Nurse: Joshua, maupo ka dito saglit mag-usap tayo Joshua: Okay sige Nurse: Sabihin mo sa akin paano anong nangyari kanina sainyong dalawa ni Boy Joshua: Hmm, gaya nga ng nasabi dati, parang lagi ko kelangan ko laging ipaglaban kung ano ang gusto kong makuha sa buhay. Wala namang pake sakin mga magulang ko Nurse: Naintindihan ko, pero gusto kong ikwento mo sa akin ‘yong nangyari kanina sa inyo ni Boy. Joshua: Una palang ayaw ko na sa kanya. Naiirita ako sa kanya. Karamihan rin naman dito hindi sya gusto. Nurse: Anong dahilan bat naiirita ka sa kanya? Joshua: Laging nakatitig sakin yan pag kinakausap ko ang mga nurse parang na-iinggit pag ako ung kinakausap. Nurse: Ibigsabihin mo ba inggit si boy sa relationship nyo ng mga nurse? Joshua: Oo, ayaw nya talgang mapunta dito. Wala syang pake dyan sa mga kung ano anong therapeutic na yan. Nurse: Parang kilalang kilala mo si Boy. Joshua: Naalala ko kasi si “toothpick” sa kanya, kaaway ko nung bata ako. Nurse: Kwentohan mo pa ako tungkol kay Toothpick Joshua: Toothpick ang tawag naming sa kanya sobrang payat nya pero apaka papansin. Nurse: So, naiinis ka kay Boy kasi naalala mo si toothpick sa kanya na papansin? Joshua: Oo. Sobrang nakakabanas sya! Nurse: Anong kinakagalit mo kay Boy? Joshua: Si Boy?! Alam kong inggit lang un sa akin. Gusto nyang maging ako, pero hindi nya kaya. Sasaktan ko sya isambeses pang magpapansin sya. Nurse: Joshua, hindi ka mananakit ng kung sino man dito. Joshua: Sorry biro lang Nurse: Importanteng malaman ko kung anong ginawa mo kaninang umaga Joshua: Alam kong nagkamali ako kanina dahil hindi ko makontrol ang emotion ko. Ginawa ko lang yun kasi hindi naman nila ako rerespituhin pag hindi ko sila tinakot Nurse: Sinong “sila”? Joshua: Ung mga kagaya ni Boy. Nurse: Sabi mo sakin nakikipag away ka kasi survival skills mo to nung bata ka. Pero Joshua, ngayong matanda ka na hindi na kailangang makipag-away. Merong ibang paraan para ma-handle ang situation na hindi ginagamitan ng dahas. Joshua: Tama ka. Naisip ko nga rin yan. Sa tingin mo may gamot namakakatulong sa akin para makontrol ko tong galit ko? Nurse: Instead na mga gamot, mas Maganda kung maging aware ka sa kung nagagalit ka na at imbis na makipag-away, kausapin mo nalang. Joshua: Sabi ko na sayo, kelangan kong makipag-away Nurse: Naiisip mo ba ung consequences ng pakikipag-away mo? Joshua: Naguilty ako pagka-tapos. Minsan naiisip ko na sana d ko nalang ginawa.