturismong napanuod. Isulat ito sa loob ng kahon at ipaliwanag. Sagot: Gawain Bilang 4 Tala-Kaalaman Basahin at pag-aralan ang mga pahayag na gamit sa panghihikayat na makakatulong sa mga susunod na gawain sa pagbuo ng produktong panturismo. MGA PAHAYAG NA GINAGAMIT SA PANGHIHIKAYAT Halimbawa ng mga pahayag at salitang nanghihikayat Ang pagnanais na mahikayat o makumbinsi ang iyong mga mambabasa sa iyong pananaw o paninindigan ay isang hamon sa isang manunulat. Makatutulong ang paggamit ng mga angkop na pahayag sa iyong panghihikayat Tulad ng mga sumusunod. 95 Totoo/Tama Tunay Talaga Tumpak pero/subalit Kaya natin ito Siguradong. . . Ngayon na! Siyempre Naniniwala akong. . . Kaya mong maging bahagi ng. . . Sama na. . . Tara. . . Kitang-kita mong. . . Ito na. . . Gawain Bilang 5 I-share Mo, Ideya Mo! 96 Tukuyin ang pag-unlad ng inyong lugar batay sa mga sumusunod. Kumpletuhin ang hinihingi sa ibaba. PANGALAN NG LUGAR KO: PRODUKTO OO PAGKAIN POOK/LUGAR KASAYSAYAN Gawain Bilang 6 MAY SAY AKO Pumili ka ng isa sa mga larawan sa itaas at gawin ang tulad ng nasa ibaba. Hal:Aguila- Palasak na tahanan ng Philippine Eagle sa Davao del Sur Gawain Bilang 7 Mag-travel ka! ● Panuorin ang isang Video Clip ng pamamaraan ng paggawa ng isang makabuluhang Travel Brochure sa ibaba. https://www.youtube.com/watch?v=ncvgor8dOh0 ● Matapos mapanuod ay sagutin ang graphic organizer sa ibaba. 97 NIL AL AM AN TR KA AV HA EL LA BR GA OC HA HU N RE Gawain Bilang 8 Tala-Kaalaman MGA HAKBANG SA PANANALIKSIK Mga hakbang sa pagbuo ng Proyektong Panturismo HA KB AN G/P AN UN TU Isang proyektong panturismo ang gagawin ng mga mag-aaral sa ikatlo at ikaapat na markhan. Sa huling linggo ng ikaapat na markahan, bawat grupo ay bibigyan ng 30 minuto upang ibahagi ang kanilang proyekto. Maaaring gumamit ng Power Point Presentation. Mas magiging kapana- panabik ang gagawing presentasyon kung ipapaskil ang mga poster ilang araw bago sumapit ang linggo ng presentasyon. 98 Ang presentasyon ay dapat makahimok ng mga turista. Maaaring hatiin ang mga nakikinig/manonood (ang kanilang mga kaklase) sa iba’t ibang pangkat: 1. turistang nais makilala ang kanilang bayan 2. opisyal ng lokal na gobyerno 3. mananaliksik na gagawa ng dokyumentaryo tungkol sa kanilang bayan 4. manunulat na gagawa ng libro tungkol sa kanilang bayan 5. mga opisyal ng Department of Tourism Sa tulong ng mga nakikinig, maaaring pumili ang guro ng pinakamahusay na pangkat. Bukod sa pinakamahusay na grupo, maaari ding magkaroon ng hiwalay na gantimpala para sa pinakamagandang poster, blog, travel brochure at AVP. Ang Ikaapat na Araw ay maaaring gamitin para sa Proyektong Panturismo. Kung may nalalabi pang oras, maaari ding gawin ang mga mungkahing gawain para sa Ikaapat na Araw na matatagpuan sa unang bahagi ng Unang Markahan. Mga Bahagi ng Proyekto Maaaring ipaliwanag ang poster bilang introduksiyon sa kanilang proyekto. A.Poster Ano ang kuwento sa likod ng kanilang disenyo? Bakit ninyo ito napili? Ang poster ang magsisilbing representasyon ng kanilang paksa, grupo, at mensahe. Sa pamamagitan ng poster, magkakaroon ng ideya ang inyong mga kaklase at ibang tao sa kagandahan ng kanilang bayan na maaaring hindi pa nila alam. Gumamit ng mga retrato o imahe na talagang magpapakita ng dapat asahan ng mga tao sa gagawing presentasyon. Ang poster rin ay magagamit ninyo bilang buod ng inyong proyekto. Maganda kung mayroon itong pamagat. B. Presentasyon Ano ang paksa ng kanilang proyekto? Ano ang kanilang mga nalaman tungkol dito? Ang mga layunin ng inyong presentasyon: 1. Masagot ang 10 gabay na tanong na binigay bago ninyo umpisahan ang proyekto 2. 99 Mahikayat ang mga taong subukan ang pinag-aralang pagkain/produkto/kasiyahan/lugar at iba pa 3. Maipaliwanag ng may kaayusan, kabuuan, at kaisahan ang pagsusuri 4. Maipakita ang kagandahan at katangi-tanging kuwento ng inyong bayan 5. Makapagbigay ng paraan o mga paraan kung paano ninyo mapalalaganap ang inyong proyekto (Halimbawa: Nais ninyong ipaskil ang inyong poster sa ibang paaralan, ipa-imprenta ang inyong travel brochure sa tulong ng lokal na grobyerno at ipadala sa ibang bayan, isali ang inyong blog site sa mga website na panturismo, ilagay sa youtube ang inyong AVP at iba pa) C. Travel Brochure Ano-ano ang mga lugar na maaaring puntahan upang lalong makilala ang paksa? Ang travel brochure ay maglalaman ng mga lugar na nais dalawin ng mga tao upang maging kumpleto ang kanilang karanasan. Piliin lamang ang detalyeng ilalagay dito dahil kaunti lang ang maaaring isulat na pangungusap. Lagyan rin ng magandang disenyo at retrato kung mayroon. 1. Tatlo o higit pang lugar na dapat puntahan 2. Ang kahalagahan ng bawat lugar 3. Mga makikita at maaaring gawin doon D. Blog Ano ang mga importanteng impormasyong nais ninyong ibahagi sa iba? Narito ang mga maaaring ilagay sa inyong blog: 1. Mga karanasan habang kayo ay nangangalap ng impormasyon 2. Mga taong inyong nakilala 3. Mga impormasyong inyong natuklasan 4. Saloobin o opinyon tungkol sa paksa, karanansan, lugar, at iba pa 5. Mga mungkahing gawain kung pupunta ang isang turista sa iyong bayan at nais itong makilala 6. Maaari niyo ring ipakita o ipakilala dito ang mga produkto, pagkain, kasiyahan, tao, kabuhayan na inyong sinuri Narito ang ilang kilalang blog sites: www.wordpress.com www.blogspot.com www.blogger.com www.tumblr.com E. Audio-visual presentation (AVP) Paano nila hihikayating bumisita ang ibang tao sa kanilang bayan? 100 Ilan sa mga maaaring ipakita sa AVP: • Retratong may caption o maikling paliwanag • Maikling kuha or video (hal: aktuwal na paggawa ng pagkain, ng mayor na tumutulong, ng pista o kasiyahan) • Maikling pag-uulat mula sa mag-aaral (Hal. Mag-aaral na nagbabahagi ng kasaysayan ng. https://baitang7.files.wordpress.com/.../gabay-sa-guro_baitang7_ika... Gawain Bilang 8 Ibuod Mo Nga Anu –anong mga hakbang ang kinakailangang sundin upang makagawa ng pananaliksik na kinakailangan sa isang proyekyong panturismo? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ Gawain Bilang 9 Lumikha ka! Gamit ang mga larawan sa ibaba, gumawa ng Travel Brochure at lakipan ito ng mga detalye kaugnay sa mga lugar na nabanggit. 101 Pa ng Pa ka ng t ka 1: t Hi 2: ga Ba Pa ng ka t 5: Da Pamantayan sa Pag-uulat Puntos Makatotohanan at mapanghikayat ang detalye Naging malikhain sa pagpipresentang gawain Wasto at angkop na Wika Kabuuang puntos Mga sanggunian para sa pabula Pa ng Pa ka ng t ka 3: t 10 4: Ce Hi 5 5 5 ____ 15 Inihanda ni: LORELINE LOPEZ Quisao NHS https://www.google.com.ph/search?q=larawan+ng+libro&dcr=0&source=lnms &tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjThMTEuv3ZAhWLnJQKHaMUDzAQ_AUICi gB&biw=1366&bih=662#imgrc=MYBJH1YaACEvpM: (Larawan ng Aklat) https://www.google.com.ph/search?dcr=0&biw=1366&bih=662&tbm=isch&sa= 1&ei=e1WyWqLGNMvt0AS2zbDACQ&q=larawan+ng+diyaryo&oq=larawan+n g+diyaryo&gs_l=psyab.3..0i13k1.189174.195163.0.195928.12.12.0.0.0.0.365.2116.0j6j3j1.10.0.... 0...1c.1.64.psyab..2.9.1919...0j0i8i30k1j0i67k1.0.SXmzz8zTM2M#imgrc=fJJXZGYQL4NjZM (larawan ng Dyaryo) https://www.google.com.ph/search?dcr=0&biw=1366&bih=662&tbm=isch&sa= 1&ei=IFeyWsSGA8ia0gT0_KG4DQ&q=larawan+ng+internet&oq=larawan+ng 102 +inte&gs_l=psyab.1.0.0l2j0i30k1.41220.44331.0.47515.11.10.0.0.0.0.449.1452.33j1.4.0....0...1c.1.64.psy-ab..7.4.1450...0i67k1.0.MjuC9NHvZE#imgrc=foK6exmhuJ1kxM: (Larawan ng internet) 103