Uploaded by Ali Tibayan

Tungkulin ng wi-WPS Office

advertisement
Tungkulin ng wika sa buhay ng tao
Bilang isang mag-aaral, tungkulin kong magkaroon ng sapat na kaalaman at makapagtapos. Gaya ng
wika, hindi man natin lubusang nabibigyang pansin sapagkat nagiging natural na gawi lamang ito. Ngunit
kung sasaliksiking mabuti, may mga tungkulin din ang wika sa ating buhay na maaaring ngayon lamang
natin mauunawaan ng lubusan.
Ayon nga kay M. A. K. Halliday, naaayon sa iba't ibang kategorya ang mga gampanin ng wika sa ating
buhay. Ano- ano nga ba ang mga ito? Mabibilang sa pitong tungkulin ang inilahad niya, narito at ating
pag-aralan.
UNA
Interaksyonal
-ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag, pagpapanatili at pagpapatatag ng relasyong
sosyal sa kapwa tao.
HALIMBAWA:
Pasalita: pormularyong panlipunan, pangungumusta, pagpapalitan ng biro
INSTRUMENTAL
PANGALAWA
-ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan.
HALIMBAWA:
Pasalita: pakikiusap, pag-uutos
regulatori
- ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao. Sa madaling
sabi, ito ang pagsasabi kung ano ang dapat o hindi dapat gawin.
HALIMBAWA:
Pasalita: pagbibigay ng direksyon, paalala o babala
personal
- ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon. Sa mga
talakayang pormal o impormal ay gamit na gamit ang tungkuling ito.
HALIMBAWA:
Pasalita: pormal o di-pormal na talakayan
imahinatibo
- ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan Makikilala
ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga idyoma, tayutay, sagisag at simbolismo. Gamitin ang tungkuling
ito sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula, nobela at maikling katha.
HALIMBAWA:
Pasalita: pagsasalaysay, paglalarawan
heuristik
- ang tungkulin ng wika na ginagamit sa paghahanap o paghingi ng impormasyon. Maaaring gamitin ang
wika para malaman ang mga bagay sa daigdig. Nagbubunga ng sagot ang mga tanong, konklusyon ang
pangangatwiran, mga bagong tuklas na pagsubok sa hypothesis, atbp.
HALIMBAWA:
*Pasalita: pagtatanong, pakikipanayam
Impormatibo
- ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon.
HALIMBAWA:
Pasalita: pag-uulat, pagtuturo
Download