10 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 4: Pagtanggap at Paggalang sa Kasarian Tungo sa Pagkakapantay-pantay Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 4: Pagtanggap at Paggalang sa Kasarian Tungo sa Pagkakapantay-pantay Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Editor: Tagasuri ng Nilalaman: Marie Cris F. Tecson Rubilita L. San Pedro Angelica M. Burayag, PhD / Bernadette G. Paraiso Marie Claire M. Estabillo / Lorna G. Capinpin Tagasuri ng Wika: Donna Erfe A. Aspiras / Bernadeth D. Magat Tagasuri sa ADM Format: Kristian Marquez Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat: Donna Oliveros / Bryan Balintec Glehn Mark A. Jarlego Tagaguhit: Jeiyl Carl G. Perucho Tagalapat: Katrina M. Matias Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD Angelica M. Burayag, PhD Ma. Editha R. Caparas, EdD Nestor P. Nuesca, EdD Marie Ann C. Ligsay, PhD Salome P. Manuel, PhD Rubilita L. San Pedro Marie Claire M. Estabillo Melvin S. Lazaro Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telefax: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: region3@deped.gov.ph 10 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 4: Pagtanggap at Paggalang sa Kasarian Tungo sa Pagkakapantay-pantay Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanikanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan ii Alamin Ang pagtanggap at paggalang sa kasarian ay isang seryosong usapin. At ang bawat isa ay hindi makaiiwas sa karahasan at diskriminasyon. Ano-anong hakbang ang maaari mong isagawa upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng iba’t ibang kasarian sa lipunan? Ang modyul na ito ay tumutukoy sa “Pagtanggap at Paggalang sa Kasarian Tungo sa Pagkakapantay-pantay”. Sa pagtalakay sa mga aralin ukol dito, ikaw ay makagagawa ng mga hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan. Pagkatapos mong basahin at isagawa ang mga gawain sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. nakasusuri ng mga prinsipyo ng Yogyakarta; 2. nakapagpapaliwanag ng gender and development; at 3. nakapagbibigay ng mga pamamaraan na nagtataguyod ng pagtanggap, paggalang, at pagkakapantay-pantay ng iba’t ibang kasarian sa lipunan. Subukin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag o tanong sa bawat bilang. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa isang papel. 1. Dahil sa dumaraming bilang ng mga kalalakihan, kababaihan at mga LGBTQIA+ na nakararanas ng karahasan at diskriminasyon, ang mga kinatawan ng mga grupong nagsusulong ng karapatang pantao ay nagtipon-tipon noong Nobyembre 6-9, 2006 sa Indonesia upang pagtibayin ang isang pandaigdigang pakikibaka para sa isyu ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. Ano ang naging bunga ng pagtitipong ito? A. pagbuo ng Prinsipyo ng Yogyakarta B. pagkakabuo ng Asosasyon ng LGBTQIA+ C. pagbuo ng Komisyon ng Karapatang Pantao D. pagkakabuo ng Gender Development Plan Framework 1 2. Binubuo ang prinsipyo ng Yogyakarta ng 29 na prinsipiyo. Saan nakaayon ang mga ito? A. Batas Pambansa B. Pandaigdigang Batas ng mga Kristiyano C. Batas ng Pagkakapantay-pantay sa lipunan D. Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao 3. Si Bataan Rep. Geraldine B. Roman ay ang kauna-unahang mambabatas na transgender. Siya ang nagpanukala ng SOGIE Equality Act. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang isinasaad sa sitwasyong ito? A. karapatang mabuhay B. karapatan sa trabaho C. karapatan sa edukasyon D. karapatang lumahok sa buhay-pampubliko 4. Tinitiyak ng estado na ang lahat ay mayroong pantay na oportunidad sa pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tubig at pananamit nang walang diskriminasyon anuman ang kasarian. Anong Prinsipyo ng Yogyakarta ang nagsasaad nito? A. karapatang magbuo ng pamilya B. karapatan sa malayang pagkilos C. karapatan sa seguridad ng pagkatao D. karapatan sa sapat na pamantayan ng pamumuhay 5. Si Danilo ay napatunayang may sala. Siya ay may karapatang maipagtanggol ang sarili sa tulong ng isang abogado sa harap ng korte o hukuman. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang nagsasaad nito? A. karapatan sa patas na paglilitis B. karapatan sa seguridad ng pagkatao C. karapatan sa hindi arbitraryong mapiit D. karapatan sa makataong pagtrato habang nakapiit 6. Ipinakikilala ng prinsipyong ito ng Yogyakarta na ang lahat ng tao ay isinilang nang malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. A. karapatan sa trabaho B. karapatang mabuhay C. karapatan sa pribadong buhay D. karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao 2 7. Hindi ininda ng mga miyembro ng LGBTQIA+ ang ulan upang isagawa ang isang mapayapang demonstrasyon. Ito ay naglalayon na maipaglaban ang kanilang karapatan. Ang pangungusap ay nagpapahayag na: A. anuman ang kasarian ay maaaring makibaka B. ang lahat ay may karapatan sa malayang asembleya C. ang lahat, anuman ang kasarian ay malaya sa pagpili ng relihiyon D. walang sinuman ang maaaring pigiling magtungo kung saan nila gusto 8. Si Ilo ay isa sa mga pasyenteng tinanggihan ng ilang mga ospital dahil sa siya ay kinakitaan ng sintomas ng COVID-19. Anong karapatan niya ayon sa Yogyakarta ang binalewala? A. karapatang tanggapin sa ospital B. karapatan sa mga pasilidad ng ospital C. karapatan sa social security at iba pang proteksiyong panlipunan D. karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang makakamit 9. Ang pagkakaloob ng proteksyong sosyal ay pananagutan ng pamahalaan lalo na ngayong panahon ng pandemic, kabilang dito ang benepisyo sa trabaho anuman ang kasarian. Aling prinsipyo ng Yogyakarta ang nagsasaad nito? A. karapatan sa trabaho B. karapatan sa seguridad ng buhay C. karapatan sa maayos na pamumuhay D. karapatan sa social security at iba pang proteksiyong panlipunan 10. Alin sa sumusunod ang hakbang ng pamahalaan na nagpapatupad ng pagtataguyod ng karapatan sa edukasyon ng bawat isa anuman ang kasarian? A. Ipagkait ang proteksiyon sa mga mag-aaral, kawani at guro. B. Balewalain ang disiplina sa mga institusyong pang-edukasyon. C. Siguruhin ang pagtanggap ng mga bagong guro at kawani sa paaralan. D. Matiyak na ang edukasyon ay nakatuon sa pag-unlad ng paggalang sa mga karapatang pantao. 11. Ito ay tumutukoy sa isang pananaw at proseso ng pag-unlad na mayroong pakikilahok at pagbibigay lakas, pagkakapantay-pantay, pagbibigay proteksiyon sa karahasan, may paggalang sa karapatang pantao at sumusuporta sa pagpapasiya sa sarili at pagsasakatuparan ng kakayahan ng isang tao. A. Gender and Equality C. Gender and Development B. Women in Development D. Gender Roles and Development 12. Paano makatutulong ang mga polisiya ng Gender and Development sa pagkakapantay-pantay ng lalaki at babae sa lipunan? A. pagpapatupad ng mga patakarang pangkabuhayan B. pagrereporma ng mga tradisyunal na pananaw sa bawat kasarian C. pagsusuri sa ginagawang pagtutulungan ng lalaki at babae sa lipunan D. pagpapanatili ng maayos na relasyon ng lalaki at babae sa pamayanan 3 13. Ang pagpapaunlad ng kasarian ay hindi lamang para sa mga kalalakihan, ito ay para sa mga kababaihan din. Paano pinauunlad ng GAD ang kapakanan ng mga kababaihan? A. pinahahayag ang malayang opinyon ng kababaihan B. pinagtitibay ang mga kakayahan ng kababaihan sa lipunan. C. pinahahalagahan ang pagkakakilanlang panlipunan ng kababaihan D. pinagbubuti ang mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan para sa kababaihan 14. Ayon sa GAD ang lalaki at babae ay mayroong pantay na pagkakataon sa pagkukunan ng kabuhayan para sa pamilya. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita nito? A. pantay na pagtrato sa pagpapaunlad na kaalaman B. pantay na access sa ligtas at malusog na kapaligiran C. patas na pagbibigay ng mga insentibo sa pagbili ng pangangailangan D. pantay na pakikilahok sa mga pagpapasya sa lahat ng antas sa trabaho 15. Bakit pinaglalaanan ng pamahalaan ng 5% ng badget ang Gender and Development? A. upang mapagtibay ang kaunlarang pangkasarian B. upang matugunan ang pangangailangan ng bawat isa C. upang makapagsagawa ng mga pagpupulong ang bawat ahensiya ng pamahalaan D. upang mapagbuti ang mga programa at proyekto, at matugunan ang mga isyung pangkasarian 4 Aralin 1 Pagtanggap at Paggalang sa Kasarian Tungo sa Pagkakapantay-pantay Sa natapos na modyul, nabigyang diin ang tungkol sa tugon ng pamahalaan ukol sa karahasan at diskriminasyon sa mga kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+. Dito mo rin natutuhan na patuloy na tinutugunan at itinataguyod ng pamahalaan ang husay at galing ng bawat kasarian. Naunawaan mo rin sa nakaraang modyul ang kahalagahan ng mga tugon ng pamahalaan sa mga isyu ng kasarian sa lipunan sa iyong buhay bilang isang mamamayan. Bagaman, hanggang ngayon ay walang partikular na batas para sa kalalakihan, patuloy pa ring tinutugunan ng pamahalaan ang anumang karahasan at diskriminasyong kanilang nararanasan. Patuloy ring isinusulong ang mga panukalang batas upang mabigyan ng proteksiyon ang mga LGBTQIA+. Halina’t pagtibayin natin ang iyong kaalaman sa nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa susunod na gawain. Balikan Panuto: Sagutin ang mga pahayag at tanong sa grapikong representasyon upang maibigay ang mga impormasyon tungkol sa tugon ng pamahalaan sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon sa kasarian. Isulat ang iyong sagot sa isang papel. Tugon ng Pamahalaan sa mga Isyu ng Diskriminasyon at Karahasan sa Kalalakihan, Kababaihan, at LGBTQIA+ Batas at organisasyon na nagbibigay ng proteksiyon sa kalalakihan, kababaihan, at LGBTQIA+: _______________________________ _______________________________________________________________________ Ano ang kahalagan nito sa iyo bilang mag-aaral, kasapi ng lipunan at pamilya? ______________________________________________________________________________ 5 Mga Tala para sa Guro Kailangang masiguro na mayroong panulat at papel na magagamit ang mag-aaral sa pagsagot niya sa mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito. Tiyakin din na siya ay magabayan sa mga nakahandang teksto sa aralin. Binabati kita! Naipamalas mo ang iyong husay sa pagsagot sa paunang gawain. Sa pagkakataong ito, tutulungan ka ng modyul na ito upang higit mong maunawaan ang pagtanggap at paggalang sa kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng lipunan. Sa pagtatapos naman ng modyul, ikaw ay inaasahang makagagawa ng mga hakbang upang maitaguyod ang pagtanggap at paggalang sa kapwa anuman ang kasarian. Simulan na nating linangin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng mga susunod na gawain. 6 Tuklasin Sa bahaging ito ng modyul, iyong mababasa ang isang tula na talaga namang pupukaw sa iyong imahinasyon. Unawain mo itong mabuti sapagkat ito ay makatutulong sa pagtahak mo sa kabuuan ng modyul. PAGKAKAIBA Ni: Marie Cris F. Tecson Respeto! Pitong letra, isang salita Wari' ba'y katumbas, mala-gintong halaga Hirap matamasa, lalo kung sa mata nila, ikaw ay iba. Sino ka nga ba at sino nga ba sila? Tayo nga ba'y may tunay na pagkakaiba? Bakit 'di alisin ang tingin sa limitadong nakikita ng mata At simulang pakinggan ang hinaing ng bawat isa? Marahil ako'y rosas at ikaw ay asul At sa kinalaunan bahaghari ay sumibol Maaaring sa kulay, tayo'y nagkaiba Ngunit hindi ba't sa isang obra, lahat ay mahalaga? Siya ngang sa mata ng tunay na May-Akda Babae't lalaki tanging Kaniyang likha Ang mapabilang sa pangatlong kasarian Ay isa nga bang pagkakasala? Iba-iba man ang ating kasarian Sa dulo'y iisa pa rin ang ating pinagmulan Kaya’t pagkakapantay-pantay ay itaguyod at ipaglaban Sapagkat tayong lahat ay may iisang karapatan. 7 Pamprosesong tanong: 1. Ano ang ipinahihiwatig ng tula? 2. Anong damdamin ang namayani sa iyo habang binabasa ang tula? Bakit? 3. Sino-sino ang mga karakter na ipinakikita sa tula? Ano ang kanilang pagkakaiba? 4. Paano makakamit ang respeto ng iba’t ibang kasarian? 5. Bilang mamamayan, paano ka makatutulong upang maitaguyod ang pagtanggap at paggalang sa kasarian? Suriin Sa bahaging ito ng aralin ay iyong matutunghayan ang nilalaman ng Prinsipyo ng Yogyakarta. Ito ay isinalin sa wikang Filipino ni G. Bonifacio P. Ilagan (GALANG Philippines, Mayo 2011). Suriin mong mabuti ang bawat prinsipyong ilalahad sa bahaging ito upang higit mong maunawaan kung paano maisusulong ang isang lipunang may pagtanggap at paggalang sa kasarian tungo sa pagkakapantay-pantay. Unawain ding mabuti ang teksto ng Gender and Development sa Pilipinas upang iyong mapagtatanto kung paano makatutulong ang isang aktibo at responsableng mamamayan sa pagtataguyod ng isang lipunang may pagtanggap at paggalang sa kasarian tungo sa pagkakapantay-pantay. Introduksiyon sa Mga Prinsipyo ng Yogyakarta Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay-pantay sa dignidad at mga karapatan. Lahat ng karapatang pantao ay unibersal, magkakasanib, hindi napaghihiwa-hiwalay, at magkakaugnay. Ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay nakasanib sa dignidad at pagkatao ng bawat isa, at hindi dapat maging dahilan ng diskriminasyon at abuso. Isang namumukod na pangkat ng mga eksperto sa mga karapatang pantao ang nagbalangkas, nagpaunlad, nagtalakayan, at nagpino ng mga prinsipyo. Matapos magpulong sa Gadjah Mada University sa Yogyakarta, Indonesia noong Nobyembre 6-9, 2006, may 29 na natatanging eksperto mula sa 25 bansa, na may iba’t ibang pinagmulan at kasanayan sa mga isyu ng batas sa mga karapatang pantao, ang nagbuklod sa Mga Prinsipyo ng Yogyakarta ukol sa Aplikasyon ng Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao kaugnay ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. 8 Nagkakaisa ang mga eksperto na ang Mga Prinsipyo ng Yogyakarta ay sumasalamin sa namamayaning kalagayan ng pandaigdigang batas ng mga karapatang pantao kaugnay ng mga isyu ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. Kinikilala din nila na ang mga Estado ay maaaring magkaroon ng mga karagdagang obligasyon sa paghuhubog ng batas sa mga karapatang pantao. Ang Mga Prinsipyo ng Yogyakarta ay nagpapatibay sa umiiral nang mga legal na pamantayang pandaigdig na nararapat sundin ng mga estado. Nagbibigay ang mga ito ng pag-asa para sa isang bagong hinaharap, na kung saan mangyayaring ang mga taong isinisilang na malaya at pantay-pantay sa dignidad at mga karapatan, ay nabubuhay ayon sa ganoong namumukod na karapatan. Pinatutungkulan ng Mga Prinsipyo ng Yogyakarta ang masaklaw na mga pamantayan ng mga karapatang pantao, at ang kanilang aplikasyon sa mga isyu ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. Pinagtitibay ng Mga Prinsipyo ang pangunahing obligasyon ng mga Estado sa pagpapatupad ng mga karapatang pantao. Mga Prinsipyo ng Yogyakarta 1. Ang karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao Lahat ng tao ay isinilang ng malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian, ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang pantao. 2. Ang mga karapatan sa pagkakapantay-pantay at kalayaan sa diskriminasyon. Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang walang diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Dapat kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa batas at sa proteksyon nito, nang walang anumang diskriminasyon, kahit may nasasangkot na iba pang karapatang pantao. Ipagbabawal sa batas ang ganoong diskriminasyon at titiyakin, para sa lahat, ang pantay at mabisang proteksyon sa anumang diskriminasyon. Ang diskriminasyong naguugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian ay maaari, o karaniwang pinalalala, ng diskriminasyong may kaugnayan sa iba pang usapin, gaya ng kasarian, lahi, edad, relihiyon, kapansanan, sakit, at kalagayang pang-ekonomya. 9 3. Ang karapatan sa pagkilala sa batas Sa batas, ang lahat ay may karapatang kilalanin bilang tao saan man. Ang mga taong may iba-ibang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay dapat na nagtatamasa ng mga kapasidad na legal sa lahat ng aspekto ng buhay. Ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian na pinili ng bawat isa ay di-maihihiwalay na bahagi ng kanyang katauhan at kabilang sa pinakabatayang aspekto ng pagpapasya sa sarili, dignidad, at kalayaan. 4. Ang karapatan sa buhay Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa consensual sexual activity ng mga taong nasa wastong gulang o batay sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. 5. Ang karapatan sa seguridad ng pagkatao Ang lahat ay may karapatan sa seguridad ng pagkatao at sa proteksyon ng estado laban sa karahasan o pisikal na pananakit, gawa man ng mga opisyal-gobyerno o sinumang tao o grupo. 6. Ang karapatan sa pribadong buhay Ang lahat ay may karapatan sa pribadong pamumuhay nang walang arbitraryo o labag sa batas na pakikialam ng iba. Kabilang sa karapatang ito ang nauukol sa pagpapamilya, tahanan, o pakikipagkomunikasyon sa iba, at sa proteksyon sa paninira ng dangal at reputasyon. Karaniwang nakapaloob sa karapatan sa pribadong pamumuhay ang kalayaang maglihim o magbigay ng impormasyon tungkol sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian, ang tungkol sa mga pagpapasya at pagdedesisyong may kinalaman sa sariling katawan at sa konsenswal na pakikipagrelasyong seksuwal at iba pa. 10 7. Ang karapatan na hindi arbitraryong mapiit Walang sinuman ang aarestuhin o ikukulong nang arbitraryo o basta-basta na lamang. Ang pag-aresto at pagkukulong dahil sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian, kahit na iniutos ng korte, ay arbitraryo. Dahil sa pagkakapantay-pantay, lahat ng tao na inaaresto, anuman ang oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian, ay may karapatan na pagpaliwanagan kung bakit sila inaaresto, at kung ano ang habla laban sa kanila; at kagyat na iharap sa isang opisyal ng hukuman at bistahan upang malaman ang katumpakan ng detensyon, naihabla man sila o hindi. 8. Ang karapatan sa patas na paglilitis Ang lahat ay may karapatan sa isang patas at pampublikong paglilitis ng isang mapapagkatiwalaan, independyente, at walang kinikilingang hukumang itinatag ayon sa batas; at kung nahahabla at naakusahan ng krimen, sa paglilinaw ng kanilang mga karapatan at obligasyon nang walang maling pag-iisip o diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. 9. Ang karapatan sa makataong pagtrato habang nakapiit Ang lahat ng pinagkaitan ng kalayaan ay tatratuhin nang makatao at may paggalang sa angking dignidad ng isang tao. Ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay hindi maihihiwalay sa dignidad ng bawat tao. 10. Ang karapatan laban sa torture at sa malupit, makahayop, o mapanghiyang pagtrato o pagpaparusa Ang lahat ay may karapatang hindi ma-torture at hindi ipailalim sa malupit, makahayop, o mapanghiyang pagtrato o pagpaparusa sa anumang dahilan. 11. Ang karapatang maipagtanggol laban sa lahat pagsasamantala, pagbebenta, at trafficking ng tao ng anyo ng Ang lahat ay may karapatang maging ligtas sa trafficking, pagbebenta, at iba pang anyo ng pagsasamantala, gaya, halimbawa, ng pagsasamantalang seksuwal nang dahil sa aktwal o inaakalang oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Ang mga hakbang kontra sa trafficking ay dapat na nagsasaalang-alang sa mga salik na naglalagay sa mga tao sa panganib, kabilang ang iba’t ibang anyo ng di-pagkakapantay-pantay at diskriminasyon; o ang pagpapakita ng mga ito o ng iba pang pagkakakilanlan. Ang mga nasabing hakbang ay hindi magiging taliwas sa mga karapatang pantao ng mga nanganganib na maging biktima ng trafficking. 11 12. Ang karapatan sa trabaho Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, sa makatarungan at paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa proteksyon laban sa disempleyo at diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. 13. Ang karapatan sa social security at iba pang proteksyong panlipunan Ang lahat ay may karapatan sa social security at iba pang proteksyong panlipunan nang walang diskriminasyong bunga ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. 14. Ang karapatan sa sapat na pamantayan ng pamumuhay Ang lahat ay may karapatan sa isang sapat na pamantayan ng pamumuhay, kabilang ang sapat na pagkain, ligtas na inuming tubig, angkop na sanitasyon at pananamit, at sa patuloy na pagpapaunlad ng kalagayan sa buhay. 15. Ang karapatan sa sapat na pabahay Ang lahat ay may karapatan sa sapat na pabahay, kabilang ang proteksyon sa pagpapalayas nang walang diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. 16. Ang karapatan sa edukasyon Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon, nang walang diskriminasyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. Ang mga Estado ay dapat tumiyak na ang edukasyon ay nakatuon sa pag-unlad ng personalidad, talino ng bawat estudyante, at ng kanilang abilidad na mental at pisikal sa kasukdulan ng kanilang potensyal; at tumutugon sa mga pangangailangan ng mga estudyante, anuman ang kanilang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian; 17. Ang karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang makakamit Ang lahat ay may karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang pisikal at mental nang walang diskriminasyong bunga ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Batayang aspekto ng karapatang ito ang kalusugang seksuwal at reproduktibo. 12 18. Proteksyon laban sa mga abusong medikal Walang sinuman ang mapipilit na sumailalim sa anumang medikal o sikolohikal na panggagamot, proseso, at pagsusuri, o kaya’y bimbinin sa isang pasilidad na medikal nang dahil sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Sa kabila ng anumang taliwas na klasipikasyon, ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ng isang tao ay hindi maituturing na sakit sa paano man tingnan; at kung gayon ay hindi nararapat na gamutin, pagalingin, o pigilin. 19. Ang karapatan sa malayang paglalahad ng opinyon at pamamahayag Ang lahat ay may karapatan sa malayang opinyon at pamamahayag, anuman ang kanilang oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Kabilang dito ang paghahayag ng anyo o pagkatao sa pamamagitan ng pananalita, pagdadala ng sarili, pananamit, katangian ng katawan, pagpili ng pangalan, o iba pa; gayundin ang kalayaang maghanap, tumanggap at mamahagi ng impormasyon at iba’t ibang ideya, kabilang ang nauukol sa mga karapatang pantao, oryentasyong seksuwal, at pagkakakilanlang pangkasarian, sa anumang paraan, at saan man. 20. Ang karapatan sa malayang asembleya at pagsapi sa mga samahan Ang lahat ay may karapatan sa malayang pagtitipon at pagsapi sa mga samahan, kabilang ang nauukol sa mapayapang demonstrasyon. 21. Ang karapatan sa malayang pag-iisip, konsensiya, at relihiyon Ang lahat ay may karapatan sa malayang pag-iisip, konsensiya, at relihiyon. Hindi maaaring gamitin ng Estado ang mga karapatang ito upang pangibabawin ang mga batas, patakaran, o gawi na pumapawi sa pantay na proteksyon ng batas, o kaya’y nagdudulot ng diskriminasyong sanhi ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. 22. Ang karapatan sa malayang pagkilos Ang lahat ng naninirahan nang legal sa loob ng isang Estado ay may karapatang pumunta kung saan nila gusto, at manirahan saan man sa nasasakupan ng nasabing Estado. Hindi maaaring ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay gamitin upang limitahan o pigilin ang paglalakbay nila saan man, kabilang ang sa sarili nilang Estado. 13 23. Ang karapatang humanap ng asilo Ang lahat ay may karapatang humanap at magtamasa ng asilo o santwaryo sa ibang bansa upang makaligtas sa pang-uusig. Hindi maaaring alisin, palayasin, o ipatapon ng isang Estado ang isang tao sa kung saan siya ay maaaring pahirapan, usigin, o dumanas ng pagmamalupit, makahayop o mapanghiyang trato, o pagpaparusa bunga ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian niya. 24. Ang karapatang magbuo ng pamilya Ang lahat ay may karapatang magbuo ng pamilya, anuman ang kanilang oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Ang mga pamilya ay may iba-ibang anyo. Walang pamilya ang dapat na dumanas ng diskriminasyon dahil sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian ng sinuman sa mga myembro nito. 25. Ang karapatang lumahok sa buhay-pampubliko Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko, kabilang ang karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga patakarang may kinalaman sa kaniyang kapakanan at upang mabigyan ng pantay na serbisyo-publiko at trabaho sa mga pampublikong ahensya, kabilang ang pagseserbisyo sa pulisya at militar, nang walang diskriminasyong sanhi ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. 26. Ang karapatang lumahok sa buhay-pangkultura Ang lahat, anuman ang kasarian ay may karapatang lumahok nang malaya sa buhay-pangkultura at upang ipahayag, sa pamamagitan ng pagsali sa mga usaping pangkultura, ang pagkakaiba-iba ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. 27. Ang karapatang magtaguyod ng mga karapatang pantao Ang lahat ay may karapatan, bilang indibiduwal, o sa pakikipagtulungan sa iba, na magtanggol at magpatupad ng mga karapatang pantao sa pambansa at pandaigdigang saklaw nang walang diskriminasyong sanhi ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Kabilang dito ang mga aktibidad na nakatuon sa pagtataguyod at proteksyon ng karapatan ng mga taong may iba-ibang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian; gayundin ang karapatan upang paunlarin, talakayin, at matanggap ng iba ang mga bagong kalakaran sa mga karapatang pantao. 14 28. Ang karapatan sa mabibisang lunas at pagtutuwid ng kamalian Bawat biktima ng paglabag sa mga karapatang pantao, ay may karapatan sa mabisa, sapat, at karampatang mga remedyo. Ang mga hakbang na naglalayong magbigay ng reparasyon, o nauukol sa ikabubuti ng mga biktimang may iba-ibang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian, ay hindi maihihiwalay sa karapatan para sa mabibisang lunas at pagtutuwid ng kamalian. Tumiyak na bukas sa lahat ng tao ang lahat ng kinakailangang impormasyon tungkol sa mga proseso ng remedyo at pagtutuwid ng kamalian. 29. Pananagutan Karapatan ng lahat na biktima ng paglabag sa mga karapatang pantao, kabilang ang mga nakapaloob sa Mga Prinsipyong ito, na papanagutin ang mga maysala, sila man ay tuwiran o di-tuwirang responsable, opisyal man ng gobyerno o hindi. Ang pananagutan nila ay magiging simbigat ng kanilang paglabag. Walang palusot o kaligtasan para sa mga lumalabag sa mga karapatang pantaong kaugnay ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Mahusay! Natapos mong basahin at unawain ang mga Prinsipyo ng Yogyakarta. Ngayon naman ay pagtuunan mo ng pansin ang Gender and Development. Paano nito maisusulong ang pagtanggap at paggalang sa kasarian tungo sa pagkakapantaya-pantay. Gender and Development Ayon sa Komisyon ng Kababaihan sa Pilipinas ang Gender and Development (GAD) ay isang pananaw at proseso ng pag-unlad na mayroong pakikilahok at nagbibigay lakas, pagkakapantay-pantay, napapanatili, malaya sa karahasan, may paggalang sa karapatang pantao, sumusuporta sa pagpapasiya sa sarili at pagsasakatuparan ng mga kakayahan ng tao. Ang Gender and Development ay binuo noong 1980 bilang alternatibo sa Women in Development (WID). Hindi tulad ng WID, ang GAD ay hindi partikular na para sa lamang sa mga kababaihan. Ito ay nakatuon din sa paraan kung paano ang isang lipunan ay nagtalaga ng mga tungkulin at responsibilidad na inaasahan sa kalalakihan at kababaihan. Isinasagawa ng GAD ang pagsusuri sa kasarian upang malaman kung saan nagkakaroon ng pagtutulungan ang mga kalalakihan at kababaihan, na naglalahad ng mga resulta sa kabuhayan at kakayanan ng bawat isa ng may pagkakapantay-pantay. 15 Ang pangunahing pokus ng GAD ay ang dalawang mahalagang balangkas nito, ang Gender Roles at Social Relations Analysis. Ang Gender Roles ay nakatuon sa pagbuo ng mga pagkakakilanlan sa lipunan at ang pagiging patas ng lalaki at babae sa pagkukunan ng pangkabuhayan. Ang Social Relations Analysis naman ay nakatuon sa pag-aaral ng panlipunang katayuan ng kalalakihan at kababaihan sa lipunan. Ninanais ng GAD na ang mga kababaihan ay may kaparehong pagkakataon tulad ng kalalakihan, kabilang na rito ang kakayahang lumahok sa pampublikong sektor. Ang mga patakaran ng GAD ay naglalayong repormahan ang tradisyunal na pananaw na ginagampanan ng bawat kasarian. Gender and Development sa Pilipinas Ang Plano ng Pilipinas para sa Gender and Development, para sa mga taong 1995-2025, ay isang pambansang plano na tumutugon at naglalayon ng pagkakapantay-pantay at kaunlaran para sa kalalakihan at kababaihan. Inaprubahan at pinagtibay ito ng dating Pangulong Fidel V. Ramos bilang Executive Order No. 273, noong Setyembre 8, 1995. Ito ang kahalili ng Philippine Development Plan para Kababaihan, 1989-1992, na pinagtibay ng Executive Order No. 348 ng Pebrero 17, 1989. Ang gobyerno ay naglalaan ng 5 porsiyento ng badyet para sa iba’t ibang ahensiya nito. Ito ay upang higit na mapagbuti ang mga polisiya at patakaran ukol sa pagpapaunlad ng kasarian. Gayundin, ang bawat ahensiya ng gobyerno ay naglalayon na makapagsagawa ng mga pagsasanay para sa pagpapaunlad ng kasarian at matugunan ang isyu ukol rito. Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Ngayon ay makatutulong sa iyo ang mga sumusunod na gawain upang masukat mo ang iyong pag-unawa sa natapos na babasahin. 16 Pagyamanin A. Gulong ng Kaalaman Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa gulong ng kaalaman at isulat sa isang papel. _______ 1. Karaniwang kinapapalooban ng kalayaang maglihim o magbigay ng impormasyon nang walang pakikialam ng iba. _______ 2. Ito ay ang pag-aresto o pagkulong nang hindi basta-basta na lamang. _______ 3. Ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay di’ maihihiwalay sa dignidad na ito. _______ 4. Ito ay isang pagpaparusa. malupit, maka-hayop, o mapanghiyang pagtrato o _______ 5. Ito ay isang anyo ng pananamantala, pagbebenta at pagsasamantalang seksuwal. 17 B. GAD says Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng bawat pangungusap. Piliin ang titik ng iyong sagot mula sa kahon at isulat ito sa isang papel. A. Government B. Gender Roles C. Women in Development D. Gender and Development E. Social Relations Analysis F. Philippine Development Plan for 1995-2025 1. Isang pambansang plano na tumutugon at naglalayon ng pagkakapantay-pantay at kaunlaran para sa kalalakiha at kababaihan 2. Ito ay nakatuon sa pagbuo ng mga pakakakilanlan sa lipunan at ang pagiging patas ng lalaki at babae sa pagkukunan ng kabuhayan. 3. Ito ang naglalaan ng 5 porsiyentong badget upang higit na mapagbuti ang mga polisiya at patakaran ukol sa pagpapaunlad ng kasarian. 4. Isang pag-aaral na lipunang kinatatayuan ng kalalakihan at kababaihan sa lipunan. 5. Isang pananaw at proseso ng pag-unlad na mayroong pakikilahok ng lalaki at babae upang itaguyod ang paggalang at pagkakapantay-pantay ng lalaki at babae sa lipunan. C. Suri-Larawan Panuto: Suriin ang bawat larawan at tukuyin kung anong prinsipyo ng Yogyakarta ang ipinakikita nito. Piliin ang sagot mula sa kahon at isulat ito sa isang papel. Karapatan Karapatan Karapatan Karapatan Karapatan Karapatan 1. sa sa sa sa sa sa buhay trabaho edukasyon sapat na pamantayan ng pamumuhay malayang paglalahad ng opinyon at pamamahayag pinakamataas na pamantayan ng kalusugang makamit 2. 3. 4. 5. 18 D. Hephep… Hooray… Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Isulat ang salitang Hooray kung ito ay saklaw ng prinsipyo ng Yogyakarta at Hephep kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa isang papel. __________ 1. Ang samahan ng mga LGBT ay nag-organisa ng isang webinar upang ipaglaban ang kanilang karapatan. __________ 2. Si Marikit na isang transgender ay kaanib ng isang relihiyon. __________ 3. Piniling manirahan ng mag-partner na Nil at Al sa France upang bumuo ng pamilya dahil sa sila ay pawang miyembro ng LGBT. __________ 4. Hindi pinayagan si Verdan na lumahok sa pulitika. __________ 5. Isang lalaki ang hindi natanggap sa paaralang kaniyang nais pasukan upang magturo sapagkat pawang mga babae lamang ang nagtuturo rito. E. Solusyunan Natin! Panuto: Gamit ang fishbone technique ibigay ang magiging tugon sa mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang sagot sa isang papel. 19 F. Ikomento mo! Panuto: Pagmasdan ang larawan at ilagay ang iyong opinyon patungkol dito. Ipahayag ang iyong pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon sa paglalagay ng panibagong palikuran(toilet) para sa lalaki at babae at iba pang kasarian. Isulat ang sagot sa isang papel. Isaisip #PUNAN MO AKO Panuto: Punan ng angkop na mga kasagutan ang “Bintana ng Pag-unawa sa Paggalang at Pagtanggap sa Kasarian”. Gayahin ang pormat sa ibaba. Isulat ang sagot sa isang papel. REYALISASYON INTEGRASYON Bagong kaalaman na tumatak sa Sitwasyon na kung saan mo iyong isipan magagamit ang kaalamang nakuha sa aralin EMOSYON AKSYON Pag-gamit ng emoticon na Pangakong gagawin upang maglalarawan ng iyong nararamdaman maisulong ang pagtanggap at paggalang base sa iyong naging sagot sa bintana ng sa kasarian integrasyon 20 Isagawa #ISULONG NATIN ITO Panuto: Sumulat ng isang patalastas o anunsyong pandyaryo o pantelebisyon na nagpapakita ng mga pamamaraan sa pagtanggap at paggalang sa kasarian tungo sa pagkakapantay-pantay. Gamiting gabay ang mga pamantayan sa rubrik. Isulat ang iyong sagot sa isang papel. Rubriks ng Pagmamarka Pamantayan Nilalaman Organisasyon Napakagaling Magaling Hindi gaanong magaling (3 puntos) Medyo magulo ang laman ng patalastas o anunsyo sa pagtanggap at paggalang sa kasarian (2 puntos) Magulo at hindi maunawaan ang patalastas o anunsyo sa pagtanggap at paggalang sa kasarian Hindi magaling (5 puntos) Malinaw at madaling unawain ang patalastas o anunsyo sa pagtanggap at paggalang sa kasarian (4 puntos) Hindi gaanong maunawaan ang patalastas o anunsyo sa pagtanggap at paggalang sa kasarian Maayos at may malaking kaunayan sa paksa ang patalastas o anunsyo sa pagtanggap at paggalang sa kasarian Hindi gaanong maayos ang kaunayan sa paksa ng patalastas o anunsyo sa pagtanggap at paggalang sa kasarian Kaunti ang kaunayan sa paksa ng patalastas o anunsyo sa pagtanggap at paggalang sa kasarian Walang kaugnayan sa paksa ang patalastas o anunsyo sa pagtanggap at paggalang sa kasarian Hindi gaanong nakahihikayat ang patalastas o anunsyo na nagsusulong ng pagkakapantaypantay Medyo nakahihikayat ang patalastas o anunsyo na nagsusulong ng pagkakapantaypantay Walang panghihikayat ang patalastas o anunsyo na nagsusulong ng pagkakapantaypantay Pagkamalikhain Nakahihikayat ang patalastas o anunsyo na nagsusulong ng pagkakapantaypantay 21 Tayahin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag, sitwasyon, at tanong. Isulat ang iyong sagot sa isang papel. 1. Patuloy na nagpapatupad ang pamahalaan ng mga hakbang upang maitaguyod ang karapatan ng bawat isa sa edukasyon anuman ang kasarian. Alin sa mga sumusunod ang hakbang na ito ng pamahalaan? A. Balewalain ang disiplina sa mga institusyong pang-edukasyon B. Siguruhin ang pagtanggap ng mga bagong guro at kawani sa paaralan. C. Hindi pagbibigay sa mga pangangailangan ng mag-aaral, kawani at guro. D. Matiyak na ang edukasyon ay nakatuon sa pag-unlad ng paggalang sa mga karapatang pantao. 2. Kinakitaan ng sintomas ng COVID-19 ang isang lalaki. Siya ay tinanggihan ng ilang mga ospital upang gamutin. Anong karapatan niya ayon sa Yogyakarta ang binalewala? A. karapatan na tanggapin sa ospital B. karapatan sa mga pasilidad ng ospital C. karapatan sa social security at iba pang proteksyong panlipunan D. karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang makakamit 3. Si Danilo ay napatunayang may sala. Siya ay may karapatang maipagtanggol ang sarili sa tulong ng isang abogado sa harap ng korte o hukuman. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang nagsasaad nito? A. karapatan sa patas na paglilitis B. karapatan na seguridad ng pagkatao C. karapatan sa hindi arbitraryong mapiit D. karapatan sa makataong pagtrato habang nakapiit 4. Si Bataan Rep. Geraldine B. Roman ay ang kauna-unahang mambabatas na transgender. Siya ang nagpanukala ng SOGIE Equality Act. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang isinasaad sa sitwasyong ito? A. karapatang mabuhay B. karapatan sa trabaho C. karapatang lumahok sa buhay-pampubliko D. karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao. 22 5. Ang karahasan at diskriminasyon ay patuloy na nararanasan ng iba’t ibang kasarian sa lipunan. Kaya, ang mga kinatawan ng mga grupong nagsusulong ng karapatang pantao ay nagtipon-tipon noong Nobyembre 6-9, 2006 sa Indonesia upang pagtibayin ang isang pandaigdigang pakikibaka para sa isyu ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. Ano ang naging bunga ng pagtitipong ito? A. pagbuo ng Prinsipyo ng Yogyakarta. B. pagkakabuo ng Asosasyon ng LGBTQIA+ C. pagbuo ng komisyon ng karapatang ng mga kasarian D. pagkakabuo ng samahan na nagsusulong sa kasarian 6. Hindi ininda ng mga miyembro ng LGBTQIA+ ang ulan upang isagawa ang isang mapayapang demonstrasyon upang maipaglaban ang kanilang karapatan. Ang pangungusap ay nagpapahayag na: A. anuman ang kasarian ay maaaring makibaka B. ang lahat ay may karapatan sa malayang asembleya C. ang lahat, anuman ang kasarian ay malaya sa pagpili ng relihiyon D. walang sinuman ang maaaring pigiling magtungo kung saan nila gusto 7. Ito ay pamimilit sa isang taong sumailalim sa isang sikolohikal na paggagamot, pagsusuri o kaya’y pagbimbin sa isang pasilidad na medikal. A. abusong medikal C. pribadong buhay B. malayang pagkilos D. sapat na kalusugan 8. Ayon sa Gender and Development ang lalaki at babae ay mayroong pantay na pagkakataon sa pagkukunan ng kabuhayan para sa pamilya. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita nito? A. pantay na pagtrato sa pagpapaunlad na kaalaman B. pantay na access sa ligtas at malusog na kapaligiran C. patas na pagbibigay ng mga insentibo sa pagbili ng pangangailangan D. pantay na pakikilahok sa mga pagpapasya sa lahat ng antas sa trabaho 9. Ito ay pagtatamasa ng mga kapasidad na legal sa lahat ng aspekto ng buhay anuman ang kasarian. A. pribadong buhay C. pagkilala ng batas B. maka-taong pagtrato D. seguridad sa pagkatao 10. Isang aplikanteng lalaki ang hindi tinanggap sa paaralang kaniyang inaaplayan sapagkat pawang mga babae lamang ang nagtuturo rito. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang nabalewala? A. karapatang mabuhay C. karapatan sa malayang pagkilos B. karapatan sa trabaho D. karapatang magbuo ng pamilya 23 11. Ang pagpapaunlad ng kasarian ay hindi lamang para sa mga kalalakihan, ito ay para sa mga kababaihan din. Paano pinauunlad ng GAD ang kapakanan ng mga kababaihan? A. pinahahayag ang malayang opinyon ng kababaihan B. pinagtitibay ang mga kakayahan ng kababaihan sa lipunan. C. pinahahalagahan ang pagkakakilanlang panlipunan ng kababaihan D. pinagbubuti ang mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan para sa kababaihan 12. Bakit pinaglalaanan ng pamahalaan ng 5% ng badget ang Gender and Development? A. upang mapagtibay ang kaunlarang pangkasarian B. upang matugunan ang pangangailangan ng bawat isa C. upang makapagsagawa ng mga pagpupulong ang bawat ahensiya ng pamahalaan D. upang mapagbuti ang mga programa at proyekto, at matugunan ang mga isyung pangkasarian 13. Ang pagkakaloob ng proteksyong sosyal ay pananagutan ng pamahalaan lalo pa ngayong panahon ng pandemic, kabilang dito ang benepisyo sa empleyo anuman ang kasarian. Aling prinsipyo ng Yogyakarta ang nagsasaad nito? A. Karapatan sa trabaho B. Karapatan sa maayos na pamumuhay C. Karapatan sa social security at iba pang proteksiyong panlipunan D. Karapatang maipagtanggol laban sa lahat ng anyo ng pagsasamantala 14. Ito ay tumutukoy sa isang pananaw at proseso ng pag-unlad na mayroong pakikilahok at pagbibigay lakas, pagkakapantay-pantay, pagbibigay proteksiyon sa karahasan, may paggalang sa karapatang pantao at sumusuporta sa pagpapasiya sa sarili at pagsasakatuparan ng kakayahan ng isang tao. A. Gender and Equity C. Gender and Development B. Equality and Equity D. Gender Roles and Development 15. Paano makatutulong ang mga polisiya ng GAD sa pagkakapantay-pantay ng lalaki at babae sa lipunan? A. pagpapatupad ng mga patakarang pangkabuhayan B. pagrereporma ng mga tradisyunal na pananaw sa bawat kasarian C. pagsusuri sa ginagawang pagtutulungan ng lalaki at babae sa lipunan D. pagpapanatili ng maayos na relasyon ng lalaki at babae sa pamayanan 24 Karagdagang Gawain #PANATA KO Panuto: Bilang isang responsableng mamamayan ng iyong komunidad, sumulat ka ng isang pangako na iyong isusulong ang pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang makamit ang isang lipunang may pagkakapantay-pantay. Bilang isang responsableng mamamayan, ipinangangako kong _________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________. 25 Subukin 1. A 2. B 3. D 4. D 5. A 6. C 7. B 8. D 9. D 10. D 11. C 12. B 13. D 14. D 15. D C. 1. 2. 3. 4. Pagyamanin A. 1. Pribadong buhay 2. Arbitraryo 3. Makataong pagtrato 4. Torture 5. Traficking B. 1. F 2. B 3. A 4. E 5. D 5. 26 Karapatan sa trabaho Karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang makamit Karapatan sa sapat na pamantayan ng pamumuhay Karapatan sa edukasyon Karapatan sa malayang paglalahad ng opinyon at pamamahayag D. 1. Hooray 2. Hooray 3. Hooray 4. Hephep 5. Hephep E. - Gagamitin ang social media upang isulong ang patakarang ipinatutupad ng aming barangay ukol sa pagkakapantay-pantay ng kasarian. Hihikayatin ko rin ang aking pamilya at mga kaibigan na suportahan ito. - Igagalang ko at kikilalanin ang kanilang mga gawa. -Sa pamamagitan ng paggalang at pagrespeto sa bawat isa. F. - Ako ay sumasang-ayon na magkaroon ng tiyak na comport room para sa LGBT community. Upang hindi na sila makaranas ng diskriminasyo sa tuwing sila ay gagamit nito. Isaisip (Ang pagsasabi ng bakla at tomboy sa aking kamag-aral ay mali pala. Kaya simula ngayon ay hindi ko na sila ituturing na kakaiba. (Ang paggalang at pagresto sa ibang kasarian ay makakatutulong upang mabawasan ang karahasan at diskriminasyon) (Respeto at paggalang sa ibang kasarian) Sitwasyon na kung saan mo magagamit ang kaalamang nakuha sa aralin Bagong kaalaman na tumatak sa iyong isipan INTEGRASYON REYALISASYON Pangakong gagawin upang maisulong ang pagtanggap at paggalang sa kasarian Pag-gamit ng emoticon na maglalarawan ng iyong nararamdaman base sa iyong naging sagot sa bintana ng integrasyon AKSYON EMOSYON ☺ Tayahin 1. D 2. D 3. A 4. C 5. A 6. B 7. A 8. C 9. B 10. C 11. C 12. D 13. C 14. C 15. B (Ako ay nangangako na igagalang at irerespeto ang aking kapwa anuman ang kanilang kasarian upang ang bawat isa ay kilalanin sa lipunan) Susi sa Pagwawasto Sanggunian “Gender and Development.” Department of Labor and Employment, Bureau of Workers with Special Concerns. http://bwsc.dole.gov.ph/publications/gad.html?fbclid International Commission of Jurists (ICJ). Yogyakarta Principles - Principles on the Application of International Human Rights Law in relation to Sexual Orientation and Gender Identity. Translated by Bonifacio P. Ilagan. GALANG Philippines, 2011. http://www.galangphilippines.org/media/Yogyakarta-Filipino.pdf?fbclid “K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes.” DepEd Commons. https://commons.deped.gov.ph/melc 27 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education Region III - Learning Resources Management Section (DepEd Region III - LRMS) Office Address: Matalino St., D.M. Government Center Maimpis, City of San Fernando (P) Telefax: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: region3@deped.gov.ph 28