MATAAS NA PAARALANG RIZAL KAGAWARAN NG FILIPINO BAITANG 10 Taon Panuruan 2016 – 2017 PATIMPALAK NA MAKABULUHANG PAGHUGOT PAGTATANGHAL NG TULA – “SPOKEN WORD POETRY” Mga Layunin : 1. 2. 3. Nalilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagtula bilang bahagi ng masining na komunikasyon. Naitatampok ang mga sariling likhang tula sa paraang pasulat at pasalita. Matatangkilik ang mga likhang tula bilang paraan ng patriyotismo sa makabagong panahon. Mekaniks : 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. Ang pagsulat ng sariling katha ay bahagi ng awtput sa Filipino 10 ni G. Nerveza. Kinakailangan na angkop sa paksa ang isusulat at bibigkasin na tula. Ang paksa ay tungkol sa pag-ibig. Ang Spoken Word Poetry ay itatanghal ng baitang 10 pangkat 6 hanggang 10 ng MPR. Magkakaroon ng eliminasyon sa loob ng klase pipiliin ng ng guro ang dalawa na pinakamahusay na bumigkas ng tula gaya ng paraan ng pagbigkas ni G. Juan Miguel Severo o ni Abby Orbeta, kilalang Makata ng kanilang henerasyon. Ang napiling mag-aaral ay magiging kinatawan ng kanilang pangkat at makikipagtunggali sa iba pang napiling kalahok ng Baitang 10. Ipapasa ang soft copy ng tula kay G. Nerveza at kinakailngan kabisado ito ng bawat kalahok. Maaaring gumamit ng anomang uri ng musical instrument ang kalahok sa oras ng siya ay bibigkas ng tula. Kung hindi naman gagamit ang kalahok maaari naman isabay ang pagtula sa background music. Ang kalahok ay magsusuot ng angkop na kasuotan sa araw ng patimpalak. Ang hindi pagsipot sa itinakdang oras at araw ng patimpalak ay madidiskwalipika sa patimpalak. Araw ng Patimpalak : Agosto 29, 2016 Martes. 1:00 ng hapon (Bulwagan ng Eusebio, Gusali ng Alumni) Ang pasya ng hurado ay pinal at hindi na magbabago. Kriterya : I. KALIWANAGAN AT KALIDAD NG BOSES ---------------------------------- 30% A. Wastong pagbigkas ng bawat salita. II. PAGSASATONO / RITMO ----------------------------------------------------------- 20% A. Kinakitaan ng damdamin sa pagpapahayag . B. May tamang tiyempo sa pagpasok ng bawat salita. C. Maayos na paglapat ng tono at ritmo. III. HUSAY SA PAGTATANGHAL ----------------------------------------------------- 30% A. Nagamit ng buong husay ang entablado. B. Nagamit ng akma ang facial expression at mga kamay. C. Kinakitaan ng kumpiyansa sa sarili. IV. KASUOTAN ------------------------------------------------------------------------------- 10% A. Kaakit-akit sa mga mata ang isinuot na costume IV. KABUUANG DATING ----------------------------------------------------------------- 10% A. May kaaya-ayang prisensiya sa entablado. B. May magandang dating sa mga manonood at mga tagapakinig. Inihanda ni Kabuuan----------G. Albert Cruz Nerveza Guro sa Filipino 10 100%