Uploaded by Ian kristoffer Villanueva

El-Filibusterismo-script

advertisement
El Filibusterismo script
El Filibusterismo
·
Jose Rizal writing El filibusterismo scene
·
Scene 1
Narrator: Kinabukasan ay kumalat at nagkaroon ng maraming usap-usapan tungkol sa
pagkatalo at sa kakulangan ng mga bandido laban sa mga Kastila at sa buhay ni
Crisostomo Ibarra na akala ng iba ay…… PATAY na.
Sa Bapor Tabo
Narrator: Samantala, sa kubyerta ng isang bapor na nagngangalang Bapor Tabo na
inahintulad sa pamamahala ng Kastila ay nagsasakay ng mga Indiyo at maharlika….
Donya Victorina: (palakad-lakad, natatawa ang mga pasahero) Nakikita niyo ang suot
ko? Walang-wala ito sa mga suot niyo! (walang nakikinig at umalis na padali-daling
pumunta sa kapitan) Pambihira talaga yang asawa ko. Nilayasan pa naman ako! hmph!
Hoy Kapitan! pakibilisan pa nga ang pagpapatakbo niyo sa barko. Ang hina!
Kapitan: Patawad pero hanggang dito lang ang kaya ng bapor.
Donya Victorina: Ang babaw talaga ng ilog na ito! Ang bagal tuloy ng takbo ng makina.
(nagtipon-tipon)
Simoun: Ang lunas ay napakadali at walang magugugol na anuman. (lahat ay tumingin
at lumapit para makinig) Walang dapat gawin kundi isang kanal mula sa pagpasok ng
ilog hanggang sa paglabas na maglalagos sa Maynila. Makakatipid pa ng lupa,
mapaiikli ang dinaraanan at maiiwasan ang pagtaas ng buhangin sa ilog.
Don Custodio: Hinid ako makakasang-ayon sa panukala mo Ginoong Simoun.
Napakalaking pera ang magugol at masisira pa ang ibang kabahayanan.
SImoun: Puwes, hanyaang masira ang dapat masira.
Don Custodio: At saan naming kukunin ang salaping ibabayad sa mga mangangawa?
Baka magdulot iyan ng isang himagsikan?
Simoun: EH wag silang bayaran! Mga bilanggo ang gagawa ng kanal. At kung hindi
sapat ay samahan pa ng mga mamamayan. Himagsikan? Kabaliwan! Naghimagsikan
ba ang mga Hudyo o mga taga-Ehipto?
Don Custodio: Ngunit wala tayo sa Ehipto ni mga Hudyo, Ginoong Simoun.
Ikinalulungkot ko pero hindi ako sang-ayon sa gusto mo. (hindi nakatagal ang ginoo
kaya’t tinalikuran si Simoun.
2nd scene
Narrator: Sa kabilang dako ng barko, may dalawang estudyanteng nakikipagtalo sa
isang matanda.
Kapitan Basilio: Akademya ng wikang Kastila? Hmmm… Tiyak akong hindi yan
maisasakatuparan.
Isagani: Maisasakatuparan po! Niregaluhan ko po ng dalawang kabayo si Padre Irene
at nangako siyang makikipagkita sa kapitan heneral.
Kapitan Basilio: Kung sa bagay, hindi naman masama ang panukalang iyan. Pero sa
panahon namin, Latin ang aming pinag-aralan. Ngayon, nag-aaral nga ng Latin ngunit
walang libro. Meron ngang aklat na Kastila ngunit hindi tinuturo. Tsk2x (Tumayo ang
matanda at umalis)
Basilio: Siyenga pala, pabor ba si Padre Florentino tungkol sa inyo ni Paulita?
Isagani: Wala siyang tutol. Nagbibigay pa nga siya ng mga payo tungkol sa pagasawa.Pero ang tanging hadlang ay si Donya Victorina. Pumapayag na lang ako baka
sa takot na mawalan ng katipan. Ang totoo… shhh, nagtatago si Don Tiburcio sa bahay
ng aking amain. (Dumating Agad si Simoun)
Simoun: Huwag mo sana ninyong ikagalit, ginoong Isagani, totoo bang napakahirap ng
mga tao sa bayan niyo kaya hindi bumibili ng mga alahas?
Isagani: Hindi kami bumibili ng mga bagay na hindi kailangan!
Simoun: (Napangiti) Wag kang magalit, binata. Halina’t uminom na lang tayo ng
serbesa.
ISagani: Maraming salamat ngunit hindi kami umiinom!
SImoun: Ganun ba? (nasaktan kaya’t umalis na hindi nagpapaalam)
Basilio: Bakit kumukulo ang dugo mo sa kanya Isagani?
Isagani: Ewan ko ba, Basilio. Unang tingin ko pa lang sa kanya ay iba na ang
naramdaman ko.
BAsilio: Pero dapat mag-ingat tayo. Kaibigan siya ng kapitan heneral.
Isagani: Talaga? Dinadalaw ba niya si Kapitan Tiyago?
Basilio: Aba oo! Si Kapitan Tiyago ang una niyang binisita sa kanyang pagdating.
Napapabalitang isa rin siyang kaagaw sa mana.
3rd scene
Narrator: Bumalik si Simoun sa kubyerta at narinig na nagkukwento ang kapitan tungkol
sa mga alamat.
Kapitan: Maraming malulungkot at masasayang alamat ang ilog na ito. Nariyan ang
Malapad-na-bato, kinakatukan dahil sa paniwalang may naninirahang mga engkanto.
Ito’y pinagsamantalan at ginawang pugad ng mga tulisan.
Padre Florentino: May alamat rin tungkol kay Donya Geronima. May magkasintahan
daw sa Espanya. Naging arsobispo sa Maynila ang lalaki. Nagbabalatkayo ang babae.
Naparito at hinihiling sa arsobispo na sundin nito ang pangako pakasal sila. Iba ang
naisip ng arsobispo. Itinira ang babae sa isang yungib na malapit sa Ilog Pasig.
Padre Salvi: Teka-teka. Huwag niyong kalimutan ang pinakamaganda at pinakatotoo sa
lahat. Ito ang milagro ni San Nicolas. Si San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa
pagkamatay sa mga buwayang naging bato nang dasalan ng intsik ang santo.
Ben Zayb: Napakaganda! Ang anyo, isang takot na intsik, tubig sa ilog, at mga bato!
Magnifico! Pero may tanong ako Kapitan. Alam niyo kung nasaan napatay ay isang
lalakeng nagngangalang Guevarra? Este Navarra o Ibarra? (Tumingin ang lahat.
Namutla si Simoun)
Kapitan: Siya si Crisostomo Ibarra. Ayon sa mga tumugis kay Ibarra nang malapit na
siyang abutan ay tumalon sa bangka. Sa paglitaw ng kanyang ulo sa tubig ay
pinaulanan na siya ng bala. Nawala sa kanilang paningin at ang tubig ay nagkulay
dugo. Ang kanyang… Bangkay ay kasama na ng ama.
Ben Zayb: Hindi ba isa siyang Pilibustero? Ibig sabihin napakamura lang ng kanyang
pagkalibing. Haha! (nagtawanan lahat) Ginoong simoun? Bakit kayo namumutla?
Huwag niyong sabihin na ang isang bihasang manlalakbay ay malulula sa Ilog-Pasig.
Simoun: Hindi ako nalulula. (patawang sagot ng ginoo).
Ben Zayb: Siyanga pala Kapitan, ikwento niyo pa ang tungkol sa buhay ng Crisostomo
Ibarra na yan.
Narrator: At nagkwento nga ang kapitan pero hanggang sa pagkamatay lang ni Ibarra
ang natandaan. Nagsimulang magkwento si Padre Salvi at nakinig ang lahat.
Padre Salvi: Si Ibarra ay laki sa ginhawa. Matalino kaya sa Europa nakapagaral. Sa
kanyang pagbalik, nalaman niya ang kahindik-hindik na nangyari sa ama. Ang kanyang
katipan na si Maria Clara ay hindi pumayag na magpakasal kay Linares. Mas pinili pa
niyang maging mongha at manatili sa kumbento kahit sa pagtutol ni Padre Damaso.
Walang nagawa ang padre. Matatag ang paninindigan ni Maria Clara.
Ben Zayb: Pinahanga ako ni Maria Clara. Bibihira na lang ang mga babaeng ganyan.
Nasaan ba siya ngayon?
Padre Salvi: Si Maria Clara ay nasa Kumbento na.
Narrator: Nagpatuloy ang pag-uusap sa loob ng kubyerta. Si Padre Florentino ay
naalala ang mga pangyayaring naganap sa kanyang Buhay. Si Padre Florentino ay
naging padre sa utos ng ina kahit meron siyang katipan. Walang siyang nagawa kundi
pumayag. Sa pagsapit ng kanyang Ika-25 taong gulang, isa na siyang ganap na pari.
Ang pinakamasakit sa lahat ay nang mag-asawa ang kanyang katipan dahil sa sama ng
loob. Mga tsismis ang kumalat nang arugain niya si Isagani, ang kanyang pamangkin.
Maraming nagsabi na anak siya ng padre sa dating katipan. Ang mga pangyayaring
iyon ang naglilok sa malalalim na gatla sa noo ni Padre Florentino.
Padre Florentino.: Kahapong hindi na maibabalik. Ngayong walang saysay at
kinabukasang walang katiyakan! Iyan ang kasaysayan ng aking Buhay! (bows head
and curtain close)
·
4th scene (kubo)
Narrator: Naalala niyo pa ba si Kabesang Tales? Siya ang nag-aruga kay Basilio. Ang
anak niyang si Tales ay namatayan ng asawa at anak na dalaga. Siya’y naging Cabeza
de barangay ngunit ayaw na niya ang trabahong ito. Kinukuha ng mga prayle ang
kanilang lupain. Ang anak niyang si Tano ay naging guwardiya sibil at si Huli ay
napilitang isanla ang sarili para maitubos ang ama.
Tandang Selo: Hindi ako makakapayag! Kung aalis ka… babalik na ako sa gubat.
Huli: Patawad, Ingkong pero ito lang ang solusyon para maitubos ko si Ama.
Tandang Selo: Ganyan ba kaimportante ang agnos na ibinigay ni Basilio para isanla mo
ang sarili mo kay Hermana Penchang?
Huli: Opo, Ingkong.
Tandang Selo: Binihag na nga si Tales at ngayon… ikaw ay magpapaalila dahil lamang
sa P250?
Huli: Huwag kayong mag-alala. Ginagawa ko ito para kay Ama.
·
5th
scene Basilio at Simoun
Narrator: Gabi na’t inilalakad na ang prusisyong ng-noche buena nang dumating si
Basilio sa San Diego. Naabala sila sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang sedula nito
at walang ilaw ang parol kaya’t binugbug ng mga guwardiya sibil. Sa bahay ni Kap.
Tiyago ay nananatili si Basilio. Ngunit di siya makakain ng hapunan dahil sa mga ulat
na ibinigay ng utusan. Pumunta siya sa libingan ng kanyang iba na namatay 13 taon na
nakaraan.
Basilio: Ano ba itong naririnig ko? May paparating? (Nagtago sa likod ng puno) Ginoong
… Simoun? Imposible! Siya ang taong tumulong sa paglilibing kay Ina at sa pagsunog
sa isa pang lalake. Sino sa dalawang lalaking ito ang namatay o ang buhay na
nagbubuhay Simoun- si Ibarra?
Simoun: Huwag kang lumapit kung ayaw mong mamatay!
Basilio: Ginoo, nagkita na po tayo… 13 taon na ang nakaraan…
Simoun: Sino ako sa palagay mo?
Basilio: Ikaw… ang taong matagal nang inaakalang na patay na…
Simoun: (Lumapit) Basilio, ika’y naghahawak ng isang lihim na maaring ikasawi ko, at
ngayo’y natuklasan mo pa ang aking lihim na ikasisira ng aking mga balak. At
kamatayan lang ang tanging sagot diyan.
Basilio: Pero ligtas po ang inyong lihim…
Simoun: hindi ko marahil pagsisihan na ika’y di ko patayin. Gaya ko rin ay may dapat
kang ipakipagtuos sa lipunan. Ikaw at ako ay uhaw sa katarungan Dapat tayong
magtulungan.
Basilio: Karangalan kong matulungan ka ngunit ayaw kong makialam sa politika.
Naniniwala akong Karunungan ang makakaligtas sa bayan.
Simoun: Mali ka! Makakamit lamang ang kalayaan sa pamamagitan ng Lakas!
Basilio: Kung gayon ay magkaiba pala tayo ng paniniwala Ginoo.
Simoun: Iginagalang ko ang iyong desisyon. Pero kung magbago man ang iyong isip,
bukas pa rin ang aking tahanan. (umalis si Basilio at nagpatuloy si Simoun sa
paghuhukay)
·
6th scene Araw ng pagsisilbi ni Huli, etc
Huli: Wag kang malungkot, Ingkong. Babalik naman po ako. (hinalikan ang locket)
Diyos ko! Ketongin ang dating may-ari nito. Baka ako mahawa! Sige Ingkong, aalis na
ako. (umalis)
Tandang Selo: Ah…a..ahh..
Mga bisita: Hala! napipi na si Tandang Selo.
Narrator: Kamulat ang balita sa pagkapipi ni Tandang selo. Marami ang walang
pakialam. Dumating na si Tales na malungkot na malungkot. Pinapaalis na sila sa
kanilang tahanan. Kinabukasan, nakituloy si Simoun sa kanila.
Kabesang Tales: Pasok po kayo, Ginoong Simoun.
SImoun: Maraming salamat. (inilabas ang rebolber) Sa palagay niyo ba na sapat na ang
rebolber na ito laban sa mga tulisan?
Kabesang Tales: Ewan ko po pero meroon silang mga baril na malayo na ang narating.
(biglang nagdatingan ang mga bisita)
Simoun: (kinuha ang mga alahas)
Kapitana Tika at Sinang: Mga brilyante!
Simoun: Ito’y mga brilyanteng mahirap pantayan. Teka lang Kabesang tales, mayroon
ba kayong maiaalok sa akin?
Kabesang tales: Wala, ginoong simoun.
Sinang: Eh, nasaan po ang agnos na ibinigay ni Basilio kay Huli?
Kabesang tales: Pero Napakaimportante iyon para kay Huli na dating pag-aari ni Maria
Clara.
Simoun: kay… Maria Clara? (umoo si Tales) Papaano ito napunta kay Basilio?
Kabesang Tales: Ibinigay daw ito ni Maria Clara sa isang ketongin na nagpagamot kay
Basilio.
Simoun: Gusto ko itong bilhin nang Limang daang Piso!
Kabesang Tales: L-Limang daang Piso? Pero dapat malaman muna ito ni Huli.
Simoun: Ganun ba? Kayo ang bahala.
Narrator: Kinabukasa, Nakita ni Simoun na nawawala na ang kanyang rebolber at
nakita ang isang liham. Laking tuwa ni simoun nang Makita ang agnos ni Maria Clara.
Nang gabing iyon, tatlong bangkay ang natagpuan. Pugot ang mga ulo, may sumpal ng
lupa sa bibig at may katagang ‘Tales’.
·
7th scene Ang Paglaya ni Huli
Narrator: Dumalaw si Basilio kay HErmana Penchang para tubusin si Huli.
Basilio: Sige na po Hermana Penchang, payagan niyo na akong kunin si Huli? Hindi pa
ba sapat ang ginawa niyang pagpapaalila sa iyo.
Hermana Penchang: Kung gayun ang nangyari eh sana hindi ko na lang siya pinautang.
Hindi naman pala tutubo ang aking salapi.
Basilio: Huwag na kayong tumutol Hermana Penchang. Handa akong magbayad.
Hermana PEnchang: Hmmm…SIge payag na ako.
HUli at BAsilio: Paalam na po. (ngunit hindi kumibo ang ginang)
Huli: Salamat Basilio.
Basilio: Makita lang kitang Masaya ay Masaya na rin ako.
Huli: Pero hindi ko pa rin alam kung saan kami titira? Teka lang? bakit ka napangiti?
Basilio: Halika! May ipapakita ako! (Takbo at dumating sa isang kubo)
Huli: Basilio! Hindi ko talaga maisip kung papano kita pasasalamatan! Ingkong!
Basilio: Gagawin ko ang lahat para lang sa iyo kaya’t wala dapat alalahanin.
Huli: Salamat! (yakap)
·
8th scene- Placido Penitente
Placido Penitente: Ayoko na talagang mag-aral.
Juanito: (tinapik si Placido) Hoy Placido! Nakapag-aliw ka bang mabuti nung bakasyon?
Placido: Ewan… Ikaw?
Juanito: Masayang-masaya. May nakita akong magagandang mga babae. Teka-teka.
Ano ba nangyari
nung nakaraang mga araw?
Narrator: At sumagot si Placido at tumungo sa klase ngunit nagdadalawang isip siya.
Sa klase ng Pisika. Sinabi ng Propesor na labinlimang araw nang hindi pumapasok si
Placido ngunit hindi makapaniwala si Basilio. At Ininsulto siya ng Padre. Nagalit si
Placido.
Placido: Tama na, Padre! Alam kong mas mataas ang rango niyo ngunit wala kayong
karapatan na laitin ako! Hindi na ako makatiis kaya’t paalam na!
·
9th scene- Ginoong pasta
Narrator: Pumunta si Isagani kay Ginoong Pasta, isang bantog na abogado.
Ginoong Pasta: Bakit hinahangad niyo pang ituro ang wikang Kastila? Pagdating ng
panahong tubuan na kyo ng uban katulad ko, baka sabihin niyong hindi ako nagbulaan
sa inyo?
ISagani: Hindi ito isang pansariling kagustuhan. Ako’y napagutusan lamang. Ngayon
hindi mo pa masasabing ako’y nakatulong sa kapwa, pero bawat putting buhok ay
magsisilbing tinik ng aking kakulangan. Paalam!
Ginoong Pasta: Hanga ako sa kanya pero siya mismo ang gumagawa ng kanyang
sariling libingan.
·
10th scene- Bahay ni Quiroga
Narrator: Nagdaos ng piging sa bahay ni Quiroga dahil nais niyang magkaroon ng
konsulado ang mga intsik. Kinausap siya ni Simoun.
Simoun: Makinig kayo. ang siyam na libong utang mo ay gagawin kong Pitong libo kung
papayag kang itago rito ang ilang kaha ng baril na darating ngayong gabi? Wala ka
Quiroga: o singe… pangay awko.. (payag ako)
·
11th scene- Salu-salo
Narrator: Nagkaron ng salu-salo sa PAnciteria Macanista sina Pecson, Sandoval,
ISagani at Macaraig.
Sandoval: O mAcaraig, anon a ang nangyari sa nilalakad natin?
MAcaraig: SUmangayon ang lupon sa panukala at binate ang nag-aaral dahil sa
kanilang pagkauhaw sa karunungan.
Pecson: Kung gayon, tagumpay tayo?
Macaraig: Hindi ba ganap, Pecson. AT kaya lang tayo makakasama sa pamamahala sa
akademya ay tayo ang maniningil ng mga abuloy. Ibibigay iyon sa mga ingat-yamang
pipillin ng korporasyon. AT saka lang tayo bibigyan ng katibayan ng pagkakatanggap.
Isagani: ANg nakakatawa pa’y pinayuhan ako ni Padre Irene na magdiwang ng isang
piging.
MAcaraig: Piging na lason! Yan ang nararapat nating gawin!
Sandoval: Akala ko pa naman ay tagumpay tayo!
Pecson: Yan din ang akala ko.
·
11th scene- Bahay ni Kap. Tiyago.
Narrator: Gabi na ngunit nag-aaral pa rin si BAsilio habang binabantayan si KApitan
Tiyago.
bAsilio: KAilangan ko pang tapusin ito.
SImoun: Kumusta ang may-sakit BAsilio?
BASilio: AH! Ginulat niyo ako Ginoong SImoun! MAsama ang kanyang kalagayan at
maaari siyang mamatay anumang oras dahil kumalat ang lason sa kanyang katawan.
Simoun: Unti-unting nalalason katulad ng Pilipinas. HA-ha.BAsilio, makinig kang mabuti.
SA isang hudyat ay sisiklab ang isang himagsikan.
Basilio: Noon pa man ay ayaw kong sumali.
Simoun: Mamili ka BAsilio! KAMATAYAN O KINABUKASAN!
Basilio: Nakatitiyak ba kayo ng tagumpay?
Simoun: HAwak ko ang pamahalaan BASilio. NAsa aking mga kamay ang KApitan
heneral.
BAsilio: Pero ano ang gagain ko?
Simoun: Dahil hindi ako pede malayo sa gitna ng labanan, gusto kong puntahan mo
ang kumbento ng Sta. Clara at kunin mo ang isang importanteng babae na tayo lang
nakakakilala.
BAsilio: Si.. si Maria Clara?
Simoun: OO. SIya ang dahilan kaya ako’y nagbalik at maghiganti at himagsikan lamang
ang makakabukas sa kumbento.
BAsilio: PAtawad pero huli na kayo! PAtay na si Maria Clara!
Simoun: ano?... ang… SINUNGALING KA! Buhay pa siya! Duwag ka lang! Duwag!
BAsilio: Totoo ito! Siya’y nagkasakit at hindi na nakayanan.
Simoun: Patay na siya… NAmatay siyang hindi man lamang nalaman na ako’y buhay
pa. ANo na lang ang silbi ng lahat ng ginawa ko lung wala na siya… (umalis)
BAsilio: Kaawa-awang lalaki.
Narrator: KInabukasan, nagkaroon ng gulo sa paaralan.
BAsilio: ANo kaya ang nangyari? TAdeo! ano??
TAdeo: KAgabi ay natuklasan ang mga paskin na masama ang sinasabi.
BAsilio: AT Masaya ka?
TAdeo: SYempre naman! wala kayang klase! (Tumakbo)
BAsilio: JUanito! ano ba talaga nangyari?
Juanito: Malay ko ba?
BAsilio: Isagani, sino ang may pakana nito?
Isagani: Wala akong alam!
BAsilio: MAkapunta na lang kay MAcaraig para mangutang.
Narrator: Dumating si MAcaraig , kabo at dalawang kawal. Biglang hinuli si BAsilio at
sa sasakyan sila nag-usap.
Basilio: MAcaraig, gusto ko sanang mangutang…
MAcaraig: Yun lang? Marangal na pagkatao! Maasahan ka talaga BAsilio akala ko at
katulad ka nang iba. (Kinamayan ang binata)
·
13th scene- Huli
Narrator: Nadakip ang mga estudyante at kasali na rito si BAsilio. SInabi ito ni Padre
Irene kaya’t sumama ang loob ni KApitan TIyago. Dahil dun ay namatay siya. At naging
magarbo ang libing ni Kapitan Tiyago. Lumaganap ang balita at umabot rin it okay Huli.
Hermana Bali: Pumayag ka na Huli. Walang gagawing masama si Padre Camorra pag
nandito ako.
Huli: Pero hindi tayo nakakatiyak! Hindi siya nakuntento sa aking pasasalamat nung
ipinagtanggol niya si Ingkong.
HErmana Bali: MAniwala ka sa akin. Pababayaan mo na lang ba na mabulok si BAsilio
sa kulungan?
Huli: Sige na.. MAgtungo na taoy sa kumbento.. (Naglakad)
HErmana Bali: Kung ayaw mong pumasok eh umalis na lang tayo.
Huli: ( hindi sumagot pero kumatok sa pinto)
Narrator: Hindi na nalaman kung ano ang nangyari sa loob. Tahimik noon nang nahulog
ang isang katawan mula sa itaas at ang paglabas nang parang nababaliw na babae.
MArami ang naidulot ng mga paskin, marami rin ang hindi nakapasa. Kumalat rin sa
bayan ang pagpapakasal nina Juanito Pelaez at Paulita Gomez.
Paulita: Si Juanito na ang pakakasalan ko. Ayoko na kay Isagani. Iba ang kanyang mga
pangarap. Tumira sa Nayon? Hindi yan ang gusto ko! Gusto kong makapglakbay at
tumira sa syudad.Juanito, pakakasalan kita.
Juanito: Talaga? Salamat. Matutuwa talaga si Ama. Pupunta sina Simoun at ang
Kapitan Heneral!
·
14th scene Opisina ng Heneral
Kapitan Heneral: Basilio kamo?
Kawani: Palayain mo na po siya.
Kapitan: Hindi pwede! Isa itong leksyon sa mga taong tulad niya.
Kawani: PEro wala pong kasalanan ang binata.
Kapitan: Walang pero-pero. Ipapatay niyo ang lalaking iyo.
Kawani: Kung gayon ay magbibitiw na lang ako sa aking katungkulan at babalik sa
Europa.
Narrator: Umalis ang kawani. ISang lalaking binugbug ang nagsumbong kay BAsilio
tungkol sa nangyari. At nung nakalaya ay pinuntahan si Simoun na siyang tumulong sa
kanya.
Simoun: Oh basilio…
BASilio: PInaparusahan na ako ng Diyos! Panahon nang sumama na ako sa inyo.
Simoun: NAsa panig mo ang katarungan dahil kasama mo ako. Nilayuan ak opng
marami dahil sa panlalamig ko nitong huli.
BAsilio: At ngayon?
Simoun: Halika at tingnan mo ito?
BAsilio: Isang lampara? ANo.. ?
Simoun: Tingnan mo ang loob nito. MAyroon itong nitro-gliserina. May magaganap na
isang piyesta at sa ganap na ika-siyam ng gabi ay titiyak na puputok ang lampara dahil
hihilain ang mitsa. Ang pagputok ay siyang hudyat! MAririnig ng mga tulisan na
pinamumunuan ni Tales sa Sta. Mesa. Dalhin ninyo ang sasanib sa tindahan ni
Quirogo. AT kung ayaw ay patayin! Pilipino man o KAstila. At sa ganap na ika-10 ng
gabi ay hihintayin niyo ako sa San Sebastian.
Narrator: Kinuha ni BAsilio ang rebolber at umalis. HAbang naglalakad ay marami
siyang naiisip.
BAsilio: Hindi kop ala naitanong kay Ginoong SImoon kung nasaan ito? Teka nga.. Sina
Juanito at PAulita yung ah! Sila ang ikinasal? ANo na kaya ang nangyari kay ISagani?
Dito pala ang kasal sa bahay ni KApitan Tiyago.
Narrator: NAkita niya si Simoun na pumasok. SA bulwagan ng bahay ay maraming mga
opisyales ang bumisita. Binabati ni Don Timoteo PElaez ang mga bisita. Pupunta ang
KApitan HEneral.
Simoun: Eto ang regalo ko sa bagong kasal. (Inilagay sa mesa)
Kapitan Heneral: NApakaganda!
Simoun: Ikinalulungkot ko pero kailangan ko nang lumisan. PAalam!
Narrator: Pero nanaog ang kabaitan ni Basilio.
Guwardiya: Wag kang pumasok!
SImoun: ANo nangyayari ditto?
Guwardiya: Wala po Ginoong Simoun.
SImoun: (Dali-daling sumakay at tinitigan si BAsilio) SA escolta dali!
BAsilio: Umalis na siya! KAilangan kong makalayo! ISagani?
Isagani: NAndito lang ako para masaksihan ang aking pagkabigo.
BASilio: Umalis na tayo ditto ISagani!
ISagani: BAkit?
BAsilio: Gusto mong mamatay? Hindi mo ako lubos na maintindihan. NAkikita mo ang
lamparang iyon? Puputok iyan! Kaya umalis na tayo! (Tumakbo)
Narrator: Samanatala, isang liham ang nagpalipat-lipat.
KApitan hEneral: Juan Crisotomo Ibarra. Sino siya?
Padre Salvi: SIya nga! Ito ang kanyang LAgda!
Narrator: NAsindak ang lahat.
Don Custodio: Huwag na natin ito isipin. Isa lang yang biro!
KApitan HEneral: Mamatay na. Pakitaas ng Mitsa.
NArrator: Isang mabilis na anino ang kumuha ng lampara at tumalon sa may ilog. Nang
gabing iyon ay hindi narinig ang isang putok. Si MAtanlawin o KAbesang Tales ay
kinakatakutan. sa Luzon pero ang ibang mga tulisan ay nahuli at pinahirapan.
Guwardiya: Sino ang nag-utos sa inyo?
Tulisan: Si.. si… SImoun?
Guwardiya: Totoo ba yang sinasabi mo?
Tulisan: o.. opo..
Narrator: SA kabilang dako, SI Carolino o Tano at ilang kasamahan at pinapatay ang
mga alipin para wala nang trabaho. ISang lalake ang lumabas sa likod ng bato at
namukhaan niya ito. Pero Binaril niya. Isa pang lalake ang lumabas at binaril din niya at
nahulog. Nakilala niya na ito pala ang kanyang Ingkong na sabay turo sa lalakeng
nahulog na siyang si Tales.
·
15th scene- Last scene
Narrator: NAkatanggap si Padre Florentino ng isang telegrama. Natakoy si Don Tiburcio
de Espadana na siya ang tinutukoy na huhulihin kaya’t nagmamadaling umalis.
Nahulaan ni Padre Florentino na si Simoun ang tinutukoy sapagkat dumating itong
duguan. Inilaggan niya ito.
Padre Florentino: Ano kayang nangyari kay ginoong Simoun?
Simoun: Padre… hindi ko alam kung papaano ko kayo pasasalamatan.
Padre Florentino: Walang anuman pero ano nga ba ang nangyari sa inyo?
Simoun: isang kasalanan sapagkat ayoko nang maghirap! Tiyak na ang aking
kamatayan sapagkat uminom ako ng lason. AT may ipagtatapat ako sa inyo.. AKo si…
Juan Crisostomo Ibarra.
Padre Florentino: Diyos ko!
Simoun: Sana mapatawad ako ng panginoon.
Padre: Mapapatawad po. Marahil ay hindi lang niya nagustuhan ang pamamaraan
ninyo.
Simoun: (Nahihirapan huminga) Bakit ako lang ang nagdurusa?
Padre Florentino: Huwag mo siyang paghinanakitan.
SImoun: Gusto ko sanang mangumpisal..
Narrator: Nangumpisal si Simoun. at sa huling sandal ay ipinikit ang mga mata at hindi
na idinilat kailanman.
Padre Florentino: Kaawaan sana ang inyong kaululuwa.
Narrator: Kinuha niya ang mga kayamanan ni Simoun at tumungo sa dagat. Itinapon
niya ito.
Padre Florentino: Kung kailangan ka ng sino man sa mabuti ay sana’y iluwa ng
karagatan! Subalit kung nasa masamang paraan ay mas mabuti pang manatili ka isa
iyong malamig na libingan.
THE END!
Download